My Lost Husband (Cousinhood S...

By HanjMie

603 5 1

Cousinhood Series 4: My Lost Husband Written by: Ji Mie Han (HanjMie) Ashley Cortez has everything in life. S... More

Chapter Spoiler
Questions
CHAPTER SPOILER TWO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FIVE
MLH THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
SPECIAL CHAPTER: LOST MEMORIES

CHAPTER THIRTY-FOUR

10 0 0
By HanjMie

🌷🌷🌷

"CARE TO EXPLAIN WHAT I SAW?" Lumipat sila sa isang restaurant na di kalayuan sa café na pinanggalingan nila.

Huminga ng malalim si Ashley bago sinalubong ang tingin ni Lorenzo. Alam niyang hindi niya matatakasan ang kaibigan kahit anong gawin niya.

"I'm sorry if I hide this from you. Ilang buwan natin mula ng kasal ng pinsan ko at nakilala ko si Enzo. Nagulat din ako kagaya mo ng makita siya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Lorenzo at akala ko din ay siya ang asawa ko. I investigate him and I found out that he lost his memory. Magkatugma ang araw na nakita siya sa araw ng aksidente ni Lorenzo."

"Are you thinking that he is my brother? Kaya ka ba nakikipaglapit sa lalaking iyon?" Agad ng tanong ni Dennis.

"I am. Kahit saang anggulo kasi tingnan ay kamukha niya si Lorenzo. Hindi maaring nagkataon lang ang lahat ng tungkol sa kanya. Kaya pumunta ako sa resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. I stay there for four days to get a hair sample. I plan to run a DNA test to him." Yumuko siya ng sabihin iyon.

"What? Nababaliw ka na ba, Ashley." Napataas ang boses ni Dennis. Mabilis itong nahawakan ni Sofia sa braso para pakalmahin.

"I'm sorry. I just want to know the truth."

"Ashley, paano kung hindi siya si Kuya? Masasaktan ka lang ulit. Alam natin lahat na wala na siya. It's been years since he died from that accident. Tanggap mo na din naman na wala na siya, di ba?" May pagsusumamong tanong ni Dennis.

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili siyang nakayuko. Biglang naninikip ang kanyang dibdib. Nasasaktan siya ng mga sandaling iyon. Nararamdaman niya ang pamamasa ng kanyang mga mata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa dulong bahagi ng kanyang suot na damit.

"Ashley, lahat tayo ay nasaktan sa pagkawala ni Kuya. Alam kong masakit iyon sa iyo dahil ilang buwan palang kayong nagsasama bilang mag-asawa. At ngayon na may nakita kang kamukha niya, alam kong nais mong panghawakan na maaring siya ang Ku---"

"I should accept it right, Dennis? Akala ko nga ay tanggap kong wala na siya at hindi na siya babalik pa. Pero ng makilala ko si Enzo, biglang nabuhayan ako ng loob na maaring buhay pa ang Kuya mo. I love him and I never love a man like him. Sa lumipas na ilang taon ay nanatili siya sa puso ko. Walang kahit sinong lalaking maaring makapagpabago ng nararamdaman ko sa kanya." Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya.

"Ashley..."

"Dennis, alam mo ba na minsan lang magmahal kaming mga Cortez. Hindi niyo ba napapansin ang nangyayari ngayon sa pamilya namin? Cole is in jail because he loves his best friend so much. Alex is willing to die just to protect his wife, Anna. Kuya Tim... Kuya Tim is broken heart because the love of his life left him. At ako, ilang taon na bang wala si Lorenzo pero nanatili siya sa puso ko. Walang gabi na hinihiling kong sana ay katabi ko siya at kayakap. Na sana kasama ko pa rin siya. He just gone in a snap, Dennis. At it was my fault that he is not with us." Nagtaas siya ng tingin.

"Ashley, I told you many times. Hindi mo kasalanan na nawala si Kuya. Aksidente ang lahat. Hindi mo gi----"

"Hindi aksidente ang nangyari kay Lorenzo, Dennis." Pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ni Dennis.

"Hindi aksidente ang nangyari sa asawa ko. May nagplano ng lahat. Silang dalawa ni Alex ang target ng dati kong manliligaw. Nais niyang patayin ng araw na iyon si Alex at Lorenzo. May inutusan siyang tao na paki-alaman ang makina ng chopper ni Alex."

Nakita niya ang pagbago ng emosyon sa mukha ni Dennis. Napansin niya din ang paghigpit ni Sofia ng hawak sa braso ng kaibigan.

"Anong sinasabi mo, Ashley? Someone killed my brother?"

"Yes." Tumungo pa siya at nag-iwas ng tingin. "Terence Javier. Isa siya sa mga nanligaw sa akin noong nasa koliheyo ako. Minsan na niya kaming nakita ni Lorenzo na magkasama. Ang totoo ay galit din siya sa pamilya namin. Ang kapatid niyang si Trixie ay dating kasintahan ni Cole. Matindi ang galit niya sa dalawa kong pinsan at siguro ay ganoon din sa akin. I'm so sorry kung nadamay si Lorenzo." Yumuko siya.

Hindi nakapagsalita si Dennis. Ngayong nalaman na nito ang lahat, wala na siyang mukhang maihaharap sa kaibagan. It was really their fault. Kasalanan nila kung bakit nawala sa kanila si Lorenzo ng ganoon na lang.

"I know it was my fault. I can't help it but blame myself also. Kasalanan ko naman kasi talaga ang lahat. Ako ang nagsabi sa Kuya mo na magpakasal kami. Ako ang may gusto ng lahat ng iyon at hindi siya. Kung maibabalik ko lang ang lahat. I won't force him to marry mo. Gumawa sana kami ng ibang paraan para hindi siya makasal kay Cathness. It was my fault. At hindi kita masisisi kung magalit ka nga---"

"Do you think I will blame you after what I heard?" May galit na tanong ni Dennis sa kanya.

Yumuko siya. Hindi niya kayang salubungin ang galit na mga mata nito. Muling namuo ang luha sa kanyang mga mata. Inaasahan na niya ang bagay na iyon kay Dennis. Alam na niya at hinanda na niya ang sarili niya sa bagay na iyon pero bakit masakit pa rin?

"It's never been your fault, Ashley. Sa totoo lang kahit isang beses ay hindi kita sinisi sa pagkawala ni Kuya. Kasi alam ko na hindi niya iyon magugustuhan."

Nagtaas ng tingin si Ashley. Napatingin siya sa mukha ng kaibigan. Naging malambot na ang ekpresyon ng mukha nito.

"Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan talaga ng pamilya niyo simula ng mamatay si Kuya, Ashley. Marami akong naririnig pero hindi ko alam kung totoo ba. Alam kong ayaw mong makipag-usap sa akin dahil sa nangyari at nirespeto ko iyon. But if you're thinking that I will blame you for what happen to my brother, please don't. Hindi mo ginusto ang nangyari at ang pagpakasal mo sa Kuya ko. You didn't force him. No one can force my brother to marry you. Mahal ka niya kaya ka niya pinakasalan." Huminga ng malalim si Dennis.

"Sinabi sa akin minsan ni Kuya na takot siyang mawala ka. Sa totoo lang ay nais ka din niyang itali simula ng maging kayo. He doesn't know love until he meets you. Ikaw lang ang nagpabago sa paniniwala ni Kuya. At ikaw din ang nagpabago sa kanya. Kung nandito siya ay siguradong sasabihin niya na ikaw ang babaeng nais niyang mahalin hanggang sa huli. That guy, he killed my brother. We do something about him." Tumingin si Dennis kay Sofia.

Napansin niyang nag-uusap sa mga mata ang dalawa. Tumikhim siya para kunin ulit ang atensyon ng mga ito. Sabay naman na tumingin sa kanya ang dalawa.

"I have to tell you something. Sa tingin ko ay sinusundan ako ni Terence. Minsan na siyang lumapit sa akin."

Nanlaki ang mga mata ni Dennis at Sofia.

"Lumapit siya sa iyo?"

"Yes. Nalusutan niya ang body guard ko ng isang beses. Kaya alam kong naghihintay ulit siya ng pagkakataon para masulo ako. I don't know why he keeps on coming to me after what happen to his group. Hindi pa rin kasi siya nahuhuli." Hanggang ngayon ay nangingilabot pa rin siya kapag naalala ang gabing iyon.

Pagkatapos kasi noon ay naging ma-ingat na siya. Nais niyang higpitan ang security niya pero baka makapansin ang dalawang pinsan at mag-alala sa kanya.

"Alam ba ito ng mga pinsan mo?" tanong ni Sofia.

"Hindi. They have to much on their plate, right now. Kakasal lang ni Alex. Si Kuya Timothy naman ay abala sa negosyo. Si Cole, alam niyo naman na nasa kulungan siya. I want to handle this on my own."

She maybe a woman but she can deal in her own problem. Kahit naman ng magkaroon ng problema silang magpinsan. She handles her problem on her own. Well, humingi siya ng tulong kay Peter at Alter pero hindi na sa pagkakataong iyon. Wala naman kasing kinalaman ang mga ito.

"Kung ganoon ay kailangan mong higpitan ang security mo. Hindi madaling magkaroon ng stalker na kagaya niya. Alam ko ang pakiramdam na ganoon," wika ni Sofia.

"I can't do that. Baka ma-alerto ang dalawa kong pinsan at mag-alala."

"What? Ashley, this is about your life. Lalong manganganib ang buhay mo lalo pa ngayon ay may lalaking kamukha ni Kuya na lagi mong kasama. Baka kagaya mo din ng iniisip si Terence. Maari din manganib ang buhay ng lalaking iyon." Si Dennis naman ang nagsalita.

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Why she didn't realize that? Ngayon ay bigla siyang kinabahan sa nangyayari. Maari ngang manganib ang buhay ni Enzo kapag nakita ito ni Terence. Hindi basta titigil ang lalaking iyon.

"Tama si Dennis, Ashley. Kailangan mo ng higpitan ang security mo. If you want, I can ask my brother's help. May kilala siyang nasa security agency. Ganoon din ang panganay namin ni Dennis." Iniabot ni Sofia ang kamay niya.

Ngumiti siya sa asawa ng kaibigan. "Don't worry. Gagawin ko ang sinabi mo. Makakaasa kayong hihigpitan ko ang security ko. Ganoon din kay Enzo. Hindi siya pwedeng mapahamak ng dahil sa akin. Walang taong mamatay ng dahil sa kabaliwan ni Terence."

Napakuyom siya. Hindi pwedeng ma-ulit ang nakaraan. Walang taong mawawala sa buhay niya. Hindi sa pagkakataon iyon.

MABIBILIS ANG MGA HAKBANG NI ASHLEY. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang napasugod sa kanyang opisina ang pinsan na si Alex. Kahapon ito dumating mula sa isang buwan na honeymoon nito. Inikot kasi ng dalawa ang buong Europe at America. Kaya nga natagalan bago nagkaroon ng honeymoon ang dalawa dahil inayos pa muna ang ilang bagay sa trabaho ng mga ito. Alex makes sure that there will be no problem if he gone for a month.

Kaya nga nagtataka siya kung bakit siya agad ang pinuntahan nito pagkadating palang ng bansa. Walang sinabi ang kanyang sekretarya. Tuloy-tuloy siya hanggang sa kanyang opisina. Naka-upo ang pinsan sa mahabang sofa ng mapasukan niya.

"Good afternoon. How's the honeymoon?" nakangiting tanong niya sa pinsan.

Walang emosyon na tumayo si Alex. Hindi niya mabasa ang emosyon na nasa mukha nito pero isa lang ang alam niya. Galit ang pinsan. Ang aura nito ay nababalutan ng galit. Kung nakakatakot ng magalit si Cole, mas nakakatakot si Alex. Wala itong paki-alam kung sino ang kaharap nito basta masabi nito ang nais. Naglakad siya palapit sa pinsan.

"May problema ba, Alex?" tanong niya sa pinsan.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" May ibinato ang pinsan sa mesa.

Napatingin siya doon at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang larawan nila ni Enzo. Kinabahan siya bigla. Okay lang naman sa kanya kung si Kuya Timothy ang nakaka-alam ng tungkol kay Enzo. Wag lang talaga si Alex at Cole dahil talagang gulo. Hindi kasi nagbago ang pagiging over-protective ng mga ito sa kanya sa lumipas ng mga taon.

"Alex..."

"Sa tingin mo ba ay hindi namin malalaman ni Cole ang tungkol sa bagay na ito, Ashley. Why you keep hiding everything from us? Kahit ang paglapit sa iyo ni Terence?"

Namutla si Ashley ng marinig ang tanong na iyon ni Alex. He knows. Alam na nito ang lahat. Wala nga talaga silang maitatago dito. Alex knows everything. Even single thing about her life.

"It's not like that. Gusto ko lang naman ayusin ang gusot na ito. It's my problem, and I want to fi—"

"Tinuturing mo ba talaga kaming pinsan, Ashley?"

Natigilan siya sa tanong na iyon. May munting kirot sa puso niya dahil sa narinig. Anong klaseng tanong iyon mula kay Alex? Paano iyon natanong ng pinsan.

"Alex..."

"If we have problem, we share it. Iyon ang sumpaan natin magpinsan. We solve every problem together. Iyon ang sumpaan natin, di ba? We fix this together. Kaya paano mo natago sa amin ang bagay na ito."

"I'm sorry." Tanging nasabi niya at napayuko.

"Fine." Tumalikod si Alex. "Let's fix this. Cole said that he will talk to Patrick about this. Kaya dadalaw si Patrick sa kulungan kasama ko. Pagpaplanuhan namin kung paano mahuhuli si Terence. At about that guy." Tinuro nito ang larawan ni Enzo.

"I saw the DNA result. See for yourself and whatever you decided. Nasa likod mo kami."

Nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla siyang nanginig. Napatingin siyang muli sa bagay na itinapon ni Alex. At sa nanginginig na kamay ay kinuha niya iyon at buksan at binasa ang nakasulat. The truth is about to unfold. Kung anuman ang nakasulat doon ay doon nakasalalay ang kaligayahan niya.

NAPATINGIN SA MALAWAK NA karagatan si Ashley. Ang malamig na simoy ng hangin ay tumatama sa kanyang mukha. Hindi niya inakala na babalik siya sa lugar na iyon pagkatapos ng ilang linggo. Buong akala niya ay hindi na siya babalik pa dahil maaring walang katutuhanan ang hinala niya. Pero napatunayan ng DNA test na magkadugo si Enzo at Dennis. At maaring ito si Lorenzo.

Hindi pa niya sinabi kay Dennis ang tungkol sa nalalaman pero sinabihan niya si Mary Ann na sabihin ang totoo kay Dennis. Gusto niya kasing bigyan ng pagkakataon ang dalaga na magpaliwanag sa ama nito kung bakit tinanggap nito ang hinihingi niyang tulong.

Natigilan si Ashley ng tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa pagkakapatong sa mesa na katabi lang ng bed beach na kina-uupuan.

'I heard everything from Alex. I hope you get the happiness you wanted, Ashley.' Iyon ang pinadalang mensahe ni Kuya Timothy.

Napangiti siya. Talagang tinutoo ni Alex ang sinabi nitong kahit anong maging desisyon niya ay susuportahan nito. Ganoon din ang ginawa ni Kuya Timothy. Hindi pa niya nakaka-usap si Cole pero nasisigurado niyang ganoon din ito. She is happy that they are always there for her.

Magpapadala sana siya ng mensahe kay Kuya Timothy ng may napansin siyang isang lalaki na pa-ahon ng dagat. Mabilis siyang tumayo. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Para na iyong kakawala sa kanyang puso. Huminga ng malalim si Ashley para pakalmahin ang kanyang puso. Ilang beses niya iyong ginawa bago lumapit sa lalaki.

"Hi Enzo." Bati niya sa binata ng makalapit.

Napatingin sa kanya ang lalaki. May hawak itong tuwalya at pinupunasan ang basang mukha. "Hi."

Natigilan si Ashley sa uri ng pagtugon ng lalaki sa kanya. Pinagpatuloy nito ang ginagawang pagpunas. Dinampot nito ang gamit at naglakad. Iniwan siya ng binata doon na siyang ikinagulat niya. Ilang sandali ding hindi nakagalaw si Ashley bago mabilis na humakbang palapit sa lalaki.

"Enzo, can I talk to you?" tanong niya habang hinahabol ang mga hakbang nito.

"Tungkol saan?" Hindi tumigil ang binata at patuloy lang ito sa paglalakad. Kahit isang sulyap ay hindi ginawa ng binata.

"Can you stop walking first?" May pag-uutos niyang tanong dito.

Tumigil naman sa paglakad ang binata at humarap sa kanya. Walang ngiti sa mukha nito. Binigyan siya nito ng masamang tingin.

"Look, Ms. Cortez. Wala kang karapatan na utusan ako o sabihin kung anong gagawin ko. Nasa teritoryo kita. Matutu kang makisama." Hindi maitago ang galit sa boses ng lalaki.

"W-what happen to you? G-galit ka ba sa akin?" Nasaktan si Ashley sa uri ng pagkakasabi ni Enzo.

"Yes! Because you acted like a brat." Humakbang palapit sa kanya si Enzo. "Masaya bang paglaruan ako, Ms. Cortez? Masaya bang gawin akong tanga?"

"Anong sinasabi mo? Hindi kita ma-intindihan, Enzo." Nagtatakang tanong niya.

"You come here in my resort for a reason, right?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ashley. May alam na ba ang binata? Anong ibig sabihin ng tanong nito? Alam na ba nito ang tungkol sa namayapa niyang asawa?

Humakbang ng paatras si Ashley. Hindi pa siya pwedeng mahuli ni Enzo. May nais pa siyang malaman mula dito. Kung paano ito napunta sa lugar na iyon? Kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong maalala? Ilang taon na itong may amnesia pero kahit isang beses ay wala bang alala na sumagi sa isipan nito.

"Hindi ka makapagsalita? Tama ako, di ba? Hindi lang simpleng bakasyon ang ginawa mo dito sa resort ko. May dahilan ang pagtuloy mo dito? What is it? Sabihin mo sa akin?" Hinawakan ni Enzo ang magkabilang braso niya.

"What do you know? Ano ba sa tingin mo ang ipununta ko dito?" Hindi siya sasabihin dito ang lahat.

Itatanggi niya kung anuman ang inisip nito. Kung may alam man ito ay dahil hindi ganoon ang reaksyon nito. Kailangan niyang mag-ingat sa sasabihin dahil hindi niya alam kung anong nalalaman ng binata.

"You are here to ruin my relationship with her. Gusto mong maghiwalay kami ni Shy dahil inagaw niya ang dati mong kasintahan."

"Huh!?" nagsalubong ang kilay niya.

'Anong sinasabi ni Enzo?' sigaw ng isip niya.

Kailan pa siya nang-agaw ng kasintahan? At sino naman kayang nobyo ni Shy ang inagaw niya. Wala siyang maalala na may lalaki siyang inagaw sa ibang babae. Kung sakali ay ngayon lang. Well, babawiin lang naman niya kung anong kinuha sa kanya. Enzo is her from the very start. Sa kanya ang lalaki dahil asawa niya ito. Ito si Lorenzo. At papatunayan niya iyon sa binata.

"Nagulat ka ba? Shy and Knight Prado is ex-lover. Dating kasintahan ni Shy si Knight. At ang sabi niya ay hiniwalayan ka ni Knight dahil sa kanya. What a childish act from you to take a revenge? At gagamitin mo pa talaga ako." Malakas na binitiwan ni Enzo ang kanyang balikat pakatapos siyang hawakan ng mahigpit.

Hindi siya nagreklamo sa lalaki kahit masakit ang balikat niya sa ginawa nitong paghawak. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito. Knight is Shy's ex-boyfriend. Hindi niya yata alam na naging kasintahan ito ni Knight. At kailan pa niya naging nobyo ang lalaki. Isang beses lang siya nagkaroon ng kasintahan at si Lorenzo lang iyon.

"What are talking about? Si Knight naging nobyo ko? What a big joke, Enzo. Saan napulot ng ex-girlfriend mo ang kasinungalingan na iyan." Natatawa niyang wika.

"It's not a joke. Nakita ko siyang sinundo ka noong bumalik ka ng Maynila. Nakita ko din siyang kasama mo sa Maynila. You already get back to him. Bakit kailangan mong sirain ang relasyon namin ni Shy?" Galit na sigaw ni Enzo.

"I don't get you, Mr. Cruz. Hindi ko alam kung anong pinuputok mo. Una, hindi kita inakit. Ikaw ang lumapit sa akin ng pumunta ako dito sa resort mo. Pangalawa, Knight is my friend. Sekretarya siya ng pinsan ko kaya talagang madalas kaming nagkita. Third, isang beses lang ako nakipagrelasyon at sa asawa ko lang iyon. Don't throw any words to someone you bearly knows, Mr. Cruz. Hindi mo pa ako lubusang kilala at wala kang karapatan na husgahan ako." Pinanlisikan niya ng tingin ang binata.

Na-iinis siya ng mga sandaling iyon. Paano niya nasabi iyan sa kanya? Bakit pinapalabas nito na isa siyang malanding babae. Hindi naman talaga niya ito inakit. Wala siyang intensyon noon kung hindi makuha ang buhok nito. He maybe the Lorenzo that she loves but everything is not the same anymore. May nabago sa lalaki at hindi lang dahil sa may amnesia ito.

Inis niyang nilampasan ang lalaki at iniwan doon. Nagpapasalamat siya at hindi siya nito pinigilan. Na-iinis siya at baka hindi iya mapigilan ang sarili at may masabi siyang masama sa lalaki. Hindi pa oras para sabihin dito ang nalalaman niya.

🌷🌷🌷

HanjMie

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 202 29
A collaboration with Raven Sanz and c U'around D'corner Book 4 of Mantovani Maids Series Will be available in August in a physical book set; stalk my...
3.8K 126 27
CONTENT WARNINGS: SPG | Mature content | Sit back and Enjoy! *** Preface: He had no choice. He was the only inheritor in his father side. And, She wa...
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
233K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...