Kidnapped By The Ruthless Cri...

By Heavenly_Scarlet

1.2M 42.6K 9.4K

The serial killer wants to make you suffer. More

Synopsis
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Ang Katapusan
Author's Note

Kabanata 17

24.9K 958 352
By Heavenly_Scarlet

Kabanata 17

[ Serena's point of view ]

Pag pasok sa bahay ay dumeretsyo na agad ako sa kwarto. Sumilip ako sa malaking bintana na nandun para muling tignan kung saan ko iniwan kanina sila Exodus.

Nandun pa din sila ngunit hindi na sila magkayakap dalawa. Nasa harap niya si Dolores at kahit medyo malayo ako sa kanila ay kita ko ang nakapaskil na ngiti sa labi nito.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit ang laki ng ngiti niya sa harap ni Exodus. Malayo ako kaya hindi ko rinig ang usapan nila pero tingin ko ay imposible naman na mag patawa si Exodus para ngumiti siya ng ganyang kalaki.

But anyway wala dapat akong pake sa kanila. Maybe kailangan kong kaibiganin si Dolores at pakiusapan siya na kausapin si Exodus para pakawalan na 'ko.

Tingin ko naman hindi siya matatanggihan ni Exodus since she was his special person right? Natawa ako ng sarkastiko sa special person.

Iniwas ko agad ang tingin sa kanila at humiga na lang sa kama na hindi gaanong malambot dahil manipis lang ang foam. But ok na din ito since nakikituloy lang naman kami.

Marahil ay medyo napagod ang katawan ko sa naging byahe kanina kaya naman nakatulog ako agad. Nagising na lang ulit ako ng mapansin na sobrang dilim na sa kwarto.

Madilim na sa labas kaya naman nakakasiguro akong gabi na. Kinusot ko ang mata ko bago buksan ang ilaw sa kwarto.

Inayos ko din muna ang sarili ko bago ako bumaba para tignan sila Tita Elionore. Nasa hagdanan pa lang ako ay rinig ko na ang mga boses sa kusina kaya naman dun na 'ko dumeretsyo.

Muli akong natigilan matapos bumungad sakin ni Tita Elionore na nag luluto kasama niya si Dolores na ganun din. Nasa lamesa si Exodus at nakaupo na tila nakikipag usap din sa dalawa.

Nakaramdam agad ako ng ilang lalo at napunta sakin ang atensyon nila. Si Dolores agad ang tinignan ko at kita ko ang pagkunot ng kanyang noo habang unti unting napapawi ang ngiti niya.

"Oh Serena gising kana pala, upo ka at malapit ng maluto ang niluluto namin." nilipat ko kay Tita Elionore ang mata ko bago yumuko.

"O-opo." umupo agad ako sa tabi ni Exodus na nanatiling tahimik. Si Dolores naman ay bumaling sa kanya "Exodus sino siya?" taka niyang tanong dito bago ako tignan muli.

Tinignan ko naman si Exodus at nakita kong natigilan siya sa tinanong sa kanya ni Dolores "S-she's...a friend." ako naman ang napatigil.

Nanatili akong nakatitig sa kanya ngunit hindi naman siya bumabaling sakin. "Hello Serena! Ako pala si Dolores, kaibigan din ako ni Exodus." bumaling ako kay Dolores bago maliit na nginitian siya at abutin ang kamay niyang inalok.

"I'm Serena, nice meeting you Dolores." habang nakatingin sa kanya ay ngayon ko lang siya napagmasdan. Morena ang kanyang kutis, bilugan ang mukha, maganda ang ngiti at makinis ang kanyang balat.

Maganda nga siyang babae katulad ng sabi ni Tita Elionore. Binitawan na namin ang isa't isa, tinulungan niya naman agad si Tita Elionore na ihain sa hapag ang pagkain samantalang ako ay nanatiling nakatingin sa kanila habang pinapakiramdaman ang lalaking katabi.

Hinain nila sa hapag ang pininyahang manok. Natigilan naman ako dahil tila ang sarap sarap nun. "Paborito mo 'to Dos kaya naman sinabi ko kay Tita na ito na lang ang lutuin namin." ngiting sabi ni Dolores na ginatungan naman ni Tita Elionore.

"Aba hindi ako tumulong sa pagluto n'yan, si Dolores lang ang nagluto niyan kaya sige anak tikman mo." kita ko naman ang maliit na ngiti na kumurba sa labi ni Exodus.

Ngiting hindi nang aasar, ngiti na tila natutuwa talaga siya. Agad naman na tumayo si Dolores bago lagyan ng kanin at ulam ang plato ni Exodus na tila ba isa siyang asawa na pinaglilingkuran ang mister.

Nanatili akong nakatitig sa kanilang dalawa habang hindi gumagalaw. Ako naman ang napansin ni Tita Elionore.

"Serena kain na, masarap mag luto si Dolores." ngiti niya, napalunok naman ako bago alanganin na ngumiti.

"O-opo.." agad akong kumilos para lagyan ng pagkain ang plato ko. Sinimulan na namin kumain at unang tikim ko pa lang sa luto ni Dolores ay masasabi ko ngang masarap siya magluto.

Na tila ba hindi education ang tinapos niya kundi culinary din kagaya ng course ko ngayon.

"Ano Serena masarap ba?" gulat pa 'kong nag angat nang tingin ng itanong yun sakin ni Dolores. Nginitian ko naman siya agad "Oo masarap." maikli kong sagot.

Lalo naman siyang napangiti bago bumaling kay Exodus para ito naman ang kausapin. Binaba ko na lamang ang tingin sa plato at ewan ko pero kahit masarap naman ang pagkain ay tila nawalan ako ng gana.

Matapos kumain ay napagpasyahan kong sabihin sa kanila na ako na lang ang mag huhugas ng mga plato. Ayaw ko naman na maisip nilang wala akong alam sa gawaing bahay.

"Ako na lang po ang mag huhugas." presinta ko. Napatigil naman sila at tumingin sakin "Sigurado ka ba d'yan iha? Pwede ko naman hugasan 'to." sabi ni Tita Elionore.

"Kaya ko po, mag pahinga na lang kayo." hindi ko pinansin ang kanilang tingin at nag simulang ligpitin ang mga plato. Akma ko yun bubuhatin ng maunahan ako ni Exodus.

"Tutulungan na kita mag hugas." gulat ko siyang tinignan. Ngayon niya lang ulit ako binigyan ng pansin.

Lumabas na si Exodus para dalhin ang hugasin sa poso na nasa labas. Akma naman akong susunod sa kanya ng may humawak sa braso ko.

"Kami na lang maghuhugas ni Exodus." anya ni Dolores matapos akong pigilan. Lumunok naman ako "Ako na, marunong ako mag hugas at isa pa nakakahiya naman. Ikaw na nga nagluto ikaw pa mag huhugas." ngumiti siya ng malamyos sakin.

"Ok lang, wala naman sakin kung ako ang gumawa lahat ng gawain bahay dito. Bisita ka kaya naman mas mabuting magpahinga ka nalang, ako na ang sasama kay Exodus."

Hindi na 'ko nakasagot pa dahil nauna na siyang sumunod kay Exodus sa labas. Nakaramdam naman ako agad ng panghihinayang pero mabilis ko yun inalis sa pakiramdam ko.

Dahan dahan akong nag lakad papunta sa sala para sana dun na lang tumulala. Mapresko sa bahay ng Tita ni Exodus dahil madaming bintana. Sinilip ko ang dagat sa labas habang nag iisip ng kung ano ano.

Nalilito ako, may nararamdaman akong mga pakiramdam na alam kong hindi ko dapat maramdaman. Masyadong ginagawang komplikado ni Exodus ang nararamdaman ko.

Ginagawa niyang komplikado ang buong buhay ko na dati ay tahimik lamang. Ang utak ko na puro pag aaral lamang ang iniisip ay puro siya na ang laman ngayon.

Kung sino ba talaga siya, kung sino ba ang babaeng pinakamamahal niya, kung ano ang pagkatao niya o totoo ba ang sinabi niyang gusto niya ako. Kung totoo yun sino naman si Dolores sa buhay niya?

Bakit nagawa niyang maging malambot at malambing dito kung hindi naman ganun ang ugali niya?

Kinutkot ko ang daliri ko habang iniisip ang lahat ng yun. Nawala lang ako sa pagkakatulala nang tawagin ako ni Tita Elionore.

"Serena maari mo ba 'tong ibigay kay Exodus? Ayaw ko na kasi bumaba at baka atakehin na naman ako ng rayuma." mabilis akong lumapit sa kanya bago kinuha ang baso na inabot niya.

"Maraming salamat iha." ngumiti lang ako pabalik kay Tita Elionore bago bumaba para ibigay 'to kay Exodus.

Paglabas ko pa lang ay nakita ko na agad sila ni Dolores. Inaasahan ko na makikita ko silang nag huhugas ng pinggan ngunit iba ang bumungad sakin.

Nakatayo si Exodus patalikod sakin habang nasa tabi niya si Dolores at nakahilig sa balikat niya habang pareho silang nakatitig sa buwan.

Hindi pa sila nagsisimula sa paghuhugas kaya alam kong kanina pa sila nag kwe-kwentuhan dito. Medyo malapit lang ang pwesto ko sa kanila kaya naman narinig ko na agad ang pinaguusapan nila.

"Dos hindi mo naman kailangan mahiya. Oo isang taon kang nawala dito pero alam mong nandito lang ako di ba? Maaari muli tayong magtabi matulog kagaya ng nakasanayan natin noon." ang boses ni Dolores ay punong puno nang panlalambing kay Exodus.

Mabilis ko naman naibagsak ang hawak na baso dahil sa gulat.

Agad naman yun nabasag dahil sa bato yun nahulog hindi sa buhangin. Gulat naman napalingon sakin ang dalawa kaya mabilis akong nataranta.

"S-sorry.." tuliro kong hinawakan ang basag na baso bago ilagay sa kamay ko. Natigil lamang ako nang hinawakan ni Exodus ang pulso ko para pigilan ako sa ginagawa kong pag pulot sa basag na baso.

"S-sorry hindi ko sinasadya." natatakot ko siyang tinignan, takot na baka magalit siya dahil nakikinig ako sa usapan nilang dalawa ni Dolores.

Hindi sumagot si Exodus at napatayo ako nang tumayo siya habang hawak pa din ang kamay ko. Hinawakan niya ang maliit na sugat na nandun bago ako hinila papunta sa timba na may tubig.

Hinugasan niya ang maliit na sugat ko run habang napakaseryoso ng mukha niya.

"Stop acting reckless mermaid. Look at your hand, it's wounded." dahan dahan niyang hinuhugasan ang kamay ko gamit ang kamay niya.

Ang mga mata ko naman ay nasa mukha niya pa rin. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya pero mas pinili kong bumitaw sa hawak niya.

Napatingin siya sakin ngunit iniwas ko naman ang titig ko para hindi na magsalubong ang mata namin. Natatakot kasi akong mahirapan na naman iiwas ang mata ko dun oras na mag tagpo sila.

"Maliit na sugat lang 'to, papanik na 'ko." agad akong tumalikod bago dumaan sa gilid ni Dolores na nakatingin pala samin.

Pag pasok sa kwarto ay humiga ako sa kama bago tinignan ang daliri kong may maliit na sugat. Naalala ko muli ang narinig kong pinaguusapan nilang dalawa ni Dolores.

Tabi sila natutulog kagaya ng nakasanayan nila noon. Pumapasok din sa utak ko kung ginagawa din ba niya sa katawan ni Dolores ang ginagawa niya sakin.

Hindi ko maiwasan mapangisi. Malamang hindi, mukhang malaki ang pag galang niya sa babaeng yun samantalang ako ay isa lang niyang preso na maari niyang paglaruan kung kailan niya gusto.

Hindi ko maiwasan na masaktan sa naisip at magalit. Napatili ako ng mahina at inis kong sinapak ang unan bago ito kinurot na para bang katawan ito ni Exodus.

"Ang kapal ng mukha mo! Nakakainis ka!" pasigaw kong bulong dito. Natigilan lang ako ng marinig ang pagbukas ng pinto.

"Sino ang makapal ang mukha?" para akong nanigas sa kinahihigaan ng marinig ko ang malamig niyang boses na nasa likod ko.

Agad akong lumingon dito at kita ko si Exodus na sinara na ang pinto. Mabilis naman akong napaupo.

"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong "Dito ako matutulog." nalunok ko ang laway ko bago tumingin sa kabinet kung saan ko nilagay ang lahat ng gamit ko.

"G-ganun ba? Sige lilipat na lang ako sa kabila." mabilis akong tumayo sa kama bago dumaan sa gilid ni Exodus para sana lumabas.

Akala ko pa naman ito na ang kwarto ko, bukas ko nalang kukunin ang gamit ko dito para ilipat sa kabila.

Hindi pa 'ko nakakalagpas sa kanya nang hawakan niya ako sa braso. Tinignan ko siya at nakatitig din siya ng madiin sakin.

"We will sleep together." mabilis na nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Tinignan ko ang isang kamang maliit na nasa loob ng kwarto.

"B-bakit?" taka kong tanong. Hindi ba dapat si Dolores ang katabi niyang matulog?

"This is my house, If I want to sleep here you can't do anything about it." hinatak ko naman ang braso ko.

"Sa lapag ba ako matutulog? At kayo ni Dolores sa kama?" kumunot ang noo niya "What are you saying? Dun siya matutulog sa kanila." mabilis naman akong natahimik.

Kung alam ko lang ay kaya niya pinatulog si Dolores sa bahay nito ay dahil narinig ko sila sa baba na nag paplano matulog ng magkatabi.

"B-bakit hindi na kayo tabi matulog?" hindi ko namalayan na lumabas na pala yun sa bibig ko. Natigilan naman si Exodus habang ako ay napakagat sa dila.

Huli na para bawiin ang sinabi "So my little mermaid know how to eavesdrop now huh?" mahina pa siyang humalakhak kaya naman lalo akong nahiya. Mabilis akong tumakbo sa kama bago tinalukbungan ng kumot ang sarili.

My gosh Serena! Did you just embarrass yourself infront of him!?

Ramdam ko ang paglundo ng kama sa likod ko at natigil ako sa paghinga nang maramdaman ang braso ni Exodus sa bewang ko na niyayakap na 'ko ngayon.

"Are you jealous baby?" tila sinusuyo akong tanong niya.

++++

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 25.8K 33
OBSESSION SERIES #1. Alaina Hemera Alvar-Zachary, a Surgeon. Who captivated the heart and soul of the badly whipped billionaire, Dylan Jayce Zachary...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
15.5K 1.7K 34
COMPLETED! RPW LOVE STORY What if the girl whom afraid to enter in a relationship to this so called fake world named RPW or Role Player World, and th...
1.4M 57.2K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...