Specimen Q (On-going)

By HecateBlooded

265 27 1

The lights are starting to run out kaya nataranta na ang ilan sa amin, some of the girls stand while looking... More

Author's Note
SQ1: First Day!
SQ2: Cheated
SQ3: Angel
SQ4: Dinner
SQ5: Discussion
SQ6: ALL
SQ7: Challenge
SQ8: Practice
SQ9: Tree
SQ10: Ride
SQ11: I'LL DO IT
SQ12: H-Ha?
SQ13: 6
SQ14: Duel
SQ15: Performance
SQ16: Truth Will Find It's Way Out
SQ17: CELEBRATION
SQ18: TRIP
SQ19: Ambush
SQ20: Aureum VS Anino
SQ21: Backup
SQ22: Sir. Kiel's Friends
SQ23: Another Trip
SQ24: Deal
SQ25: New Friendship
SQ26: 1 on 1 Training
SQ27: The Black Sheep
SQ28: All against One

Prologue

32 3 1
By HecateBlooded

Jazz's POV

"Iha wag ka na kumilos diyan, doon ka na sa lamesa't kumain na. Male-late ka hindi ba entrance exam mo ngayon? Dapat magasikaso ka na at pumasok" sita sakin ni Yaya Magda, kahit kasi ilang beses niya na ako sinabihan na wag na ako tumulong eh tuloy pa din ako sa pagaasikaso.

"No need Ya, medyo maaga pa naman po" kaswal na sagot ko sabay balik tingin sa ginagawa ko. Sinalin ko na ang tocino sa serving plate atsaka dinala ito sa mesa.

"My eyebrows are stress this morning oh my god!" Maarteng sigaw na nagmumula pababa sa hagdan kasabay ng pagtunog ng mga takong ng nagsasalita, ilang sandali pa ay naamoy ko na ang pabango niya na di ko maintindihan ang amoy, mabango sana kaso inabuso buong bote ata nilagay niya for today's bedyow.

"What's the almusal for this morning mga chimay?" I calmly faced her and smiled at her forcedly.

"Yonice ang aga-aga di maganda nalabas sa bibig mo" mahinahon kong sabi but then she just rolled her eyes and go to her chair, binangga pa talaga balikat ko.

"Whatever" maarteng sabi niya tsaka nagsimulang kumain.

"Magandang umaga sayo Rebecca" bati ni Yaya sa ginang na kakadating lang sa dining area.

"Ganun din sayo Yaya Magda" sagot naman nito.

"Hi Tita, good morning po" magalang at masigla kong bati kay Tita. She's Tita Rebecca kapatid siya ni Mama at siya na nag alaga at kumupkop sakin mula pa nung bata ako.

"Good morning din" blangkong sagot niya bago tumabi sa anak niya at nagsimula nang kumain. Naupo na din ako at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.

"I heard today is your entrance exam? You two better be good on it wag niyo akong ipapahiya lalo na ikaw Jazz, kung maaari dapat makakuha ka ng full scholarship this time" pagkausap niya saming dalawa.

"But why pa Mommy? I mean mayaman naman tayo noh kaya kahit di makakuha ng scholarship yang babaeng yan na napaka imposible naman talagang mangyari eh makakaya mo pa naman siyang paaralin" sabat ni Yonice.

"I know, but it's not about the money it's about hiya, pinaaral ko na siya with tuition from elementary to high school and now na senior high school na siya mas mahal na ang tuition, kaya kung may hiya siya sisikapin niyang maging libre pagaaral niya" sagot ni Tita na medyo kinalugmok ko, ganda ng umagang toh ang sarap ng almusal, sinangag na insulto.

"D-Don't worry po, I'll try to get one" seryosong sagot ko.

"Don't just try Jazzmine, do it. DO IT" madiing turan niya kaya tumango ako bilang sagot.

"Yeah whatever alam ko namang mabibigo ka kaya Mommy be ready for the cash na kakailanganin mo for her" singit ni Yonice kaya napairap nalang ako sa isip ko.

"Anyways, Mommy did you hear the news?" Napakunot ang noo namin ni Tita sa sinabi ni Yonice.

"What news my beautiful daughter?" Nakangiting tugon naman nito.

"The well-known section of our school is now open again" well-known section? Sounds familiar but I don't remember it clearly, naririnig ko lang sa mga schoolmates and classmates ko.

"You mean-"

"Yes, Mom! The famous Aureum Section is now open!!!!" Nagtititili pa siya na parang wala siya sa harap ng grasya.

"You mean that-"

"Yes, Mom! The class where all the elite and outstanding students belongs, I heard na bilang lang ang nakakapasok doon and til now no one can still say paano napipili ang mga nakakapasok doon" dugtong niya.

"So meaning-"

"Yes, Mom-ouch!"

"Patapusin mo kaya ako my lovely daughter hindi yung di na ako nakapagsalita dahil sayo" si Tita naman ang pumutol sa sinasabi niya.

"Sorry I just get so excited" sabay rolyo niya ng mata.

"I heard that Aureum Section is very famous even outside of your school, matatalino at mahuhusay na estudyante lang ang nakakapasok doon" Tita said.

"Hindi lang matalino at mahusay Mom, they're also good looking kaya tawag ng ibang sa students sa kanila ay the Golden students or Blessed kids" tila nagniningning ang mga mata ni Yonice habang nagkukwento siya tungkol sa mga piling estudyante na iyon, habang ako wala manlang kaalam-alam tungkol sa nasabing klase. Yes they're undoubtedly known but I didn't given a chance to know about it masyado akong sinusuntok ng oras kaya wala akong oras sa mga ganun.

"Well then since you're my daughter dear, you must be one of those students na makakapasok sa section na yun for this batch" sabi ni Tita kay Yonice sabay hagod ng buhok nito papunta sa likod ng tenga nito.

"Of course Mom, I'll do my best to get a spot on that section" confident na sagot ni Yonice kaya hinawakan ni Tita ang pisngi niya.

This scene is just so touching, kahit na pasmado bibig nilang mag-ina they look so sweet to each other, sana lahat.

"Anong tini-tingin-tingin mo? Are you dreaming also to be a Aureum student? Huh, go on girl keep on dreaming libre lang naman yun but don't forget na masakit umasa" sabi ni Yonice sabay tawa.

"Let her Honey, after all that's the only thing she can do. Ang MANGARAP" sabi naman ni Tita kaya napayuko nalang ako at pilit na itinuon ang aking atensyon sa pagkain ko. Maya-maya pa ay niyaya na siya ni Tita ihahatid daw siya nito, ako naman ay tumulong sa pagliligpit ng mesa atsaka pumasok sa kwarto ko. I brushed my hair and fix my bangs then I spray some perfume and get my bag pero bago ako lumabas sa pinto kinuha ko ang white loose sweater jacket ko sa kabinet ko.

"Please be with me, Ma. Tulungan niyo akong makakuha ng scholarship" I hugged the jacket that my Mama gave to me when I were a new born baby, sabi ni Yaya Magda ito daw ang nakita niyang naka balot sakin noong inuwi ako ni Tita kaya lagi ko itong dinadala saan man ako pumunta pero dahil may dress code sa school namin di ko ito nasusuot during classes or should I say when I'm inside that university.

"Yaya aalis na po ako" paalam ko habang inaayos ang bag ko palabas ng pinto.

"Ay teka iha, teka lang. Ito oh baunin mo" sabi niya sabay abot sakin ng baunan na may lamang sandwich na tingin ko bacon ang palaman.

"Salamat po dito Yaya" ngumiti ako ng bahagya tsaka bumedl rito.

"Walang anuman, galingan mo sa pagsusulit mo ha" sagot niya kaya tumango nalang ako tsaka umalis na.

Hulaan ko curious din kayo sa school namin ano? Well lemme give you some info. Our school is called Hanlon University, is it famous? Yes, karamihan sa mga nagaaral dito ay mga anak mayaman. Mamahalin ang school na ito, it's undoubtedly, kaya kahit may kaya ang pamilyang pinanggalingan ng isang estudyante ay kinakailangan niya minsan na makakuha ng scholarship, nung junior high ako ay may 50% akong scholarship kaya kalahati lang ang binabayaran ni Tita.

Our school can consider as one of the most prestigious school dahil sa mga achievement nito at ng mga estudyante nito, it's not only known as a school with genius student but also with a talented one's. Impressed? Well, should be.

"Manong dito nalang po ako" sabi ko sa driver ng taxi atsaka nagbayad at bumaba na, nang makapasok sa school ay huminga ako ng malalim, hindi ako pretender alam ko sa sarili kong di ako ganun katalino, nagkataon lang na nakapasok ako sa official dance group ng school Kaya nagka 50% ako nung mga nakaraang taon and now I should get a full scholarship para mabawasan mga sinusumbat sakin ni Tita.

This entrance exam is a chance for us to get a scholarship ngayong senior high na ako, sa school kasi na ito kung sino ang nasa higher section sila ang may mas maraming option at opportunity, yun yung medyo off for me sa school na ito. Kung naniniwala kayo sa kasabihan na "grades doesn't define who you are" well dito it is not only define you but also limits you on the things you wanna do.

"Jazz!!!" Tawag ng kung sino sa akin and I know who she is.

"Hello, musta? Long time no see ah" it's Nicole kagrupo ko sa pagsasayaw.

"I'm fine" simpleng sagot ko tsaka naglakad papunta sa pila HUMSS strand, yes yun yung strand na kukunin ko.

"Ang lamig ah, ikaw talaga para kang di dinaanan ng summer. O siya sige na dito na ako, bye see you around" paalam niya.

Habang nakapila ako ay di ko maiwasang tingnan ang ibang nakapila dito sa strand na ito at sa iba pang kalapit na pila ng iba pang strand.

"Tabi! Tabi nga! Tabi sabi eh! T***ina ang bubungol, mga gunggong!" Pagsisigaw sabay pagtulak ng isang lalaking naka undercut haircut. Ang lutong magmura nahiya yung conchinillo.

"From you to you, pasok kayo dito dali" turo nung teacher mula sa pinaka nasa unahan ng pila hanggang sa lalaki na tingin ko labindalawang tao ang layo sakin. I think nasa trenta pataas katao ang pumasok sa silid na tinuro nung teacher.

"Yung iba sumunod kayo" utos niya kaya sumunod naman kami kaya ang ending nagmukha kaming dambuhalang centipede, kagaling!

"And now from you to the girl there" ngayon kasama na ako sa mga pumasok, naupo ako sa pangatlong raw ng mga upuan.

Ilang sandali pa ay pumasok Ang isang babaeng nasa mid 30s, she's wearing a knee length dress na pinatungan ng formal blazer. She looks strict and fierce, para siyang si Tita Rebecca dahil sa kilay niyang parang mananapak.

"Get one and past" utos niya pagkatapos ibigay sa mga nasa unahan ang mga test papers na hawak niya.

"Jusko patnubayan" nasabi ko nang makita ko ang unang tanong, hanep parang sa unang limang tanong palang naaano na ako.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo. Maybe all of you may know already about the re-opening of the Aureum Section. Now kung meron man sa inyo ang makapasok sa pinaka nakatataas na section sa school na ito ay makakakuha ng automatic full scholarship at pagkakataong maging mukha ng ating paaralan" namilog ang mga mata ko sa narinig, that's a good opportunity kailangan kong sikapin maging isa sa kanila.

"Now you may start your test" agad kaming kumilos at sinagutan ang papel.

30 minutes later......

Sa 3 pages back to back test paper na sinasagutan ko ngayon halos nasa kalahati palang ako ng kabilang part ng first page dahil sa hirap ng mga tanong. Wag kayong judger nag review naman ako pero yung iba kasi dito nung grade 7 pa naituro or should I say lesson lang siya ng grade 7 pero hindi naituro.

"Jeez, this is annoying!" Inis na bulong ko habang pinupukpok ng marahan ang ulo ko gamit ang ballpen.

Muli akong nag focus sa pagsagot pero muling naputol ito nang biglang may matinis na tunog akong narinig kaya napatakip ako ng mga tenga ko.

"Sh*t, ano ba yun? Argh!!" Daing ko habang marahas na tinatakpan ang aking tenga, halos ilang minuto ko narinig ang tunog hanggang sa biglang dumilim ang buong paligid at nawala ang tunog na iyon.

I'm still here at my seat and the same room, pero wala nang ibang tao bukod sakin at sa babaeng nakaharap sa pisara. Nilinga ko ang paningin ko sa buong paligid and I can't see anything but darkness, may ilaw lang na nakatapat sakin at sa babaeng nasa harapan, yung ang tanging liwanag na nagbibigay ng imahe sa silid.

"Nagtataka ka? Natatakot? Kinakabahan? Alin doon ang nararamdaman mo?" Tanong ng nasa harapan.

"Di mo kailangan malaman kung sino ako, ang mahalaga ay masagot mo ang tanong ko" nangunot ang noo ko sa tanong niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Sa wakas ay may mga salita ring lumabas sa akin.

"What you think will happen if the things that not normal is the new normal in this world?" Tanong niya na ikinalukot ng noo ko, ano daw?? Magtatanong pa sana ako nang.

"Miss? Miss? Are you alright?!" Nabalik ako bigla sa wisyo nang marinig ang boses Ng teacher na nagbabantay sa amin.

"W-Where's the lady-"

"Miss if you're not willing to take the exam seriously, then the door is wide open. Makakaalis ka na" mabilis akong umiling tsaka umupo at tiningnan muli ang papel, I flip it over and write my answer sa tanong nung babae kanina sa di ko alam na lugar, I don't even know if that's a real scenario but something's pushing me to write something about that question.

Natapos ang pagsusulit at ang sabi ng mga teachers pwede kaming umalis muna or maglibot sa school habag inaantay ang resulta ng test. After an hour bumalik daw kami sa main building at tumingin sa bulletin board dahil doon ilalagay ang sections at percentage ng scholarship na pwede naming makuha.

Tumungo muna ako sa isang malaking puno bandang likod ng school, malilim kasi dito at walang masyadong tao kaya dito ko naisip kainin yung pinabaon sakin ni Yaya Magda, while eating di ko maiwasang isipin anong magiging resulta ng test. Kahit sana 50-75 percent ng scholarship makuha ko para at least yung iba pagiipon-ipunan ko nalang. Imposible naman kasing makasali ako doon sa Aureum Section dahil marami-rami akong di sure na sagot sa mga multiple choice questions tsaka yung ibang formula sa may bandang math halos kalahati lang yung sure ako.

"Hay naku Jazzmine ngayon palang ihanda mo na sarili mo, mukhang panunumbat nanaman ang dinner mo tonight" sabi ko sa sarili ko sabay kagat sa tinapay na hawak ko, tuloy tuloy lang ako sa pagkain at nang matapos ay tatayo na sana ako nang makarinig ako ng kakaibang tunog.

Ano yun? Bat parang.....eh? Hilik ba yun? O tigre? Imposible namang barko yun? Teka imposible ding tigre yun! Dahan-dahan akong lumakad papunta sa likuran ng puno at nakita ko doon ang isang lalaking tulog na tulog habang nakahiga sa damuhan, prente siyang nakasandal sa may paahan ng puno habang unan ang kanang braso. I can't see his face gawa nung may nakatakip na puting bimpo rito.

Imbes na gambalain siya ay umalis nalang ako doon, wala akong tubig kaya punta ako sa cafeteria bibili ako ng maiinom. Papasok na ako sa cafeteria habang hinahanap ko ang wallet ko sa bag ko, yawa asan na yun? Dito ko lang inilagay yun eh.

"Ay!" Daing ko nang may makabangga ako, I look who's it and I saw a pair of cold eyes looking at me blankly, this guy is tall and he's wearing a poker face. Nang napagtantong nakatitig ako sa kanya ay umiwas ako ng tingin at siya naman umalis lang. Wait, ano? Umalis lang? Wala manlang sorry?! Pero yaan na na'tin di din naman kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya binalewala ko nalang tsaka binili ang gusto kong inumin.

...

This is it dumating na ang oras na malalaman ko ang resulta ng exam kaya naman halos makipagtulakan ako makasingit lang sa mga estudyante na tumitingin ng pangalan nila.

"Padaan nga!" Maangas na singhal nung isang babaeng shorthair sabay hawi sa mga lalaki sa harap niya.

I checked my name on the list of Section E nandun kasi ako nung grade 10 ako kaya malay ba na'tin kung yun pa rin section ko, pero hindi wala ang pangalan ko doon kaya kinabahan na ako. Hinanap ko naman ang pangalan ko sa mga sumunod na sectiong mababa sa E ngunit wala din ako doon at mas lalong wala sa D pataas sa A.

Jusko! Paano na ngayon yan? I did my best naman?! Nagreview naman ako? Bakit parang kulang pa din ang effort ko!?!?! Di ko namalayan na tumulo na luha ko habang umaatras palayo sa mga listahan.

"Looks like someone is not on any list" sabi ng isang kilalang boses sa likuran ko nang lingunin ko iyon walang iba kundi si Yonice. Sinabayan niya pa ito ng nakakainis na tawa.

"Pity you dear cousin, I feel bad na hindi ako nakasama sa Aureum Section but, napawi agad yun knowing na lagot ka kay Mommy pag nalaman niyang you just lost your scholarship" tama siya malalagot ako kay Tita at siguradong di niya ako paglalaanan ng malaking pera para mapag-aral.

"Uyy guys look! Yung listahan ng mga kasali sa Aureum Section!!" Lahat ng atensyon ay napunta sa malaking screen sa stage nang umilaw ito ng kulay pula at nagkaroon ng sulat na kulay ginto.

"Aureum Section" basa ng mga estudyante na sinundan ng mga hiyawan, walang buhay akong tumingin dito at isa-isang sumulat ang bawat pangalan na parang pixie dust sa Tinkerbell na movie.

1. Sketch Alexus Montevara

2. Chanel Persephone Suares

3. Deluxis Leighton Santalgo

4. Thorn Amadeus Fernandez

5. Amethyst Summer Ibarra

6. Emerald Winter Ibarra

7. Clyde Legend Torres

8. Clare Nethalia Lopez

9. Sum Calixto Cruz

10. Bruce Rendithor Asuncion

11. Jazzmin Astral Francisco

The moment I saw those names, my jaw dropped. What is the meaning of this?!?!? I AM FREAKING ONE OF THOSE FREAKING GOLDEN STUDENTS OF THE AUREUM SECTION?!?!?

"Around of applause for the new batch of Aureum Section, our Blessed kids!!" Boses na nanggaling sa mga speaker.

"H-How?" Tanging nasabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

141K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
497K 774 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
48.4K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
40.2K 800 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...