Guwapo Lang Puwede Rito (Bat nandito ka, Vernon?)
Wed | 01:03 AM
Muntangang Rohan:
San na kayo, @Liam Tiktik?
Liam Tiktik:
dito pa rin clubhouse. nagbibilang bote ni tangang silas
Muntangang Rohan:
Umiinom pa rin? Di naman nakakaalis ng katangahan ang pag-inom.
Vernon Unggoy:
gago magda-drunk text pa nga raw sya kay Alice. hahahaha
Magnus Pakboy:
lasing na to. makakatulog na to mamaya
Silas Kabet:
di apfsk lasflg a
Liam Tiktik:
sabi ni Silas, tanga raw sya hahahaha
Silas Kabet:
tnafhina ka a tiktpl ka
Vernon Unggoy:
sabi ni Silas, tiktik at pusang maharot sa rooftop si liam hahahaha
Vernon Unggoy:
sabi Magnus dito, tanginang yan daw hahahaha
Vernon Unggoy:
sabi ko, ako lang to. happy pill. hahahahahaha
Vernon Unggoy:
sabi Liam, sumbong daw akong sumbong hahahaha
Vernon Unggoy:
sabi Liam, tangina ko raw. hahaha
Silas Kabet:
pantamfka ka
Vernon Unggoy:
sabi Silas, hulog ko raw sya sa pool dahil tangina sya
Muntangang Rohan:
Hahahaha. Tanginang yan. Reporter ka boi
Vernon Unggoy:
ayaw mo ba ina-update ka paps? kaya tumatandang malungkot betlog mo. di mo alam ang basic. hahahaha
Muntangang Rohan:
Kaya ka ginagawang reserba ni Chinna, kasi easy to get ka.
Silas Kabet:
▶️➖➖➖➖ 0:15
[Silas: Ang shaket, 'no, Vernon? 'Di ka man lang ginawang kabit, 'no? Gago, lumallak ka, gago ka. (Coughs)
(Vernon on background: Tanga mo. Proud ka pa talaga.)
Silas: Tangina--]
Vernon Unggoy:
sabi Silas, lasing na lasing na raw sya ngayon. iyak daw sya maya pero balik sa pagiging kabit bukas. hahahahaha #kabetadvocate
Muntangang Rohan:
Sabihin mo kay Silas
Vernon Unggoy:
ano?
Muntangang Rohan:
Wala. Wag na.
Muntangang Rohan:
Hoy @Silas Kabet, may video editing bukas. Bawal ka manood ng KDrama at magwala sa editing room. Isang araw isang gabi lang renta natin dun, umayos ka.
Magnus Pakboy:
napakalupit mo, Rohan Betlog. mamamatay na to si silas sa alak, ni-remind mo pa editing. hahaha
Muntangang Rohan:
Sus. Bukas paggising nyan, pustahan tayo, sya pa mag-sorry kay Alice. Tanga amp
Vernon Unggoy:
siyang tunay. hahahaha
Muntangang Rohan:
Tawagan ko Chacha bukas para may magliligpit sa kanya.
Vernon Unggoy:
sabi Silas, tangina mo raw Ro
Muntangang Rohan:
Hahahahaha. Tangina nya rin
Vernon Unggoy:
sabi Silas
Vernon Unggoy:
sandali
Vernon Montecristo set the nickname for Rohan Montesanto to Rohan Betlog
Rohan Betlog:
Tanginang yan. Hahahaha
Vernon Unggoy:
sabi Silas, pakyu ka raw. hahahahaha
Rohan Betlog:
Ge, ge. Basta editing bukas, ah. Hanggang ala una lang sya pwedeng ma-late. Bantayan nyo yan, baka palunod sa pool. Kapapalinis pa lang sa pool.
Vernon Unggoy:
hahahaha tangina mo ka
Rohan Betlog:
Hilig pa naman nyan mag-floating. Baka matuluyan yan tas kala nyo, floating pa rin, bangkay na pala. Haha
Vernon Unggoy:
de na yata po-floating to. nagsusuka na si tanga. hahaha
Rohan Betlog:
Bibili ng alak, isusuka. Pahigop nyo. Hahahahaha
Vernon Unggoy:
hahahahahahahahaha
Vernon Unggoy:
gago, hinigop nya yung nadighay nya. hahahahahahahaha
Magnus Pakboy:
Video mo. Haha
Magnus Pakboy:
lulunurin ko na lang sa susunod to si silas. tangina. pwede sukahan si vernon, ako pinili
Liam Tiktik:
tanginang lasing to. ipinunas ni silas buhok ni magnus sa pisngi nya. hahahahaha
Vernon Unggoy:
hoy ro, iligpit muna namin silas dito. balitaan ka namin bukas kung may mag-eedit
Rohan Betlog:
Hoy, deadline na sa Biyernes yung video. Pag di kinaya ni Silas, bahala kayo mag-usap kung sino sasalo mag-edit. Di natin mahihiram editing studio nang ibang araw.
Vernon Unggoy:
gegegege
Rohan Betlog:
Papadala ako dyan pagkain bukas ng umaga. Para di mamatay yan si Silas.
Liam Tiktik:
Padala ka na lang pera. Magluluto ako maaga maya.
Rohan Betlog:
Ge.