BHO CAMP #10: The Wild Card

By MsButterfly

531K 26.7K 7.9K

I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that... More

BHO CAMP #10: The Wild Card
Synopsis
Prologue
Chapter 1: Risk
Chapter 2: Hollow
Chapter 3: Lies
Chapter 4: Nine
Chapter 5: Penguin
Chapter 6: Force
Chapter 7: Minutes
Chapter 8: Rainbow
Chapter 9: Visit
Chapter 10: Nineteen
Chapter 11: Four
Chapter 12: Fries
Chapter 13: Disturbance
Chapter 14: Control
Chapter 15: Devout
Chapter 16: Infinity
Chapter 17: Fix
Chapter 18: Doc
Chapter 19: Arch
Chapter 20: Yours
Chapter 22: Waves
Chapter 23: Home
Chapter 24: Insecurity
Chapter 25: Anchor
Chapter 26: Official
Chapter 27: Pain
Chapter 28: Luck
Chapter 29: Dream
Chapter 30: Twice
Chapter 31: Craving
Chapter 32: Crazy
Chapter 33: Title
Chapter 34: Break
Chapter 35: Doom
Chapter 36: Ally
Chapter 37: Burn
Chapter 38: Give Up
Chapter 39: Happy
Chapter 40: Final Chapter
Chapter 41: Negative
Chapter 42: Subscribe
Chapter 43: Yours and Yours
Chapter 44: Gift
Chapter 45: Unleashed
Epilogue
Author's Note

Chapter 21: Calm

10.1K 626 196
By MsButterfly

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 21: CALM

ERIS' POV

Nag-angat ako ng mukha mula sa libro na nasa kandungan ko nang maramdaman ko ang pagpatong ng kung ano sa ulo. Blaze just tipped his lips up and then he tap the visor of the bull cap he just put on me.

"You don't need that book."

Ngumuso ako. "Mas maganda na ang prepared."

"It's easier to learn by doing."

"Pero mas maganda kung matututunan muna ang basics."

"I can teach you the basics."

Nang hindi ako kumilos para isarado ang libro ay inabot niya iyon sa akin at siya na ang nagsara. Ipinatong niya iyon malayo sa akin bago niya ako hinawakan sa kamay at hinila ako. Dumulas ako sa kinauupuan ko dahilan para mapalapit ako sa kaniya.

Napabuntong-hininga nga ako. "Gusto kong magbasa, bakit ba?"

"Pay attention to me too."

Nalukot ang ilong na pinagmasdan ko ang lalaki. Minsan hindi ko alam kung sino ba talaga sa mga Blaze na nakakasalamuha ko ang kaharap ko dahil ganoon siya kabilis magbago ng mood. Iyong Blaze na laging seryoso, iyong Blaze na walang pakielam sa mundo, iyong Blaze na suplado, Blaze na antipatiko, Blaze na walang ginawa sa buhay kundi bwisitin ako, Blaze na seloso, o iyong madalas magpakita sa akin nitong nakaraan; iyong Blaze na daig pa ang anino ko sa kakadikit sa akin.

"Matanong ko lang," panimula ko.

"Hmm?"

"May nakapagsabi na ba sa'yo na ang clingy mo?"

Lumawak ang ngiti niya at inabot niya ang buhok ko na naka-low side ponytail at pinaglaruan ang dulo no'n. Favorite hobby niya kapag nasa malapit ako. Napailing na lang ako ng hindi pa nagtatagal ay hinila niya ang tali no'n.

Mahinang pinalo ko ang kamay niya bago ko siya tinaasan ng kilay. "So?"

"Wala. Sayo lang naman ako clingy."

He twirled a lock of my hair around his fingers before he gently let it go to tuck it behind my ears. Pakiramdam ko ay nag-init ang tenga ko pagapang sa pisngi ko nang bahagyang magtagal doon ang kamay niya.

"Kung hindi mo inalis ang tali ko hindi ka sana bothered sa magulo ko na ngayong buhok."

"Who said that I'm bothered by it? I like your hair down."

"Bakit?"

"So I have a reason to touch you."

I just squinted my eyes at him. Kapag kausap ko siya lagi na lang akong nawawalan ng sasabihin. Mas kaya ko pa siyang pilosopohin kapag nag-aasaran kami. Pero kapag ganitong nanlalandi siya hindi ako makahanap ng ibabato sa kaniya. Batuhin mo ng halik, tignan mo tatahimik 'yan.

Flashes of our kiss two days ago filled my mind. Itinaktak ko ang ulo ko sa gilid na para bang makakatulong iyon na malipat sa iba ang iniisip ko. Ano ka TV? Naglilipat lang ng channel? Halikan mo na dali! Let's go!

Oh hell no. Nagkakaroon na ng sariling attitude ang konsensiya ko. No— I think this is not my good conscience that was always sensible or my normal thinking conscience. I think this is my lustful conscience that Blaze awakened with his flirtations.

"What are you doing?" Blaze asked through a low laugh.

"I'm waking myself up." Ginigising ko ang matinong konsensya ko.

"Gusto mo gisingin kita—"

"AYOKO NG HALIK!"

Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang mundo sa bigla kong pagsigaw. Hindi lang si Blaze na napatigil sa ere ang kamay na dinawdaw niya sa tubig, o ang dalawang bangkero na kasama namin, kundi maging ang ingay na nagmumula sa dagat. Dagat na ang nag-adjust kasi parang nahiya rin iyon para sa akin. O hindi lang ako makarinig kasi gustong takasan ng lahat ng senses ko ang real world dahil sa kahihiyan.

Blaze flicked his wet hand that is now in front of my face. Tumama ang tubig mula roon sa mukha ko. "I was just going to splash you with a bit of water but I like where your mind is at more."

"Hindi kita kilala. Huwag mo kong kausapin."

Tinalikuran ko siya at akmang lalayo ako pero bago ko magawa iyon ay may brasong pumalibot sa bewang ko. Nanigas ang katawan ko nang maramdaman ko ang baba ni Blaze sa balikat ko. This is his thing. Kung hindi manghalik, back hug naman.

Para makahanap ng mapagkakaabalahan kesa ang puso ko na nag fe-feeling juggler na naman sa dibdib ko ang intindihin ko ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Text ko na nga lang si Nyx para kamustahin si Chance. Siya kasi ang nagprisinta na bantayan muna si Chance na naka-close niya naman agad. To be exact, naka-close agad ng maraming agents. Baka nga hindi lang si Nyx ang magbantay sa kaniya. Chance's probably having the best time of his life. Sigurado akong iniispoil na siya ng mga tao sa HQ.

Hindi pa nagtatagal ang pag-text ko kay Nyx ay sumagot na siya at nagpadala ng pictures. Napangiti ako nang makita ko na nasa likod sila ng HQ kung saan malayang nakakapaglaro si Chance sa malawak na damuhan doon. She even sent a video of Chalamity and Chlymate teaching him how to play frisbee.

"Sir pwede na tayo rito."

Bumagal ang bangka hanggang sa tuluyan na iyong huminto. Tumayo si Blaze at kinuha niya ang isa sa fishing rod bago lumapit sa akin at inabot iyon. May kinuha siya na lalagyan at binuksan niya iyon pagkatapos. Gumapang ang kilabot sa akin nang makita kong buhay na uod ang laman niyon.

For the next few minutes, Blaze showed me what to do. Tama nga siya. Sa kapal ng libro na binabasa ko kanina mas mabilis talaga na maintindihan kapag aktwal mong ginawa. Tinuruan niya rin ako kung paanong maglagay ng bait sa hook at pikit mata na sinunod ko iyon. Akala ko talaga isasabit ko lang. Malay ko bang tutuhugin ko talaga na parang barbecue iyong bait.

When he was done teaching me he gave me a smile and grab for his. Nang bumalik siya sa tabi ko ay napatigil siya nang makitang hindi pa rin ako kumikilos. We both stared at each other for a few seconds while I held the rod awkwardly.

"God, you're so cute." Ipinatong niya sa tabi ang fishing rod niya at lumapit siya ulit sa akin. He positioned my hand on the handle. "Hold the line back a little with your forefinger then engage the bale."

Inangat ko ang overhead piece. "Why?"

"For accuracy. You don't need to cast it far. Maraming mga isda rito. Kahit lambatin natin pwede."

"Sure?"

"This is a fishing spot."

Nasa Ternate Cavite kami. This time maaga niya akong sinabihan kahapon na aalis kami at hindi niya lang ako basta ginising na walang kamalay-malay na may pupuntahan pala kami.

Tumingin ako sa dalawang bangkero na nginitian ako na para bang ini-encourage nila ako. I didn't know that fishing could be daunting. It sounded simple so I didn't mind that Blaze added this to my bucket list.

"Kaya mo nilagay 'to sa bucket list ko kasi gusto mong magpasikat no?" tanong ko nang makita kong mabilis niyang naayos ang fishing rod niya. He took far less time on attaching the bait than me.

"How would I impress you if I don't do something different with you?"

"I don't know? Jump from an airplane?"

"Even you could do that."

Hindi ko mapigilan ang ngiti na sumilay sa mga labi ko. Tama naman kasi siya. As long as I know that I have gears, I'm not scared to jump from anywhere. But you're afraid to jump Blaze. Tatalunan mo lang tapos hahalikan mo, anong hirap do'n?

Go away lustful conscience!

I watched Blaze cast his rod and I copied him. Ginaya ko rin ang pagbaba niya ng bale nang bumagsak na ang linya sa tubig.

"Tapos?" tanong ko.

"And then you wait."

I pursed my lips at that. Tinitigan ko ang fishing rod ko na para bang makakatulong iyon para mapabilis na makakuha ako ng isda. Minutes passed but there's nothing but the sound of the water hitting the boat and the low buzz coming from the two men with us that are busy eating their breakfast.

"Who taught you to fish?" I asked.

"My dad."

"I wouldn't have thought that you'll like fishing. It seems like it's made for more laid back kind of person."

He shrugged. "I like to be on the move but sometimes I like to have peace and quiet too."

"Magkaiba tayo talaga no? Mag nag-e-enjoy ako na nasa bahay lang o na mag-isa lang ako. Masaya naman akong lumabas pero okay lang din sa akin kahit hindi. Kaya nga ako gumawa ng bucket list. Kasi pakiramdam ko ang dami ko pang hindi nasusubukan."

"It's good to try new things but you don't need to push yourself too much."

"You don't think I should go out and be a bit more extroverted?"

"There's nothing wrong with being you. There are advantages to everything. Parang ako. Ayokong laging nasa bahay pero ngayon okay lang."

"Dahil?"

"I can stay at home now to be with you. You can go out and have fun once in a while or you can do what you usually do. The point is to enjoy it. Hindi iyong pipilitin mo ang sarili mo." Napatingin siya sa hawak ko. "Eris-"

Naputol ang sasabihin niya ng malakas akong tumili. Pakiramdam ko ay may humihila sa hawak ko.

"Reel it back."

"What?!" I shouted.

"Reel the line."

Kalmadong binitawan ni Blaze ang hawak niya at tinulungan niya akong iikot ang handle bar ng hawak ko. Nang sa tingin niya ay kaya ko na ay binitawan niya ang kamay ko.

They said that fishing is relaxing but I never been this stressed by a simple activity before. Mas kalmado pa siguro ako kung mamamaril na lang ako. But I don't want to shoot a fish with a gun.

Muli akong napasigaw nang tuluyan ng umangat ang linya ng hawak ko na fishing rod. My screams tore the serene ocean when I saw a big fish dangling from it. Hinila ko ang hawak ko pabalik sa bangka at muntik pang humataw kay Blaze ang nagpapasag na isda kung hindi lang siya nakaiwas.

"Oh my god take it out!"

"Hold it," Blaze said while taking out his phone.

Namilog ang mga mata ko. "What?" Gusto ko sanang sumigaw ulit nang hawakan niya ang tali ng rod at inabot sa akin iyon. I reluctantly held the line with my forefinger and thumb. Nakataas pa ang tatlo kong mga daliri na para bang nandidiri ako o ano. "Why are you doing this to me?"

Natatawang tinapat sa akin ni Blaze ang cellphone niya. Hindi na ako magtataka kung parang paiyak na ang itsura ko ro'n. "You just caught a Trevally."

"A what?"

"Talakitok. That's the usual fish here. Trevally, Threadfin bream o bisugo, and Lapu-lapu."

I sighed in relief when the one of the men with us approached me. Tinulungan niya akong maialis ang isda sa pagkakahook no'n. Bumuka ang mga labi ko para sana sabihin na pakawalan na namin nang sa pagkagulat ko ay basta na lang niya inihiga ang isda sa malapad na lamesa na nasa gitna ng bangka at pagkatapos ay inabot niya ang ibinibigay ng isa pa na bangkero na kutsilyo.

"What-"

"Masarap 'to na sariwa Ma'am. May dala kaming sawsawan. The best 'to Ma'am."

My jaw dropped at the same time that the tears clouded my eyes when he stabbed the fish in front of me. He looks like he knows what he's doing because he was quick to fillet it. Natigilan ang bangkero at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin nang nanghihinang mapaupo ako. Kahit ang kasamahan niya ay natigil sa paglabas ng plastic plates.

"Eris?" Kunot ang noong nagbaba ng tingin sa akin si Blaze. "What's wrong?"

"Wala naman akong sinabing patayin iyong isda! Papakawalan ko 'yan eh!" palahaw ko.

"Ha?"

Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko. "Papangalanan ko pa nga 'yan tapos ginawa ng sashimi ni kuya!"

Blaze swallowed what makes me think was laughter that was about to burst out of him. Pilit na itinago niya iyon na para bang pinipigilan niya ang sarili niya na mas lalo pang pasamain ang loob ko.

Pinunasan niya ang magkabila kong pisngi. "You said you're okay to fish since you didn't erased it from your bucket list."

"I said fishing! I didn't say anything about eating it! Wednesday pa lang ngayon!"

Nagpapanic na tumayo ang bangkero at napapakamot sa ulo na tinignan niya ako, "Palitan ko na lang Ma'am-" Lalo siyang nataranta ng mas lumakas ang pag-iyak ko. Mandadamay pa siya ng isa pang isda!

Hinampas siya ng kasama niya. "Bakit mo pinaiyak si Ma'am, Iloy?" tanong niya na para bang kanina lang ay hindi siya naglalabas ng plato. "Ma'am pasensya na po. Doon na lang kayo kumain pagdaong natin. Masarap ang luto sa Kusina ni Brenda. Sikat din dito ang laing nila."

"Oo nga, Ma'am," segunda ni Iloy. "Kilala ni Sir iyong taga-luto."

Kinusot ko ang mga mata ko at pinaningkitan ko si Blaze. Brenda raw. "Huwag mong sabihin na ex-kaharutan mo na naman si Brenda."

Napanganga ang kasamahan ni Iloy at naguguluhang tinignan niya si Blaze. "Ex niyo po si Manang Brenda?"

"Aling Brenda is wonderful but her husband will kill me if I ask her out on a date," Blaze said with a wide smile on his lips.

Sa pagkakataon na ito ay si Iloy naman ang bumatok sa kasamahan na napapakamot sa ulong nagligpit na lang ng gamit.

"Baby, you eat fish," Blaze said after awhile, stating the obvious.

"Kumakain din ako ng pork saka beef. Nakita mo na ba akong kumatay ng baboy at baka sa harapan mo?!"

Tuluyan na siyang napatawa. Nang bigyan ko siya ng masamang tingin ay nangingiting hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan niya ako sa noo.

"Fishing is not for you," he stated.

Napatingin ako sa lamesa kung saan thankfully ay wala na ang isda na mukhang tinago na ng mga bangkero para hindi ko makita. My lips quivered and I nodded.

"You're so fucking cute for your own good," he said as he gave my nose a quick peck.

"What?"

"It makes me want to hide you from the world so I will be the only one seeing you." Marahang pinaglandas niya ang hinlalaki niya sa pisngi ko. He watch as my cheeks reddened and his eyes twinkled as if he likes it. "Want to know where we are going next?"

"Where?"

"List number seventeen."


HINDI AKO MAPAKALI sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Blaze na nasa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. I've been wanting to have another tattoo and I already thought about the design. Isa ito sa favorite ko na nakalagay sa bucket list ko.

"Para kang sasali sa marathon."

Nilingon ko si Blaze. His lip tugged up into a smile when he saw me beaming. "Paano ka nakakuha ng schedule rito? Ilang beses na akong nag-inquire sa kanila pero lagi silang fully booked." He hesitated for a moment. I looked at him suspiciously. "May ex ka rito no?"

"Not an ex-girlfriend."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Para namang hindi ko alam na may dalawang kategorya sa buhay niya. "Letter B o letter C?"

"What?"

"What's her name-"

"Blaze!"

Lumapit ang isang babae na ang taking suot lang ay sleeveless crop tank top at itim na ripped jeans. Puno ng tato ang magkabila niyang mga braso hanggang sa leeg niya. She looked pretty and badass.

Hindi katulad ng ibang mga ex-kaharutan ni Blaze ay hindi siya yumakap sa lalaki at sa halip ay inangat niya ang kamay niya na nakakuyom. Blaze looked at me before he bumped his knuckles with her. "How's everything going, Cataleya?"

Letter C na pala.

"As always busy pa rin." Nakangiting binalingan ako ng babae. "Hello. Blaze said you want an ink. First tattoo?"

"Hello, I'm Eris." Iaabot ko sana ang kamay ko sa kaniya pero inabot niya lang sa akin ang kamao niya katulad ng ginawa niya kay Blaze. I bumped my fist with her and I continued, "Second actually."

Lahat ng secret agent ng BHO CAMP ay may tato. It's a black heart with wings that are on fire spread out on its sides.

"Colored?" she asked.

"Yes."

"Ash can do yours. You have nothing to worry about, the best 'yon pagdating sa colored tattoos."

I can feel my heart racing. I'm not worried. Excitement ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay sasabog ako anytime.

Nang maglakad palayo si Cataleya para siguro tawagin si Ash ay lumingon ako kay Blaze na pinapanood pala ako. Mataman ang pagkakatingin niya sa akin. "Ash Grayson Chain is a famous tattoo artist. He's like a Picasso of the tattoo world. May show siya sa TV na napapanood ko sa Netflix."

Blaze eyes roamed around my face. Sa pagkakataon na ito ay ang mga mata niya naman ang kakakitaan ng pagdududa.

Napatakip ako sa mga labi ko nang lumabas mula sa isang pinto ang lalaking pinag-uusapan namin. To say that the man is handsome is an understatement. Unlike most tattoo artists, he's not covered with them. He explained that on the show. He only have one tattoo and that is the huge clock on his back covered with roses. His father tattooed it on him himself on his twentieth birthday, a week before he died. The clock shows the time of her mother's passing and he chose roses because her mother's name was Rose. She died when he was twelve because of a car accident. Last year he said on the show that he finally found someone that he will allow to add something on his one and only tattoo and he wants it to be a chain wrapped around the clock symbolizing the name that his father passed down to him.

"No."

Matalim ang tingin na nilingon ko si Blaze. "Huwag mong sirain ang kasiyahan ko."

Bago pa siya makapagsalita ay nakalapit na sa amin ang lalaki at nginitian ako. He stretched out a hand towards my direction. Inabot ko iyon at pakiramdam ko ay nagsisimula akong matunaw nang magdaiti ang mga palad namin.

"Maliit lang ba ang tattoo na gusto mo? We have minimalist designs," he said.

"I wanted a palm-sized one and I have an idea on what I want."

"I can make a quick sketch. Where do you want it?"

"Side of my hip."

"No," Blaze said almost through a growl.

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Ash. Mukhang nagtataka siguro siya dahil magkalapit lang naman ang edad namin ni Blaze pero kung umakto siya ay parang tatay ko siya. Minsan din kahit ako napapaisip eh.

"Blaze!" I hissed.

"You need to take your pants off for that."

"Obviously."

"No." Nang makita niyang tumalim ang mga mata ko ay tumingin siya kay Cataleya na lumapit din sa amin na marahil ay nagtataka. "Cataleya, do her tattoo, please?"

Napangiwi ang babae. "Hindi ako gumagawa ng colored."

"I'll go with her in the room."

"Clients lang ang pwede," sabi ni Ash na napakamot sa pisngi. He looked at Cataleya that is standing close to him before he looked at Blaze. "Pasensya na, protocol lang, Pare."

"Then I'm having one too. With her in the same room."

Ash considered that for a moment before he nodded at him and gave him a salute. Nagpaalam na siya sa amin kasama si Cataleya para pumasok sa loob ng kuwartong nilabasan ng lalaki kanina para siguro iprepara ang mga kailangan.

"Tone it down, Jelly Blaze," naniningkit ang mga matang bulong ko.

"You have a crush on him."

"He's a celebrity tattoo artist!" Nakataas ang kilay na pinameywangan ko siya. "Cataleya's your fling before."

"She's not going to touch me, Ash on the other hand will be touching you while you're almost naked."

"He's a tattoo artist!"

"Eris!"

"Blaze!"

"Umm... excuse me?"

Parehas na matalim ang mga mata na lumingon kami sa nagsalita. Alanganin ang ngiti na kumaway sa amin si Cataleya na katabi ang nangingiting si Ash.

"We're dating," Cataleya said and pointed to Ash. "So you can take a breath now, Blaze."

Madilim pa rin ang mukha ng lalaki. He grumbled, "It doesn't make a difference. He's still her crush-"

Naputol ang sasabihin ni Blaze nang basta ko na lang hilahin ang kuwelyo niya hanggang sa magkapantay na ang mga mukha naman. His eyes widened a little but he didn't moved away. Bago pa magbago ang isip ko ay sinunod ko ang halos buong araw ng nagsusumigaw sa utak ko. You win this time lustful conscience.

I felt Blaze body stiffened when I planted my lips on his but I soon felt him relaxed when I nip his lower lip gently with my teeth before I ran my tongue on it. It wasn't a peck, but it wasn't a full blown kiss either. Baka mareklamo pa kami ng wala sa oras kapag itinodo ko.

When I moved away from him, Blaze's eyes were glazed with heat. He looked like he didn't want to end the kiss yet. I didn't want too either.

"Are you calm now?" I asked.

He watched my face for a moment, before his lips finally turned to his usual smug smile. "You can calm me like that anytime you want, Fairy. Parang gusto kong magselos lagi."

"Whatever."

____________________________End of Chapter 21.

Continue Reading

You'll Also Like

296K 12.2K 52
Barkada Series #1 Highest Ranks in Tags: #2 Lesbian #2 Confuse #2 Barkada #4 Lesbianstory #5 GxG #9 wlw #11 GL
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
16.6K 741 82
Van and Demani's story started like all other regular love stories that you read in books and saw in the movies. They met, fell in love, married, and...
29.5K 734 22
Akala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngun...