Kidnapped By The Ruthless Cri...

By Heavenly_Scarlet

1.2M 42.6K 9.4K

The serial killer wants to make you suffer. More

Synopsis
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Ang Katapusan
Author's Note

Kabanata 9

29K 1.2K 478
By Heavenly_Scarlet

Kabanata 9

[ Serena's point of view ]

Pag dilat palang ng mata ko ay kisame na agad ng kwarto ang bumungad. Napabalikwas ako nang bangon bago ginala ang tingin sa buong paligid.

Asan ako? Saan na naman kami nag punta ni Exodus?

Mabilis akong bumaba sa kama bago tumakbo palapit sa pintuan. Ang inaasahan ko ay nakalock yun ngunit ang nakakagulat ay nabuksan ko 'to.

Dahan dahan akong naglakad palabas habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng mansyon.

Sa loob loob ko ay namamangha ako dahil sa ganda ng desenyo nito. Spanish Style ang mansyon mula sa mga sahig at decoration ng buong bahay.

Bumaba ko sa hagdan para hanapin si Exodus ngunit hindi ko siya namataan kaya naman lumabas ako ng mansyon para lang mapanganga ng bumungad sakin ang puting buhangin at kulay asul na dagat.

Imbis na mamangha sa tanawin ay nanginig ang tuhod ko dahil sa nararamdamang takot at kaba.

Takot at kaba dahil nasa isang isla kami, isang lugar na siyang bagong hawla ko.

"You're awake." ang malamig na boses ni Exodus ang narinig ko mula sa likod. Mabilis akong humarap sa kanya para tignan siya sa mata habang kinakain ako ng lungkot.

"A-asan tayo? B-bakit mo ako dinala dito!?" sigaw ko dahilan para bahagyang tumaas ang labi niya. "You are too brave to shout at me."

Alam ko na dapat makaramdam ako ng takot ngunit hindi yun ang nanaig sakin ngayon kundi ang galit at lungkot na nararamdaman ko "A-ano pa bang mapapala mo sakin? Ano pa bang makukuha mo sakin? B-bakit kailangan ilayo mo pa ako lalo sa pamilya ko? B-bakit hindi mo nalang ako pakawalan?"

Humagulgol na 'ko sa harap niya bago dahan dahan na lumuhod "Please Exodus pakawalan mo na 'ko, maawa kana sakin please!"

Ilang beses na ba ako nagmakaawa sa kanya? Hindi ko na mabilang ngunit ang bawat sagot niya sa pagmamakaawa ko ay galit. Nakakagulat lang na hanggang ngayon hindi pa din yun dumadaan sa mga mata niya.

Hanggang ngayon wala pa ding reaction ang mga matang yun. "Nah. Hindi ka babalik, dito ka lang." final niyang sabi habang nakatingin pa din sakin.

Sumama ang tingin ko sa kanya bago ako tumayo at padarag na pinunasan ang luha ko. "Hindi ba papatayin mo din naman ako? Pwes patayin mo na 'ko ngayon."

Suko na 'ko, alam ko na kahit anong gawin ko hindi ko na makikita pa ang pamilya ko. Nasa isang isla kami at isa lamang ang paraan para makaalis ako dito at ayun ay lumangoy sa malawak na dagat.

Ngunit alam ko na napakaimposible nun, dapat kong tanggapin na hindi na 'ko makakabalik pa.

Umupo si Exodus na parang hari sa magarbong upuan na nasa labas ng mansyon. Bahagya niyang hinawakan ang maskara niya habang nakatitig sakin.

"You wanna die? Then kill yourself. Make sure that you will give me a good show mermaid or else one of your family will die too."

Napalunok ako habang tinitignan siyang nakangisi sa harap ko na tila nanunuya dahil alam niyang hindi ko magagawang patayin ang sarili ko.

Ngunit nagkakamali siya. Dahan dahan akong tumalikod sa kanya bago nag lakad papunta sa magandang dagat.

Tingin ko maganda ang kamatayan na 'to. Maganda dahil sa kulay asul na dagat na 'to mag wawakas ang buhay ko at hindi sa maduming kamay ng isang kriminal.

Tinignan ko ang paglapat ng tubig alat sa mapuputi kong paa bago ako dahan dahan lumingon kay Exodus na nakaupo pa rin at nakatitig sakin.

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago ako tuluyan tumakbo papunta sa malalim na parte ng dagat.

Itinigil ko ang pag langoy ko ng mapagtanto na nasa malalim na parte na 'ko ng tubig. Hindi na maabot ng kamay kong nakataas ang itaas ng tubig.

Tumulo ang luha sa mata ko habang nakapikit ako. Tila kagaya ng pangalan ko dito tuluyan mapupunta ang katawan ko. Sa dagat.

Hindi ko na pinigilan pa ang paghinga ko. Napakuwagkuwag ako sa mga kamay at paa ko habang ramdam ko ang tuloy tuloy na pagpasok ng tubig sa ilong at bibig ko.

Para kong nasusuka, ang sakit ng ilong ko at lalamunan. Akala ko tuluyan na'kong mamatay ng may brasong pumulupot sa bewang ko bago ako iharap sa kanya.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil sa panghihina hanggang sa naramdaman ko ang isang mainit na bagay na lumapat sa labi ko at ang sunod sunod na hangin na pumasok mula rito.

Nang maiahon ako ni Exodus sa lupa ay patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko at halos mamatay ako kakaubo. Yakap yakap naman niya ako habang hinahagod niya ang likod ko.

"You stupid mermaid! You can only die on my hands! Get that!?" sigaw niya gamit ang malamig na boses. Patuloy akong umiiyak habang mahigpit na nakakapit sa braso niya.

Tila ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa ginawa kong pagpapakamatay kanina. Hanggang ngayon kahit nakaahon na 'ko ramdam na ramdam ko pa din ang nakamamatay na tubig na tila binabalot ang buong katawan ko hanggang sa mawalan ng hininga.

Hinawakan ko ang dibdib ko bago huminga ng malalim, ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng ilong ko. Hanggang ngayon hindi ko magawang maibuka ang bibig ko dahil sa panginginig nito at tila nawalan din ako ng boses.

Unti unti kong tinignan si Exodus at nanlaki pa ng bahagya ang mata ko nang makita na wala siyang maskara sa mukha.

Nanatili akong nakatitig sa kanya ganun din siya sakin. Tila ayaw nang umiwas ng mga mata ko sa pagkakatitig sa mukha niya.

"Wag mo na ulit gagawin yun, I swear susunod ako sayo at hahatakin kita pababa sa empyerno. Naiintindihan mo?" dahan dahan akong tumango sa kanya.

Gusto ko man sabihin na siya din naman ang nagsabi na magpakamatay ako ngunit hanggang ngayon hindi ko pa din magawang makapagsalita.

Tingin ko ay natruma ako sa ginawa kong pagpapakamatay kanina. Nanghihina akong humilig sa dibdib ni Exodus ng buhatin niya na ako at muling ipasok sa magandang mansyon.

Matapos paliguan ang sarili ay hinang hina akong lumabas ng banyo na tanging suot lamang sa sarili ay tuwalya. Nagitla pa ako nang makita si Exodus na nakaupo sa kama, tulala habang naninigarilyo.

Bagong ligo din siya katulad ko.

Nang dumapo ang pula niyang mata sakin ay hindi ko maiwasan na mailang dahil sa suot ko at sa mukha niya. Bakit hanggang ngayon hindi niya pa din sinusuot ang maskara niya?

"Can you dress yourself?" tanong niya. Sa tabi niya ay meron nakatuping itim na boxer at puting malaking t-shirt. Nanghihina akong tumango at akmang lalakad palapit sa kanya ng siya na ang lumapit sakin bago ako binuhat.

"Well even if you can, gusto kong ako pa din ang magsusuot ng damit sayo." hindi na 'ko nakapag protesta pa ng ibaba niya ako sa tabi ng kama bago hinatak ang tuwalya sa katawan ko.

Nahihiya ko siyang tinignan dahil kitang kita ko kung paano hinahagod ng mga mata niya ang katawan ko hanggang sa huminto yun sa dibdib ko.

Kita ko pa ang sunod sunod na pagbaba ng adams apple niya kaya bahagya kong tinakpan ng kamay ko ang dalawa kong dibdib.

"A-ano ba, nilalamig na 'ko." halos pabulong kong usal. Sana naman wag siyang tablan ng kamanyakan niya ngayon, nanghihina ang katawan ko at ayaw kong lalong magalit sa kanya.

Iniwas niya na ang tingin sa katawan ko at patay malisya na sinuot sakin ang malaking t-shirt niya na tila dress na sakin dahil sa haba.

Sinunod niya ang boxer bago ako inalalayan para humiga. "Rest now mermaid." bulong niya bago mabilis na tumalikod.

Nanatili naman ang titig ko sa likod ni Exodus na punong puno ng tattoo hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng kwarto.

Unti unti ko naman pinikit ang mata ko bago napahinga ng malalim. So what will happen to your life now, Serena?

Muli akong magising dahil sa nararamdamang gutom. Naalimpungan kong hinawakan ang t'yan kong kumakalam bago tumingin sa veranda.

Mag gagabi na pala at simula nung nagbyahe kami kanina papunta sa islang ito ay hindi pa ako kumakain.

Dahan dahan akong tumayo bago pumunta sa pintuan at pagkabukas ko pa lang nito ay naamoy ko na agad ang kakaibang amoy.

Kunot noo akong bumaba bago napatingin sa parteng kusina dahil tila dun yun galing. Agad akong nagtungo dun at bumungad agad sakin ang nasusunog na pagkain sa kawali habang si Exodus ay nakasuot ng itim na apron.

Napatulala ako habang tinitignan ang makapal niyang kilay na salubong habang bakas sa gwapo niyang mukha ang sobrang iritasyon.

"Tangina mapapatay ako ni Hercules." rinig kong bulong niya dahilan para mapakunot noo ako. Sino si Hercules?

Nag kabit balikat na lamang ako bago dahan dahan lumapit dahilan para lingunin niya ako. Dun ko lang din nakita ang sira sirang gamit pang kusina na nagkalat sa paligid.

"A-anong nangyari?" nauutal kong tanong. Masamang titig ang binigay niya sakin bago bahagyang umirap "I tried to cook but f*ck! Mas madali pang pumatay ng tao." irita niyang usal at hindi ko alam kung matatawa o matatakot ako dahil sa huli niyang sinabi.

Tinignan ko ang mga niluto niya at napangiwi ako dahil puro sunog na hotdog, itlog at bacon lang naman pala ang sinubukan niya.

Ipiprito lang naman yan ngunit kung makapag reklamo ang isang ito ay tila mahihirap na pagkain na ang sinubukan niyang lutuin.

Lumapit ako sa sirang kawali na nasa sahig "Bakit putol 'to?" tukoy ko sa hawakan "Binato ko, nabwisit ako e." nanlaki pa ang mata ko sa dahilan niya hanggang sa di ko namalayan na napangiti na pala ako sa harap niya.

"P-pwede bang ayusin mo na lang ang mga kalat? Ako nalang mag luluto ng pagkain natin." mahina kong utos. Tumitig pa siya sakin sandali bago tumango.

Dumeretsyo naman ako sa ref at nakita kong piling pagkain lamang ang nandun. Kinuha ko na lamang ang manok na nakabalot bago kumuha din ng toyo,suka at iba pang rekados ng adobo.

Nag tingin din ako kung may bigas at buti meron naman. Hindi ko alam kung bakit tila kompleto ang pagkain sa bahay na 'to kung gayon kanina lang naman kami dumating ni Exodus.

Hindi ko din alam kung kanino ang maliit na mansyon at ang islang ito. Posible din naman kay Exodus 'to lalo na sa isang mansyon din kami nanatili sa maynila.

Minsan naiisip ko na hindi lang siya basta kriminal. Sa itsura, sa uri ng pananalita at sa mga mamahaling gamit niya palang ay tila mayaman talaga siya.

Mula sa pag iisip tungkol sa buhay niya ay mabilis akong napaigtad ng maramdaman ang presensya niya sa likod ko. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko at tila kinukulong ako dito sa lababo.

Nag panggap akong walang pakeelam at busy pa din sa pagsasaing kahit na tila kinakabahan ako sa presensya niya.

"Why is it so easy for you to cook while I'm having a hard time doing it?" paos niyang tanong, mas lalong ginitgit ako sa lababo.

Marahil siguro sa pagiging tuliro ko sa presensya niya ay hindi ko napansin na naisatinig ko ang salita na dapat sa utak ko lang sasabihin.

"E ikaw? Bakit ang dali para sayo pumatay demonyo ka." nang mapagtanto na nagawa ko yun sabihin sa kanya ay mabilis na binalot ng takot ang katawan ko sa ideyang magagalit na naman siya.

Gosh Serena! You are really having a death wish do you!?

Nanatili akong nanigas sa pagkakatayo hanggang sa naramdaman kong niyakap niya ako bago siya mahinang tumawa sa tenga ko.

"Sinasagot mo na 'ko baby? Bakit matapang ka na ba?"

++++

Continue Reading

You'll Also Like

400K 7.4K 53
In Kendrick Natividad's motto, 10 years age-gap was nothing to possess and become obsessed with his little girl, Hyacinth 'Haya' De Silva. You're Min...
32K 721 34
WARNING: MATURED CONTENT | P-18 | COMPLETED Lazarus Nikolas Lefevre the new hottie Profesor of Crescent University... Genevieve Schuyler Clementine a...
390K 11.9K 49
John Gil Voughne Cullen is a Fighter in MAFIA'S ORGANIZATION. A k¡ller, A sociopath and a man feared by all. A handsome face filled with villainous...
317K 8.9K 36
A love story that was played by destiny. A lovable person who once got hurt by the people she trusted. Will she be able to forgive the people who hur...