BHO CAMP #10: The Wild Card

By MsButterfly

533K 26.7K 7.9K

I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that... More

BHO CAMP #10: The Wild Card
Synopsis
Prologue
Chapter 1: Risk
Chapter 2: Hollow
Chapter 3: Lies
Chapter 4: Nine
Chapter 5: Penguin
Chapter 6: Force
Chapter 7: Minutes
Chapter 8: Rainbow
Chapter 9: Visit
Chapter 10: Nineteen
Chapter 11: Four
Chapter 12: Fries
Chapter 13: Disturbance
Chapter 14: Control
Chapter 15: Devout
Chapter 16: Infinity
Chapter 17: Fix
Chapter 18: Doc
Chapter 20: Yours
Chapter 21: Calm
Chapter 22: Waves
Chapter 23: Home
Chapter 24: Insecurity
Chapter 25: Anchor
Chapter 26: Official
Chapter 27: Pain
Chapter 28: Luck
Chapter 29: Dream
Chapter 30: Twice
Chapter 31: Craving
Chapter 32: Crazy
Chapter 33: Title
Chapter 34: Break
Chapter 35: Doom
Chapter 36: Ally
Chapter 37: Burn
Chapter 38: Give Up
Chapter 39: Happy
Chapter 40: Final Chapter
Chapter 41: Negative
Chapter 42: Subscribe
Chapter 43: Yours and Yours
Chapter 44: Gift
Chapter 45: Unleashed
Epilogue
Author's Note

Chapter 19: Arch

12K 645 303
By MsButterfly

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 19: ARCH

ERIS' POV

Nilibot ko ang paningin ko sa malawak na paligid. Hindi ko alam kung gusto kong mamangha sa nakikita ko sa harapan ko o kakabahan ako dahil paniguradong may rason kung bakit pinatawag ako rito. Well to be exact, pinatawag kami.

"Wow!" Namimilog ang mga mata ni Thunder na umabot siya ng isa sa mga tsokolate na nagkalat. Akmang babalatan niya na iyon pero mula sa kung saan ay sumulpot ang kapatid niya at basta na lang hinataw ang kamay niya dahilan para mabitawan niya 'yon. "Aray! Freezale naman. Please be careful with my hands."

Sa kabila ng pagdududa sa mga kaganapan ay mahina akong napatawa nang sa tono pa ng kantang "Please be careful with my heart" binigkas iyon ng lalaki. His sister just gave him a cold stare before she moved away. Kasunod niya ang asawa niya na si King na binelatan lang ang kabanda.

Muli kong iginala ang mga mata ko sa kinaroroonan namin. As of now there's four training areas in BHO CAMP. One is at the Grounds; the headquarters built for the trainees, the second one was the place where Hugo and I trained, ang isa pa ay sa likod ng main headquarters malapit sa open field, at ang panghuli ay dito sa pinakamalaking training area ng main HQ na kasalukuyang kinaroroonan namin.

It's more of a simulation training area since dito namin isinasagawa ang iba't ibang klase ng sitwasyon kung saan kailangan namin sanayin ang isa't isa. This place is more high-tech and equipped than the other training rooms.

Kaya nakakapagtakang ngayon na ang malawak na lugar kung saan kasya ang lahat ng miyembro ng BHO CAMP mula trainees hanggang sa Elite kahit isama pa ang mga miyembro na nagretiro na agents ay kasalukuyang punong-puno ng mga chocolate, candy, clothes, books, at iba't ibang klase ng mga laruan.

"Ang layo pa ng Pasko ah," nagtatakang sabi ni Hera.

Sa tabi niya ay sumulpot ang best friend niya na si Athena na nakaabrisete sa asawa niya. "Ang daming budget ni Dawn infernes."

Mukhang narinig ng taong pinag-uusapan nila ang sinabi niya dahil tumingin sa direksyon namin si Dawniella, ang head ng BHO division. "Hindi ko sa budget ko lang kinuha ang mga iyan. I have four kids to feed. Five if we're counting my husband."

Nakangusong tinignan ang babae ng asawa niya na si Triton. "Kung makapagsalita ka naman, Master, parang ang takaw ko."

Kahit naman siguro pati kami idamay na ni Dawn na pakainin hindi pa rin mauubos ang kayamanan nila. Sino kaya ang kahati niya kung gano'n? Hindi lang kasi iyong mga pagkain ang branded. Pati mga laruan at damit hindi basta-basta lang. This is like a mini version of the Willie Wonka Factory. Kung mini pa ngang matatawag ang lugar na 'to. Almost every space of the room is covered by sweets, clothes, books, and toys.

"Kumuha ako sa pera na ipapadala sa account ng lahat na may mission for the past two weeks," she explained.

"Magkano?" tanong ni Athena.

"Fifty sa Elite, thirty sa Juniors, twenty sa trainees."

Napa-ahh ang mga taong nakarinig sa kaniya. Me on the other hand looked around again. Everything seems expensive. Madami man ang mga miyembro ng BHO CAMP pero hindi kami ganoong kadami para kumasya ang kakaunti lang na ambagan para makabili ng ganitong kadaming bagay. Unless galing ang mga 'to sa illegal hoarders na ipinasuplong ni Dawn at naisipan niya lang ipamigay ang produkto ng mga iyon.

"Thousand," Dawn clarified.

Kaniya-kaniya ng angal ang lahat habang napapailing na lang ako. Kahit siguro trainees hindi man lang mararamdaman ang mababawas sa kanila. We're being paid a lot because we're also risking a lot. BHO CAMP might not be legal but that doesn't mean that there's not a lot of rich people out there that is willing to use us for their vigilante justice. In short, we're completely covered.

"Kami lang na nandito?" tanong ni Sky na pasimpleng nanginginain ng chocolate.

Dawn answered, "No. Lahat ng miyembro."

"Bakit kami lang ang nandito kung gano'n?"

"Kasi kayo ang may offenses."

Ngumisi lang si Sky na mukhang wala ng balak itanong kung ano ang offense na sinasabi ni Dawn. By the looks she's giving her husband, parang alam ko na rin. Miyembro rin sila ng mga alagad ni Jollibee. Hindi na ako nagtataka.

Binaba ni Dawn ang hawak na tablet device at bahagyang naniningkit ang mga matang tinignan niya kami isa-isa. "All of you will help pack a box of gifts that we will give to the missing children from Eris last mission that will now be reunited with their families. The others will go to different orphanage in the country. Those children deserve to feel the spirit of Christmas kahit matagal pa 'yon. It will be hitting two birds with one stone because you all will also serve your punishment." Nang makita niya na sa pagkakataon na ito ay wala ng nagreklamo ay nagpatuloy siya, "Those of you that are here made your own kind of violations. From having altercation with guests, causing disturbance, sleeping during duty, sleeping and loitering around the public parts of BHO CAMP, and sleeping with their partners on a public place."

Umugong ang mahihinang tawanan at paminsan-minsan ay pagtikhim na nagmumula sa mga agent. If Sky, Hera, Athena, and Freezale are here with their husbands then it doesn't take a genius to know what kind of offense they had. Bukod pa roon ay nandito rin ang ilang mga junior at trainee. Some with their partners, and some are alone. The latter probably had different violations or they have the same one but with a non-agent partner.

"Counted ba kapag hindi natulog? Kasi kami ng asawa ko sure na sure akong wala sa amin ang natulog," nangingiting tanong ni Hera at kumindat pa sa asawa.

Itinaas ng best friend ng babae ang kamay at sumegunda. "Oo nga. A tryst doesn't need to end up with a camping."

Napapangiwing nilingon ko sila. "Wala ba kayong mga bahay? Ang dami kayang tao rito sa headquarters."

"Wala naman kasing tao... sa meeting place namin," nakangusong sabi ni Athena.

"May tao sa control room."

"Na may meeting din."

Lahat kami ay nabaling sa kinaroroonan ni Freezale. As usual, her face is unreadable when she turned her face to us as if she felt our gaze. Tanging ang asawa niya lang ang nagkompirma sa katotohanan ng sinabi ni Athena na kasalukuyang proud pa na inakbayan ang asawa na parang gusto kaming gawing yelo ma-ala Elsa ng Frozen.

"This is a work place and even if you're not on duty, it's our job not to make the others that are still working feel uncomfortable—" Napatigil sa pagsasalita si Dawn nang muling magtaas ng kamay si Hera. "Yes?"

"Bakit kayo ni Triton hindi kasali sa parusa? Di ba noong nakaraan nagkaroon ng pila sa labas ng opisina niyo dahil hindi makapasok ang mga mag de-debriefing dahil busy kayo sa... bida ang saya moments niyo?"

For a moment Dawn just looked at Hera. Bahagya akong lumayo sa babae na katabi ko lang halos bago ako madamay kapag bigla na lang siyang bumulagta na walang buhay.

After awhile, Dawn just shrugged her shoulders. "Fair point, well made." She turned to her husband. "Triton, join them."

Humaba ang nguso ng lalaki. "Bakit ako lang?"

"Because technically, no one saw us doing what was being implied. So we only need to do half of the deal. You're that half."

"Why me?"

"Nagrereklamo ka?"

"Ako magrereklamo? Never!" Matamis na nginitian ni Triton ang asawa bago niya kinintalan ng halik ang babae sa noo. "Mamimiss lang talaga kita."

Pinaikot ni Dawn ang mga mata habang kami na mga nakikinig ay umakto lang na nasusuka. Ang tagal na nilang tapos sa honeymoon stage nila pero parang wala pa ring pinagbago. No wonder na ang dami na nilang chikiting kahit hindi pa naman sila ganoong katagal naikasal.

"So..."

I pulled my gaze away from the two bosses of BHO CAMP to look at Hera. Iginalaw-galaw niya ang mga kilay niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at sa lalaking tahimik lang na nakatayo di kalayuan sa akin.

"Ang bilis ng development ah. Parang kahapon lang ang laki ng galit mo sa cellphone mo at kay Blaze pero ngayon kabilang na kayo sa aming-"

Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya at nilingon ko si Blaze na bahagyang napaangat ang kilay. Walang duda na narinig niya ang sinabi ni Hera.

"Hindi kami kabilang sa inyo!" asik ko.

"Eh bakit kayo nandito?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hello? Di ba kasama kita ng bumisita ang ex-kaharutan nito?" I jabbed my thumb towards Blaze. "That Bimbolina woman."

"Oh right. Iyong sinuntok mo." Tumingin siya kay Blaze. "At ikaw?"

"Disturbance," he simply said.

It was probably that time in the gym. Iyong pinatunayan niya na posible pa rin na mag-tantrum ang taong kasing laki at kasing tanda na niya.

The door behind us opened. Pumasok mula roon ang naghihikab pa na si Erebus. Mukhang hindi na namin kailangan tanungin kung anong klase ang offense niya. Bago pa tuluyang sumarado ang pintuan ay iniluwa rin niyon ang mag-asawang Phoenix at Snow.

"Saan ka na naman natulog, E?" naiiling na tanong ni Thunder.

"Sa lobby. Tinamad akong diligan iyong mga halaman na hindi ko pa napapalitan."

I was right! May agent nga talagang pinalitan ang ilan sa pagkaraming nakapasong halaman doon ng plastic plants. Kapag tamad ka dapat maparaan ka.

"Kayo Snow? Saan kayo natulog ni Phoenix?" nagbibirong tanong ni Athena.

Sa lahat ng nandito si Snow ang hirap pag-isipan ng masama. Mas maniniwala pa kaming napagtripan nilang matulog sa gitna ng Craige's kesa ang gumawa ng kababalaghan. She's part of a triplet with her other siblings being Thunder and Freezale. Magkamukhang-magkamukha sila ni Freezale pero sobrang layo ng ugali nila.

Snow even with being married now, still feels like she's the baby of BHO CAMP. Kahit pa nga sabihin na hindi naman siya ang pinakabata. Noong unang panahon kasi parang wala pa siyang kamuwang-muwang sa mga bagay.

"Sa bahay lang," sagot ng babae.

"Sa bahay lang naman pala." Napapalatak na umiling si Athena. Puno ng kapilyuhan ang mga mata niya. "Bakit naman kayo mapaparusahan din?"

"Ay akala ko kagabi iyong tanong mo. My sister told me that we had a violation last week."

"Last week?"

"Yes. Nang "matulog" kami sa kotse sa parking lot."

I want to think that she's talking about sleeping. Like closing your eyes to sleep kind of sleeping. But the way she air quoted a particular word made me want to think of something else. Base sa kalituhan sa mukha ni Athena at Hera ay mukhang ganoon din sila.

"Kaso hassle pala. Ilang beses akong naumpog."

Nasamid ako at sunod-sunod akong napaubo kasabay nang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Sa tabi ko ay nakangangang nakatingin lang si Hera at Athena sa babae na nginitian sila bago tatalon-talon na naglakad papunta sa kapatid niya. Her husband just shook his head while he followed her.

"I didn't need to hear that," Thunder whispered, looking scarred.

Itinaktak ko ang ulo ko sa magkabilang side na para bang matatanggal no'n ang bagay na kakarinig ko lang. We all liked to think that Daiquiri, Snow and Phoenix' daughter, was delivered by a stork directly from the heaven and not a product of procreation.

"Ewan ko sa inyo." I shuddered and moved away from them. "Makalayo na nga. Baka mahawa pa ako sa kaharutan niyong mga malalaswa."

Naglakad ako sa direksyon papunta sa kabilang dulo ng lugar kung saan wala masyadong mga agent. I grabbed a hefty amount of collapsed box, but before I can carry them, a pair of hands snatched them away.

"Kasama ka sa kanila." Nang bigyan niya lang ako ng nagtatanong na tingin ay nagpatuloy ako, "Maharot ka rin."

"Nagbagong buhay na ako," may kinang ang mga mata na sabi niya.

"Yeah right."

"Sayo na lang ako haharot."

Inirapan ko siya at basta na lang ako sumalampak sa hindi okupadong espasyo sa sahig. Imbis na umupo sa harapan ko kagaya ng inaasahan ko ay pumuwesto siya sa tabi ko. Mas tama atang sabihin na pumuwesto siya para dumikit sa akin kasi isang hinga na lang ata ang layo namin sa isa't isa.

"Pwede ba?"

"What?" he asked innocently. Too innocently if someone will ask me.

"Pwedeng lumayo ka ng kaunti? Ang sikip na o?"

"Parang hindi naman. You barely take space since you're pocket size and all."

Pocket size. "Hindi talaga ako kumakain ng space at oo, maliit na kung maliit. Pero ikaw hindi. Higante ka eh. Hindi ka man kasinglaki ni Hugo pero hindi ka rin maliit."

Sa isang iglap ay napalitan ang ekspresyon sa mukha niya. Ang laki talaga ng inis ng taong 'to kay Hugo. Kada nababanggit ang lalaki o nasa paligid niya daig niya pa ang batang naghihimutok.

"He's not that big. Halos magkaparehas lang kami."

"Asa. Wala ng mas lalaki kay Hugo-"

Napalunok ako nang itukod niya ang isa niyang kamay sa pagitan namin at dumukwang siya hanggang halos ramdam ko na ang init na nanggagaling sa hininga niya. I got a whiff of the scent of his aftershave and for some reason the image of him wet from the shower with a four clock shadow flashed in my brain. Wow, Eris. Baka gusto mo na ring sumama sa tropahan ng mga mahaharot at malalaswa? Parang you belong.

"I've seen him in the lockers."

I got pulled from the embarrassing images currently circulating my mind by Blaze's random comment. "Ha?"

Lalo siyang yumuko hanggang sa ilang sentimentro na lang ang layo ng mga labi niya sa tenga ko. "I can assure you, Fairy, I'm bigger than him."

Malakas na napasinghap ako kasabay nang akmang pagtayo ko na sana. Natatawang pinigilan niya ako sa braso at muli niya akong inupo. Mukhang hindi naman lingid sa kaalaman niya ang sabog-sabog ko ng pagkatao dahil sa kinikilos at pinagsasabi niya dahil bahagya siyang umusog para bigyan ako ng pagkakataon na huminga.

"Usually guys acts like a gentleman in front of the woman that they're trying to court."

Inabot niya ang isa sa mga kahon at sinimulan na buuin iyon. "I'm not courting you."

I tried not to show on my face the twinge I felt inside my chest because of his words. Instead of the hurt and disappointment, I chose to be angry. Kasalanan bang mag-assume kung iyon ang ipinapakita niya sa akin? Eh di sorry kung mali ako. May babe pang nalalaman hindi naman pala ako nililigawan. Ang daming paliwanag kung bakit gusto niya akong makasama pero hindi naman pala ako nililigawan. Eh di wow—

"Kung saan-saan na naman nakakarating ang utak mo," naiiling na sabi niya nang mag-angat siya ng tingin mula sa ginagawa.

"Huwag mo akong kausapin. Umiinit ang ulo ko."

"I told you that I will always be honest with you, didn't I?"

Sino bang hayop ang nagsabi na honesty is the best policy? Parang ang sarap barilin.

"Now you're pouting."

Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa nandito ang buong pamilya niya at pinaglalamayan siya.

"Now you're planning my death."

"Hindi kita gustong kausap! Doon ka sa malayo! Ayokong kasama ang mga katulad mong inexhile ng langit!"

Imbis na sundin ako ay tinawanan niya lang ako. Akmang aabutin niya ang buhok kong bahagyang tumabing sa mukha ko pero inambaan ko lang siya ng suntok at ako na ang nagpalis no'n.

"For someone that looks dainty, you're surprisingly violent."

"Nakakapagtaka pa ba 'yon? Gusto mo bang ihilera kita sa listahan ng mga napaslang ko?"

"If you will be the one that will give me the kiss of death, why not?"

Nanggigigil na inangat ko ang mga kamay ko at umakto akong sinasakal ang hangin kahit na sa leeg ko niya gustong gawin iyon. He just laughed at me as if he's finding me hilarious. Bumuka ang mga labi ko para muli siyang bulyawan pero hindi ko na nagawa iyon nang buksan niya ang isang maliit na pakete ng tsokolate at basta na lang niyang isinubo iyon sa akin.

"I'm not courting you, I'm pursuing you. Courting feels like I need to take time to get into your good side until you agree to be with me. Like I need to show you only the good parts. So should I hide that I could be an asshole sometimes? That I could be too territorial or that I easily get jealous? I never considered myself as a gentleman. I'm not the kind of person that will ask for your hand. I'm the kind of man that will take your hand and whisk you away."

He leaned down towards me, his lips so close... too close... if not for the piece of chocolate hanging from my mouth separating us. Umangat ang sulok ng labi niya at lalo pa siyang lumapit. Nanlaki ang mga mata ko at umakto akong lalayo sa kaniya para lang mapatigil nang tawarin niya ang distansiya sa pagitan ng mga labi namin.

Every part of me went into a stand still when he took a bite of the chocolate, his lips... painfully close to mine.

He didn't moved away, but rather he held my eyes as he whispered his next words.

"I'm good at waiting. I'm good at being patient. But I don't do gentle, Eris."

"T-There's no such thing as patient and not being gentle."

"There is. Me."

"It's contrasting and a contrast means difference."

"Or it could be a balance of two best worlds." Bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko. "One that you'll enjoy with me."

He's right. I should have known it— no... I knew it. I felt it with his actions. How he patiently waits... but how he also attack in a high speed. There's nothing slow when it comes to him. Nothing soft or light. If he's a wind he won't be a breeze, he'll be a tornado. If there's calm waters, he's the raging waves. If there's a flame... he will be blazing.

"Kids close your eyes! May dumadating na application mula sa future na malalaswa!"

I pushed on Blaze's chest but he remained unmoving. Inulit ko iyon at nang hindi pa rin siya gumalaw ay nanggigigil na kinurot ko siya sa tagiliran. Mukha namang hindi niya ininda iyon dahil natatawa lang na lumayo siya sa akin ng bahagya.

When I turned my head to the others, I saw that they're all looking at us. Abot sa magkabilang tenga ang ngiti ni Hera nang itaas niya ang naka-thumbs up niyang mga kamay.

"Application approved!"

HINDI KO MAPIGILAN na kuwestiyunin ang katinuaan ko nang isinulat ko ang bagay na ito sa bucket list ko. Pakiramdam ko ay nasa ibang planeta ako kung saan hindi ko alam kung paano kikilos. Well... it's not like this is what I expected when I thought of it.

"Ang sabi ko babysit," mahinang sabi ko kay Blaze.

"They're still babies."

"Babies. Plural. Baby lang ang sinabi ko. Singular." Nanggigigil na tinignan ko siya ng masama. "Kakalandi mo 'yan noong high school ka kaya hindi mo alam."

He chuckled under his breath, but instead of bickering with me, he just pushed me gently to go inside. Sa loob ng bahay nila kung saan kasalukuyang malapit ng paguhuin iyon ng mga bata na parang nakalaklak ng isang drum na kape sa sobrang pagka-hyper.

"Kids, volume down a bit please. Natutulog pa sina Aivy at Cariel."

Sky gave us a smile before she grabbed her bag. Sa likod niya ay nakatayo na ang asawa niya at ang apat pa na tao na katulad niya ay ngiting-ngiti sa amin.

"Talagang sinulit niyo no?" napapangiwing tanong ko.

Itinuro ni Sky ang mga tao na nasa likod niya. Aiere and Archer, Storm and Hermes. "Kami lang talaga dapat ni Storm ang mag-a-avail ng... babysitting services niyo." Sky's red lips tipped up when she looked back at the mayhem that their children are creating. "Pero practice para sa magiging anak ni Enyo ang sabi ni Blaze ang gusto mo so Aivy and Cariel are perfect. I don't think Storm and I's children will be too much of a challenge."

Sky and Adonis' children are technically my niece and nephew. Tito Craige, my mother's brother, adopted Adonis. I've been around Russia and Nero but I haven't babysat them. Lagi naman kasi kaming nauunahan ng mga lolo at lola.

"Bakit pakiramdam ko hindi totoo 'yan? Lalo na coming from you?"

Kahit sabihing mas matatanda ang mga anak ni Sky at Storm ay hindi ibig sabihin na hindi nila kayang subukin ang katatagan ko. The neat freak inside me is currently freaking out at the mess that the children are creating behind them.

Nasa bahay kami ng mga magulang nila Blaze. They're away for a short vacation kaya bakante ang bahay. Sky decided to meet here since mas malapit dito ang pupuntahan nila ngayong gabi.

"Thank you for doing this. The kids could be too much," Storm said, her face soft. Sa kabila niyon ay kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Bihira rin kasi siyang mapalayo sa mga anak niya. "Pwede kayong tumawag kapag kailangan niyo kami and we'll be back in no time."

"Stop worrying, we'll be fine," Blaze said to his sister gently. He ruffled her hair and she moved away instantly, playfully poking his stomach before she could do so.

Bumaling ako kay Aiere at sa asawa niya. Tinaasan ko sila ng kilay. "Any words of wisdom before we face your army?"

Lumapit sa akin ang babae at may inabot na baby monitor. "Cariel won't give you trouble, but Aivy will. Iyon nga lang kapag umiyak si Aivy, iiyak din si Cariel. They only cry when they need a diaper change or they're hungry."

"Sounds easy."

"Yes it is. Until they cry when you already changed their diapers and you already fed them." Nang makita niya ang panlalaki ng mga mata ko ay muli siyang napatawa. "Just play a song from Royalty. They'll calm down soon enough."

Now that's surprising. Royalty is a rock band. Patunay na napamana nila sa mga anak nila ang pagiging alien nila.

Sandaling nagtagal pa sila para magbilin ng iba pang mga bagay pero pagkaraan ay nagpaalam na rin sila. I tried to shove away the panic that is beginning to rise from me but I'm failing. I heard a low chuckle behind me and at the next moment, Blaze was holding my hand and pulling me towards the living room.

"Stop panicking. They're just babies. You've handled worse."

"I'm pretty sure using a Mist gun or any type of gun will be frown upon if it will be use on children."

Sa pagkakataon na ito ay mas malakas ang naging pagtawa niya. Pinaupo niya ako sa sofa bago pabagsak na tumabi siya sa akin. Sa kabilang side niya ay nandoon ang panganay na anak nila Sky na si Russia na abala sa pagugupit sa magazine na nasa harapan niya.

"Does your mother know that you're destroying that magazine?" Blaze asked.

"Opo. Mommy knows that I only need a few pictures when I asked her to buy this."

"Maybe you should have asked for a printer instead."

"I have one, but Nero destroyed it," she said, giving her brother a sharp look. Kasalukuyang nakasalampak sa carpet at naglalaro ang kapatid niya kasama sina Ale at Jameson, Storm's sons.

"Ask for another one."

Napapailing na lang ako habang nakikinig. Hindi na ako magtataka kung spoiled ang mga pamangkin ni Blaze dahil sa kaniya.

"Mommy said I should earn it first."

"And?"

"I said that if "earn" means to have money then should I just sell my brother to the zoo so I could buy a new printer?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago pa ako mapabunghalit ng tawa. Walang pagkakaiba si Russia sa nanay niya. Parehas silang maldita.

"Anong sabi ng nanay mo?" tanong ni Blaze.

"Kapag daw binenta po si Nero sa zoo dapat kasama rin ako para buy one take one."

Tuluyan na akong napahalakhak. Maging si Blaze ay natatawa na lang ng guluhin niya ang buhok ng pamangkin na ngumuso lang.

"Ano ba kasing kailangan mo na picture? I'll buy you a new printer. Just make sure to keep it away from your brother."

Nagniningning ang mga mata na tumingin ang bata sa Tito niya. Sky and Adonis will have a lot of trouble when she grew up. Ngayon pa lang na bata pa siya ay litaw na ang ganda niya lalo pa kapag ngumingiti siya.

"Talaga po?"

Blaze nodded. "Yeah."

Nakangiting hinarap niya ang ginugupit niya kay Blaze at nilunok ko ang namumuo na naman sa akin na tawa nang makita ko kung ano iyon. She's cutting images of KPop group members.

"Don't you think you're too young to be collecting images of boys?" Blaze asked when he managed to look away from the magazine.

"Music doesn't have age, Tito Blaze." Tinuro ni Russia ang isa sa miyembro. "I'm going to marry him one day."

Kumibot-kibot ang mga labi ni Blaze na para bang gusto niya na lang mamaril. Not that he wanted to shoot his niece but rather the man on the picture.

"Go do your homework, Rush," he said to the girl after a moment.

"But you'll give me a printer right Tito?" Nang hindi agad sumagot si Blaze ay pinalungkot niya ang mukha niya. I almost want to believe it except she looks like her mother when Sky wanted to get her way. "I thought you love me."

"Do you love me more then your KPop boys?"

Matamis na ngumiti ang bata at sunod-sunod na tumango. It doesn't escaped me that she's not answering verbally and I could only smile at that.

Bumuntong-hininga si Blaze. "Fine."

Impit na tumili ang bata bago sandaling yumakap kay Blaze at pagkatapos ay mabilis na tinakbo niya ang kinaroroonan ng bag niya para gawin ang homework niya. Nakaupo malapit sa bintana kung saan may bay para sa built-in cushioned seat na nandoon. Nakalatag na roon ang mga gamit niya na mukhang inayos na ni Sky. She's far enough not to get disturb by the other three kids and near enough for us to see her.

"You're a pushover," I said to Blaze.

He stretched an arm on the headrest of the sofa. Dahil sa lapit namin sa isa't isa ay para na rin siyang nakayakap sa akin dahil nasa likod lang ng ulunan ko ang braso niya.

"I am when it comes to the girls in my life."

Sa paraan ng pagkakasabi niya no'n ay parang hindi lang ang mga babae sa pamilya niya ang tinutukoy niya. He's looking at me as if I'm one of them.

Tumikhim ako at bahagya akong lumayo sa kaniya. His eyes shine as if he knows what I'm feeling uncomfortable about. Hinayaan niya akong maglagay ng distansiya sa pagitan namin pero nanatiling nasa akin ang atensyon niya. I could be across the room and I will still feel him near with the way he's looking at me.

"So... what should we do?" I asked.

"Nothing."

Kumunot ang noo ko. "Bakit pa tayo nag babysitting kung wala tayong gagawin?"

"Kaya nga baby sitting. Uupo ka lang habang nasa harap mo ang baby."

"Duda ako kung iyan talaga ang ibig sabihin no'n." Tinignan ko ang mga kalat sa paligid. Should I clean up?

"Huwag ka ng magtangka na maglinis. You'll just get stress when they make a mess again."

Aside from toys there are crayons everywhere. Nagkalat din ang mga papel na hindi mo na malaman kung ano ang scratch sa hindi. May mga bukas din na chips at mga inumin.

"You don't clean up. Not until every children are asleep. It's a waste of energy to do so when they're still awake."

"Then maybe we should check on the other two babies."

"Maiistorbo mo lang sila." Kinuha niya sa akin ang baby monitor at inilagay niya iyon sa coffee table. "You'll know when to go to them."

Napapabuntong-hininga na sumandal ako sa sofa. This is not what I'm expecting. Base sa mga kuwento na naririnig ko sa mga agent ay parang laging may gera sa mga bahay nila. I also heard about their sleepless nights.

"It shouldn't be this easy," I mumbled.

"It's only easy because we're just babysitting. Hindi natin sila kasama buong araw. Aside from that, children understand things more than we think they do. We're not their parents so they are trying to adjust and be as good as they can—" Patunay na may pangatlo siyang mga mata ay bumaling siya sa tatlong batang lalaki na nasa lapag. "Ale, Nero can't use that scissors yet."

Napatingin ang panganay ni Storm sa katabi niya. Mabilis na kinuha niya ang gunting na kanina ay ipinatong ni Russia sa coffee table at pagkatapos ay inilayo niya 'yon. Nero didn't threw a fit but he pouted in a way that is almost similar to his sister.

"You're an expert," I said as a statement rather than a question.

"I'm just used to them. Marami akong pamangkin."

"I want to be an expert too para kapag dumating na ang pamangkin ko. What if I couldn't help at all because I'm going to be blind?"

"You're not going to be blind."

"Blaze—"

"And if you do, you'll be the best aunt. There's no such thing as perfect when it comes to children. Hindi perpekto ang mga magulang nila. Hindi rin natin kayang maging perpekto para sa kanila. The important thing is that the children knows they are cared for and that they will always be loved."

Humalukipkip ako habang pilit na pinaglalabanan ko ang emosyon na yumayakap sa akin. "Do you always have an answer for everything?"

"Yes." Kumilos siya para mapaharap sa akin, our knees almost touching. "Ask me anything. Any random thing." Nang hindi kaagad ako nakapagsalita ay tinaasan niya ako ng kilay. "We'll be staying here for hours. You'll be bored soon enough."

"At kaya mo akong aliwin?"

"Well we need to keep everything child friendly of course." Ngumisi siya nang makita niyang tumalim ang mga mata ko. "So? Are you going to ask me questions or not? Come on. It doesn't need to be a difficult one"

I rolled my eyes at him. "Fine." Inabot ko ang isa sa mga throw pillow at niyakap ko iyon. "Favorite color?"

"Blue."

"Favorite hobby?"

"Annoying you."

I gave him a look, but I continued, "Favorite music?"

"The sound of your voice."

Tumahimik ka heart. Hindi ka kasali kaya huwag kang mag-ingay diyan. "If you can eat one thing for the rest of your life what would it be?"

"You."

Namilog ang mga mata ko na kaagad na tumingin ako sa direksyon ng mga bata. Nang makita kong abala pa rin sila sa mga ginagawa nila ay nanggigigil na hinampas ko ang lalaki ng hawak ko na unan.

"You said we should keep everything child friendly!" I hissed quietly.

"It's still child friendly if I'm just telling you, not doing it."

Bumuka ang mga labi ko para kastiguhin siya pero hindi ko nagawang matuloy iyon nang makarinig kami ng pag-iyak mula sa baby monitor. Magkasabay halos na tumayo kami at tinungo namin ang kuwarto na nandito lang din sa baba ng bahay.

Naunang pumasok ng kuwarto si Blaze na kaagad nilapitan ang babaeng anak nila Aiere. Ekspertong kinuha niya si Aivy at marahang isinandal niya sa malapad na dibdib niya ang sanggol. Nakita kong inangat niya ng kaunti ang likod ng diaper ni Aivy.

"She need a change?" I asked.

"Nope."

"She's hungry then?"

"I think so."

Tumingin sa akin si Blaze pero nanatili lang akong nakatayo sa gitna ng kuwarto na hindi alam ang gagawin. Nangingiting lumapit siya sa akin at umakto siyang ipapasa sa akin ang bata. He made sure that she's perfectly situated in my arms before he let go.

"Relax." He gently squeezed my shoulders. "She'll feel it when you're not."

"Uhh... maybe—"

"You'll be okay."

Pagkasabi niyon ay kinuha niya ang isa sa mga bote na nasa lamesa sa isang tabi ng kuwarto bago dala iyon na lumabas siya.

Pakiramdam ko ay nagsisimula ng manginig ang kalamnan ko nang maiwan ako sa kuwarto kasama ang dalawang sanggol. The baby in my arms made a small sound as if feeling my agitation. I made a white noise with my mouth and I carefully shifted side by side.

"Please don't cry. You'll wake up your brother, baby."

Mukhang hindi effective ang pakiusap ko dahil nagsisimula ng lumakas ang pag-ingit na nanggagaling sa kaniya.

"Kapag hindi ka umiyak, promise lahat ng gusto mo paglaki mo bibilin ko para sa'yo. Mayaman kami. Ano bang gusto mo? Your own toy store? A theme park? An island?"

As if telling me that I'm talking nonsense and that she could buy those with her parents' money if she wanted to, she mewed loudly.

"If you cry, I'll cry too."

Mahinang pagtawa ang narinig ko na nanggaling sa likod ko. Relief enveloped me when I saw Blaze came back with the bottle. May laman na iyon na tubig.

"I don't think crying with her will help you."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hurry up!"

Nangingiting nilapitan niya ulit ang mga gamit ng mga bata at may kinuha siya na lalagyanan mula roon. Pagkaraan ay naglakad na siya palapit sa akin habang inaalog ang bote.

"You can feed her," he said.

"I only have two hands."

Dalawang kamay na kanina pa nawawalan ng pakiramdam dahil sa sobra kong pagkatensyon.

"You can hold her with one arm—"

"I can't."

Natatawang mas lumapit pa siya sa akin at kinuha niya si Aivy. He expertly transferred her from me to him. Bitbit ang bata sa isang kamay na ibinigay niya sa akin ang bote.

"Why?"

"We're babysitting together so we should do it together too."

I rolled my eyes before I pulled the cover of the bottle off. Inilapit ko iyon kay Aivy na kaagad namang isinubo iyon. Kaagad siyang tumigil sa pag-iyak. Mukhang gutom lang siya talaga.

Dahil ako ang may hawak ng bote at si Blaze ang may karga sa bata, halos magkadikit na magkadikit na kami. Sa mga sandaling iyon ay hindi ko na magawang pagtuunan ang bagay na 'yon ng pansin dahil ang mahalaga sa akin ay hindi na umiiyak si Aivy.

"Should we feed Cariel too?" I asked.

"He'll be pissed off if we wake him up." He looked at the other baby. "He looks happily sleeping. Sabi naman ni Aiere talagang si Aivy ang mabilis magutom sa kanila."

Tumatango-tango na pinanood ko na lang ang batang karga niya. Her chubby cheeks looks so cute as she hurriedly drink her milk. She's tiny so even though she's drinking fast, it still took awhile.

Bahagyang nangangalay ang kamay na napasandal ang braso ko kay Blaze. Mabilis na inilayo ko iyon. "Sorry."

His lips tipped up and instead of answering me, he snaked his other arm around me and pulled me closer to him.

We stayed like that for awhile. With him watching me as I pretend to watch the baby. After awhile Aivy was done and Blaze made her burp. It didn't took awhile for her to fall back to sleep. Nang matiyak na maayos na sila ay tahimik na bumalik na kami ni Blaze sa living room.

I approached the single couch but before I could do so, I felt Blaze's hand on my wrist and he guided me back to the sofa with him.

"Where were we?"

Nang maalala ko kung saan nahinto ang pag-uusap namin kanina ay naramdaman kong nag-init ang magkabila ko na pisngi. "Wala."

"The question—"

"Wala na kong tanong."

"Ikaw pa?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung makapagsalita ka parang ang tsismosa ko ah?"

"I like it when you ask me questions."

"Why?"

"Because I can watch you without you being uncomfortable."

I ignored my thundering heart again. "Kaya sa mga sagot mo na lang ako ginagawang uncomfortable?" I shook my head at him when he just smiled at me, waiting for my next question. "Wala na kong matanong."

"Just ask me the first thing you'll think of."

I stared at him for a moment with him meeting my eyes without a hint of unease. He's always been like that with me. Comfortable and easy. Sa pag-aasaran pa nga lang namin parang walang may bala mag preno kahit na magkapikunan.

"Why me?" I didn't expect the words that fell from my lips and looks like he didn't too. "You don't need to answer that."

"I will."

Sandaling hinintay ko siyang magsalita pero nanatili siyang walang imik. For some reason, a wave of disappointment hit me. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko pero hindi pa nagtatagal doon ang atensyon ko ay naramdaman ko ang pagkilos niya. He tugged my chin with his finger.

"Don't overthink, Fairy." Iginala niya ang mga mata niya sa mukha ko. "It's not that I don't want to answer, it's just that I don't know how."

"What do you mean?"

"One moment you're my ex's sister, and the next second it was like I opened my eyes for the first time. I didn't want it at first. Alam ko kung gaanong magiging kagulo ang mga buhay natin. I know that you won't accept it easily. Our paths were not easy. It never been with us four. Kaya hindi ko pinansin. I didn't want to act on it."

"Then why?"

"Remember when you told me years ago that you don't believe in that twin thing? Na kapag kinilala mo ang isa, iyon ang taong para sa'yo? You said that you could know everything about that person and it still won't mean anything. Kahit gaano pa kayo matagal magkasama. You said it's useless if the heart doesn't see those things. You said it's about what the heart feels not what the mind can process and store as memories."

That was years ago and I could barely remember everything from that moment. Ang alam ko lang ay iyon ang mga panahon na nasa buhay pa nila ng kapatid ko ang isa't isa. Back when I wouldn't have felt the things I'm feeling with him right now.

"That's my answer. It's you because that's what my heart can see now."

Nang hindi ko magawang makahanap ng tamang salita ay inabot niya ang kamay ko. Marahang pinisil niya iyon at nang magtama ang mga mata namin ay kita ko ang katotohanan sa mga salita niya. He will always give me that just like he said. He will always be honest.

"You know what's funny?" he murmured as he traced patterns at the back of my hand.

"W-What?"

"Sabi mo noon, falling in love with me is impossible like how it is impossible to find a pink and blue penguin."

Napakurap ako nang mas maging malinaw ang alaala ng gabi na iyon sa akin.

"And to meet the right person, you need a rainbow penguin." Umangat ang sulok ng labi niya. "Katulad ng sinabi mo na papayag ka lang na halikan kita kapag may nakita ka na no'n."

"E-Ewan ko sa'yo."

He was about to say something more when his niece went to us. Nakangiting may inabot ang bata sa Tito niya na nagtatakang tinignan ang bata.

"I almost forgot, we made this at school and after the teacher checked them we were tasked to give this to our family members. I already gave those I made for Mommy and Daddy. Sa iyo po ang pangatlo because you love me and you'll buy me a new printer."

Pagkasabi niyon ay patalon-talon na bumalik siya sa kinapupuwestuhan niya at bumalik na sa ginagawa kanina.

Akmang itutupi iyon ni Blaze para ilagay sa bulsa niya nang mapatigil siya. Kunot ang noo na binuksan niya ang papel. For a moment it's like he's trying to understand what he's seeing. Like he's confused or something. Pero kita ko rin sa mga mata niya ang hindi pagkapaniwala habang nakatitig sa hawak na papel.

"I'll be damn," he whispered.

"What? Did she draw you as a KPop idol?"

Lumiwanag ang mukha ni Blaze at nang tumingin siya sa akin ay hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. He's looking at me as if... as if...

As if I'm his favorite food.

He flipped the paper and showed its content to me. Pilit na hiniwalay ko ang mga mata ko sa kaniya para tignan iyon.

The world didn't just stopped when I saw it. It didn't just halted in its orbit but rather it's like the world exploded and I'm drifting into the galaxy with nothing to hold on to.

"Looks like universe is giving us the answer, don't you think?" he asked as he waved the drawing his niece gave him.

A drawing of a rainbow penguin.

"Do you know what it's telling us?"

"Blaze..."

Ibinaba niya ang hawak at hinila niya ako sa pamamagitan ng kamay ko na hawak pa rin niya. "That I am right for you." His face went closer to mine until he's only a breath away. "And that I should kiss you."

"May... may mga bata."

"Kids, close your eyes until I tell you to open them," he said to the room loudly. "I'll give a present of your choice if you do."

Binalingan ko ang mga bata nang tumigil ang ingay na nagmumula sa kanila. Napalunok ako nang makita kong lahat sila ay walang pag-aatubli na nagsipikit. Even the younger ones have their hands covering their eyes.

My heart felt like it will come out of my chest when Blaze warm fingers softly guided me to look back at him again. Kita ko sa mga mata niya ang tila malalim na tubig na gusto akong tangayin sa direksyon na gusto no'ng tunguin. I was drowning in him and yet instead of the coldness from the water that I'm used to threading in, I felt nothing but warmth. Like the summer's sun on the surface of the ocean.

There was no hesitation in him when he tilted my face and crossed the distance between us. My eyelids dropped instantly. The moment that I felt his lips on mine, a rush covered me like a blanket. One kiss and yet it felt like it's carrying millions of emotions with it.

It wasn't our first kiss and yet it feels so different. Not officially at least. Not now that we're starting to get inside each other's skin... or maybe we already are. It's far from the kiss we shared before because this one felt surreal. Untainted, consuming... and free. I felt light and yet I don't feel myself being pulled by the currents tirelessly. Instead it was like I'm anchored safely. Despite the waves, the uncertainties, I know I'm safe.

The way he kiss fits him perfectly. Not delicate or soft, but rather every move of his lips is consuming. I felt him nip my lower lip lightly, my lips parting in response. He didn't delay to slide his tongue inside. His chest rumbled when he finally had the first taste.

We were both breathing heavy when he pulled away. Naghiwalay man ang mga labi namin pero hindi niya ako tuluyang pinakawalan at sa halip ay humigpit pa ang braso niyang nakayakap sa bewang ko. Muling niyang inilapit ang mukha niya sa akin pero sa pagkakataon na ito ay para bigyan ng munting halik ang noo ko. He didn't stop from there as if he couldn't help himself. He also kissed the end of my nose... and then my lips again. Just rain of kisses, quick like a flutter.

"Ask me another simple question. The first thing that will come into your mind," he whispered.

"What... what's your favorite place?"

Blaze proved that he always have an answer. Isinandal niya ang noo niya sa akin at may ngiti sa mga labi na sumagot siya.

"The end of the rainbow's arch where I found you."

______________________End of chapter 19.

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
93.1K 2.6K 25
Alam ni Ana Perlita na isang babaero ang lalaking kanyang hinahangaan kaya pilit niyang iniiwasan na mahulog ng tuluyan dito. Pilit niyang tinatangga...
265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...