Shot Through the Lights

By artysant

255K 13.1K 4.7K

[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open... More

Shot Through the Lights
Taft Avenue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Cosmos
Last Note

Special Chapter

3.7K 180 109
By artysant

Lighthouse

I've been to many places. I've seen many lights. I've heard many voices. But everything... draws me back to you.

"Really? You were intimidated?"

I chuckled against her hair. Her steady breathing and the light brush of her breath on my skin made me shiver. It's a quarter past 1 in the morning, and everything is still and silent. But her whispers are as loud as my beating heart.

It felt euphoric. Lying in bed, with almost nothing on, lazily stroking her hair. And yet, beneath all the dull movements and eyes tightly shut, I've never felt this alive. Well, I'm always alive when I'm with her. Maybe even in death, my heart will continue to sing to her.

Kailan ko nga ba 'to huling naramdaman?

Tandang-tanda ko pa noong una ko siyang makita sa unibersidad na pareho naming tinutuluyan. Masungit, suplada, pero maganda. Hindi ko naramdaman sa unang pagsilay ko sa kanyang mga mata ang pakiramdam ng pagiging buhay. Subalit nang mahalin ko siya nang totoo sa unang pagkakataon, doon ko napagtanto ang sagot.

Pero mapanakit ang panahon. Hindi nagpapatawad ang pagkakataon. Sa loob ng ilang taon, pagmamahal ko lang sa kanya ang naging pag-asa sa araw-araw.

"Answer me, 'wag kang tumawa lang. Wala namang nakakatawa," she reprimanded me.

"Alright, alright," I softly conceded.

If there's one thing I've learned in all these years, it's to surrender to her.

"I wasn't exactly intimidated when I first saw you. Suplada ka lang naman," I told her. "And you approached me first."

"Ano'ng konek ng paglapit ko sa 'yo? Hindi ka ba nilalapitan ng kahit sino'ng babae?" mayabang niyang sabi.

Muli ay tumawa ako.

"Alunsina," I sighed. "Love, let's just sleep, please."

I closed my eyes once again. Ang huli kong narinig sa kanya ay ang mahina niyang bulong bago ako sinakop ng dilim at dinala sa tila walang-katapusang panaginip kung saan ako pa rin ang pinili ng kanyang mundo at siya pa rin ang laman ng aking isip.

It's been years, and yet, the feeling of seeing another day beside her still felt like everything happened just a second ago. Sobrang bilis ng takbo ng panahon, na hindi na ako nabigyan ng pagkakataong namnamin ang bawat segundong tumatakbo sa kawalan.

Ilang taon din ang kinuha sa amin ng mundo. O siguro... ilang taon ang kinuha namin sa isa't isa, gawa ng mga maling desisyon at mga sigaw ng damdamin na nag-iisip nang hindi naaayon sa kung ano ang aming narararamdaman.

I would be lying if I say that everything we went through didn't matter because we had each other in the end. I would be lying if I claim that I've long forgiven the past. Because I didn't get over. I couldn't get over. Maraming nasayang na mga pagkakataon. Maraming nasaktan at patuloy na nasasaktan.

But then again, when did love never hurt?

"Kailan ba kayo magsisimulang bumuo ng pamilya? Ilang taon na itong si Wave at baka hindi na kayanin ang pagbubuntis!"

I smiled as I held her waist. Nakagawian na naming maglakad-lakad sa kung saan dito sa Basco mula sa aming bahay bawat umaga. At sanay na rin kami sa mga taong patuloy na nagtatanong tungkol sa binabalak naming pamilya ni Alunsina.

Palihim na ngumiti si Wave sa akin bago bumaling sa matanda.

"Hindi naman po kami nagmamadali. May tamang panahon pa po diyan," masiglang tugon ng aking asawa.

"Ay naku! Mahirap magbuntis kapag matanda na! Baka akala ninyo'y bagets pa kayo!"

Indeed, time is cruel. It never stops for anyone. And as time spins, we spin with it, walking with the hands of the clock so that we may not be left behind.

"Itutuloy niyo talaga 'yon?" tanong ni Eve sa kanyang ate.

"Hmm," Alunsina nodded. "I wanted it, too. Para na rin hindi ako 'mahirapan'."

Bahagyang natawa ang nakababata niyang kapatid at umiling. I couldn't help but smile at the sight of them. Dalawang taon ang lumipas matapos naming magkabalikan ni Alunsina bago niya sinabi sa akin ang lahat-lahat. And it broke my heart for the Alunsina from before. Because I wasn't there. And she was... all alone.

Hindi ko tanda kung paano ako nakatulog noong mga panahong 'yon matapos niyang ipagbigay-alam sa akin ang lahat ng dinanas niya magmula nang umalis ako. Sa kauna-unahang pagkakataon ng aking buhay, ginusto kong dungisan ang aking kamay ng dugo ng taong imbes protektahan siya ay pinagsamantalahan ang kanyang kahinaan.

But then she'd always touch my hand. And she'd kiss my skin. And she'd whisper how lovely it was to be with me. And then she'd wrap her arms around me. And I'd be alright.

"Bakit hindi mo sinabi sa nanay mo?" matigas kong tanong.

She averted her gaze elsewhere and breathed deeply.

"May sakit si Nanay, Sergio. Ayoko nang pahirapan pa siya lalo."

"And you'd choose to suffer, is that it?" bahagya nang tumaas ang aking boses.

She sighed.

"It's not like that—I..." she bit her lip, "I just want to make her life a little bit easier. She's old, Love. And I don't want to regret things anymore."

Ganitong-ganito siya palagi. Sa ilalim ng kanyang mga sarkastikong salita, sa likod ng mga mapaglarong tingin, naroon pa rin ang kanyang puso na handang i-alay ang sarili para sa kapakanan ng iba nang walang ibang iniisip.

She was always selfless. She was always lovely. And she was always kind. I used to think that we're opposites. That our worlds are too far away from one another. Handang-handa ako noon na ibigay ang lahat para sa amin. At natatakot ako na ako lang ang gustong lumaban sa bawat pagkakataon na sinusubok kami ng panahon.

Subalit sa kauna-unahang pagkakataon na ginusto niyang maging makasarili ay saka naman ako umatras.

Alunsina stood and made her way towards me. Her fluid movements felt so familiar by now, that even when I close my eyes, I'd know where she's headed to. I'd know what she wants to say. I'd know what goes on in her mind.

She pursed her lips before allowing her hands to reach my face.

"You think too much," aniya habang hawak ang aking mukha. "Sometimes, we move forward by not moving on. May mga ganoong bagay, Sergio. Kind of twisted, in a way. But it's true. It happens."

Nagbaba ako ng tingin.

"I could never... do that."

Even when my mom died, I can't put everything she did into the past. Hanggang ngayon ay mayroon pa ring namumuhay na galit sa akin.

Subalit alam kong tama si Alunsina. May mga ganoong pangyayari. Hindi dahil gusto nating umusad sa kabila ng kakulangan ng sagot sa mga tanong na bumabagabag sa atin. Pero dahil wala kang ibang magagawa.

We can never live in the past and leave the present.

"Kung patuloy nating hahabulin ang mga bagay na hindi naman natin mababago, ano pa ang silbi ng ngayon? Ano pa ang magagawa ng bukas?" marahang aniya.

"Justice is something I've always wanted not just for myself, Sergio. But... that justice is of the past. What will that do to the ones in the present?"

Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Hindi ako sang-ayon kahit na naunawaan ko ang pinupunto niya. Pero ang tanging magagawa ko lang ay suportahan siya sa kanyang daan na tatahakin. And I've been doing that for years.

Umalingawngaw ang tawa ng aking nakatatandang kapatid na si Sinerio.

"Sergio, that's normal. Mayroon talagang mga bagay na hindi mo mauunawaan. Women defy logic."

Pabiro siyang hinampas ng kanyang asawa bago ito bumaling sa akin.

"Buy her something. Flowers? We love flowers, Sergio."

Nangiti lang ako at nag-isip.

Kaninang umaga lang, nagtampo siya sa akin dahil hindi ko siya sinamahan sa aming araw-araw na paglalakad sa buong bayan. At buong araw akong hindi kinausap. Lumala pa nang sabihin kong wala lang naman 'yon.

I was wrong. But then I did everything to make her look at me again. She just won't budge.

Sa ilang taon na nagkasama kami, hindi naiiwasan ang pag-aaway. Lalo pa't kaming dalawa ay pareho nang tumatanda.

"Ayaw niya ba talagang magkaanak kayo?"

"Pinaplano pa namin 'yan, Kuya."

Nag-angat siya ng kilay.

"You do know that the both of you are getting older, right?"

Tumango ako.

"Yeah. And pregnancies at this age is riskier than usual. So... we're carefully considering."

"Well, may mga couple naman na walang anak. They're still happy," ngumisi siya. "Kailangan mo lang tiisin ang pagiging masungit niya. Katulad ngayon."

I groaned at that. Gusto ko nang magkaayos kami pero hindi ko alam kung paano.

Well... I do know. But it's too embarrassing.

"Love, please? Anything. I'll do anything but that."

She looked away and moved my hand away that's trying to touch her arm.

Ilang beses ko pang kinausap pero ayaw bumigay. So... in the end, I sacrificed my shame and did what she wanted me to do.

At hindi na natapos ang kanyang tawa hanggang sa matapos ako sa... pagsayaw.

"That was good, Love! Hindi ko alam na marunong ka pala sa ganyan!" hagalpak niya.

"Stop it," I looked away. "Kung hindi lang kita mahal, I'd never do that."

Marahang umihip ang hangin. Narito kami sa itaas ng lighthouse. Naging paborito naming lugar ito matapos maipa-renovate. It was still beautiful. And it will always be.

Nawala ang pagiging mapaglaro ng kanyang mga mata. The sun is setting. And the orange hues of the sky reflected in her brown orbs, making it glow. I was once again mesmerized. It felt like hopelessly drowning in them and I don't mind it at all.

"Yeah, you love me so much, huh?"

Her tone was teasing. But her eyes spoke the sincere words of gratitude and love.

I realized then and there, as I looked into her eyes, that sunsets don't end after all. With everything that she is and all that she has, she's the sunset and sunrise. She's all the days in this world to me.

"Are you really sure about this?" she asked again.

Pang-ilang beses na niya akong tinanong tungkol dito. At ilang beses ko na rin siyang nasagot ng iisang sagot.

I got up from where I was seated and went to her. Nakitaan ko ng pag-aalinlangan ang kanyang mukha, na para bang kung ano mang oras mula ngayon ay handa siyang umuwi at hindi na lang itutuloy ang matagal na naming pinagplanuhan.

"B-Because we can back out... if you don't want this."

Umiling ako at ngumiti.

"Do you want this, Alunsina?"

She looked away.

"Yes. So much," bulong niya.

I gently cupped her face.

"Then we will go through this."

After years of marriage, we never had our own child. Not because we never wanted to. But because of our age. Ayokong mapahamak ang asawa ko sa panganganak. We're almost in our 40s! I don't want to risk anything again.

She said that she wanted another option. And it turned out to be this.

Naputol lang ang aming pag-uusap at pag-iisip nang lumabas sa kwarto si Sister Den. Magaan ang kanyang ngiti at may nagbabadyang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

And somehow, I don't know if it's the sudden pull or the long lost call of fate, but we already know the answer.

"Ma'am, Sir? Tara na po?" anyaya niya sabay pagmuwestra sa nakaawang na pinto.

Nagkatitigan muna kami ng asawa ko bago ko siya inakay papasok ng kwarto. My footsteps were heavy. Hers, as well. But strange enough, my heart felt light. It was almost flying all around the corners in joy.

At matapos ang mahabang paglalakad sa dalawang metrong distansya, sinalubong kami ng kayumangging mga mata ng batang lalaking hindi namin kaano-ano, subalit matagal nang kilala ng aming mga puso.

Unang bumitaw sa akin si Alunsina at nilapitan ang bata na mabilis na nagtago sa likod ng madre.

"Hi," nanginginig niyang bati sa bata.

Hindi ito tumugon. Tumitig lang ito kay Alunsina gamit ang kanyang mga kuryusong mata na kahawig ng mga ilaw sa parola. Hindi rin nagtagal ay bumalik ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay bago ako tiningnan gamit ang mapupungay niyang mga mata na lubos kong mahal.

Words were no longer needed. In that split-second, the three of us shared something even greater than love.

And beyond forever, across the boundaries of this world, I am grateful for these small moments. I am contented when I am with her. I am complete... only with them.

-

hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
611K 14.4K 123
an epistolary. Admiring her crush, which happened to be her cousin's friend, Savina Dione Morales got tired of remaining unnoticed for years. Sa hul...
2K 190 19
Marianne "Ian" Joaquin is on her journey to open another chapter of her life. She is on her way to Berlin in hopes of reaching her dreams-to become o...