BHO CAMP #10: The Wild Card

By MsButterfly

533K 26.7K 7.9K

I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that... More

BHO CAMP #10: The Wild Card
Synopsis
Prologue
Chapter 1: Risk
Chapter 2: Hollow
Chapter 3: Lies
Chapter 4: Nine
Chapter 5: Penguin
Chapter 6: Force
Chapter 7: Minutes
Chapter 8: Rainbow
Chapter 9: Visit
Chapter 10: Nineteen
Chapter 11: Four
Chapter 13: Disturbance
Chapter 14: Control
Chapter 15: Devout
Chapter 16: Infinity
Chapter 17: Fix
Chapter 18: Doc
Chapter 19: Arch
Chapter 20: Yours
Chapter 21: Calm
Chapter 22: Waves
Chapter 23: Home
Chapter 24: Insecurity
Chapter 25: Anchor
Chapter 26: Official
Chapter 27: Pain
Chapter 28: Luck
Chapter 29: Dream
Chapter 30: Twice
Chapter 31: Craving
Chapter 32: Crazy
Chapter 33: Title
Chapter 34: Break
Chapter 35: Doom
Chapter 36: Ally
Chapter 37: Burn
Chapter 38: Give Up
Chapter 39: Happy
Chapter 40: Final Chapter
Chapter 41: Negative
Chapter 42: Subscribe
Chapter 43: Yours and Yours
Chapter 44: Gift
Chapter 45: Unleashed
Epilogue
Author's Note

Chapter 12: Fries

9.6K 568 173
By MsButterfly

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 12: FRIES

ERIS' POV

Yakap ang gym bag ko na sumilip ako mula sa pinagkukublian ko. May ilan ng mga agent ang kasalukuyang nag wo-workout sa loob. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at tiniyak ko na wala kahit na anino ng taong ayokong makita ngayong araw na ito.

"Bulaga!"

Napairit ako nang muntik humampas ang ulo ko sa pader sa bigla kong pag-atras. Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang nanggulat sa akin at nabungaran ko ang nakangisi ko na kapatid.

"What the hell, Enyo?!"

Nakisilip siya sa kanina ay tinitignan ko bago siya bumaling sa akin. "Si Blaze ba ang tinataguan mo?"

Pinapormal ko ang ekspresyon sa mukha ko. "Bakit ko naman siya tataguan? At bakit sa dami ng tao sa mundo si Blaze naman ang naisip mo?"

"Ganiyan din kasi ako kay Stone."

"Tinataguan mo si Kuya Stone ngayon?" kunot ang noo na tanong ko.

"Hindi. Noon pa iyon noong mga panahon na nakikipagtaguan pa rin ako sa feelings ko sa kaniya." Iginalaw-galaw niya ang kilay niya na parang nanunudiyo. "So... anong nangyari-"

"Walang nangyari sa amin!"

Sunod-sunod na napakurap si Enyo pero pagkaraan ay napahalakhak siya. Kaagad kong naramdaman ang pag-iinit sa magkabila kong pisngi. Maghunusdili ka Eris Lawrence Wright!

"Masyado ka namang advance sisterette. Pagtataguan pa lang ng feelings ang sinasabi ko, nasa ibang dimensyon ka na."

"Wala akong pakielam kay Blaze. Hindi ko siya tinataguan. Wala akong feelings sa kaniya. Gets mo?" nakahalukipkip na litanya ko.

"Ahuh."

Halatang hindi siya naniniwala sa akin sa paraan ng pagkakasabi niya no'n. Naiiling na binigyan ko siya ng masamang tingin. "Alam mo ang weird mo. You're teasing me with your ex-boyfriend."

"I married the brother of my ex. Nothing will get weirder than that."

Kung sabagay.

Pinilig ko ang ulo ko at muli akong sumilip sa gym. When I made sure that he's not inside, I quickly entered the premises. Naramdaman kong nakasunod sa akin si Enyo.

Kinuha ko ang workout towel ko mula sa bag bago ko binaba iyon sa isang tabi. Nakahinga na ng maluwag na masayang isinampay ko ang hawak ko sa kung saan bago ako nagsimulang mag-stretching. I decided to ignore my sister that is still watching me as if I'm her most favorite TV show. Hindi nga lang naging madali iyon dahil kulang na lang kumuha siya ng popcorn sa sobrang pokus niya sa akin.

Napapabuntong-hininga na nilingon ko siya. "What?"

"Wala lang. Naiinip ako eh. Dapat lalabas ako ng HQ pero nakita kitang nakikipag-hide and seek sa tadhana mo kaya naisipan kong ikaw na lang ang guluhin ko."

Inignora ko ang huli niyang sinabi. Panigurado kasing hindi niya ako titigilan na asarin. "Wow. What an honor." Tumayo ako at iginalaw-galaw ko ang mga binti ko. "Nasaan ang asawa mo? Bakit hindi siya ang bulabugin mo?"

"Nasa trabaho 'yon. Ayoko siyang puntahan nagsasawa na ako sa kaniya."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Alam ba ni Kuya Stone na sawa ka na sa kaniya?"

"Oo. Sinabi ko sa kaniya kaninang umaga. Mula kasi ng malaman niya na buntis ako kulang na lang mag-resign na siya para hindi ako iwan." Tumingin siya sa kisame at kunwa'y nag-iisip. "Actually noong isang araw gusto niya ng ipatanggal ang pangalan niya sa firm nila. Ang sabi ko kapag hindi niya ako tinigilan ipapa-annul ko ang kasal namin."

I just scoffed at what she said. Akala mo naman kaya niya talaga. Kada makikita ko silang mag-asawa hindi sila mapaghiwalay. Hindi ko naman masasabing si Kuya Stone lang ang clingy. Kasi hindi iilang beses na nakikita ko ang kapatid ko na kulang na lang ay magpakarga sa asawa niya para lagi silang magkadikit.

"Enough about me. Mas gusto kong pag-usapan ang mga ganap mo," may panunudyo sa tono ng boses na sabi niya. "Balita ko may date kayo kahapon ni Blaze ah? Maaga raw kayong umalis tapos gabi na kayo nakabalik."

Napakatsismosa talaga ng mga tao sa control room. Pakiramdam ko minsan ang mga agent na tumatambay doon ay naghahanap lang talaga ng "scoop" na maikukuwento nila sa iba. Maliban na lang siguro kay Freezale na nakatali na ang kaluluwa sa control room.

"We didn't went out on a date."

"Pero umalis kayo na magkasama?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Nagkataon lang 'yon."

"Nagkataon eh sa iisang sasakyan kayo sumakay?"

Lulusot ka pa kasi alam mo namang hindi kaya. Imbis na sumagot ay tinalikuran ko siya at naglakad ako papunta sa leg press equipment. I sat on the bench and placed my feet on the footplate and started pushing the platform back and forth using my legs.

"Hihintayin mo ba talagang sa ibang tao ko pa mabalitaan? I'm your sister. I should have VIP treatment. All access to the tsismis, you know?"

"Wala naman akong ikukuwento sa'yo. Hindi nga kami nag-date."

"Eh bakit kayo magkasama kahapon?" tanong niya.

"Naisipan lang ni Blaze na iparada sa harapan ko at ipa-rate sa akin ang mga dati niyang kaharutan." Wala akong balak ipaliwanag sa kaniya ang tungkol sa bucket list ko. It will just worry her and I don't want that.

"Alam mo parehas na parehas kayo."

Nilingon ko siya at kinunutan ko siya ng noo. "Nino?"

"Ni Blaze. Parehas kayong mahirap kausap. Hindi ko alam kung maaaliw ako na nakahanap kayo ng katapat sa isa't isa o maaawa ako sa inyo."

I just stuck out my tongue at her but I didn't say more. Una, ayoko nga kasing ipaliwanag ang tungkol sa bucket list ko. Pangalawa, hindi ko rin alam kung paanong i-e-explain kung bakit involve si Blaze sa mga trip ko sa buhay. Hindi ko nga alam bakit nakikielam lagi 'yon eh.

"Are you at least using protection?"

Muntik akong mahulog patagilid sa kinauupuan ko sa narinig kong lumabas mula sa bibig ng kapatid ko. Nanglalaki ang mga mata na nilingon ko siya. "What the hell, Enyo?!"

Malakas na napatawa siya. "Joke lang. Masyado ka namang serious." Tinaasan niya ako ng kilay. "Pero if it comes to that you two should use-"

"Enyo!"

"What?"

"I'm not going to have sex with him!"

Itinikom ng kapatid ko ang mga labi niya na para bang pinipigilan niya ang sarili niya na matawa. Her eyes focused on something from my back and her eyes twinkled brightly. "Good morning, Blaze."

Nanigas ang buong katawan ko. Shit!

"It's not funny, Enyo," I hissed quietly.

Inosenteng tinignan niya ako at ngumiti siya. "Ha?" Tumuro siya sa likod ko. "Bumabati lang naman ako. Hindi ba, Blaze?"

"Eny-"

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Fuck! Naninigas ang leeg na pilit na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. It took all my control to stop myself from hauling my ass out of the gym to run away from him.

"Ha?" gaya ko sa tanong ni Enyo kanina.

Blaze squinted his eyes at me, clearly not buying my pretend innocence. "I heard you two talking about it."

"H-Ha?"

Pabagsak na ibinaba niya ang dala niyang workout bag bago madilim ang anyo na binalingan ako. "You better not."

Pakiramdam ko naalog na ang utak ko dahil wala na akong maintindihan sa nangyayari. "Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Sex."

I can feel my entire face getting red at the one word he just uttered.

"Don't think about it, don't talk about it, and don't do it just because some idiot pressured you. Hintayin mo munang makasal ka."

Sa kabila ng takbo ng usapan ay nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Kung makapagpayo akala mo ang tinong tao. "Ikaw pa talaga ang magpapangaral sa akin eh hari ka ng kaharutan?"

"Hindi ibig sabihin na ginagawa ng iba dapat mo na ring gayahin."

Tumayo ako at nakapamewang na hinarap ko siya. "Gagawin ko kung anong gusto ko sa buhay ko sa ayaw mo man o sa gusto mo!"

Sa pagkakataon na ito ay mukha naman ng lalaki ang namula. Hindi sa parehas na dahilan ng sa akin kundi sa tinitimping galit. Parang any moment ay bigla na lang niya akong bubulyawan at sesermonan.

Before the two of us can bite our heads off, we both turned to Enyo when we heard her laugh. Kumuyom ang mga kamay ko nang kaagad kong maintindihan ang dahilan kung bakit tawang-tawa siya.

I told her I won't have sex with Blaze, and yet I told Blaze that I will do anything I want whether he likes it or not. Gusto ko na lang maging alikabok.

"Ewan ko sa inyo! Magsama kayong dalawa na mga sakit sa ulo!" nanggigil na asik ko sa kanila at nagdadabog na naglakad ako papunta sa mga treadmill. Binuksan ko ang equipment at sinet ko iyon sa may kabilisan na takbo. Doon ko na lang binaling ang pagkairita ko sa dalawang taong naririnig ko pa rin na nag-uusap di kalayuan sa akin.

"Lagi na lang mainit ang ulo ng kapatid mo," narinig kong sabi ni Blaze kay Enyo.

"Usually mahaba ang pasensya niyan. Inubos mo ata eh."

"Mabait ako."

"O talaga? Bili mo nga akong shanghai kung mabait ka. Meron no'n sa dining hall ngayon."

"Mag-uutos ka lang inuto mo pa ko."

Hindi ko alam pero mas lalong umiinit ang ulo ko sa naririnig kong pag-uusap nila. Ako ata ang kailangan magpa-therapy para sa anger management issue. It's not like it's my sister's fault na patay na patay pa rin sa kaniya ang fallen angel na handang gawin lahat ng gusto niya.

Kung nakakapagsalita lang ang treadmill na tinutungtungan ko feeling ko magmamakaawa na iyon sa akin na hinayan ko ang pagtakbo ko. Aakalain mo kasi na may balak akong daigin si Usain Bolt sa ginagawa ko.

"Trouble in paradise?"

From my peripheral, I saw a huge built went up on the treadmill next to me. Nilingon ko ang lalaki at nakita kong si Hugo iyon.

"What?"

"You and Blaze."

I rolled my eyes. "As if. Trouble in hell dapat kung gano'n. Hindi mo ba alam na ipinatapon iyon ng langit dito sa lupa dahil hindi na siya qualified maging anghel?"

He just chuckled and shook his head before he started to run as well.

Palihim na pinagmasdan ko ang lalaki. He's a good looking guy. Sigurado akong maraming babae ang walang tanong-tanong na gugustuhing pumila para maging kaniya. He's a gentleman, he's handsome, and he has a great body. He's the kind of man that even people that swear on celibacy will have trouble not panting after him.

I've dated before. Mga gwapo at matitino naman karamihan sa mga iyon. I even dated Archer before. One of the guitarist of Royalty, ang bandang kinabibilangan ng isa sa mga kasamahan ko na agent na si Thunder. He's now married to one of the BHO CAMP's elite agents.

But still... it's the same for me. With those men and even now that I'm seeing a good looking and single guy in front of me. I still don't feel anything different.

Hindi ko nararamdaman iyong mga bagay na naririnig ko sa iba na ngayon ay masaya na kasama ang mga asawa nila. Hindi ko rin nararamdaman iyong nakikita ko sa mga taong nakapaligid sa akin. I never felt what it's like to be overcome with so much emotion. I haven't felt the rush of feelings, the excitement of seeing that person, or the longing when we were apart. I have never experienced my heart feeling like it would burst out of me as I think of that one person. There's just nothing but silence.

I was happy with those people and I enjoyed their company. But that's just that. Sa huli alam kong kaya ko na mabuhay na wala sila. I wasn't even heart broken by ending things with them. Hindi ako nagalit. I just... went on with my life as if nothing happened. Like the current was just dragging me away and I don't even find the need to hold on.

If there's one thing I'm sure of is that I never know what it's like to be really in love.

"Hugo?"

"Hmm?"

"What do you think it's like to fall in love?" Bakas ang surpresa sa mga mata niya nang lumingon siya sa akin. Napapabuntong-hininga na napailing ako. "I'm being weird aren't I? Just don't mind me."

"Hindi rin ako sigurado," sagot niya. "I only know the general idea."

"You don't need to answer-"

"Maybe it's when you can't stop thinking about that person. We tend to complicate things, but it always start with the basic, right? Naaalala mo siya kapag wala siya, kapag nandiyan siya hindi mo maintindihan ang nararamdaman mo. Maybe love is when you remember all the things about that person. Even the small things that seem insignificant."

"What if it's just you being interested? Hindi naman ibig sabihin mahal mo na."

"Sometimes even if the heart is in denial the brain already reached a glimpse of a conclusion. It just doesn't want to step on the heart's territory. Kaya nga kapag nagmamahal ka laging sinasabi na ang puso ang unang nakakaalam di ba? Kasi siya ang unang nakakaramdam. But what if the brain already saw the signs? It just doesn't want to acknowledge it yet without the heart's approval? At the end of the day those things your brain noticed will only matter if your heart wanted it."

Hindi ko magawang makapagsalita. Tahimik na itinuon ko na lang ang atensyon sa ginagawa habang pakiramdam ko ay naglalaro lahat ng mga binitawan niyang salita sa utak ko hanggang sa buong ako ay nakasentro na lang sa mga iyon.

"I never stood a chance, did I?"

Napakurap ako nang marinig kong magsalita si Hugo. "Ha?"

"Making you like me."

Napanganga ako. "W-What?"

"To be liked by a woman like you would be an honor." Nginitian niya ako at lalong lumawak iyon nang makita niya ang pagkatigalgal ko pa rin. "But a beautiful matchmaker told me before that you're standing at a crossroad and you just need a little direction. Kaya kahit malabong magkagusto ka sa akin, at least magkakaroon ako ng good points sa langit kapag tinulungan kita."

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako? Tutulungan mo saan?"

Sandaling may kung ano siya na tinignan bago nagniningning ang mga matang nagbaba ulit siya ng tingin sa akin. The way his eyes shone almost reminded me of my sister's.

"Hindi mo ba gustong malaman kung may gusto siya sa'yo? I could show you."

Before I can ask him what he's talking about, his hand reached for me. I'm just wearing a black yoga pants and a sports bra that's why I instantly felt the heat from his palm touched the skin on my back.

Dahil sa pagkagulat ay nawala ako sa tiyempo sa ginagawa kong pagtakbo. Impit na napatili ako ng mawalan ako ng balanse pero naramdaman kong hinila ako ni Hugo palapit sa kaniya. I felt us falling but he twisted our bodies while encaging me in his arms.

Lumikha ang pagbagsak namin sa mat nang malakas na tunog at ramdam ko ang mga matang ngayon ay nakatutok na sa aming dalawa. I couldn't control what happened next. Hugo cautioned our fall with his own body and I landed on top of him. My body hit his and so did my face. Or to be exact... my lips.

Napasinghap ako at mabilis na inatras ko ang ulo ko nang maramdaman ko ang pagdikit ng mga labi namin. It was just a second, probably even less.

Hugo's lips quirked up. Hinila niya paupo ang sarili niya at dahil nasa ibabaw pa rin niya ako ay kasama akong napaupo.

I opened my mouth to speak but before I can do so, I heard a loud noise near us. Nag-angat ako ng tingin sa direksyon na pinanggagalingan ng ingay. I saw Blaze currently throwing dumbbell plates around as if they weigh nothing.

May pigil na ngiti na pinapanood siya ng kapatid ko na nakaupo sa isang weight bench at kumakain ng shanghai. Di kalayuan ay nakamata rin ang iba pang mga agent kay Blaze habang ang iba ay umiiwas bago sila tamaan ng mga plates na pinagtatatapon ng lalaki na parang basura lang ang mga iyon.

"What's going on here-" Humahangos na pumasok sa gym si Triton na karga ang isa sa bunso niyang anak. It's one of the triplets, Belaya, base on the red ribbon on top of her head. Napatigil siya at napamata sa ginagawa ni Blaze. "Pare! Magagalit si Dawn kapag nakasira ka ng gamit dito. Bakit ka nagwawala? Sinong kaaway mo?"

"I'm exercising," Blaze said roughly. "At kaya kong palitan kapag may nasira diyan."

He continued throwing things around. Napalakas ang pagtapon niya sa isa sa mga plate at tumama iyon sa salamin na pader. Thankfully, it didn't break or he will really be in trouble.

Naiiling na lumapit si Triton sa lalaki at bago pa makakuha ng bagong ibabato si Blaze ay mabilis na inabot ni Triton ang anak sa mga bisig ng binata na walang nagawa kundi kunin ang bata.

"Huwag mong itatapon 'yan. Hindi mo kayang palitan iyan at hindi ka mapapatawad ni Misis," banta ni Triton.

"What the fuc-" Nagbaba ng tingin si Blaze kay Belaya na nakatitig sa kaniya. "What are you doing?"

"Babies can calm people down."

"I don't need to calm down!"

Blaze's voice vibrated around the place. Kita ko kung paanong mapapitlag si Belaya at mukhang napansin din iyon ng lalaki. The whole room became quiet, waiting for the child to burst out crying. But instead, Belaya just raised her small hand and slap it lightly on Blaze's cheek.

"How dare you shout in front of her daw Blaze," natatawang biro ni Enyo.

Lumambot ang ekspresyon sa mukha ng lalaki pero kakakitaan pa rin ng tensyon ang katawan niya. Tahimik na ibinalik niya ang bata sa ama niyon bago siya lumapit sa gym bag niya at kinuha iyon. He walked out of the room... but not before I saw the fire in his eyes when he looked at my direction.

Sa akin na ngayon ay nakaupo pa rin sa kandungan ni Hugo na ginawa kong upuan habang tulalang pinapanood ang moment ni Blaze kanina.

I gasped loudly and I scrambled off Hugo's lap.

Tumayo ako at hindi makapaniwalang tinuro ko siya. "You... you..."

Nangingiting tumayo rin ang lalaki. "I didn't meant for that to happen. The fall at least... or the kiss. Those were totally accident." Tumingin siya sa direksyon ng kapatid ko na abala pa rin sa pagkain. "Did I do good, Ma'am?"

Sumaludo si Enyo. "Perfect score, Hulk."

Hugo grinned before he turned to me and gave me a little bow. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa kapatid ko.

"What are you two talking about?!" I hissed.

"I told you I'll show you if he likes you." Hugo shrugged and gave me his own salute. "You'll thank me someday."

Laglag ang mga pangang sinundan ko siya ng tingin pero hindi na sa kaniya umiikot ang utak ko kundi sa tagpong nangyari kanina. My heart started thumping loudly as I replayed how Blaze acted awhile ago and the look he gave me. He was clearly angry.

I looked down at my chest as if I can see my own heart by doing it or at least understand it better. I can almost hear it pounding hard in such a way that it seems like it wants its existence to be known. To be heard and to be acknowledged.

"I have never experienced my heart feeling like it would burst out of me as I think of that one person. There's just nothing but silence."

Those are the same words that I have thought about just awhile ago. And yet now...

Fuck, fuck, fuck! When did this happened? And why do I feel like my heart is going to explode?

I can't wrapped my head around it. Hindi kami ganito. Hindi ko kailanman naramdaman ito sa kaniya noon. I am me and he's just Blaze. Nothing else. I might have cared, I may not be blind about his pain, but that was just that. Nagkakainisan lang kami at nag-aasaran pero iyon na 'yon. We can barely be in one room now without one of us pissing each other off.

There were moments before when he was still with my sister that we were in good terms. Those times that we were almost friends. But that's just it. Nang mawalan na sila ng ugnayan ng kapatid ko ay nawala na rin ang kahit na anong koneksyon sa pagitan namin na dalawa.

Paano kung natapos ang sa kanila at hindi mo alam na bumubuo na pala ang tadhana ng para sa inyong dalawa? When one connection got severed, is it really impossible for another one to bloom? Especially for someone like us that have always been tangled in an insufferable mayhem?

"Alam mo may napansin ako."

I looked at my sister and I saw a gentle expression spread on her face when she took in the confusion in mine.

"What?" I whispered.

"I never saw him got jealous like that when he was with me. He was angry, yes. It was understandable given our situation. Pero hindi ko siya nakitang magselos ng gano'n katindi."

"Bakit... bakit naman siya magseselos? Hindi naman kami."

"Iyon na nga eh." Lumapit siya sa akin at ikinawit niya ang braso niya sa akin. "Bakit hindi mo tanungin si Jelly Blaze?"

Hindi ko magawang ngumiti sa biro niya. Nanatili lang akong tahimik habang panay pa rin ang pagsirko ng puso ko kasabay nang pagkakagulo ng buong sistema ko.

"He's a good guy, Eris."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. I don't want to talk about this. I don't want to think.

"What we two had will always exist. It's not like we can erase the past. Pero iyon nga di ba? Nakaraan na kami. Life will not stop on a standstill. It will always keep on flowing. Like the season, like time, and like our feelings."

Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko at umiling ako. "I never... before we never..."

She reached for my hand. "I know. I know that you didn't see him that way before. So does he. But just like I said, life will always keep on flowing. It will continue to move. Our lives together stopped, but that doesn't mean that it did for you and him too."

"Enyo-"

"He won't hurt you."

"Sinaktan ka niya," bulong ko.

Enyo smiled softly. "He didn't. I was the one who hurt him." Marahan niyang pinisil ang kamay ko. "Don't you think he deserve to be happy?"

Nang hindi ko magawang makasagot ay inabot niya sa akin ang isa sa dalawang paper bag na hawak niya. Nagtataka man ay kinuha ko iyon.

"And don't you think you should be too?"

I looked down at what I'm holding and I saw what's inside the small bag.

My favorite. Cajun curly fries.

"Maybe love is when you remember all the things about that person. Even the small things that seem insignificant."

_________________________End of Chapter 12.

Continue Reading

You'll Also Like

18.7M 422K 44
Hurt from her previous relationship, Lana Lopez does her best to avoid falling for unreachable playboy Zeo Alcante. But when they both acknowledge th...
452K 12.4K 38
Caleb Acosta grew up in a fucked up family. His mother's a cheater, and so as his father. Now he's planning to stay as a bachelor billionaire all his...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
352K 5.3K 20
π™Όπš˜πš—πšπšŽπš–πšŠπš’πš˜πš› (πšœπšŽπš›πš’πšŽπšœ #1)