BHO CAMP #10: The Wild Card

By MsButterfly

531K 26.7K 7.9K

I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that... More

BHO CAMP #10: The Wild Card
Synopsis
Prologue
Chapter 1: Risk
Chapter 2: Hollow
Chapter 3: Lies
Chapter 4: Nine
Chapter 5: Penguin
Chapter 6: Force
Chapter 7: Minutes
Chapter 8: Rainbow
Chapter 9: Visit
Chapter 10: Nineteen
Chapter 12: Fries
Chapter 13: Disturbance
Chapter 14: Control
Chapter 15: Devout
Chapter 16: Infinity
Chapter 17: Fix
Chapter 18: Doc
Chapter 19: Arch
Chapter 20: Yours
Chapter 21: Calm
Chapter 22: Waves
Chapter 23: Home
Chapter 24: Insecurity
Chapter 25: Anchor
Chapter 26: Official
Chapter 27: Pain
Chapter 28: Luck
Chapter 29: Dream
Chapter 30: Twice
Chapter 31: Craving
Chapter 32: Crazy
Chapter 33: Title
Chapter 34: Break
Chapter 35: Doom
Chapter 36: Ally
Chapter 37: Burn
Chapter 38: Give Up
Chapter 39: Happy
Chapter 40: Final Chapter
Chapter 41: Negative
Chapter 42: Subscribe
Chapter 43: Yours and Yours
Chapter 44: Gift
Chapter 45: Unleashed
Epilogue
Author's Note

Chapter 11: Four

9.4K 524 148
By MsButterfly

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 11: FOUR

ERIS' POV

Kasalukuyan kong nilalantakan ang pangalawang cone ko ng ice cream habang naglalakad kami ni Blaze sa pangalawang destinasyon na sapilitan niya akong dinala. Kanina pa kasi ako nag-aayang umuwi pagkatapos kong makipaglaro ng mahigit isang oras kay Chance.

Chance. That's the name I'm giving my soon to be dog. Babalikan namin siya ni Blaze in two weeks kapag naayos na lahat ng kailangan ayusin. O babalikan ko. Malay ko ba kung sasamahan ako ng isang 'to. Knowing Blaze, quota na siya sa paggawa ng good deed.

"Anong gagawin natin dito? Mag zi-zipline? Pwede naman kitang kabitan ng tali tapos ihulog kita sa bintana ng headquarters." Napangisi ako ng may maisip. "O kaya walang tali. Para maging tahimik na ang mundo ko."

He squinted his eyes at me. "Hindi tayo mag zi-zipline. Wala tayo sa Picnic Grove."

We're at a private property. Malawak ang lugar at tahimik. Hindi rin katulad sa Picnic Grove ay wala akong masyadong nakikita na tao.

"Hindi lang naman Picnic Grove ang may zipline. Judger ka." Napaungol ako nang makita kong ang layo pa ng lalakarin namin bago makarating sa mismong establisyimento. "Bakit kasi nandito tayo? Gusto ko ng umuwi. Sabi ni Hera magluluto daw this week ng Cajun curly fries sa dining hall."

"Kakakain mo lang ng fries kaninang umaga."

"Pati ang pagkahilig ko sa fries jinajudge mo na rin? Sa iyon ang favorite ko eh!"

Naiiling na inunahan niya na lang ako sa paglalakad. I rolled my eyes before I followed him. Ang hilig talagang mag walk out ng fallen angel na 'to.

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla na lang siyang huminto. Magrereklamo na sana ako dahil muntik ng humataw ang mukha ko sa likod niya nang mapatingin ako sa dahilan ng paghinto niya. Pakiramdam ko ay nagkaroon ng part two ang init ng ulo ko kay Alize kanina nang makita kong may isang babae na naman ang ngayon ay nasa harapan niya.

"Blaze!"

Umabot na ata hanggang Pluto ang taas ng kilay ko nang yumakap ang babae sa lalaki na sa pangalawang pagkakataon sa araw na 'to ay ngiting-ngiti na naman.

"Ang tagal mong hindi nagpakita ah. Akala ko na-trauma ka na sa naging date natin noon."

Tumawa ang lalaki sa sinabi ng babae. "I was wondering if we can go inside, Addie? I'm with my-" Nilingon ako ni Blaze at kinunutan ako ng noo na para bang hindi niya alam kung anong itatawag sa akin. "I'm with this person."

Wow. How imaginative.

Pinaikot ko ang mga mata ko at inabot ko ang kamay ko sa babae na tinanggap naman iyon. "I'm Eris. Nice to meet you. Pasensya ka na pala."

"Nice to meet you too." Bahagyang kumunot ang noo niya. "Pero pasensya para saan?"

"Sa biglang pagsulpot namin. Wala kasi talagang modo 'yang si Blaze-"

Hinila ng lalaki ang hoodie ng jacket at inilayo ako sa ex niya.

"Huwag mong masyadong lapitan ang isang 'to Addie baka mausog ka pa." Blaze gave the woman a smile that could probably melt a lot of women's heart. "I was planning to call you to set a schedule today but I wasn't sure if we will have enough time to visit."

The woman looked at me when Blaze said the word "we". I straightened my back expecting her to give me attitude but instead she just smiled at me. Ano kayang pinakain ni Blaze sa mga babaeng 'to at masyadong matitino? I saw the other agents' ex-girlfriends and it's rare for the encounter of the ex and the present to be this peaceful.

Hindi naman sa sinasabi kong ako ang present. Ew.

"Oo naman. Hindi naman puno ang schedule namin today."

Iginaya kami ng babae para pumasok sa loob. Dumiretso siya para pumunta sa isa pang babae at kinausap iyon. Sinamantala ko ang pagkakataon at bahagya akong lumapit kay Blaze para bumulong.

"Anong gayuma ang binigay mo sa mga babae mo at ang tino ng pakikitungo nila sa'yo? Usually may sampalan at sabunutan ng nagaganap kapag nag a-appear ang mga ex-girlfriend ng ibang agents."

"You haven't met my ex-girlfriends yet."

Kinunutan ko siya ng noo. "Eh ano si Alize at Addie? Former hinarot?" Napatigil ako nang may maisip. "Wow same first letter. Ano 'to alphabetical order? Makikita ko rin ba soon ang mga letter B?" Napapalatak ako. "Napakababaero mo."

Dinutdot niya ang noo ko. "Hindi ako babaero. They're my friends."

"Asa! Wala kang friends no."

"We dated but we're never together."

"You mean you haven't fuc-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang kinurot niya ang magkabila kong pisngi at hinatak niya iyon na parang tinatantiya niya kung hanggang saan ang kaya no'n na i-expand. "Aray! Bitawan mo nga ako!"

"You and that mouth."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Mali ba ako? Sabi mo hindi mo sila ex-girlfriend. Meaning kaya lang maganda ang pakikitungo nila sa akin ay dahil dinate mo lang sila. Those that you slept with will probably be less welcoming than them." Napatingin ako sa kisame habang nag-iisip. "Bakit kaya? Territorial kaya ang mga 'yon kasi nalawayan ka na nila? Ganoon ka potent ang gayuma mo na nawawala sila sa sarili nila? Exemption lang siguro ang kapatid ko kasi mas mahal niya ako kesa sa'yo-"

Muli niyang pinutol ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagtulak ng ice cream na hawak ko pabalik sa bibig ko. Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata at ibinalik niya rin iyon sa akin bago niya ako hinila para sundan si Addie. Si Addie na thankfully hindi adik sa kaniya.

Nakangiting humarap sa amin ang babae at nag thumbs up. "We have two available horses."

Horses. List number four.

"Hindi ako marunong mangabayo."

Magkasalubong ang kilay na nagbaba ng tingin sa akin si Blaze. "Nakalagay sa bucket list mo pero hindi ka marunong?"

"Wala naman akong sinabing sasali ako ng karera. Saka di ba may iba na sinasamahan mangabayo ng employee? May ganoon sa Picnic Grove."

"Kapag bata lang 'yon."

"Di ka sure." Inilagay ko ang isa kong kamay ko sa bewang ko. "At saka bakit ba nangunguna ka? Wala naman akong sinabing gusto ko na ngayon na mag horse back riding."

"Ang dami-daming kabayo rito sa Tagaytay. Alangan namang ihuli mo pa 'to sa bucket list mo?"

May point infernes.

"Meron kaming mga empleyado na pwede kang samahan," sabi ni Addie.

"Thanks," nginitian ko ang babae bago ko inismiran si Blaze. "See?"

He just gave me a look before he dragged me to follow the on-the-move Addie again. Lumabas kami sa malawak na open field na nahaharangan lang ng may kataasan na mga fence. May ilan ng mga tao ang kasalukuyan na nakasakay na sa mga kabayong napili nila.

We walked towards the far end of the place where a man is waiting with two horses. Ang isa sa kabayo ay kulay brown habang ang isa ay itim.

Bahagyang napaangat ang kilay ko nang makita ko ang kabuuan ng lalaking empleyado. Wew. Siguro dahil nasubok ang pasensya ko today ay naawa ang langit at gusto akong bigyan ng reward.

Hindi ako iyong klase ng babae na binabase ang lahat sa pisikal na kaanyuan ng isang tao pero hindi ibig sabihin hindi ako marunong maka-appreciate. Look at that biceps... and that chest. Lord, thank you!

"Hohoho," nakangising bulong ko sa sarili ko.

Tinapik ko si Blaze sa balikat habang nakatingin pa rin sa lalaki na ngumiti sa direksyon namin. Shet enebe! Feeling ko nagigising ang teenager na ako mula sa pagkakatulog niyon. The man looks like my favorite Spanish telenovela actor when I was in high school.

"No."

Tumigil ang kanina ay nagkakantahan na mga anghel sa paligid ko nang marinig ko ang boses ni Blaze. Laglag ang mga panga na nilingon ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Madilim ang mukha niya na para bang nag evaporate ang kanina ay maganda-ganda pa niyang mood.

"Huwag kang basag trip," bulong ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at sa halip ay tumingin siya sa lalaki. Tinuro niya ang pinanggalingan namin. "I saw a kid there that need your help."

Nagkibit-balikat ang lalaki at patakbong tinungo ang lobby. Sa paligid ko ay nag-iba na ang tugtugin ng mga anghel na ngayon ay napalitan na ng mga kalahi ni Blaze na fallen angel at kasalukuyang tumutugtog ng screamo na mga kanta.

"Hindi kita kilala," mahinang asik ko sa kaniya. Hindi nga ako sigurado kung totoong may bata na kailangan ng tulong katulad ng sinasabi niya.

"You look like a small child but you're not exactly a kid. Mas kailangan ng tulong ang batang 'yon kesa sa'yo." Blaze turned to the other woman and smiled. "We got this, Addie. Thank you so much."

Nakangiting tumango ang babae at iniwan na kami. Hindi iniinda ang lamig na mabilis na inubos ko ang ice cream na hawak ko sa pagkainis kay Blaze na nilapitan na ang mga kabayo na akala mo ay matagal na niyang mga kilala.

"Hindi ako marunong. Mag-isa kang mangabayo," nakasimangot na sabi ko.

He turned to me before he moved his hand as if beckoning me to come close to him. Humalukipkip ako pero hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.

"Tuturuan kita," sabi niya.

"No thanks. Hindi ako fast learner. Kapag nalaglag ako riyan isusumbong kita sa Papa ko."

"Hindi ka mahuhulog."

"Hindi ka sure."

"Hahayaan ba kitang masaktan?"

Pakiramdam ko ay tumigil sa pagkilos ang mundo sa naging tanong niya. For a moment I just keep on looking at him as the question he just asked went on repeat inside my brain. It was just for a moment. Dahil as always, alam ni Blaze kung paano ako ibabalik sa realidad.

"Kung pagbabalakan kita na burahin sa mundo na 'to hindi ganito ka-obvious. Makikita sa CCTV na parehas tayong pumunta rito," pagpapatuloy niya.

"Wow. Salamat pala kung gano'n," sarkastikong sabi ko.

"Welcome."

Muli niyang ginalaw ang kamay niya na para bang pinapalapit niya ako sa kaniya. Napapabuntong-hininga na pilit na inihakbang ko ang mga paa ko papunta sa kaniya at huminto ako sa tapat niya.

Umangat ang kamay niya at bago pa ako makaiwas ay lumapat iyon sa gilid ng mga labi ko. He wiped it gently before turning to the saddled black horse and pulled himself up.

I stood there, blinking in wonder. Not just because of his touch that for some reason sent heat on both my cheeks but also on the way he gracefully mounted the horse. He almost looked like a gallant knight. A black knight.

"Come on up, Bashful. You'll ride with me."

"Shut up," I grumbled.

Pinagmasdan ko ang kabayo na nasa harapan ko. Di hamak na mas mataas kesa sa akin iyon. Hindi ko alam kung paano ako makakakyat doon nang hindi nababalian ng buto.

"Mataas na building nga naaakyat mo, kabayo lang naduduwag ka?"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Teka uwi muna ako. Kukuha lang ako ng CBS saka ng rapel cord."

A smile curved his lips. Naiiling na bahagya siyang yumuko at inabot niya sa akin ang kamay niya. "Let's go."

"Ayoko."

"Ipagkakalat ko sa BHO CAMP na naduwag ka sa kabayo-"

Natigil siya sa sasabihin nang basta ko na lang inabot ang kamay niya. Kung mayroon man kaming pagkakaparehong mga agent ay iyon ang matatayog namin na pride. Lumawak ang ngiti sa mga labi niya at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago ako hinila palapit sa kaniya. I felt his other hand gripped me on my waist and at the next second I found myself sitting on top of the huge horse.

"See? It's not so bad," he whispered.

My body stiffened when I felt his hot breath right on my ear. Taking it as a response to our current situation than the real reason that is sending my system go into haywire, Blaze chuckled. "You're not going to fall. Mas mataas pa ang free fall sa training area kesa sa kabayo na ito."

I can feel his heat on my back. Ang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Because he's holding the reign, his arms are almost wrapped around me. Shit, shit, shit!

"Dopey, come on. Just relax."

"I want to go down," I whispered.

I know that he can hear the seriousness in my voice. And more. Even to me... it sounded different. Strained... like I'm in pain.

"I don't want this."

"Eris."

Him calling my name didn't helped. Sunod-sunod na umiling ako at akmang kikilos ako para bumaba pero pinigilan niya ako. I can feel every part of me freezing when he wrapped an arm around my waist.

"Eris, I'm not going to let you get hurt. I promise."

"H-Hindi..."

"For five minutes or ten, can you just forget that you hate me?"

May kung anong dumagan sa dibdib ko sa narinig kong sinabi niya. It sounded like he really believe what he said. That he really thought that I hate him.

"I don't hate you," I whispered.

I just don't want to like you.

I can't.

We stayed there for a moment. Walang kahit na sino ang nagsasalita sa amin. I can only hear his and my own breathing.

"The sun is almost setting," he said quietly.

I didn't trust myself to speak. I can still feel everything. Everything that is now shaking every walls that I built around me. And for some reason... the endless ocean that drown me all my life halted its raging. For a split second it was like I found a glimpse of an anchor and a part of me wants to reach for it and hold on to it.

"Eris?"

Walang salitang tumango na lang ako.

Pagkaraan ay naramdaman ko na kumilos ang kabayo na sinasakyan namin. It started walking, and Blaze guided the horse expertly, as if this was not the first time he had done this.

"You're good at this," I said.

"I know the basics." He signaled the horse and from a walk it's movement became a trot. "This place is a sanctuary for horses. Nagkaroon ako ng isang misyon noon tungkol sa isang illegal horse racing. The horses at that time are being treated cruelly. They were left to die after they were deemed useless. We saved the horses and we brought them here. May iba na hindi na nabuhay. This horse, Phantom, is one of the lucky ones that survived."

"That's... kind."

Mahina siyang tumawa. "I'm not a good person, but I don't kill the innocent. They deserve a second chance in life."

"What we do doesn't make us a bad person."

"I didn't say we."

"What you do doesn't make you a bad person," I corrected.

Silence enveloped us once again. We both know what I meant. Hindi niya kailangan aminin iyon para makumpirma ang hinala ko. The Ender and it's connection to him. I don't want to ask. I don't need to know everything. I don't need anything for me to believe what I just said.

Blaze is not a bad person.

"Some people will not agree with you," he said after awhile.

"Those people don't know what it's like to live in our world. Ganoon naman ang mga tao kapag hindi nila kayang ilagay ang sarili nila sa sitwasyon ng iba."

"Pero ikaw... naniniwala ka sa akin?"

Nagkibit ako ng balikat. Dahil sa kilos na iyon ay mas lalong kong naramdaman ang pagkakalapit namin. Halos nakadantay na ang katawan ko sa kaniya. He doesn't seem to mind.

"I don't need to believe in everything you do to know that you're not a bad person, Blaze." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I almost lost the courage and the ability to speak when I saw how close our faces from each other. "Fallen angel ka lang. Hindi ka masamang tao. Kasi in the first place hindi ka tao."

"Right," he said with a chuckle.

We can see the sun cascading down in front of us. A beautiful conclusion of the day. It's red, orange, and yellow slowly succumbing to the darker shades... blending as if being hugged by the dark. Like it's whispering to the sun to rest because it will make sure to keep the tranquility until it is ready to come back again.

"Ready for more?" Blaze asked.

When I nodded, Blaze commanded the horse. Bumilis ang pagkilos ng kabayo hanggang sa naging takbo na ang kanina ay mabilis na paglakad niyon.

I can feel the cold wind of Tagaytay brushing my body. Despite that, I feel warm. Not just on my skin, but also in my heart. Dahil sa hindi malamang kadahilanan ay pakiramdam ko may kung anong yumayakap sa puso ko habang pinagmamasdan ang kagandahan na nasa harapan namin. But the warmth is not just because of the beauty but also because of a pain I'm not familiar with.

It's hard to explain. It's like staring at something you love and that feeling warming you... but at the same time it hurts to keep on looking it.

It's like a warm embrace while hot tears drop from your cheeks.

"It's so beautiful," I whispered more to myself. "But it feels sad too. Because it's an end, right? When we say end it's always associated with pain."

"The beginning is always happy, while an end is lonely. That's why smiles are given when we were born, but tears are shed when we die."

"Lahat nagtatapos. Kaya lahat nasasaktan," sabi ko.

"Pero mas mahalaga iyong dulo kesa iyong simula."

Hindi mapigilan na napatingin ako sa kaniya. I found him already looking at me. I wanted to look away but there's something in his eyes that stopped me. It was as if he's trapping me inside his gaze. Drowning me.

"Who I was with at the beginning does not hold as much importance than the person I will be with until the end. Kaya hindi ako naniniwalang kailangan masaktan kapag narating ko na ang dulo. Why would it hurt when I will accept the end of it all with the person that I chose to face it with?"

________________________End of Chapter 11.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 98.2K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...
29.5K 734 22
Akala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngun...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...