Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 19: One Sunday

13K 303 29
By HippityHoppityAzure

Chapter 19: One Sunday

7AM, NAGISING AT bumangon na si Monic kahit ayaw niya pa sana. Antok pa siya, eh. Paano ba naman, napuyat siya kakaisip sa mga bagay na ayaw na sana niyang isipin pero patuloy na gumugulo sa utak niya. Lagi na lang nitong laman si Marky, si Marky, at si Marky.

            Oh damn it. Malapit na yata akong mabaliw. Isip niya habang nagsisipilyo at nakatitig sa repleksyon ng antok at stressed niyang mukha.

            Pagkatapos maghilamos, bumaba na siya, hindi lang para mag-almusal kundi para tulungan din ang ina ni Marky sa paghahanda ng pagkain kagaya ng kinasanayan na niya roon.

            Then she got excited. Sunday ngayon, eh. Baka sabayan ulit siya ng mag-lola na magsimba.

            “Good morning, Tita Nix!” Masayang bati sa kanya ni Alannah na nakatayo sa upuan nito. Mukhang handa na itong kumain dahil sa hawak nitong kutsara at tinidor.

            Aba...

            “Good morning din.” Namamanghang balik-bati niya sa bata. Mula kasi nang makituloy siya roon ay ngayon lang ito naunang gumising sa kanya. “Ang aga mong nagising ngayon ah?”

            Matawa-tawang nagtakip ng bibig si Alannah. “Secreeet,” sabay pigil na bumungisngis.

            Nagtaka si Monic sa reaksyon at sinabi nito. Secret daw? Pero mas pinili na lang niyang dumiretso sa kusina. Sa pagpasok naman niya ro’n ay kamuntikan niya pang nakabangga si Malou—ah, no, it was not Malou. Hindi naman kasi ito ganun katangkad at kalapad ang katawan.

            Tiningalaan ito ni Monic, at namilog ang kanyang mga mata nang mamukhaan ang dati niyang nobyo na nakayuko’t mukha ring nagulat sa kanya.

            “M-Mar...ky?” Halos walang boses na lumabas sa bibig niya dahil sa pagkagulat. Parang nanggugulo lang si Marky kanina sa utak niya eh tapos ngayon, kaharap na niya?

            Napangiti sa kanya ang binata. “Good morning, Nix.” At saka ito lumapit sa hapag-kainan at nilapag ang hawak-hawak na plato ng omelette sa tapat ni Alannah. “Ayan na request mo, prinsesa ko.”

            “Yeeey!” Madaling umupo ang bata, habang nilalagyan ni Marky ng nakahain nang fried rice ang plato nito.

            Wala naman nang nagawang iba si Monic bukod sa titigan ang binata. Pilit binibilisan ng utak niya na prosesuhin ang presensya nito. Bakit? Paano? Medyo hindi niya matanggap at maintindihan ang bigla-bigla nitong pag-uwi. Not that she was against it, but... it made her feel uncomfortable. Hindi kasi siya handa. Hindi niya inaasahan na makikita niya ulit ito sa loob lang ng dalawang araw. Itsura pa naman niya ngayon—stressed, walang make-up, nakapangbahay lang. Hindi siya sanay na harapin ito nang naka-ganun lang.

            “Oh, Monic.” Lumabas na rin ang ina ni Marky galing kusina na may hawak na dalawang plato sa magkabilang kamay. Hotdog and toasted breads. “Tara, kain na tayo.”

            “Nix, tara na.” Yaya rin sa kanya ni Marky.

            Monic felt like she had no other choice but to go along with it. Kaya idinaan na lang niya sa pasimpleng pagbuntung-hininga ang nararamdamang pagka-ilang, at umupo na sa kanyang puwesto.

            Magkasabay namang umupo ang mag-ina—si Malou sa tabi niya, at si Marky sa tabi ni Alannah. Buti na lang, ‘yung bata ang katapat niya. Kaso... ganun pa rin pala. Nakaka-ilang pa rin dahil halos kaharap pa rin niya ang dating nobyo. Tapos ang utak niya pa, naglilikot at binabalikan ang lahat ng nakita at naramdaman niya nung bisitahin niya ito. At ang puso niya, ayun na naman. Nagpapaka-assuming.

            Quit it, you heart! Sita niya roon bago nagsimulang kumuha ng pagkain.

            And as usual, ang ina na naman ni Marky ang nagsimula ng kuwentuhan habang kumakain sila. Unlike nga lang dati na siya ang kinakausap nito, ngayon naman ay ang anak na nito. Puro pangangamusta ang sambit nito, mula sa pinagkakaabalahang negosyo ng anak hanggang sa pag-aalaga sa sarili at pakikisama sa kaibigan.

            Habang si Monic... tahimik lang. Sinisikap niyang mapanatili ang kanyang tingin sa kinakaing almusal. Sa bawat subo at sa bawat nguya niya ng pagkain, pinipilit niyang hindi dumako ang kanyang paningin kay Marky.

            No, don’t. Mariin niyang pagbabawal sa sarili dahil nararamdaman niya ang pagtataksil na ninanais gawin sa kanya ng kanyang mga mata. Parang nangangati ang mga ito at mapapawi lang ang kating iyon kung makikita niya ang itsura ngayon ni Marky. Damn you, eyes!

            At pinagtaksilan na nga siya ng kanyang mga mata. Dumako ang paningin niya kay Marky na kausap pa rin ang ina—habang nakatingin sa kanya.

            W-what the...

            Nagulat siya, at nakita niya rin ang pagkagulat ni Marky bago naibalik ang tingin sa kanyang pagkain. Binilisan niya ang pagsubo’t pagnguya.

            B-bakit siya nakatingin sa’kin?! Ba...kit?! nga ba? She wanted to know Marky’s reason. Buti sana kung siya ang topic ng usapan nito at ni Malou eh, kaso hindi naman.

            “Uhm, Nix... Okay ka lang?” Tanong ni Marky na mas ikina-tensyonado ni Monic. Ngunit sa kabila no’n ay nagawa niya ring maramdaman ang pag-aalala at pagka-bahala sa boses nito.

            Hindi kaya... iniisip niya na baka naiinis ako sa bigla niyang pag-uwi ngayon dito?

            “O-oo naman, okay lang ako,” sagot ni Monic sabay tingin ulit kay Marky. Doon niya lang napansin na nakatingin din pala sa kanya ang ina nito. At ang mag-ina, pareho ang ekspresyon ng mukha. Nag-aalala. “Ano... Puyat lang ako kagabi kaya ganito ako ngayon... medyo lutang.”

            “Bakit ka naman napuyat?” Tanong ni Malou. “Anong ginawa mo kagabi?”

            Napuyat po ako kakaisip diyan sa anak niyo. Honest na sagot ng utak niya. Pero siyempre, hindi niya magagawang aminin iyon.

            “Nag-ayos po ako ng lesson plan para sa summer class namin, at pati na rin po ng mga ituturo ko kay Alannah.” Pagsisinungaling ni Monic na nag-lead sa panibagong topic—kay Alannah at sa exams nito sa darating na Lunes—which made her sigh in relief.

            Oh thank heavens, nakatakas din agad sa awkward topic na ‘yon...

                                                                                    ***

“WALA PO KASI kaming gagawin ni Las ngayon.”

            Hindi alam ni Monic kung bakit nagpapaulit-ulit sa utak niya ang dahilang sinabi ni Marky kanina nang magtanong ang ina nito tungkol sa bigla nitong pagbisita.

            “Eh na-miss ko prinsesa ko kaya umuwi na lang ako.”

            Karugtong iyon ng dahilan ni Marky na nagpanguso kay Monic. She just felt... No, no, no! Pasimple niyang inalog ang kanyang ulo para iwaksi ang mga kahibangang naiisip at nararamdaman niya.

            Hindi ‘yan tama! Kasalukuyan kang nasa misa, Monic. Mag-focus ka sa sinasabi ni Father!

            Kasalukuyan nga siyang uma-attend ng Sunday mass. Nagkayayaan eh, after nilang mag-almusal. At kasama niya hindi lang ang mag-lola, kundi pati na si Marky.

            Pilit siyang nag-focus sa homily ng pari. Pero hirap na hirap siya dahil katabi niya si Marky.

            Right. Mapatayo o mapa-upo, katabi ni Monic ang kanyang ex-boyfriend. Okay lang naman sa kanya na makatabi ito eh, pero ‘yung magkatabi na magkadikit? ‘Yung isang kilos lang ng braso niya ay maaari niyang matamaan ang braso nito? Oh, she didn’t like that kind of skin contact with him.

            And as if God wanted to tease her...

            “Ama namin, sumasalangit ka...”

            Hinawakan ni Marky ang kamay niya nang kantahin nila ang Ama Namin.

            Oh God... why are You doing this to me? Tanong niya kaysa sa maki-kanta.

                                                                                    ***

AFTER MASS, DIRETSO uwi na sina Marky kasama ang kanyang anak, ina, at siyempre, dating girlfriend na halos kada minuto niya kung tignan nang patago.

            Wala lang. Gusto niya lang maya’t-mayang makita si Monic. Kung puwede nga lang niyang titigan ito mag-hapon eh. Kaso nakakahiya. Kanina ngang almusal eh hiyang-hiya at sobra siyang natakot nang mahuli siya nitong nakatitig. Mukha na nga kasi itong naiilang sa bigla niyang pagdating, tapos lalo niya pang binibigyang dahilan para mailang sa kanya?

            “Katangahan times three!”

            Bigla niyang narinig ang boses ni Alastor sa utak niya, dahilan para bigla niyang alugin ang ulo habang siya ay nagluluto ng kanilang tanghalian.

            “Anak, ako na diyan.” Sambit ng kanyang ina na nasa tabi niya at tinutulungan siya sa pagluluto. “Luto naman na ‘yan, eh. Ako nang maghahain. Tawagin mo na lang sina Monic.”

            “Mm...” Parang wala sa sarili siyang tumango bago pinatay ang kalan at pinasa sa ina ang sandok.

            Nagkakamot siya ng batok habang naglalakad papuntang sala kung saan naroon si Monic at ang kanyang anak. Naabutan niya ang mga ito na magkatabing nakaupo sa sofa at nakatutok ang mga mata sa TV.

            Marky was supposed to call them for lunch. Ayun ang pinunta niya roon. Ngunit kaysa tawagin ang mga ito ay napatitig na naman siya kay Monic.

            Ano bang meron at gusto ko na lang siya palaging titigan? Nagawa pang magtaka ni Marky.

            Naalala niya tuloy nung nasa kolehiyo pa lang sila—nung panahong nahuhulog pa lang ang loob niya para sa dalaga. Kapag kasama niya ito, wala na siyang ibang ginawa kundi titigan ito nang patago. Kapag naman wala ito sa paligid, lagi itong hinahanap ng kanyang paningin.

            Then dumating ang panahon na desidido na niya itong ligawan. Pero hindi naman niya malaman kung ano ang unang dapat gawin. Bigla na lang siyang na-bobo sa panliligaw. Palibhasa iba si Monic sa mga niligawan niya noon—iba in a sense na, kaibigan niya ito. Isang malapit na malapit na kaibigan. Kaya natakot din siya sa magiging reaksyon nito sa kanyang nararamdaman—na baka layuan siya nito na ayaw niyang mangyari.

            At nangyayari na naman ‘yon sa akin...

            Napabuntung hininga siya at nagpamewang, with eyes still staring at his ex-girlfriend. Ang totoo kasi niyang dahilan sa biglang pag-uwi ay para kausapin si Monic. Para i-grab na ang pagkakataon na tinutukoy ni Alastor. Pero ayun na naman siya, natatakot.

            From staring, Marky’s eyes ended up checking his ex out. Para sa kanya, simple lang ang kagandahan ni Monic. Dala malamang ng simple nitong pagporma at pag-aayos sa sarili. Pero sa likod ng kasimplehan nito ay may nakatagong katapangan. Mukha mang tahimik at mahinhin si Monic, marunong naman itong lumaban kapag na-agrabyado o inasar nang wala sa lugar. Minsan na niya itong nasaksihang sumagot sa isa sa mga naging professor nila noon na wala sa lugar kung pagsalitaan sila. Napanganga na nga lang siya noon sa pagkamangha—habang ang puso naman niya ay nagsimula nang magwala para rito—kagaya na lamang kung paano ito magwala ngayon.

            Tang’na, dapat ko na nga pala silang tawagin. At binagyan niya ng mental-batok ang sarili.

            Nilingunan niya ang TV, at napangiwi sa nakitang pinapanood nung dalawa.

            Patay. Barbie movie.

            Paboritong palabas iyon ng kanyang anak, so mahihirapan na naman siya na kumbinsihin ito na kumain na. Nangyari na ang ganun sa kanila nung bagong uwi niya lang galing ibang bansa, eh.

            Bumuntung hininga siya ulit bago nagsalita.

            “Prinsesa ko. Nix. Kain na tayo.”

            Nilingunan siya ng mga ito. Pero ang anak niya, agad binalik ang tingin sa TV.

            “‘Pag po nagtapos na po si Barbie!” Sagot nito.

            Sabi na nga ba...

            “Alannah,” malambing namang tawag ni Monic sa bata. “Hindi mo ba alam na bawal pinaghihintay ang food?”

            Nagtatakang tinitigan ng anak niya si Monic. “Bawal po?”

            “Oo, bawal. Kapag oras na para kumain, dapat kumain ka na. Kasi kapag pinaghintay mo ang food, magtatampo sila at aalis. Pupunta sila sa ibang kids na gutom at kakainin sila. Eh paano ka na no’n? Mawawalan ka ng food at ikaw ang magugutom. Gusto mo ba ‘yung ganun?”

            Umiling si Alannah with bothered eyes. “Ayaw po!”

            “Ako rin, ayaw kong iwan ako ng food.” Sagot ni Monic. “So tara, kain na tayo?”

            “Mm!” Tumango si Alannah.

            Ang galing ah... Na-impress naman si Marky sa convincing-powers ng dating nobya. Pinanood niya pa ito sa pag-off ng TV at sa pag-akay sa kanyang anak palapit sa kanya.

            Nang magtama ang mga paningin nila ni Monic, nagpalitan sila ng ngiti, at saka niya pinauna ang mga ito na pumunta sa kainan. Habang nakasunod naman siya sa likuran ng mga ito, napansin niya ang pagiging malapit ng mga ito sa isa’t isa. Ang puso niya tuloy, parang kinurot ng paghihinayang.

            Sayang... Sana siya na lang ang naging nanay ng anak ko...

                                                                                                ***

THAT STARE... THAT smile... Ugh!

            Napakagat-labi si Monic para pigilan ang sarili na sumigaw at magwala. Okay lang sana kung mag-isa lang siya, eh. Kaso hindi. Kasama niya ngayon si Malou sa kusina. Pagkatapos kasi kumain ay nagpresinta siyang maghugas ng mga pinagkainan nila. Hindi nga lang siya hinayaang mag-isa nung matanda. Inako nito ang pagpupunas at pag-aayos ng mga hinugasan niya.

            “Okaaay. Pahinga ka na, Monic.” Inabutan siya ni Malou ng hand towel matapos niyang hugasan ang huling plato.

            “Thank you po,” pinunasan niya agad ang kanyang mga kamay gamit ang towel.

            “Thank you rin,” nginitian siya nito bago nagpatuloy sa pag-aayos ng mga nahugasan niyang kaldero. And that smile, reminded her again of Marky’s smile.

            Ughhh.

            “Sige po ah, dun po muna ako sa taas.” Paalam na niya sa matanda kasabay ng pagsabit ng hand towel sa tapat ng ref. Tinanguan lang siya nito at umalis na siya ng kusina.

            Papaakyat naman na sana si Monic sa hagdanan nang mapahinto siya sa unang hakbang nito.

            Umalis ba ‘yung mag-ama? Pagtataka niya. Ang tahimik kasi ng paligid, samantalang ang ingay ng mga ito kanina nang magpuntang sala.

            Para maibsan ang pagtataka, nagpunta ng sala si Monic at sinilip kung naroon ang mag-ama.

            Oh...

            Nakita niya naman doon ang mga ito—mga tulog nga lang, with Marky lying on his back sa may sofa, at sa ibabaw nito ay si Alannah na nakadapa.

            Monic smiled, seeing how cute those two were. Napabalikwas nga lang siya at halos magtago nang gumalaw si Marky at bumagsak ang kanang braso sa gilid ng sofa, his hand hitting the floor. Akala ni Monic ay magigising ang dating nobyo, pero hindi naman. Ni hindi nga nito muling ginalaw ang brasong bumagsak.

            Unti-unting kumalma si Monic sa hindi paggalaw ni Marky, lalo pa nang marinig niyang humilik ito.

            Wow. Antok na antok lang siya, ah.

            Huminga siya nang malalim at nilapitan ang mag-ama. Nag-squat siya sa gilid ng mga ito at hinawakan ang braso ni Marky. Dahan-dahan, ipinatong niya ang braso nito payakap kay Alannah. At nang bitawan na niya ito, nauwi na naman siya sa pagtitig sa mukha nito, then kay Alannah.

            Inalala niya ang sakit na naramdaman niya nang ipaalam sa kanya ni Marky noon ang pagdadalantao ni Yvette. Ang sakit na iyon na muli niyang naramdaman nung hindi inaasahang magkita ulit sila ni Marky. Sakit na... ngayon ay parang humuhupa na.

            Monic sighed. She didn’t know why or how.  It was just... seeing Marky and Alannah at that moment, nararamdaman niya ang paghupa ng sakit at galit sa puso niya.

            Alam din naman niya na parang mali iyon, considering na unforgivable ang ginawa ni Marky at ni Yvette sa kanya. Pero ayun talaga ang nararamdaman niya eh. She couldn’t help it.

            Maybe it’s for good na rin... Para maging mas madali ang pagtatapos namin sa nakaraan na ‘yon... Para maghiwalay kami ulit nang wala nang mabigat na nararamdaman sa isa’t isa...

            Malungkot siyang napangiti, bago tumayo at umakyat na sa kanyang kuwarto.

                                                                                    ***

NAKATULOG DIN SI Monic sa pananatili niya sa kanyang kuwarto. Nang kanya namang tignan ang katabing cellphone ay nawindang siya. Bukod sa pa-alas singko na ng hapon ay may sangkatutak siyang text messages, all from Teacher Riz. Nang bubuksan na niya ang unang text nito ay bigla namang nag-ring ang cellphone niya. May tumatawag.

            Oh geez...

            It was also Teacher Riz.

            “Oh, Teacher Riz?” Antok niyang sagot sa tawag nito.

            “Teacher Nix! Buti nasagot mo na ‘yung tawag! Oh my gosh!”

            “Mm,” nagkusot ng isang mata si Monic. “Hindi ko pa nababasa mga text mo. Kakagising ko lang eh.”

            “Okay lang!” Teacher Riz sounded so excited. “May isasangguni lang naman kasi sana ako sa’yo!”

            “Ano ‘yon?”

            “Ganito...” At nagsimula na si Teacher Riz sa pagsiwalat sa nais daw nitong isangguni. Hindi naman iyon ganun kahalaga. Tungkol lang sa activities na gusto nitong gawin para sa summer class ng pinagtatrabahuan nilang nursery school.

            The topic got Monic interested, though, even made her wish na sana pumayag ang school sa mga ideya ng kanyang katrabaho. Naging excited din siya sa pagsisimula ang summer class nila. Nami-miss na niyang mag-handle at magturo ng maraming bata.

            “Nix?” That was Marky’s voice, followed by three consecutive knocks on the door.

            Mula pagkakahiga ay napaupo si Monic sa kanyang higaan. “Teacher Riz, saglit lang.”

            “Oh bakit?”

            “Uhm...” Tawag kasi ako ni Marky, she wanted to say, but quickly held it back nang maalala na may gusto pala rito ang kausap. Nag-emote nga ulit si Teacher Riz nang sabihin niya noon na na-extend ang pananatili niya roon, eh. Sinabi na lang niya na hindi naman doon nag-i-stay si Marky.

            “Nix?” Tawag ulit ni Marky sa nag-aalangang tono. Marahil iniisip na baka tulog siya.

            “A-ah uhm ano, teka lang.” Malakas niyang sigaw kay Marky, at saka muling binalingan ang ka-trabaho. “Basta, mamaya na lang ulit. Te-text kita. Bye.”

            “A—”

            Hindi na niya hinayaang magsalita pa si Teacher Riz. Binaba na niya ang tawag nito at dali-daling lumapit sa pinto.

            “Oh, Marky.” Bati niya nang pagbuksan ng pinto ang binata.

            Napatingin naman ito sa hawak-hawak niyang cellphone. “May kausap ka ba kanina sa phone?”

            Napatingin din si Monic doon. “Ay, oo. Meron nga.”

            Tipid siyang nginitian ni Marky. “Siguro... manliligaw mo.”

            “H-huh? Manliligaw?” Gusto niyang matawa. “Hindi ‘no. Wala naman akong ganun. Si Teacher Riz lang ang kausap ko.”

            “Oh?” Bahagyang namilog ang mga mata nito. “Talaga? Wala kang manliligaw?”

            “Wala nga...” The topic was making Monic feel a little uncomfortable, kaya iniba na niya ang usapan. “Bakit mo pala ako tinatawag?”

            Kung kanina, tipid na ngumiti si Marky. Ngayon, lumapad na ang ngiti nito. “Ahh, ano. Magpapaalam lang. Aalis na kasi ako.”

            “Aalis ka na?” Kamuntikan nang tumaas ang boses ni Monic dahil sa pagkagulat. Akala niya kasi ay mamaya pa ito aalis pagkatapos nilang maghapunan.

            “Oo, may biglaang dinner pa akong pupuntahan kasama si Las, eh. Remember, Alastor?”

            “Mm, your weird friend.”

            Natawa si Marky. “Siya nga. Siya at ‘yung dalawa pang naging katrabaho namin sa Dubai na kakauwi lang.”

            “Ah...” Monic didn’t know what to say, nor what she was feeling. Ang gusto sana niya ay sabihan ito na mamaya pa umuwi. But who was she to tell him that? And what was it to her, anyway? “Sige, ingat...”

            Tumango ito at akmang isasara na ang pinto.

            T-teka... Monic wanted to stop him.

            “Oo nga pala...” Pero kusang tumigil ang binata.

            Nagkatinginan sila, and their eyes locked. Marky’s eyes showed an intent of saying something, while Monic’s showed an intent to listen.

            Bumuka ang bibig ni Marky, but ended up laughing to himself. “Wala lang...”

            Napangiwi si Monic, feeling a little disappointed. Baliw.

            “Sige na, kausapin mo na ulit si Teacher Riz. Bye.”

            “Okay... Bye...”

            At sinara na ni Marky ang pinto.

            Humawak naman sa doorknob si Monic at dahan-dahan, binuksan ang pinto—’yung sapat na buka lang para masilip at makita ang dati niyang nobyo hanggang sa makababa ito sa hagdan. But her heart then felt like it was running for a race, as she saw Marky look back at her. Medyo nagulat pa ito, pero agad din siyang nginitian bago tuluyang bumaba, leaving her a bit breathless.

            “Oh, thanks, Marky.” Sarkastiko niyang bulong sa sarili. “Dinagdagan mo pa ang gumugulo sa isip ko.”

 

—TBC

A/N: 3.1k words update para sa dalawang linggo na walang update. Huhuhu. Kamusta? Mabagal ba ang kwento? Kasi ako, nababagalan. Hahahaha. But we’ll get there. You know, theeeeere. Haha :D BTW, next chapter will mark LTSTA’s halfway to ending.So meaning... around 40 chapters siya. Huhu. Good luck sa akin. Huhuhu. Eh bakit ba andaldal ko sa A/N? Hahaha! Geh na, till then! <3

Continue Reading

You'll Also Like

266K 817 5
Hellina Marieve Amante, a Governor's daughter and a Mayor's sister, promises to herself that she wont let any of her family's enemies enter in her li...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
9.2K 273 39
" I want Felix to fall for me. He wants my cousin to fall for him. Pareho naming gusto ang mahalin pabalik ng mga taong gusto namin. Ang I think that...
239K 4.8K 49
Sapphira is a sophisticated and carefree woman but, commitment is her greatest weakness. She rather choose to be single for the rest of her life than...