A Gangster's Reign

By asirae

443K 9K 1.6K

RIANNE was a secret gangster at the Gangster University. Well, that was until an asshole in disguise told the... More

A Gangster's Reign
Dedication
Prologue: Reign
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Playtime
Chapter 3: Gangster University
Chapter 4: Caught
Chapter 5: Princesses
Chapter 6: Gneiss
Chapter 7: Deals & Duels
Chapter 8: Consequence
Chapter 9: Approval
Chapter 10: Pocket Rocket
Chapter 11: Shadows
Chapter 12: Death Angel
Chapter 13: Symptoms
Chapter 14: Code XYK
Chapter 15: Fast & Gorgeous
Chapter 16: Tease
Chapter 17: Fifth
Chapter 18: Spicy Spies
Chapter 19: X-press
Chapter 20: Fallen
Chapter 21: Black Ball
Chapter 22: Venomancer
Chapter 23: Scimitar
Chapter 24: Butterfly Effect
Chapter 25: Red Paper
Chapter 26: Death & Rebirth
Chapter 27: Young Demonise
Chapter 28: Last Laugh
Chapter 29: Spracel Islands
Chapter 30: Clean Slate
Chapter 31: The Underworld
Chapter 32: Nerd
Chapter 33: Frog Prince
Chapter 34: What Love
Chapter 35: Tartarus
Chapter 36: Proposals
Chapter 37: New Rule
Chapter 38: Hopper
Chapter 39: The Royals
Chapter 40: Déjà Vu
Chapter 41: Extreme
Chapter 42: Dead Festival
Chapter 43: War & Wary
Chapter 44: Melt
Chapter 45: Button
Chapter 46: Chase & Cheesy
Chapter 47: Closer
Chapter 48: Hot Item
Chapter 50: Visitor
Chapter 51: Appearance
Chapter 52: Headline
Chapter 53: Clues
Chapter 54: Cross
Chapter 55: Sacrifices
Epilogue: Life
A S I R A E
More From A S I R A E

Chapter 49: Foreboding Calm

3.6K 124 39
By asirae

Yenn's POV


Patapos na ang August at pasukan na naman sa first week ng September. Kaya ito, nandito ako sa mall para bumili na mga gamit. May mga natira pa naman akong gamit last school year kaya kinuha ko lang kung ano ang mga kailangan ko. While I'm here, tumingin-tingin na rin ako ng bagong librong mababasa.

I was about to grab a book with an attractive cover called 'Shatter Me' when another hand reached to grab it. Napatingin ako sa taong iyon at nagulat.

"Denise," he smirked at hinayaan na sa akin 'yong libro. "There. Take it."

Hinayaan ko na lang din dahil kumuha pa rin naman siya ng ibang copy. I mouthed thanks. Binalingan niya ng tingin pagkatapos non ang mga pinamili ko.

"Isn't it too early to shop?" he asked.

I shrugged. "I want everything early 'cause people don't like it early."

He chuckled. "I see, anti-social level 54."

Binigyan ko siya ng wirdong tingin. May pelevel-level na ang isang 'to ngayon! Pumila na lang ako sa cashier at sumunod din naman siya. Libro lang ang binili niya.

Nang natapos kaming magbayad ay sabay na kaming lumabas.

"Coffee? My treat," he offered. Dahil wala naman akong gagawin ay pumayag na rin ako. Bakit hindi? He's a friend.

Habang pinagsasaluhan ang dalawang mainit na kape at piraso ng cake, kung ano-ano ang napag-usapan namin.

"It's that girl. She has been invading my mind since God-knows-when," he sighed.

"The girl whose arms are where your love for Kara melted, huh?" dahan-dahan at maingat kong sabi habang inaalala ang sinabi niya sa akin noon.

He chuckled, "you got that, huh?"

Aba. Napapadalas yata ang pagtawa nito? Medyo suplado 'to noon ah. I mentally shrugged at sumipsip na lang sa kape ko. "What do you like about her?"

Napaisip siya. "Her bravery? Her indifference, her mystery? I don't know. There's just something about her presence that makes me want to be with her," seryosong sabi niya. "She's... cold, but there's something about her that is heartwarming."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Her coldness hides that warm aura within her... but really, there's warmth."

So... those arms don't literally mean arms. Instead, they represent that girl's presence.

"She's lucky," I stated.

"You think so?"

I nodded. "There's someone who can see right through her walls."

"If only she can see me too..." ngumiti siya pero kita ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Idiot. She really won't see you if you don't let her see you," I snapped. "Have you done any visible effort for her to see? Why don't you court her?"

"It's useless. I'm already too late," he sighed at kumain. Kain na lang eh 'no?

"Why? Is she taken?" I asked.

"No, but sooner or later she will be. She's dating someone. No... I mean someone's courting her, and I think she lov—"

Binato ko siya ng tissue. "Ugok ka pala eh."

Kaagad niyang nasalo ang tissue. "U-ugok? What's that? What did you say?"

"I said you're a freakin' idiot to give up on your feelings this early. How did you even know they'll be together?" I hissed.

Hindi pa naman pala mag-on nagpaparaya na kaagad 'tong singkit na 'to. Mag-asawa nga naghihiwalay, 'yon pa kayang nagliligawan pa lang?

"I just know," he chuckled. "And come to think of it, I thought you wanted everything early?"

"Everything has an exception, Korean guy. You said someone's courting her, then why don't you court her as well? Courtship is for everyone. A guy courting her shouldn't be the reason you stop fighting for her. What's even the point of the quote, 'may the best man win,' if you'll just surrender and let a guy compete against no one?"

Ito kasi ang nakakainis sa mga lalaki. Kapag alam nilang may ibang nanliligaw sa mahal nila, sinusuko na lang kaagad nila ang pagmamahal nila without even trying. Paano kung sila pala talaga ang mas may chance pero hindi nila sinubukan? That's just stupid.

Napanganga si Jaeho. "Wow. Record breaker! That's probably the longest thing you've ever told me," tumawa siya.

"But honestly, as much as I wanted to court her, I couldn't. She might not be taken by label, but she's taken by heart. I am not that blind not to see that. I might not be doing something visible, but I am exerting an effort for something invisible, yet irreplaceable. And that's respect. She's happy with someone else, and I'm going to respect that because right now, that's the only thing I could give her."

I sighed. "So you're just going to sit there and repeat how you respected Kara's feelings for Xyril? Jae, you don't always have to be the 'other guy' who loves in silence."

He gave me a small smile. "Don't worry, I got used to it. I guess I'll always be the third wheel. And like what you said, everything has an exception, right? A guy courting her shouldn't stop me from fighting for her, but a brother loving her earlier than I did should make me stop fighting for my feelings. That's the exception," pagkasabi niya non ay kinurot niya ako sa ilong.

At doon, wala na akong nasabi.

Pagkabalik ko sa unit ko ay kaagad akong nag-ayos ng gamit. Ihahatid pa sana ako ni Jaeho ngunit tinanggigan ko ito. I didn't want the frog to get jealous.

Speaking of Xyril, may dalawang text akong natanggap mula sa kanya.

_______________________
From: frog shit prince

morning, nerd. i miss you :p
_______________________

_______________________
From: frog shit prince

Lunch na. Don't forget to eat :)
_______________________

Nireplyan ko lang saglit ang mokong, then I opened the Godstring app to check my account.

May mga bago na naman akong notifications. Simula noong kumalat na nanliligaw sa akin ang palaka at noong naging member ako ng Hot Wheels ay sunod-sunod na rin ang natanggap kong string requests mula sa mga racers at race fanatics.

@RoseMarieNada also replied on a stringpost where you're mentioned!

I clicked that notification at dinala ako nito sa stringpost ni Xyril noong Qixi Festival. Ito 'yong selfie naming dalawa sa Poseidon. Hanggang ngayon may mga nagcocomment at nagrereact pa rin.

Akalain niyong 3,285 ups, 2,879 restringknots, at 1,603 replies na iyon ngayon? Gosh. Considering Spracel's total population, marami na 'yan. Palibhasa kung ituring siya ng mga kabataan dito akala mo siya si Zayn Malik o Luke Hemmings. Tss.

Sinubukan kong basahin ang mga bagong replies pero sa sobrang dami ay tinamad na rin ako. A-out ko na sana nang makuha ng isang reply ang attention ko. Ngayon ko lang ito nakita!

"@_heyitskaram: :/"

Fudge! Reply niya pa iyon noong August 04! Hala, is that why hindi na siya nagtetext sa akin? I went to her profile to stalk further. I scrolled down from her oldest stringposts to the most recent ones.

Kara Malonzo
@_heyitskaram
• dauntless yet worthless xx CaFleur
< unstring >

"@_heyitskaram: so you two..? wow."

"@_heyitskaram: okay."

"@_heyitskaram: you should've told me."

"@_heyitskaram: irony"

"@_heyitskaram: ha ha ha"
• @royal_jae: @iamkaram hey u okay?
• @_heyitskaram: @royal_jae why her jae?
• @royal_jae: @iamkaram what do u mean?

Iyang lima lang ang stringposts niya after Qixi Festival kung kailan niya sinabi 'yong 'so you two?'

Tinignan ko ang date nung huling apat niyang posts. Last week lang ang mga ito. Teka? Alam kong gusto ni Kara si Xyril at halata namang kami ang pinaringgan niya roon sa una niyang post. Pero... ang late naman yata ng iba niyang posts? Kay Xyril pa ba 'to?

Hmm. Pinindot ko ang profile ni Jae dahil nagreply siya sa isang post ni Kara. Bukod sa mga replies niya ay wala na rin siyang ibang stringposts na related. Iniscroll ko pa hanggang sa mapunta ako sa araw ng Qixi Festival.

"@royal_jae: lucky bastard"
posted last August 04, 7:00 PM

***

Sinara ko ang unit ko at sumakay na sa elevator. Imbis na sa ground floor ay sa parking ako dumiretso. Hindi naman kasi ako susunduin ng palaka ngayon. Mabuti na lang nauwi ko noong nakaraan itong bigay niyang McLaren.

The frog finally allowed me to bring it home in one condition: gagamitin ko lang ito personally kapag hindi niya ako masusundo o maihahatid.

Honestly, that's better than nothing, so I agreed.

When I arrived at The Underworld, pinark ko muna ang sasakyan ko at nanatili roon para magbasa. Noong 5 minutes na lang bago magtime, lumabas na ako at naglakad papunta sa building namin.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay katatapos lang ng recognition, tapos ngayon first day na naman ng panibagong school year. Tss. I looked around. Hindi ko alam kung bakit, but my senses are telling me that something's especially odd this morning.

A little later, it happened. Habang naglalakad ako ay tumunog ang speakers.

*Dun dun dun dun~ Underworld Duel... DETECTED! Duel Arena... ACTIVATED!*

Oh? Umagang umaga at first day na first day, may Underworld Duel? Interesting. Are these stupidents that bored already?

Nagtaka ako nang sa pwesto ko mismo nagkaroon ng instant arena. Lalagpasan ko na sana ito nang narinig ko ang sunod na announcement.

*Who is greater? Who is stronger? And who's the real devil? Yenn Cerventez VS Xyril Escudero. Goodluck! ~Dun dun dun dun*

WHAT THE HELL?! Paano nangyari 'yon? Sa pagkakatanda ko, may confirmation message muna bago i-announce 'yon ah? I checked my smart watch for a message, pero wala naman akong nakaligtaan.

Dahil sa biglaang announcement na 'yon ay dumami kaagad ang taong pumalibot sa duel arena kung saan ako nakatayo. I probably looked so stupid. Bitbit ko pa ang backpack ko, nakasalamin, at nagbabasa ng 'Ignite Me,' tapos makikipag-duel?

Fuck, Xyril!

Ano na naman bang pumasok sa isip non? Lintek na palakang iyon.

Nakarinig ako ng samu't saring bulungan ng mga tao. Most of them are hushed speculations. Kesyo baka ayaw na raw talaga sa'kin ni Xyril, or he's probably avenging Rikumi, and so on. Half of them are confused,  while the rest are buzzing with excitement.

Well, I can't really blame them. When The Underworld Prince Axe and the Top Clearing Soloist Yenn are about to duel, sino bang hindi ma-eexcite?

But ugh! This is so annoying. Sobrang dami ng tao at hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito. I bit my lip and scanned my surroundings. Nasaan na ba 'yong gagong 'yon?

As I closed the book I was reading, sakto namang dumating ang palaka.

"Ano na naman ito?" I asked him seriously, but he simply glanced at me with his mischievous eyes and evil smirk.

"Weapons, please," aniya sa isang tonong marinig mo pa lang ay mapapasunod ka na talaga.

Is he for real?

Lumapit ang nagtutulak ng weapon cart. I waited for him to choose first, ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay nakatayo pa rin siya roon at nakangisi sa akin.

Ginalaw niya ang ulo niya na tila sinesenyasan akong pumili na ng weapon.

Damn it. Do I really have to do this? Against him? Really? On the first day? Ugh, what the frog.

Huminga ako nang malalim at pansamantalang hinubad ang salamin ko. Nilagay ko ito at ang librong binabasa ko sa loob ng bag ko saka ako lumapit sa weapon cart. Nilapag ko na rin muna sa gilid non ang aking bag.

I grabbed a basic knife from the pool of wooden weapons. Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit kailangan naming magduel. But if this is what he wants, fine. Bahala siya.

Bumalik ako sa pwesto ko at hinintay siyang kumuha rin, but he never did. "Let's start," he said, still smirking.

Pinatunog niya pa talaga ang kanyang kamao at leeg. Tss, hindi siya gagamit ng weapon? Talaga lang huh. Alam kong magaling siya, but what is he even thinking?

Nawala ako sa mga iniisip nang tuluyan nang nagsimula ang laban. For the first minute, walang gumalaw sa amin. Seryoso lang kaming nakatitig sa isa't isa na akala mo may pulang laser na lumalabas sa aming mga mata.

Ano? Tutunganga at tatanga na lang ba siya rito? If he wanted this, then I'll finish it quickly. Huwag niyang sinasayang ang oras ko dahil nagbabasa pa ako at nabitin ako sa last chapter! Ugh.

Sumugod ako sa kanya. Umiwas siya, ngunit hindi pa rin lumaban. I attacked again, but he continued dodging like my attacks were nothing.

"What's wrong with your frog brain?" I hissed, then I punched him on the face. It finally landed. Napaatras siya kaunti at napatingin sa kaliwa dahil sa ginawa ko. Lalong lumaki ang ngisi niya habang hinahawakan ang labi niyang sinuntok ko.

Nakanganga na ang halos lahat ng mga nanonood dahil kaninong panga ba ang hindi babagsak? Binubugbog lang naman ng isang nerd ang nag-iisang prinsipe nila, at ang bobong prinsipe hindi lumalaban.

Tss. Ano bang sumapi sa mokong na 'to?! I punched him again. "What's the deal, frog? Makikipagduel ka sa'kin tapos hindi ka lalaban? Are you out of your mind?"

May bigla tuloy akong naalalang hindi magandang pangyayari. That night when Kio and I became official... sa isang duel din naitakda ang lahat ng 'yon. Nilabanan ko siya ngunit katulad ng palaka noong una eh puro pag-iwas lang ang ginawa nito.

I stared at Xyril na napaupo na sa sahig dahil sa mga suntok ko. Dahan-dahan siyang tumayo, saka niya pinagpagan ang dumi sa kanyang kamay.

"You asked me earlier what this is all about..." panimula ng palaka.

"When you first came here, I already knew something about you was different, pero iniwasan ko 'yon. I kept jumping from one girl to another and dodging any emotions dahil hindi pa ako handang mahulog kahit kanino. I had always been scared of falling. It's like a personal battle to me, na kapag hindi ko iniwasan ay matatalo ako at masasaktan," umangat ang sulok ng labi niya.

"Pero ngayon, gusto kong patunayan sa lahat na katulad ng mga suntok mo, kahit pinilit kong iwasan noong umpisa, handa na akong harapin ang nararamdaman ko. Handa na akong mahulog at saluhin ang lahat ng suntok mo. I know you still have a lot of doubts about me, but I hope you'd see and feel my sincerity. Gusto kong malaman mo na 'tong palakang 'to, kayang lumuhod para sa'yo. Gusto kong patunayan sa'yo na sa larong ito, handa akong magpatalo para sa'yo. Hindi na ako lalaban, Yenn. Umpisa pa lang naman, talo na ako eh."

Sa gitna ng pag-amin niyang 'yon ay may panibagong boses na nangibabaw, "tangina, ang korni mo brad!" It was Josh.

Tinaas lamang ni Xyril ang kanyang kaliwang kamay at itinayo ang gitnang daliri bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sinusuko ko na ang sarili ko sa'yo. Kaya sana... isuko mo na rin ang sarili mo sa'kin," he chuckled.

He's publicizing his vulnerable side, huh... Magsasalita na sana ako when I was interrupted by the speakers.

*Dun dun dun dun~ The Underworld Duel... is now OVER. Who was greater? Who was stronger? Who was more evil? Who's the real devil? It's YENN CERVENTEZ! Congratulations, you have ranked up! ~Dun dun dun dun*

Imbis na sa suot kong relo lumabas ang congratulatory notification ay nagulat ako nang lumitaw ito bilang isang malaking holographic screen.

-
C O N G R A T U L A T I O N S
- You just won the Underworld Duel!
- Please take Xyril Escudero as a prize.

• o k a y •

Nagtilian ang mga estudyanteng nanonood sa kanilang nabasa. Humirit sila ng mga kantyaw habang sumisigaw ng 'Okay! Okay! Okay!'

I tried to mask my reddening face. Darn it.

Napatingin ulit ako sa screen at sa relo ko. Pipindutin ko ba ito? Is it really time to try and gamble in love again?

Ang sabi ko noon, huling katangahan ko na si Kio, but before I knew it, naibigay ko na ulit ang puso ko sa iba. Sa palaka. Sa palakang ito na aminin ko man o hindi ay nagpapasaya at bumubuo ng mga araw ko rito sa Spracel Island.

Huminga ako nang malalim at bumaling kay Xyril. He's wearing his usual smirk right now, but I bet my McLaren, he's praying deep inside.

What did he say kanina? Isuko ko na raw ang sarili ko sa kanya? In that case...

"I already did, didn't I?" sabi ko, a small smile tugging at my lips.

He pondered for a few seconds, then he chuckled naughtily when he finally understood what I meant. "Mamaya ulit?" he teased.

Napayuko ako dahil sa tinging ibinato niya sa akin. Shit na 'yan, nahihiya ba ako?!

He closed our gap and hugged me tight in front of everyone watching. "Just kidding. Thank you for giving me a chance," he whispered.

"You didn't really give me a choice, frog prince," I half-heartedly pointed out, burying my face in his chest to hide my smile.

Sana nga, Xyril, hindi ka katulad ni Kio na umiwas man at hindi lumaban noong simula, binigyan naman ako ng isang malakas na suntok pagkatapos ng laban.

***

Two weeks passed by pretty quickly, at hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok si Kara sa mga klase namin. Araw-araw ko siyang inaabangan para makausap dahil hindi ko mawari kung okay ba kami o ano, but so far she never showed up.

That being said, two weeks na ring trending ang kalokohan ng palaka noong first day. Someone crazy took a video and uploaded it to Godstring, at kaagad naman itong inulan ng Ups. What's crazier is may version pang kumakalat na may English subtitles. What the heck, right?

Habang nagdidiscuss ang Physics fury namin noong second period, biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang babaeng ilang araw ko nang hinihintay.

I tried to observe her. Mukhang wala namang iba sa kanya ngayon. She still looked as jolly as ever as she sat beside me. Bago pa ako makapagsimula ng conversation, humarap na siya sa'kin.

"Hi Yennie! I missed you," she smiled.

Oh, so we're good?

Tinignan ko siya. "You're not mad?"

Kumunot naman ang noo niya, "why naman ako magagalit?"

I shrugged. "You know... about me and Xyril."

Lalo namang kumunot ang noo niya, then she laughed. "I'll talk to you mamayang recess," she winked.

Medyo kinabahan naman ako dahil doon.

When recess came, nagpaiwan muna kaming dalawa sa classroom. Noong kami na lang ang natira, she finally spoke.

"Ano ka ba, Yennie? I'm not mad. I wanted to congratulate both of you pa nga eh." habang kumakagat ng biscuit.

"Really?" I asked.

Tumawa siya habang kumakagat ng biscuit. "Of course! Bakit mo naman naisip 'yan?"

"I saw your comment last Qixi."

Saglit siyang napaisip. "Oh! That one I commented on your photo with Prince Axe?" She giggled, "okay, okay! I admit, medyo nagselos din ako noon pero noong una lang, 'no! Haha!"

Hmm, I see. "What about your other posts, then?"

Sa tinanong kong 'yon ay nag-iba ang reaksyon niya. She smiled again, but this time, it didn't reach her eyes.

"Ah, those are different. The guy behind those posts is the reason why I realized na mababaw lang pala ang love ko for Xyril. Whatever I'm feeling for the prince is not as deep as my love for that guy," she glanced at me. "Ay, gets ba?"

"Who's the guy?"

Mula sa pagkain ay inangat niya ang tingin niya sa'kin at saka ngumiti, "si Jae."

Parang nabilaukan ako sa narinig kahit wala naman talaga akong kinakain. Magtatanong pa sana ako nang kusa siyang nagkwento.

"Mahal ko pa kasi pala siya. I was just too blinded by my pride to realize. Kaso, may mahal na siyang iba eh. Kung kailan may mahal na siyang iba, saka ko narealize na shit, mahal ko pa siya. But what can I do? That's life, I guess. Haha!"

I knew she was faking her laugh, pero hinayaan ko na lang. She's Kara. She's the kind of girl who'd choose to hide the pain no matter what.

Inalala ko ang mga kinwento sa'kin ni Jae at cinompre ito sa kwento ni Kara. Obviously, ang gusto na ngayon ni Jae ay 'yong girl na may brasong pampainit. Crazy.

I turned to Kara again and asked if she had an idea about who he likes, pero nginitian niya lamang ako.

Lunch time came, at sabay ulit kaming kumakain ng palaka sa secret room niya. Simula noong naging official kami ay dito kami madalas tumatambay dahil may privacy.

Hindi ko naman kasi akalaing kapag naging boyfriend mo pala 'to, para kang nagboyfriend ng artista sa dami ng nagpipicture sa malayo. Magugulat na lang ako may nakatag na sa'kin sa Godstring na picture namin ni Xyril habang kumakain o tumatawa o nagsusungitan.

"Nag-usap na kayo ni Kara?" he asked habang naka-indian seat kami sa kama niya.

Tumango ako. "She said she's not mad. Iba raw ang dinadrama niyang 'yon."

Nakwento ko kasi kay Xyril ang tungkol sa stringposts ni Kara. I know right? Akalain mong pwede pala kaming magkaroon ng matinong conversations ng siraulong 'to?

"Just like what I thought. Jaeho." Ngumisi siya na akala mo nahigitan niya si Sherlock Holmes.

Napatingin ako kaagad sa kanya. "Alam mo?"

"Uh-huh," aniya. Magsasalita na sana ako kaso bigla niya akong sinubuan ng kanin. I rolled my eyes at him at natawa naman siya.

"Epal ka talaga," sabi ko nang malunok ang kinakain ko. "Edi alam mo rin kung sino ang bagong gusto ni Jae?" I asked in mixed excitement and curiosity.

Biglang nalukot ang mukha ng palaka. "Tss. Ikaw."

I crossed my arms. "'Yong totoo nga?"

"Ikaw nga," medyo naiinis niyang sabi.

Nagulat naman ako. "Huh? Bakit ako?"

"Aba, malay ko sa singkit na 'yon."

Hinampas ko siya sa matigas niyang braso. "Iyong totoo kasi!"

"Ikaw nga talaga. Ang kulit," pinitik niya ako sa noo.

"Oh, ba't galit ka?!" I laughed.

Binaba niya ang hawak niyang pagkain bago ako biglang niyakap sa bewang at mas inilapit sa kanya gamit lang ang kaliwa niyang kamay. Medyo napahiga tuloy ako sa lap at chest niya.

"Eh akin ka eh," malokong sabi niya na tila nanggigigil.

"Hoy! Bitaw nga. Abnormal na pikon."

Tumawa siya sa ulunan ko at saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi, "pero sa akin ka naman talaga, diba?" Nang hindi ako sumagot ay inulan niya ako ng mabababaw na halik, "diba?"

Hinarap ko siya. "Alam mo ikaw, ba't ba gustong-gusto mong pinapalaki 'yang ulo mo?"

"Bakit? May iba pa ba akong dapat palakihin?" Tinaasan niya ako ng kilay at nginitian nang nakakaloko.

"Oo, 'yang t-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.

"Bastos. Ipasok ko sa'yo 'to eh," tawa niya at malisyosong tumingin sa'kin.

Huh?! Mabilis na nag-init ang mukha ko. "Mas bastos ka!"

For the minutes that followed, nagkulitan lang kami na may halong make out here and there hanggang sa pareho na kaming napahiga sa kama.

I looked at him. "Pero seriously, paano mo nalamang ako 'yong kay Jae?"

He shrugged. "Halata naman. Tss. Makita ka pa lang non biglang nagkakaroon ng mata eh."

"Gago!" tawa ko, tapos napatingin ako sa relo ko. "Tara na. Malelate na ako."

He chuckled as he stood up. "Ba't ba lagi kang natatakot ma-late eh ako naman ang boyfriend mo?" tanong niya at saka hinawakan ang kamay ko para itayo rin.

"Kahit na, 'di ako abusado katulad mo!" sagot ko.

Habang naglalakad kami pabalik sa building ay may lumapit sa aking babae.

"Hey, I'm Empress," she smiled and shook my hand.

Empress Ki?!

"Of course I know you, Em," ngisi ni mokong.

The girl rolled her eyes before giving him a sarcastic smile. "I'm not talking to you, Axe."

Natawa na lang si Xyril. Who is this girl and why do they seem close, anyway? The more I looked at her, the more she seemed familiar too. Kastring ko siguro siya sa Godstring.

"Hi Yenn!" The girl who called herself Empress turned to me and smiled. "Again, I'm Empress. I was the Student Underworld Secretary last school year. Without beating around the bush... can you run for The Underworld Highness? Pretty please, you're our last hope. We need a replacement for Ella's position, who's now running for Rikumi's position. Campaign is starting in a week, then election will happen the week after that, so we badly need a sure candidate asap. Pleaaase!"

One word ate, KALMA.

Natataranta na siya eh. Underworld Highness? Parang Student Council ba 'yon?

"What was Ella's previous position?" I asked.

"Hadessy II, but this year she'll be running for Hadessy," paliwanag niya.

Oh, I see. Tinignan ko si Xyril at tinaas-taas niya lang ang kilay niya, as if to encourage me to try. Personally, why not? I'm academically capable and responsible anyway, kaya pumayag na rin ako. Nagtatalon-talon si Empress sa pagpayag ko at paulit-ulit na nagpasalamat.

The following days, naging busy ako sa ginawa naming preparasyon kaya matagal natapos ang linggong iyon. Puspusan ang ginawa naming practice para sa Meeting de Avance at halos mapaos na ako sa pagkampanya sa bawat classroom.

On the bright side, tinulungan naman ako ng palaka sa paggawa ng plataporma kahit parang wala namang pakialam ang mga students dito sa kapakanan ng school namin.

Nang natapos ang election, akalain niyong nanalo pa ako? Maraming bumoto sa akin at hindi ko alam kung paano nangyari iyon kahit sikat at matagal na sa The Underworld ang kalaban ko.

Well, the student body trusted me, so I decided I'd just do my best.

Lumipas ang ilan pang linggo at medyo mahirap din palang maging Highness. Akala ko medyo madali ito kumpara sa mga ordinaryong school dahil hindi naman sobrang academically inclined ang mga tao rito ngunit mali ako. Wala mang academic clubs at competitions, napakarami namang battles ang kinailangan naming asikasuhin.

Idagdag mo pa na two weeks na lang ay Dead Festival na naman kaya sobrang busy talaga namin these days. While every clan has their own booth, kami naman ang may hawak sa lahat ng booths nila at lahat ng kailangan para sa one week event na iyon. Nakakaloka!

Ngayon ay kailangan kong magpapirma ng mga documents at mag pa-approve ng suggested booths. Wala pa si Hades sa opisina niya kaya inuna ko muna ang iba pang kailangan kong asikasuhin. Isa-isa kong pinasok ang mga clan bases upang hingin sa kanila ang project proposal nila sa darating na Dead Festival.

"Josh! Nasaan 'yong inyo?" tanong ko nang pumasok ako sa base ng mga solo players. Last na sila ngayong araw, at si Josh lang ang tao ngayon dito.

Nilibot ko ang tingin ko. The base still looked like how I remembered it. Dito rin ako noon ngunit hindi na ngayong Hadessy II na ako. May sarili rin kasing base ang The Underworld Highness.

"Yenn, ikaw pala. Busyng busy, ha? Haha, teka, kunin ko lang," aniya at saglit na may kinuha sa malaking cabinet sa sulok. Nang inabot niya sa akin ang folder ay may piraso ng papel na nahulog.

Huh? Kaagad ko iyong pinulot. Picture pala ito ng isang babae.

"Your girlfriend?" I asked. May girlfriend pala 'to? Or ex?

"Nope, kapatid ko 'yan. Ganda 'no?" ngisi niya bago kinuha sa akin ang picture.

Tumango na lang ako. "Is she here too? Or nasa Pinas?"

"Nasa langit na siya," he said as a matter of fact at nilagay ang picture sa mga files niya sa table.

Nagulat naman ako roon at medyo natahimik. "Oh."

I didn't know what else to say. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsorry o hindi. Dead, huh... This is kinda weird. If I remember correctly, miski ang kuya ni Kara ay wala na rin. Bakit ang dami yata nilang pare-pareho ng narrative?

"Murdered." Dugtong niya pa kahit hindi ko naman tinanong. Tumango na lang ako at nagbigay simpatya. Inabutan niya ko ng dalawang chocolates at binilinan pa na hatian ko raw si Xyril. Nagpaalam na ako sa kanya.

After that, I walked around the campus for my weekly inspection. Sa kakalakad ko simula noong naging Hadessy II ako, feeling ko lalo akong pumapayat. Tss. While I was doing my rounds, sinusubukan ko na ring hanapin si Xyril.

Ugh, where is he? Sa paglalakad ko ay dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Fine. Magpapahangin na lang muna siguro ako.

☠️

Unknown's POV


"Any news?" malalim kong tanong sa kausap.

"Sorry, dude. Hindi pa rin talaga namin mahanap."

Napahawak ako sa sentido ko. "What the fuck is taking you all so long? Babae lang 'tong hinahanap natin!"

"We already tried all our sources, pero wala talagang Young Demonise na matrace," pagrarason nito.

"Then find another source! I don't care how you do it, just locate her," naiinis kong utos.

"Dude, we're already doing everything we ca—"

"It's not enough, Zild!" putol ko rito. "Hindi ba alam na natin ang totoong pangalan non? Rianne Young, was it? Edi alamin niyo sa mga Youngs kung nasaan siya!"

Bumuntong hininga siya. "I'm telling you, we already did. Pero hindi rin daw nila alam. Pinatapon daw ng tatay niya eh."

"Bullshit! Baka naman kasuspe-suspetsa 'yang mga tauhan mo kaya ganon na lang ang reaction," I hissed. "Double check whatever clues we've already gathered. We're probably overlooking something here!"

"Fine, I'll look into it again."

Umigting ang panga ko. "You better find her in a month, Zild. I swear I won't rest until that woman pays for what she did to my sister."

"I know, dude. We'll do our best," aniya at binaba ang call.

*toot toot*

Naibato ko na lang ang phone ko sa sobrang inis. "Peste!"

Where the fuck is that girl hiding?

"Hey. What's wrong?"

Napatingin ako sa babaeng pinanggalingan ng pamilyar na boses.

"Denise..."

"Josh."


☆ 𝚟𝚘𝚝𝚎 𝚒𝚏 𝚢𝚘𝚞 𝚎𝚗𝚓𝚘𝚢𝚎𝚍 𝚝𝚑𝚒𝚜 𝚌𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 ☆

  —

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 76.8K 57
Isa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa Isa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa mundo ng gulo at patayan Pero... Paano kung bigla na...
12.2K 268 16
[UNDER REVISION] SICILIAN UNIVERSITY: HOME OF MAFIAS Dark society lies with a dark secret. Home of Mafias where every heir and heiressof one organiza...
1M 27.7K 55
Meet Luna Nicole Swansea, a happy-go-lucky girl who loves to make trouble in short she's a trouble maker, a boyish type of girl who ALMOST have a nor...
14.2M 432K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...