Perfect Match; FBIIJOG: Book 2

By hamzyshing

1.6K 58 6

| On Going | Is it real or is it just a dream? Did Ayumi chose Enzo among the four? or is it just her dream... More

Author's Note
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Author's Note
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 06

51 2 2
By hamzyshing

"Ha?" sambit ko. "Anong future husband? Mukha mo!" giit ko saka ko siya nilayasan.

"Hey!" napatigil ang paglalakad ko nang sumigaw siya. Masama ang tingin ko nang lingunin ko siya.

Natikom niya naman ang bibig at parang naging tuta ang itsura nang makita ang masamang tingin ko.

"I'm hungry, want to join me?" he carefully ask.

"Hindi ako gutom." nagsusungit na sabi ko sa kaniya.

"I know that you're hungry, let's go. Let's eat." aniya at lumapit sa akin paglapit niya ay hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya.

"Ano bang gusto mong kainin?" bulong nito sa akin.

"Pagkain syempre! Ano ba dapat kainin?" tinulak ko siya ng bahagya.

"Ah.. Akala ko ako" biro nito saka ngumiti ng nakakaloko kaya naman ay nabatukan ko siya.

"Aw!" ngumuso ito.

"Halika na!" inunahan ko na siyang maglakad. Pumunta kami sa isa sa mga sikat na kainan dito sa Pilipinas.

Iyong KFC. Siya ang umorder para sa aming dalawa habang ako naman ay nag-iintay lang sa pagdating niya.

Nang dumating siya ay kumain na kami. "Hindi ka ba kumain kanina?" tanong ko sa kaniya nang makitang madaming extra rice.

Tapos ay may order pa siyang Chicken Packs! 9 pcs ang laman! Kaya ba namin ubusin yon!

"Hindi." sagot nito habang binubuksan ang kanin, nang mabuksan niya ito ay ibinigay niya sa akin at kinuha ang plato ko na hindi ko pa nagagalaw.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Hindi kasi ako nagutom kanina kaya hindi ako kumain" simpleng sagot nito bago sumubo.

"Ang init!" asik niya. Napangisi ako. "Ayan, kakamadaling sumubo, hindi muna kasi inihipan" natatawang sambit ko.

Sa loob loob ko ay natatawa ako dahil ganito lang siya kapag ako ang kasama pero kapag hindi ay nakikita ko kung paano siya magsungit sa iba.

Paano ko nalaman? I watch him from a far. Nga pala, nakausap ko na si Joshua at Naftali si Brent na lang ang hindi. Hinuli ko na siya dahil alam kong maiintindihan niya ako ng sobra sa desisyon ko.

Flashback

"Hey" I saw Joshua at the bench so I approach him.

"Hi, Ayumi. Wala kang klase?" tanong nito sa akin kaya naman ay nakangiti lang akong umiling sa kaniya.

Umupo ako sa tabi niya, itinabi niya ang binabasa niyang libro at nakangiti siyang tumingin sa akin.

"I want to talk to you sana" I whispered.

"Hmm"

"I want to tell you something..." I whispered again.

"What is it?" he asked.

"I want you to..." hindi ko matuloy ang sasabihin. I don't want to hurt him, but I need to do this ayoko nang patagalin pa.

Tahimik lang siyang naghihintay sa sasabihin ko kaya naman ay huminga ako ng malalim. "I want you to stop courting me..." sa wakas!

Tahimik lang itong tumatango "I'm sorry. Friends lang talaga, I appreciate your effort, I appreciate you and how you make me feel that I am loved by you but I don't feel same way." mahinahon kong sabi sa kaniya.

"Don't be sorry. I want this, I want to court you, It's all on me, It's my decision to do this and you don't have to say sorry. Thank you for letting me to court you." he smiled. I smiled too.

Ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa pa. "Can I have a hug for the last time? For sure he won't let me to hug you kapag sinagot mo na siya" natatawang sambit nito.

"Siya?" takang tanong ko. Tumawa na lang siya before he pulled me for a hug. I hug him back.

After we talked we decided to stay as friends.

Hindi na rin ako nagtagal at umalis na din dahil nakaramdam ako ng gutom, nag chat din si Sophie at gusto niya kaming kumain.

Habang naglalakad nakasalubong ko si Naftali. He give me a small smile. I was about to greet him pero nilagpasan niya ako. I stopped walking, nagtataka sa inaasal niya.

"Ahm.." I heared him.

"Is there's a problem?" I ask with full of curiosity.

"I heard you and Joshua." he started. "Maybe I should stop courting you too?" he added.

"I'm sorry, Naf..." I whispered.

"It's okay. Kailan mo siya balak sagutin? Did he know?" he asked me.

"Who?" I asked.

"Enzo..." he smiled a bit.

"How did you know?" I asked.

"You're too obvious, Ayu. Anyway thank you for letting me to court you" he said.

"I appreciate your efforts, Naftali. You're a good man. Thank you and I'm sorry" I give him a small smile, he just ask for a hug too.

Nang matapos ang usapin namin hinatid niya ako sa may parking lot kung saan nag-aantay si Sophie. Nagkamustahan lang silang dalawa bago kami umalis ni Sophie.

Nagdrive-thru kami sa McDo after naming mag-order ay nagpark siya at doon na kami sa may kotse kumain.

"Kinausap mo na si Naftali?" tanong niya bigla.

"Actually si Joshua ang kinausap ko nong una kaso nakasalubong ko siya at narinig niya daw 'yung pinag-usapan namin kaya ayon nakausap ko na din siya" paliwanag ko sa kaniya.

"Nakausap mo si Joshua? Buti nakita mo siya?" tanong nito habang kumain ng fries.

"Hm, bakit hindi ba kayo nagkikita na dalawa?" tanong ko.

"Hindi. By the way, Abby wants to start vlogging" she informed me.

"Oh talaga? Kailan daw?" I asked.

"Maybe when she's not busy?" tumango lang ako sa naging sagot niya.

Habang kumakain ay parang gumaan ang pakiramdam ko, masarap sa feeling na masabi ko na kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa.

Mabait si Joshua. Sobrang bait. Pero hanggang friends lang talaga at hindi na lumagpas pa ang nararamdaman kong 'yon sa kaniya.

Habang kay Naftali naman, ay naging maayos naman siya. Hindi na siya katulad noon na paiba-iba ng babae. Pero hanggang friends lang din ang nararamdaman ko sa kaniya.

End of Flashback

"Ayumi." tawag niyang muli sa akin.

"Huh?"

"Huh?" he mocked.

"Kanina pa kita tinatawag, okay ka lang ba?" tanong nito.

"Oo, bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Ang tahimik mo kasi. I thought you're mad or something"

"No. May inisip lang ako" sambit ko naman.

"Ano?"

"Chismoso ka no?" biro ko. Natawa lang siya ng kaunti. Hindi ko na inisip pa ang naging usapan namin at nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Akala ko ba hindi ka gutom?" tanong niya. Pangatlong kanin ko na to ngayon.

"Kanina yon. Sige na huwag ka na maraming pinapansin kumain ka na lang" asik ko bago maglagay ng soup sa kanin at magsimulang kumain.

Natawa lang siya bago kumain din. Hindi ko aakalain na ang isang pogi, masungit at mayamang Enzo Martinez ay makakasabay kong kumain sa ganitong kainan.

Mostly kasi ay lagi kami sa mga fancy restaurant kumakain. Grabe ang lakas pala nito kumain, maybe next time I'll bring him sa Mang Inasal.

Napangisi ako sa naisip. Taka namn siyang tumingin sa akin. "What's with that smile?" he asked.

"Nothing. Kumain ka na lang diyan" ngumuso ito at saka kumain. Natawa ako ng mahina saka nagpatuloy sa pagkain.

•••

Next Chapter will be Sheena's POV! Thank you! Keepsafe always! ♡♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

81.1K 12.1K 72
නුඹ නිසා දැවුණි.....💙 නුඹෙන් මා නිවෙමි......💙
680K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
158K 7K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
1M 56.6K 36
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...