SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES...

By KnightAncient

87.7K 3.5K 904

Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang... More

DISCLAIMER, SYNOPSIS & CHARACTERS:
DO NOT USE THE STORY FOR PROFIT‼️
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21: TOKYO vs. OSAKA
CHAPTER 21/1: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 22: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 23: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 24: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 25: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 26: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 27: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 28: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 29: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 30: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 31: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 32: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 33: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 34: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 35: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 36: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40: Tokyo Vs. Shizuoka
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 52: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 53: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 54: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 55: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 56: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 57: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 58: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 59: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 60: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 61: Tokyo vs. Kanagawa
CHAPTER 62: Tokyo vs. Kanagawa
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 67: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 68: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 69: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 70: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 71: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 72: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 73: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 74: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 75: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 76: Tokyo vs. Toyotsu
CHAPTER 77: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 78: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 79: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 80: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 81: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 82: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 83: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 84:
CHAPTER 85:
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 90: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 91: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 92: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 93: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 94: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 95: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 96: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 97: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 98: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 99: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 100: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 101: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 102: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 103: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 104: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 105: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 106: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 107: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 108: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 109: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 109/1: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 110: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 111: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 112: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 112/1: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 113: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 114: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 115: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 116: Tokyo Vs. Akita [FINAL CHAPTER]
EPILOGUE:
SPECIAL CHAPTER Part 2:
AUTHOR'S NOTE:
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES

SPECIAL CHAPTER Part 1:

691 43 16
By KnightAncient

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

SPECIAL CHAPTER Part 1:

(PS: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

* * * K A N A G A W A  P R E F E C T U R E * * *

Si Hanamichi, Haruko, Fujii, Mutsui at ang Apat na Ungas ay umuwi sa Kanagawa Prefecture para kamustahin ang mga dating kasamahan. Tumungo sila sa Shohoku High School at huminto sa harapan ng pinto ng kanilang dating gymnasium.

Habang pinagmamasdan ni Hanamichi ang pintuan ay maraming ala-ala ang pumasok sa kanyang isipan.

"Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nung baguhan pa ako sa basketball pero ngayon ay isa na sa mga tanyag na players." Wika ni Hanamichi.

Ngumiti naman si Haruko sa kanya.

"Sang-ayon ako sa sinabi mong yan, Sakuragi. Kaya nga may kasabihan na: hindi natin hawak ang panahon... Tara na sa loob?"

Tumango si Hanamichi saka hinawakan ang kanyang kamay.

Binuksan nila ang pinto.

"WELKAAAAAAAM BAAAAAACK!!"

Nagulat sila dahil sa surpresa ng mga kaibigan nila. Agad namang tumakbo si Miyagi at Mitsui sa gawi ni Hanamichi at inakbayan ito.

"M-mga kasama..." Sambit niya.

"Hahahah! Welkam back sa Shohoku, Mr. MVP!" Bati ni Ryota sa kanya.

"Hanggang ngayon ay masaya parin kami para sayo, Sakuragi." Nakangiting sabi ni Mitsui.

Nahihiya namang tumawa si Hanamichi.

"Hehehehe, hindi na sana kayo nag-abala. Mangangamusta lang naman ako dito." Sagot niya.

"Oo nga pala, paano niyo nalaman na pupunta kami dito ngayon?" Tanong ni Haruko sa kanila.

"Sinabi nina Mito samin, kaya agad kaming naghanda para may pambungad kami sa inyo." Sagot ni Mitsui.

Tiningnan naman ni Hanamichi si Mito. Pero ngumiti lang ito.

"Tara na! Total nandito na si Sakuragi, kumain na tayo!" Sigaw ni Miyagi sa kanila.

"OO!!" sigaw nila.

Dahil sa muling pagbisita ni Hanamichi sa Shohoku High School ay puro kamustahan at tungkol sa Intercollegiate ang pinag-usapan nila. Hanggang sa lumipas pa ang ilang oras ay natapos na ang kanilang Welcome Party at nagsiuwian na sila.

Si Haruko ay sumabay kina Mutsui at Fujii. Nilapitan niya si Hanamichi upang magpaalam.

"Sakuragi, doon ako sa bahay magpapalipas ng gabi. Gusto ko na kaseng makita sina Kuya eh." Paalam niya dito.

Tumango naman si Hanamichi at ngumisi. "Sige lang, myloves. Doon ka muna kay Gori. Mag-iingat kayo ah?"

"Sige, ikaw din. Mag-iingat din kayo!" Kumaway si Haruko pati ang mga kaibigan niya bago umalis.

Ang tanging naiwan na lang ay siya at ang Apat na Ungas.

Sandali lang natahimik.

"Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Mito.

"Tara sa pachinko parlor?" Aya ni Takamiya.

"Hoy taba, kung ilalaro mo yang pera mo baka wala ka nang pamasahe nyan!" Suway ni Ohkusu.

"Patawa ka, malakas ang kutob ko na susuwertihin ako ngayong gabi."

"Lahat naman ng kutob mo kabaliktaran ang mangyayare."

"Sos, minsan na nga lang maglalaro, ipagliliban mo pa. Sige na kase!... Ee ikaw Hanamichi? Ayaw mo rin?"

Napatingin si Hanamichi sa kanya. "Mukhang maganda yan, minsan lang naman eh." Sang-ayong sagot niya. "Eh ikaw Mito?"

Ngumiti si Mito. "Kung saan kayo, sasama na lang din ako. Ganyan naman lagi eh, walang exempted."

"TARA NA!!"

Naglakad na nga sila patungo sa pupuntahan nila. Habang nasa daan ay puno ng kalokohan ang kanilang mga pag-uusap. May asaran at minsan nakairitahan pa. Hanggang sa nadaanan nila ang isang resto na para sa mga matandang nag-iinuman.

Napahinto bigla si Hanamichi na ikinabunggo ng Apat na Ungas sa kanya.

*BLAG!*

"Ano ba Hanamichi! Baket bigla kang huminto?!" Sigaw ni Ohkusu sa kanya sa sobrang inis.

Tinuro ni Hanamichi ang resto. "Tingnan niyo, si tatang yun diba?"

Napatingin din ang apat na ungas sa mga tao sa loob ng resto at nakita nila ang tinutukoy ni Hanamichi.

"Oo nga nohh... Si Coach Anzai nga yan!" Sagot ni Mito.

"Teka... Sino naman yung matandang pulang buhok na kasama niya?" Tanong din ni Takamiya.

"Ewan ko, pero pamilyar siya." Ohkusu

"Imposible namang Coach yan ng Akita?" Hula din ni Noma na agad ikinatingin ni Hanamichi sa kanya. "Imposible nga diba?" Sabi ulit nito.

Sa loob ng resto ay magkatabing nakaupo si Coach Anzai at Coach Kawarama. Hindi parin maalis sa mukha ni Coach Kawarama ang inis niya kay Coach Anzai.

"Inimbitahan mo akong makipag-inuman dito. Alam mo namang matanda na ako at hindi na umiinom ng alak." Pambabasag ni Coach Anzai sa katahimikan.

"Hoy, Anzai. Kahit isa ka nang matabang baboy ay akala mo ba nakalimutan kita?" Tanong ni Coach Kawarama sa kaniya.

Ngumiti naman si Coach Anzai. "Aba nakakatuwa. Hindi mo pa pala ako nakakalimutan?"

"Tumigil ka, wag mong ibahin ang tono. May mga katanungan lang ako sayo na kailangan mong sagutin."

"Mag tanong kalang." Sagot ni Coach Anzai saka humigop ng tsaa.

Inubos ni Coach Kawarama ang basong beer bago sumagot. "Paano naging malapit sayo si Hanamichi Sakuragi? Alam mo naman na mainit ang dugo ng mga Sakuragi sayo." Tanong niya.

Tiningnan siya ni Coach Anzai saka nagtanong pabalik. "Bakit hindi mo kilala si Hanamichi Sakuragi? Gayong pareho lang naman kayo nagmula sa iisang pamilya?"

Hindi nakasagot si Coach Kawarama sa tanong niya. "Hindi ko kilala ang batang yan. Ang angkan ng mga Sakuragi ay matatagpuan lamang sa Miyagi Prefecture at hindi dito sa Kanagawa."

"Hindi ako sigurado sa mga isasagot sayo kaya may tinawagan akong isang kaibigan na siyang may alam sa lahat kung bakit may nag-iisang SAKURAGI dito sa Kanagawa--- oh nandito na pala siya." Kumaway si Coach Anzai sa isang matanda na kakarating lang.

Nagulat si Coach Kawarama nang makita siya. Siya ba ang tinutukoy na kaibigan ni Coach Anzai.

"Seiryuu? Ikaw?" Napatayo si Coach Kawarama sa gulat.

Kumaway pabalik sa kanila si Seiryuu. "Kamusta?"

"Ang tagal nating hindi nagkita, Ukuda." Coach Anzai

"Mitsuyoshi Anzai, pleased to meet you again." Nagshake hands silang dalawa at umupo sa gilid. Kaya napapagitnaan nila ngayon si Coach Anzai.

"Hoy, Seiryuu Ukuda. Kilala kita, ikaw yung bestfriend ni Kuya Hanarama, tama?" Tanong ni Coach Kawarama.

"Nakakatuwa naman at naalala mo parin ako, Kawarama."

"Hindi kase ako ulyanin tulad ng isa dyan na may puting buhok."

"Ano ka ba, hanggang ngayon ba ay may galit ka parin sa kanya? Matagal na panahon na ang lumipas at halos ilang dekada na. Matanda na tayo at ikaw Kawarama ay isa sa mga successful basketball player sa panahon mo. Hindi parin ba yun sapat?" Tanong ni Seiryuu sa kanya.

"Hindi! Dahil sa tuwing nakikita ko si Anzai naalala ko na naman ang mga kabiguan ni Kuya dahil sa kanya!"

Pumukit si Lolo Seiryuu at hinilot ang ulo saka nagsalita ulit.

"Ang ugali mong yan Kawarama ay kabaliktaran sa ugali ni Hanarama. Hindi ko maintindihan kung bakit mahal na mahal ka ng Kuya mo, mas mahalaga ka kaysa sa kasintahan niya. Dahil, kayong dalawa lang ang magkapatid. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit kasing ugali mo yung Hanamichi Sakuragi'ng nakilala ko noon."

Nagulat si Coach Kawarama sa sinabi niya. "Kilala mo ang batang pulang buhok na yun?"

Nakangiti namang tumango si Lolo Seiryuu. "Oo, nakilala ko siya nung gabi ng pista ng mga bituin. Nung una ko siyang nakita ay napagkamalan ko siyang si Hanarama. Nagalit nga agad yun sakin dahil dun." Natatawang sagot niya.

"S-Sandali lang, Seiryuu. Hindi ko parin maintindihan. Anong koneksyon ni Kuya sa batang Sakuragi'ng yun?"

Sa pagkakataong ito ay pati si Coach Anzai na nasa gitna ay nakinig rin. Huminga ng malalim si Lolo Seiryuu bago sumagot.

"Ang batang Sakuragi na tinatanong mo... Ay ang nag-iisang APO ng namayapa mong kapatid." Sagot niya na ikinanlaki ng mata ni Coach Kawarama.

"A-ano?"

"Oo, tama ang narinig mo. Apo ni Hanarama si Hanamichi. Mahabang panahon na rin ang nakalipas, nung nalaman kong namatay sa heart attack ang Kuya mo ay may nalaman akong may anak din siyang nag-iisang lalake, pero sa kasamaang palad ay hindi ko alam ang kanyang pangalan. May kasintahan din daw ito at sumama paalis ng Miyagi. Hindi ko naman akalain na dito sila sa Kanagawa tumira." Kwento ni Lolo Seiryuu.

"Sabihin mo! Buhay pa ba ang anak ni Kuya? Buhay pa ba ang pamangkin ko?... Saan siya nakatira? Anzai, sagutin mo rin ako!" Sunod-sunod na tanong ni Coach Kawarama.

Umiling si Coach Anzai. "Kahit malaman mo pa kung saan siya nakatira ay hindi mo rin makikita, dahil... Patay na rin ang mga magulang ni Sakuragi." Sagot nito.

"Oo... Ang sabi ni Hanamichi sakin, namatay nag kanyang Ina nung ipinanganak siya at ang kanyang Ama naman ay namatay rin dahil sa heart attack nung siya ay nasa junior high school pa lamang. Sa madaling salita ay mag-isa ngayon sa buhay si Hanamichi... Kawawang bata." Naging malungkot ang mukha ni Lolo Seiryuu.

"Kahit wala nang mga magulang si Sakuragi ay hindi parin siya nag-iisa. Marami siyang mga kaibigan at kasalukuyang kasintahan na palaging nandyan at sumusuporta sa kanya. Masaya siya sa kung anong meron siya ngayon." Sagot ni Coach Anzai.

"Ang Apo ko..." Naging emosiyonal si Coach Kawarama.

"At tungkol naman sa nakaraan natin Kawarama. Ang totoo, nung natanggal sa National Team ang iyong kapatid ay nagkaroon kami ng kasunduan..." Agad napatingin si Coach Kawarama kay Coach Anzai.

"Kasunduan?" Coach Kawarama

"Oo." Coach Anzai

"Anong kasunduan?"

"DEAL ba kumbaga." Translate ni Lolo Seiryuu.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin!" Lintya niya.

"Kasunduan... Sinabi niya sakin na, tutulungan kitang maging pinakamagaling na player sa National Team. Kahit matanda ako ng limang taon sayo Kawarama pero kailangan ko parin yung gawin. Sinabi ni Hanarama sakin na binabalak mo akong talunin kaya sapilitan kitang ipinasok sa mabibigat na traning bilang Senior mo sa National Team. Kahit bilang kapalit ay matatalsik ako sa Team ay ginawa ko parin. Kung sa bagay ay sapat na ang mga taon ko doon sa pagpresenta sa bansa natin." Ngumiti si Coach Anzai sa kanya.

"At isa pa, mas pinili ni Hanarama ang umalis sa team dahil nung mga araw na yun ay ikakasal sila ng kasintahan niya." Lolo Seiryuu

Ang inis na mukha ni Coach Kawarama ay unti-unting nawala. Ngayon ay naiintindihan na niya. Mali ang akala niya, may rason pala ang kanyang kapatid.

Ngumiti si Lolo Seiryuu at tinukod ang kamay sa mesa at pinatong ang ulo sa kamay.

"Eh ikaw, Kawarama... Naging MVP ka nung Junior High at High School sa Miyagi Prefecture, tapos naging Prefecture Representative kapa at nakapasok sa Japan National Men's Basketball Team. At ang alam ko ay mas magaling ka pang player sa kabatch teammate mong kasalukuyang Head Coach ng National Federation. Ang tanong ko sayo... Ilang beses mong tinanggihan ang maging Head Coach ng National Federation?" Tanong ni Lolo Seiryuu sa kanya.

Umiwas naman ng tingin si Coach Kawarama. "Mga apat na beses na." Sagot nito.

"Apat na beses?" Medyo nagulat si Coach Anzai. "Bakit hindi mo tinanggap?"

"Dahil... Hindi ko nakikita ang aking sarili sa posisyong iyon. Mas gusto ang maging Coach sa mga players na sisibol pa lang. Yung tipong masasaksihan mo ang kanilang pagiging mahusay na players dahil sa gabay mo. Yun ang dahilan kung bakit tinanggihan ko ang posisyon." Sagot niya

"TATANG!!"

Napatingin ang lahat ng tao sa loob dahil sa biglang pagsigaw ni Hanamichi.

"Oh, Sakuragi... Nandito ka pala." Bati ni Coach Anzai.

"Hehehehe ikaw tatang ah, akala ko hanggang tsaa ka lang." Natatawang sabi nito. "Coach ng Akita? Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ni Hanamichi sa kanya at lumapit. "Nandito ka ba para awayin si Tatang?--- at... Lolo Seiryuu?"

"Kamusta, Hijo." Ngumiti lang ito.

Binalingan ulit ng tingin ni Hanamichi si Coach Kawarama. "Kung may binabalak kang masama, wag mo nang ituloy kundi---"

Hindi natapos si Hanamichi sa sasabihin niya nang malakas siyang batukan ni Coach Kawarama.

*BOINKK!*

"Gunggong, anong akala mo sakin?"

"Arayyy..."

Ngumiti si Coach Kawarama at biglang niyakap si Hanamichi saka ginulo ang buhok. Nagtaka naman ito sa ginawa niya.

"Hahahaha ang laki-laki mo na. Kamukhang-kamukha mo ang aking kapatid, Apo ko." Tumatawa nitong sabi habang ginugulo ang buhok nito.

Natigilan si Hanamichi sa huling sinabi niya. "A-Apo? Sino? Ako?"

Tumawa ulit si Coach Kawarama at muling nagpakilala.

"Ako si Kawarama Sakuragi at may nakakatanda akong kapatid na ang pangalan ay Hanarama Sakuragi."

"H-Hanarama Sakuragi, Lolo ko yun ah! Ibig sabihin--- ikaw ang kapatid ng Lolo ko? Kung ganun... Lolo din kita?" Gulat na tanong ni Hanamichi at tumango naman si Coach Kawarama.

"Hahahaha... Apo ko. Hindi ko akalain na may susunod pala sa yapak namin."

"Grabe! Hindi ko akalain na... Ang Coach ng dating Numero Unong Kuponan ay LOLO ko pala! NYAHAHAHAHA!" tumawa ng malakas si Hanamichi kahit tumutulo na ang kanyang mga luha sa sobrang saya at emosiyonal.

Tinapik ni Coach Kawarama ang balikat ni Hanamichi at may sinabi.

"Apo ko... Bilang pagbawi sa mga panahong hindi ka naalagaan. Hayaan mong, tulungan kita para maging handa para sa laban niyong pagsabak sa ibang bansa." Coach Kawarama.

END OF SPECIAL CHAPTER PART 1.

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 160 40
Different types of Filipino and English Poetries. ✅ Free verse ✅ Tanaga ✅ Haiku ✅ Limerick Note: All of my works are myself written remember plagia...
27.3K 1.3K 65
Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga buhay natin. Naiisip mo ba ang sarili mo...
1K 82 10
Sa murang edad ni Alvin, isa lamang ang hiling niya- ang maging isang engkanto at ang makapaglakbay sa mundo ng pantasya. Malayo sa paniniwala ng iba...
11.2K 1.1K 62
Si Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong da...