Drunk On Your Love

By youryumegirl

1.9M 49.8K 28.5K

Player Series #1: Sean Denver West More

Disclaimer
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Epilouge 1
Epilouge 2
Epilouge 3
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Sulat ng Manunulat

25

25.9K 689 441
By youryumegirl

"Bakla bilisan mo! 30 minutes nalang, baka hindi ka na makahabol," sambit ni Gina.



Ginagawa ko ngayon ang research paper ko. Friday na at ngayon pala ang deadline! Hindi ko naman alam na ngayon pala. Ang akala ko next week pa.



I want to cry because I really hate rushing!



"Tulungan na kita," sambit ni Gina. Inagaw niya sa akin ang laptop ko at siya na ang nag encode roon.



Tumulo na ang luha ko dahil sa kabang nararamdaman. This research is worth a lot of points. If I fail this, it will greatly affect my grades. I don't want to fail. Lord please, I don't want to fail.



Nanginginig na rin ang kamay ko at nanlalamig na ang katawan ko dahil sa kaba.



"Relax ka lang, okay? May 30 minutes pa. Kaya natin 'to," ani Gina.



"Baka bumagsak ako," sambit ko. Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.



She looked at me. She held both of my shoulders and faced me towards her.



"Ikaw ba 'yan, Alondra Isabelle? Positive vibes ka lang lagi pero bakit ang Negative mo ngayon?" Aniya at pinagpatuloy ang pag e-encode.



"Babagsak ako, Gina. Baka hindi ako maka abot."



"Tangina, pati ako kinakabahan sa'yo, e! 'Wag ka ngang praning diyan dahil pati ako ay kinakabahan."



Hindi nalang ako nagsalita. Salitan kami ni Gina sa pag e-encode nang bigla siyang tinawag ni sir Arthur.



"Gina, paki-check naman 'to please. May meeting kami," aniya. Agad tinanggap ni Gina ang papel. Ang pagkaka-alam ko ay quiz namin 'yon.



Gina looked at me with a worried expression on her face. "Ako na rito. I-check mo na 'yan," sambit ko at mas binilisan pa ang pag e-encode.



"Sure ka?"



Tumango ako. "Alam mo naman si sir Arthur, kapag may pina-check siya ay dapat matapos mo agad," sambit ko at pekeng tumawa para makumbinsi ko si Gina na gawin na muna niya ang pinapagawa ni sir sa kaniya.



My hands were shaking so much as I typed. Tumingin ako sa relo ko at 10 minutes nalang ang natitira kaya mas binilisan ko pa ang pag e-encode.



Hindi ko na alam kung may connect pa ba ang sinusulat ko sa topic namin o wala na dahil ang nasa isip ko nalang ngayon ay baka bumagsak ako ngayong sem.



I immediately submitted my research because there were only 5 minutes left. I was panicking and I wanted to scream!



I just closed my eyes and rested my head on the table because I was so tired.

——

"Isabelle"



Bigla akong napatayo. Nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Hindi ko namalayan.



"Isabelle," pag-uulit ni Sean. Kinusot ko na muna ang mga mata ko bago tuluyang tumingin sa kaniya. "Are you tired? Gusto mo bang next time nalang kita ipakilala kay mommy?" Aniya.



Agad akong napatayo sa sinabi niya. Ngayon na ba 'yon?! Bakit . . . Bakit hindi ko namalayan?! Ang stressful kasi ng week na 'to. Ang dami kong ginawa buong week at halos hindi na kami magkita ni Sean simula noong Tuesday.



"Ngayon na pala 'yon. Sorry, masiyado akong maraming ginawa this week kaya hindi ko namalayan," sambit ko.



"It's okay. Happy monthsary, baby,"  aniya at agad niya akong niyakap.



I hugged him back and couldn't stop myself from crying because I've been wanting a hug since earlier. I've been losing hope since earlier because of my research. 'Yong mga files na dapat ko pang ipasa ay hindi ko pa naipasa. Masiyado silang maraming pinapagawa.



"Are you crying?" tanong ni Sean at bumitaw sa pagkayakap. "Baby, why are you crying?"



"Sobrang nastress ako ngayong week,"  sambit ko sabay punas sa luha ko. "Kailangan ko ng yakap, Sean. Nawawalan ako ng motivation."



Niyakap niya ulit ako.



"Next time nalang kita ipakilala kay mommy. You need to rest," aniya.



I shook my head. "No. We're going to your house right now. I'll just change my clothes at the condo," I said, "happy monthsary, my love," I added. He smiled at me and gave me a kiss on the forehead.



We immediately went to the car. I slept the whole trip. Sean only woke me up when we were already at the condo.



I quickly changed into formal clothes. I just let my hair fall naturally. I wore a dress and just put on some lip tint. I didn't put too much makeup on my face.



Sean was just waiting on the sofa while I was changing. When I finished changing, he immediately looked at me.



"Ang ganda mo," he mouthed.



Sinimangutan ko siya at natawa siya sa reaksiyon ko. Agad kaming pumunta sa sasakyan at pagkabukas ko ng passenger seat ay tumambad ang isang bouquet ng bulaklak at mga chocolates.



"Tulog ka kanina kaya hindi ko nabigay," aniya.



Agad kong kinuha ang bulaklak ay inilagay sa kandungan ko.



"Ang sweet naman ng Seanong ko," sambit ko,  "wala akong gift sa'yo," malungkot kong sambit, "sorry, naging busy talaga ako. Promise babawi ako."



"Okay lang," sambit niya at hinawakan niya ang kamay ko. "Your presence and love is enough, love."



"Kiss nalang kita," sambit ko at napatingin siya sa akin. Hinampas ko siya dahil nagmamaneho siya at sa akin siya nakatingin! Baka madisgrasya kami.



"Really?"



"Oo nga. Kiss kita mamaya," sambit ko, "nagmamaneho ka, e."



"Ititigil ko 'to sa gilid, Isabelle."



Natawa ako roon. "Ideretso mo na." Natatawa kong sambit.



Pagkarating namin ay agad pinark ni Sean ang sasakyan sa loob. Agad naman akong nakaramdam ng kaba dahil ipapakilala na niya ako sa mommy niya. May balak din naman akong sabihin kina mommy at daddy na kami na ni Sean, pero hindi pa sa ngayon. Kapag hindi na siguro ako busy.



I was waiting for Sean to get out of the car, but he just looked at me. I raised my eyebrow at him.



"Where's my kiss?"



"Grabe, inaabangan mo talaga 'no?" Sambit ko.



Humalkhak siya nang mahina. "Of course. Minsan lang 'to," aniya.



"Close your eyes," sambit ko.



Without hesitation, he closed his eyes. I immediately gave him a 5-second kiss. We might end up staying here too long if I give him a minute-long kiss!



"Your lips is my favorite flavor, love," aniya habang nakatingin pa sa labi ko.



"Wag mo sabihing lasang strawberry nanaman."



"It is."



Hinampas ko siya at humalakhak ulit siya roon.



Agad kaming bumaba ng sasakyan at nagtungo sa loob. Maraming pagkain ang nakahanda ngayon sa lamesa nila.



"Anong meron, manang?" Tanong ni Sean sa kasambahay nila.



"Ah, dadating daw po kasi sina ma'am Carmie rito kasama ang anak niya, sir," sagot naman niya. Agad kumunot ang noo ni Sean doon. "Kaibigan mo ba 'yang kasama mo, sir?" Kalaunan ay tanong niya.



"She's my girlfriend po," diretsong sagot niya. Agad namang nagulat si manang doon. Ngumiti lang ako sa kaniya at ngumiti rin siya pabalik.



"Where's my mom, manang?" Tanong ni Sean.



"Nasa taas po," aniya.



Bumaling sa akin si Sean na naka kunot ang noo. "Baby, wait for me. Kakausapin ko lang si mommy," aniya.



"Sige. Hintayin nalang kita rito."



Agad naman siyang nagtungo sa taas. Naupo lang ako sa sofa nila.



"Ang ganda mo, ma'am! Naku, ang akala ko ay si ma'am Tiffany na ang tipo ni sir, pero mas maganda pa pala ang tipo niya." Sabi ni manang at mahina siyang natawa.



Ngumiti naman ako roon kahit halatang kinakabahan ako. "May bisita po ba sina Sean ngayon?"



"Ay oo, hija. Sina ma'am Carmie ang dadalaw rito kasama 'yong anak niyang si Tiffany. Biglaang pag dalaw nga, e. Hindi namin inaasahan na ngayon pa sila dadalaw eh alam naman ni madam Weng na ngayon ka ipapakilala ni Sir Sean."



Tumango nalang ako roon at ngumiti nang mapait. Hindi nagtagal ay bumaba na si Sean na kunot parin ang noo. Nasa likuran niya naman si mommy niya.



"Your dog, Sean, my goodness, he made such a mess! Don't tell me I have to clean that up?" his mom exclaimed angrily.


"I'll clean it up, mom, don't worry," Sean replied. He immediately headed towards where I was. I just smiled at him.



"Mom, meet my girlfriend," sambit niya sa mommy niya, "Isabelle, my mom," sabi niya naman sa 'kin.



Ngumiti ako sa mommy niya at nagmano. Tita Weng just looked at me blankly now. Bakit? Noong unang pagkikita namin ay palangiti naman siya.



"Good evening po, tita," sambit ko. She just smiled slightly and nodded before walking towards the kitchen.



I heard Sean sigh. I looked at him and smiled. He just gave me a small smile. I glanced at Tita Weng who was currently setting the table.



"Tulungan ko nalang ang mommy mo, Seanong," sambit ko.



"No, you don't need to do that, love."



Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Ayos lang," sambit ko bago ako naglakad papunta sa gawi ni tita Rowena.



"Tulungan na po kita, tita," sambit ko. Tipid lang ulit siyang ngumiti.



"Sean, sunduin mo na sina Tiffany at tita Carmie mo," sambit ni tita Weng. Tumingin sa akin si Sean na para bang humihingi siya sa akin ng permisyo. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti.



Patuloy parin ako sa pag-aayos sa hapag. Grabe, gusto ko nang matulog dahil pagod na pagod na talaga ako ngayong araw. Parang nabugbog ang katawan ko dahil sa pagod.



"Naku, hija, ako na riyan," sambit ni manang.



"Ayos lang po. Para mas mabilis na rin ang paghahanda." Sagot ko at ngumiti.



"Baby, sunduin ko na muna sina Tita Carmie." Pagpapa-alam ni Seanong sabay halik sa pisngi ko. Nakamasid lang sa amin ang mommy niya. "Do you want to come?" Kalaunan ay tanong niya.



Umiling lang ako. "Hindi na"



"Are you sure?" Tumango ulit ako. Napabuntong hininga siya roon. "Okay," aniya.



"Ingat ka," sambit ko at ngumiti.



Sean has already left the house. I then turned my attention to Tita Weng who was now looking at me, as if observing my face. I smiled at her kahit na wala akong natanggap na ngiti pabalik at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.



"Gusto mong tumulong, hija?" kalaunan ay tanong ni tita Weng.



I smiled and nodded. "Gusto ko po."



Tumaas ang kilay niya. "Mahilig ka ba sa mga aso?"



Kaagad akong tumango. "Sobra po. Actuator VetMed po ang course ko."



"Kung ganon, p'wedeng pakilinisan mo ang kulungan ni Zoro? Isa sa nga aso ni Sean. Hindi ko kasi malinisan dahil baka makagat ako. Hindi ako mahilig sa aso, e," sambit niya.



Hindi ko inakalang maglilinis pala ang gagawin ko ngayon.



Ngumiti ako sa kaniya nang matamis. "Sure po. Saan po ba 'yon?"



"Sundan mo ako."



I just followed Tita Weng until we reached the back of their house. I caught a glimpse of Dobby who was currently sleeping. They actually have a lot of dogs, Kuya was right.



"Dito ang kulungan," sambit niya. Malaking kulungan ito at kasiyang-kasiya ang tao rito.



"Sige po ako na pong bahala," sambit ko. Agad akong iniwan ni tita Weng dito.



Agad akong pumasok sa loob. Madilim kaya agad kong pinindot ang on ng ilaw. Tumambad saakin ang malaki at itim na aso. Nakatingin siya sa akin. Nagkalat naman ang mga dog food at mga dumi sa loob ng kulungan.



Agad kong pinunasan ang kanina pa nagbabadyang luha ko.



Hindi naman ako bobo para hindi mahalata na ayaw sa akin ng mommy ni Sean. Simula kanina ay ramdam ko na na ayaw niya sa'kin.



I just smiled bitterly and started cleaning.



Maybe if I clean, Tita will start to like me. Maybe this way, she'll treat me better. Kaya titiisin ko kung ito ang gusto niya para sa akin. Para sa ina ng pinaka mamahal ko.



Matagal bago ko natapos ang paglilinis. Agad naman akong pumunta sa gawi ng aso dahil nabuhol-buhol ang tali niya, kaya agad ko siyang pinuntahan upang ayusin ang pagkakatali niya. Pero agad akong nagulat nang bigla niyang kinagat ang kamay ko.



Nagulat ako roon kaya agad akong lumayo sa kaniya.



Agad akong lumabas dahil baka sugudin pa ako ng aso.



Agad kong pinunasan ang mga luha na kanina pa tumutulo sa mata ko. Gusto kong humagulhol. Sobrang pagod ako ngayon pero mas napagod ako dahil sa paglilinis. Kailangan kong gawin 'to para makuha ko ang loob ni tita.



Pagkalabas ko ng kulungan ay nagulat ako dahil nag-aalalang mukha ni Sean ang tumambad sa akin. Agad ko ulit pinunasan ang luha ko at ngumiti ako sa kaniya. Tinago ko ang kamay ko na may sugat.



Malakas ang paghinga ni Sean. Pulang-pula ang kaniyang matang nakatingin sa akin.



"B-Baby, why are you doing this?" He said with a trembling voice. He immediately took my hand and saw the big bite there. He just looked up to hold back his tears. "My baby . . . y-you don't deserve this," aniya at agad akong niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang matinding pag-iyak ko.



"I'm sorry. I'm sorry, Isabelle," sambit ni Sean habang nakayakap parin sa 'kin. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas baba ng balikat niya. "My baby doesn't deserve this kind of treatment."



Ngumiti ako nang mapait kahit na sobrang masakit para sa akin ang nangyayari. Hindi . . . h-hindi ako tanggap ng mommy ni Sean. Sigurado ako roon.



"Ayos lang ako, Sean."



Umiling si Sean at pinunasan ang kaniyang luha. "We're going to hospital. Kailangan mong magpa inject. Kahit may anti rabies si Zoro ay kailangan parin nating maging sure na safe ka, baby," aniya at agad niya akong kinaladkad papasok sa loob.



"Tapos mo na ba ang pinapagawa k-" agad naputol ang sasabihin ni tita Weng dahil biglang nagsalita si Sean.



"Mom, kung ayaw mo sa girlfriend ko, wala akong pakialam. Girlfriend ko siya at hindi niya deserve ang ganito. Mommy . . . alam mong sa akin lang mabait ang asong 'yon. Pero bakit hinayaan mong pumunta si Isabelle doon?" Diretsong sambit ni Sean. "Ni langgam nga ay ayaw kong kumagat sa kaniya pero bakit mo siya ginanito?"



"Sean, siya ang nagsabing gusto niyang maglinis."



Agad akong umiling dahil hindi totoo 'yon. Hindi ako ang nagsabing maglinis.



Tumingin ako kay Tiffany na nakataas ang kilay ngayon na nakatingin sa akin. I just bowed my head so they wouldn't see my tears still falling.



"Pumayag ka po, mom? I can't believe this. Sinabi ko naman po sa'yo na ako na ang maglilinis, 'di ba?" aniya at hinawakan ulit ang palapulsuhan ko para ilabas sa bahay.



Nang tuluyan na kaming makalabas ay agad lumuhod sa harapan ko si Sean at nanlaki ang mata ko roon.



"Sean, anong ginagawa mo?"



"I'm sorry, baby. I'm really sorry."



Umiling ako. "Tumayo ka, Sean. Wala kang kasalanan."



Agad siyang tumayo at hinalikan ang aking noo. "Tangina, Isabelle, girlfriend kita, e. Pero bakit ka ginanito?" tumulo ulit ang luha niya. "Hindi ko na hahayaang maulit pa 'to."



I just nodded. If Daddy, Mommy, and Kuya find out about this, I'm sure they will be angry. Ang baby girl nila ay ganito ang dinanas sa kamay ng mommy ng boyfriend ko. Masasaktan ang mga 'yon kapag nalaman nilang ganito ang nangyari sa'kin.



Agad kaming pumunta ni Sean sa hospital para maturukan ako kaagad ng anti rabies. Sinabi ni Sean na mayroon namang anti rabies na naiturok sa mga aso niya pero pupunta parin kami sa hospital para sigurado.



Nang matapos akong turukan ay agad akong hinatid ni Sean sa condo ko. Actually tinawagan ni Sean ang doctor nila at 'yon na ang nagturok sa akin kaya mas napabilis ang pagbalik namin sa condo.



"I'm sorry, Isabelle . I didn't expect my mom would do this."



Pilit akong ngumiti. "Ayos lang, Sean. Ginawa ko lang naman 'yon baka sakaling magustuhan ako ng mommy mo."



Hindi okay sa 'kin ang nangyari. Pero okay nalang. Wala na rin naman akong magagawa sa sitwasyon.



Umiling siya at agad akong niyakap. "Wala akong pakialam kung ayaw ka ni mommy, basta girlfriend kita, Isabelle. Hindi ko kailangan ng approval niya. Hindi naman siya ang boyfriend mo."



I just nodded at him. I can't speak anymore because I'm so tired. I want to rest.



Sean didn't stay long in the condo. He immediately went home because he wanted to talk to his mom about what happened earlier. Sinabi kong 'wag nalang niyang gawin 'yon dahil ginusto ko rin namang maglinis, pero ang sabi niya ay hindi raw niya papalampasin 'yon.



Hindi naman nagtagal ay agad akong dinalaw ng antok. Hindi na ako nakapag bihis pa dahil sobrang pagod na pagod na talaga ako ngayong araw. Mabuti nalang at sabado bukas.



To be continue...

________________________________________________________

Follow my twitter account @youryumegirlwp for more updates and q&a.

Continue Reading

You'll Also Like

181K 3.5K 29
(A Kiefer Ravena and Alyssa Valdez Fanfiction) They have been friends for the longest time. And they wanted it that way, they have been comfortable...
16.5K 290 11
Hope, a psychology graduate from Conzego College of the South decided to spend a vacation in her grandma's province during the summer. On her stay th...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...