The Devil's Time

By El_Arcturus

25.3K 1K 178

Isang sumpa nang dahil sa kasalanang hindi naman ginawa. Makaligtas kaya sila sa pagkamatay kung ang kalaban... More

Prologue
[1] The Roots and The Reasons
[2] The Premonition and Conrad's Incident
[3] The Second Incident
[4] Their Instinct
[5] Mr. Grey Gibson
[6] The Third Incident
[7] The New Member
[8] The Fourth Incident
[9] The Doppelganger
[10] The Fifth Incident
[11] The Group Code and the Next Incident
[12] The Sixth Incident
[13] The Love Relinquishment
[14] The Seventh Incident
[15] The Unexpected Incident
[16] The Remaining Eight
[18] The Ninth Incident
[19] The Manipulator
[20] The Eleventh Incident
[21] The Twelfth Incident
[22] The Another Unexpected Incident
[22.5] The Another Unexpected Incident
[23] The Big Revelation
[24] The Finale
Epilogue

[17] The Eighth Incident

487 34 2
By El_Arcturus

[ TIME 17 ]

"SO ano na ang panibago nitong plano?" Panimulang tanong ni Justine.

"Isipin muna natin kung paano natin marerespondehan ang bawat isa gayong malayo naman tayo sa isa't-isa at may kanya-kanya tayong trabaho." Suhestyon naman ni Rhea.

"Naisip ko na ang para diyan. Mayroon ngayong bagong naimbento na boomband na isinusuot sa kamay niyo para inotify kayo. I think makakatulong ang bagay na iyon. Ano ba naman ang tatlo hanggang limang libo di'ba kung buhay niyo naman ang nakataya? At ng sa ganoon ay mabilis nating masasabihan ang susunod na victim." Pagsa-suggest naman ni Zeline.

"Tama! Ayos nga 'yon. Pero siyempre, dapat kayo din mismo, alam niyo sa sarili niyo kung kailan aatake ang doppelganger at kung gaano katagal ang saving-span niyo. So far, si Rhea na lang ang may pinakaunting oras para iligtas kaya dapat ay mas tutukan natin siya." Pagpapaalala ko naman.

"Para mapabilis din ang pagresponde namin sa inyo, as soon as we see the next scene, we will call you ahead of the premonition. So, kung by 12:55 ay hinimatay na ang isa sa amin at kasabay n'on ang pagring ng orasan sa paligid namin, it means ang number one na ang susunod kaya agad na tatawag or magnonotify sa inyo ang isa sa amin para maihanda niyo ang sarili niyo. Just be alert guys. And always have faith to God. That's what we all have for now." Pagbibigay namam ng tip ni Michael.

"Teka sandali. Nasaan pala si Mr. Grey? Dapat naandito din siya at tinutulungan tayo sa bagay na 'to, diba?" Singit na tanong naman ni Anthony.

"Wag na nating kwestyunin ang presensya ni Mr. Grey. Pagpasalamat na lang natin at kahit papaano ay may taong nakakaalam ng nangyayari sa atin at ginagabayan tayo sa mga dapat nating gawin. Sa ngayon, magsama-sama muna tayong lahat dito hanggang sa susunod na araw para mapaghandaan ang lahat. Zeline, Jay-D samahan niyo akong bumili bukas ng sinasabing boomband nitong si Zeline nang sa gayon ay maiset na natin ang kailangan doon. Gagamitin muna natin pansamantala ang pondo para sa naunsyaming project natin. Kaya ihanda mo na Jay-D ang cheque para mabilisan nalang ang pagkuha natin sa bangko. Pero sa ngayon, kunin muna natin ang lahat ng mga bagay na naandito sa loob na maaring gamitin ng doppelganger sa pagpatay. Ipunin natin at ilagay dito sa sala para kung sakaling sumalakay siya bigla ay wala siyang magamit laban sa atin at sa halip ay tayo ang aatake sa kanya." May kahabaang instruction ko pa sa kanila.

"By the way, Jay-D, here's your wokie tokie." Pagbabaling ko naman ng atensyon kay Jay-D na matahimik lamang na nagmamasid sa kanila.

"So, tara na at kumilos na tayo." Pagbibigay-hudyat ni Rhea. Agad naman na kumilos kaming walong natitira.

"ITO na bang lahat 'yon?" Tanong ni Jay-D habang bitbit ang mga pinamili naming boombands, pepper spray, stun gun at ilang pang-self-defense na magagamit namin kung saka-sakali. Inabot na kami ng alas-onse y medya kakaikot sa mall. Layo-layo kasi ang mga stall dito.

"Oo, okay na 'yan siguro. Ang kailangan lang talaga kasi natin ay ang maging alerto lagi at—" Bahagya akong nahinto ng biglang magring ang cellphone ko.

"Hala! Kanina pa pala tumatawag si Rhea. Sandali sagutin ko lang." Tarantang sinagot ko ang tawag. May halong kaba sa paghinga ko at umaasang hindi masama ang dahilan ng kanyang pagtawag.

"Hello, Rhea?" Sambit ko para malamang sinagot ko na ang tawag.

"Jeanella?! Asan na kayo?! Michael just saw the next premonition a while ago. And it's Jessica's turn now. Dalian niyo. Kailangan namin ng tulong niyo!" Nanlamig ang mga kamay at mga paa ko sa ibinalita ni Rhea. Si Michael na nga pala ang makakakita ng susunod na premonition.

"Oh? Bakit daw?" Tanong ni Zeline na para na ding may ideya base sa reaksyon niya.

"Aatake ngayon ang doppelganger sa meeting place natin. At si Jessica ang next victim." Mabilis kong sagot.

"Oh? Eh ano pang ginagawa natin dito? Tara na!" At nagpatiuna ng pumasok si Jay-D sa sasakyan na sinundan naming dalawa ni Zeline. Mayroon na lang kaming dalawampung minuto para makarating sa meeting place at mailigtas si Jessica. Pero kung mamalasin ka nga naman, ay natraffic pa ang rutang dinadaanan namin.

"Sino daw ang gagayahin ng doppelganger?" Nakuha ang atensyon ko nang marinig si Zeline na may kausap sa telepono.

"Sila ba 'yan?" Tanong ko dito na tinanguan naman niya.

"Walang ipinakita? Papaano 'yan?" Sa mga binabanggit ni Zeline ay nahihinuha ko na ang nangyayari ngayon sa kabilang linya.

"Pwede bang ako ang kumausap?" Pakiusap ko kay  Zeline. Pumayag naman ito atsaka iniabot ang telepono.

"Sino 'to?" Tinakpan ko muna ang mouthpiece ng telepono at tinanonh kay Zeline kung sino ang nasa kabilang linya.

"Si Rhea." Sagot naman niya.

"Pusanggala. Bat ngayon pa nagkatraffic?!" Gigil na sabi naman ni Jay-D sabay hampas ng manibela. Hindi ko na lamang iyon pinansin at kinausap si Rhea na nasa kabilang linya.

"Ano? Musta na kayo diyan? Si Jeanella 'to." Wika ko.

"Wala pa ding lumalabas na doppelganger. Hindi tuloy namin alam kung katulad din ba ito ng kay Jospeh eh. Ssshh! Tumahan ka na, Jess. Lakasan mo ang loob mo." Sa kabila ay dinig ko ang pag-iyak ni Jessica. Mukhang takot na takot na talaga siya.

"Eh kayo ba diyan eh nagkatanungan na ng group code natin? Baka mamaya niyan 'yong isa nagpapanggap lang." Paniniguro ko.

"Oo, nasigurado ko na. Pero sandali, nasaan na ba kayo?" Muli niyang pagtatanong sa kung nasaan na kami.

"We're stucked. Malayo pa kami bago makaabot diyan. Sorry pero—" Naputol ang pagsasalita ko ng makarinig ako ng ingay sa kabila.

"Hey! Hey! Rhea?! Anong nangyayari diyan?" Tanong ko subalit walang sumasagot dito. Sa halip, ay sigawan at hiyawan lang ang naririnig ko.

"Baka nandoon na ang doppelganger." Pagbabaka-sakali ni Zeline na sinang-ayunan ko naman.

"Sa wakas at umusad din." Sambit ni Jay-D nang magsimulang gumalaw ang mga kotse na nasa harap namin. Agad naman akong napakapit sa hawakan sa gilid ng kotse sa biglaang pagmaneho ni Jay-D. Buti na lang at naka-seatbelt kami ni Zeline, kung hindi ay baka nagkauntog-untog na kami.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pababa ng kotse. Late kami ng limang minuto mula sa oras ng hangganan sa pagligtas kay Jessica. Nawalan kami ng contact kina Rhea kanina dahil parang nagkaroon ng kaguluhan sa kanila. Kaya ngayon, para akong tumakbo ng milya-milya sa paghahabol ng hininga ko. Pero gayunpaman ay nilakasan ko ang loob ko para alamin ang nangyari.

Nakasunod sa likuran ko ang dalawa habang pumapasok kami sa meeting place namin. Sa sala pa lang ay kita na ang bakas ng kaguluhan. Mas lalong nanindig ang balahibo ko, nang sa isang sahig ay nakita ang bahid ng dugo.

"Nasaan na sila?" Tanong ni Zeline habang nagmamasid-masid din sa paligid. Pero wala sa amin ni Jay-D ang sumagot. Hanggang sa makarinig na lamang kami ng hiyawan.

"Sa garden." Sambit ni Jay-D at agad na tumakbo patungong garden ng meeting place namin. Agad kaming sumunod ni Zeline sa kanya at doon nakita ang apat na nagkakasiyahan.

"Yes! We made it! We made it!" Panay ang sigaw ni Justine habang yakap-yakap si Rhea.

"Hooo! Nagawa natin. Salamat sa Diyos." Dinig ko pang sambit ni Anthony. Dahan-dahan kaming tatlo na lumapit sa kanila na pawang nagtataka sa mga reaksyon nila. Hanggang sa makita namin ang nakangiting si Jessica na sakto ding napatingin sa amin. Nabuhay siya?

"Naandito na pala sila!" Masiglang saad pa nito atsaka kumaway sa amin. Tumingin naman ang tatlo pa sa amin at lahat sila ay binigyan kami ng masiglang ngiti. Nang makalapit kami sa kanila ay sabay-sabay nilang binigkas ang isang magandang balita.

"Ligtas na si Jessica!" Nagkatinginan muna kami nina Zeline at ni Jay-D, at unti-unti ay sumilay sa amin ang ngiti nang dahil sa balitang iyon.

"Talaga? Wow! So, it means... we can save all of us here." Pagcoconclude ko na kanila naman tinanguan.

"My gosh! Bumili lang tayo saglit, may nangyari ng ganito? Grabe di ko matake. Pero girl, Congrats!" Saad naman ni Zeline at niyakap pa si Jessica.

"Maraming salamat. Salamat din sa inyo, guys! Kung hindi din dahil sa inyo, siguro mamamatay na ako." Maluha-luha namang sabi ni Jessica.

"No! You're the one who saved your life. Nang dahil sa lakas ng pananalig mo, nagawa mong mapatay ang doppelganger." Muli kaming nagulat nina Zeline sa sinabi ni Anthony.

"Ikaw ang nakapatay sa doppelganger na dapat ay papatay sa'yo?" Tanong ko dito na hindi makapaniwala.

"Oo, Jeanella. Actually, ako dapat ang makakapatay doon, pero sadyang mahusay ang doppelganger na iyon at nadaplisan ako." Singit naman ni Michael atsaka ipinakita ang hiwa sa kanyang braso. Agad ko namang chineck iyon at ganoon na lamang ang pangangasim ko ng makita ang malalim nitong sugat. "At n'ong time na sa akin nakatingin ang doppelganger na iyon, doon kumilos si Jessica. Nagawa niyang mailigtas ang sarili niya." Dagdag pa ni Michael. Sa sobrang saya, ay di ko namalayang unti-unti ng bumubuhos sa aking mata ang aking mga luha.

"S-so... we only have four more person to save." Nasambit ko pa sa gitna ng aking pag-iyak. Nagbago naman ekspresyon sa mukha ng apat na taong tinutukoy ko. Si Rhea, Zeline, Justine, at Jay-D. Ang apat na taong nasa alanganin pa ang buhay.


==========

Read. Vote. Comment.

 

Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 283 5
Babala: Hindi ka na makakatulog kapag binasa mo ito. Siguraduhing handa ang iyong puso sa mga kuwento rito na sagad sa buto ang takot.
105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
148K 5.6K 14
Ang gusto lang naman niya ay ang makasama ang kanyang lola sa nalalabi nitong buhay sa mundo... Ngunit paano kung sa pananatili niya sa piling ng kan...
38.2K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...