SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES...

By KnightAncient

87.7K 3.5K 904

Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang... More

DISCLAIMER, SYNOPSIS & CHARACTERS:
DO NOT USE THE STORY FOR PROFIT‼️
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21: TOKYO vs. OSAKA
CHAPTER 21/1: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 22: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 23: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 24: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 25: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 26: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 27: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 28: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 29: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 30: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 31: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 32: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 33: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 34: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 35: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 36: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40: Tokyo Vs. Shizuoka
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 52: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 53: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 54: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 55: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 56: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 57: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 58: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 59: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 60: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 61: Tokyo vs. Kanagawa
CHAPTER 62: Tokyo vs. Kanagawa
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 67: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 68: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 69: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 70: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 71: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 72: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 73: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 74: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 75: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 76: Tokyo vs. Toyotsu
CHAPTER 77: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 78: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 79: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 80: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 81: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 82: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 83: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 84:
CHAPTER 85:
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 90: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 91: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 92: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 93: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 94: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 95: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 96: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 97: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 98: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 99: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 100: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 101: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 102: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 103: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 104: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 105: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 107: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 108: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 109: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 109/1: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 110: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 111: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 112: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 112/1: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 113: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 114: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 115: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 116: Tokyo Vs. Akita [FINAL CHAPTER]
EPILOGUE:
SPECIAL CHAPTER Part 1:
SPECIAL CHAPTER Part 2:
AUTHOR'S NOTE:
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 106: Tokyo Vs. Akita

881 45 40
By KnightAncient

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 106: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa pagpasok ng Tatlong-others ay siya namang pinabubulungan ng mga tao. Si Coach Kawarama ay tila bang nainsulto at nayabangan sa ginawa ni Coach Zakusa. Hindi niya lubos akalain na line-up ng mga First Year laban sa kanyang malakas na line-up.

Si Coach Zakusa naman ay parehong pinagtitingnan ng tatlong player na binangko niya na sina Maki, Sendoh at Fujima.

"Huwag niyo nga akong tingnan ng ganyan mga choy! May dahilan ako!" suway niya sa tatlo.

"Pero, Zakusa. Hindi biro ang kalaban sa court. Ano bang iniisip mo?" tanong ni Maki.

"Syempre plano, ano pa ba?" sagot niya.

"Line-up ng mga 1st year ang gusto mong humarap sa limang malalakas na players ng Akita Team? Pinag-isipan mo ba talaga yan?" tanong ni Hanagata na ikinatingin niya.

"Wow, down na down lang? Nahihinaan ka sa plano ko? Have you forgotten those 3 jerks ay mga company players na maihahalintulad sa amin nina Yuki at Muzaka?" tanong pabalik ni Coach Zakusa kay Hanagata.

"Pero, Zakusa. Mga bata sila. Never pa nilang nakaharap sa match ang Toyotama at Sannoh. Sa tingin mo ba kaya nilang talunin sina Fukatsu, Masahiro, Masashi, Iwata at Mikio Kawata?"

"Sino nagsabing tatalunin nila?" natigilan sila sa tinanong ni Coach Zakusa. "Lilinawin ko lang. Wala akong sinabi na layunin nilang talunin ang limang taong binanggit mo." dagdag pa niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Sendoh.

"Sila ang tatapos sa first-half. Yun lang. Sa second-half naman ay ibabalik ko kayo dala ang panibagong plano." Coach Zakusa

"P-panibagong plano?" Hanagata

"Oo, at mamaya ko na lang sasabihin yun kapag nasa locker room na tayo para masinsinang niyong marinig..." sagot ulit niya saka binalingan ng tingin ang court.
"Dahil mas magiging mahirap ang second-half. Bulgaran ng plano at palabasan na ng alas.

Sa court, dahil si Mikio ang huling nakapuntos kaya ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Hawak ni Kiyota ang bola. Ang Akita Team naman ay nanliliitan sa kanila at gumawa na lang ng defense form.

Samantala ang Tatlong-others ay parehong ngumisi dahil sa wakas ay maglalaro ulit sila mula sa mahabang pagkabangko.

Lingid sa kaalaman ng iba kung ano ang kaya nilang gawin lalo na kapag gagawin nilang bala sina Kiyota at Hanamichi.

"Anong plano, Bentoy?" tanong ni Hanamichi.

"Wala nang plano-plano. Basta magfocus ka sa bola. Tulad ng dati, hindi tayo gagamit ng senyas para sa pasahan." sagot ni Watanabe.

"Kung sa bola lang mag focus, eh paano naman yung depensiba?" tanong rin ni Kiyota.

"Pareho naman kayong mabilis ni Sakuragi, diba? Iwasan niyo lang sila hangga't maari, wag kayong makipagpwersahan. Sayang ang lakas." sagot ulit ni Watanabe.

"Pero, Bentoy. Magmumukha akong duwag niyan. Hindi ako makakapagdebyo ang Henyong Si Hanamichi Sakuragi!" maktol ni Hanamichi.

Nagsalita si Daisho sa kamaktolan niya.

"Kung ang pride mong yan ang uunahin mo, may posibilidad na mailampaso nila tayo, Sakuragi. Hindi mo ba napansin ang mga titig nila sa atin? Minamaliit nila tayo kase nga mga first year tayo." sabi niya.

"Kahit ano pang panliliit sa atin ay wala akong pakealam, Shokoy! Hangga't nandito ang Henyo, hindi mangyayari yun!"

"Kung seryoso ka sa ambisyon mong maging MVP, Sakuragi. Maiintindihan mo ang sinasabi namin. Hindi sa lakas, galing o sa ilang puntos ang basehan sa pagiging MVP. Kundi sumasalamin sayo kung anong kahalagahan at magagawa mo na tatatak sa pangalan ng kuponan at sa isipan ng mga taong nakapanood sayo. Yun ang tunay na kahulugan ng Most Valuable Player, Sakuragi." paliwanag ni Nishizaki sa kanya saka nauna itong tumakbo sa kanila.

Napayuko si Hanamichi sa sinabi nito. Ang mga katagang binitawan ni Nishizaki, lahat yun ay pumasok sa isip niya. Napagtanto nya mas mahalaga ang kapakanan ng kuponan kaysa maging MVP.

Napaisip siya. Ang tagumpay ng kanilang kuponan o ang maging matagumpay na manlalaro?

"Tama ka, Kengkoy. Kaya sa pagkakataong ito, pareho kong pipiliin ang dalawa!" sagot ni Hanamichi.

Pero nanlaki ang mga mata nya nang makita niyang wala na pala ang apat sa tabi niya.

"WHAAAAAAAAAHH HINDI NIYO MAN LANG AKO SINABIHAN MGA MOKONG!" sigaw nya at kumaripas ng takbo patungo sa half-court ng Tokyo Team.

"Bilis! Depensahan ang mga batang yan!" sabi ni Fukatsu sa kanila.

Kanya-kanya naman silang bantay. Si Iwata ang nagbantay kay Nishizaki, si Masahiro naman kay Kiyota, si Fukatsu kay Watanabe, si Masashi naman kay Daisho at Mikio laban kay Hanamichi.

Ang bolang hawak ni Kiyota ay pinasa kay Nishizaki.

*Pak!*

Nabigla si Kiyota nang sumulpot agad ang kamay ni Fukatsu at natamaan nito ang bola.

"Ngeeeeehhh... Para siyang si Maki." sabi ni Kiyota sa kanyang isip.

Madaling nakuha ni Fukatsu ang bola at dinribol ito pabalik sa kanilang half-court.

"ABA NAMAN TALAGA OH! ANG GALING NI FUKATSU!

LAGOT NA YANG MGA FIRST YEARS!

KASALANAN NG COACH YAN!"

Nainis ulit si Coach Zakusa sa mga pinagsisigaw ng Akita Audience.

"Bubunutan ko kayo ng kilay dyan eh." tanging sabi niya.

Habang nagdidribol si Fukatsu, tiningnan niya ang kanyang mga kasamahan kung alin sa kanila ang libre.

*PAK!*

"Ano!" natigilan si Fukatsu nang ma-intercept siya ni Watanabe.

Naalis sa kamay niya ang bola dahil sa biglang sulpot ng kalaban niyang Point-guard na first year.

"SIGE GANYAN NGA WATANABE! NICE STEAL!" buhay na buhay na sigaw ni Mari.

"FAST BREAK!" sigaw din ni Sendoh mula sa bangko. "Magaling talaga si Watanabe sa interception."

Mabilis na dinribol ni Watanabe ang bola saka pinasa kay Nishizaki na nasa 3-point area malayo sa lugar ni Iwata.

Pagkatanggap ni Nishizaki ay agad itong nag pose at nagshoot.

*Pak!*

Natamaan ni Masahiro ang bola na nasa ere.

"Ayy aba si Koya hindi nagpapatalo." ngising sabi ni Nishizaki. "KAYO NANG BAHALA!" sigaw pa niya.

Nagsitakbuhan naman patungo sa ilalim ng ring sina Daisho at Hanamichi. Sa rebounding area naka back-up si Kiyota sa kanila na kasalukuyang binantayan agad ni Masahiro.

Humabol naman sina Masashi at Mikio. Mabilis silang nakasunod sa dalawa.

Pagkarating nilang apat sa ilalim ng ring ay agad pumwesto sa harapan nina Daisho at Hanamichi ang magkapatid. Ang bolang palapit ay tumama sa gilid ng ring at tumalbog ito ng mataas.

Dumepensa si Mikio paatras para mapwersahan si Hanamichi. Ngunit ikinabigla niyang mabilis agad nakalipat sa harapan niya si Hanamichi.

Walang pasabing tumalon agad ito. Sumabay naman si Masashi at Mikio.

Tatlong nagtataasang kamay ang umaabot sa bola.

*Pak!*

Si Hanamichi parin ang nakakuha sa bola.

"AYOS! NICE REBOUND SAKURAGI!" sigaw ni Haruko.

"GANYAN NGA HANAMICHI SAKURAGI!" sigaw rin ni Ayako.

"HINDI MAAARI! SIYA NA NAMAN?!

IMPOSIBLE! LAGPAS 215 CENTIMETERS ANG KALABAN NIYA PERO NAKUHA NIYA PARIN!

HINDI YAN TAO!" sari-saring sigaw ng mga tao.

Naunang bumaba si Masashi saka inabangan ang pagbaba ni Hanamichi kasama ang bola. Ngunit nagulat siya nang iba ang nakita niya sa pagbaba ni Hanamichi.

Hindi na pala hawak ang bola.

"T-Teka, nasaan---"

*DUNNKKKKKKKKK!*

Isang surpresang dunk ang ginawa ni Daisho na ikinagulat ng ibang player.

"Teka, kailan niya nakuha ang bola? Diba hawak yun ni Sakuragi?" gulat na tanong ni Iwata.

"Ang bilis ng pasa ni Sakuragi. Ang paghawak niya sa bola ay hindi tumagal ng dalawang segundo. Pinasa niya agad sa kasamahan niya na hindi nakasabay sa pagkuha ng rebound." paliwanag ni Mikio at tinutukoy niya si Daisho.

Nag-apiran naman sila ni Hanamichi.

"NICE KILL!!" sabay nilang sabi.

Agad kinuha ni Masashi ang bola mula sa pagkadakdak.

2 minutes at 19 seconds na lang. Ang kaninang 41 points ng Tokyo Team ay naging 43 points na. Pantay na ang kanilang puntos sa puntos ng Akita Team.

"BILIS, TEAM! DEPENSA! MAIKLING ORAS NA LANG!" sigaw ni Watanabe sabay palakpak para makuha ang atensyon ng kasamahan.

"Pantay na ang score, dito na magkakaalaman." ngising sabi ni Kiyota.

"Proceed to the Class B Offense! Huwag nating maliitin ang mga first year na'to!" anunsyo ni Fukatsu sa mga kasamahan.

"Okay, naintindihan namin!" sagot ni Masashi at pinasa niya ang bola kay Iwata.

Agad nilang pinagpatuloy ang laro. Mabilis na dinribol ni Iwata ang bola hanggang sa makalagpas siya sa division line.

"Mga panget! Makinig kayo sakin. Maliban kay Daisho na sasama sakin sa loob, kayong tatlo ang magbantay para sa mga outside shooter. Yung mga centro tumitira sa labas, kaya kahit matamaan niyo lang ang bola okay na sakin. Ako nang bahala sa rebound!" sabi ni Hanamichi sa kanila habang tumatakbo.

"Aba makapag-utos ang gwapo. Okay, sang-ayon kami dyan!" sagot ni Watanabe saka huminto siya sa free throw area.

Si Kiyota naman ay nasa Power-forward area, Si Nishizaki naman ay nasa shooting-guard area at sina Daisho at Hanamichi naman ay nakatayo sa magkabilang gilid ng rebounding line. Iniiwasan nilang maapakan ang linya dahil baka ma step-on-the-line pa sila.

Pinasa ni Iwata ang bolang hawak niya kay Fukatsu.

Pagkatanggap ni Fukatsu ay agad nag-isip ng bagong galaw para malusutan ang depensiba.

"Basang-basa na ni Sakuragi yung mga kakayahan namin. Medyo problema 'to." mahinang sabi niya.

Sinalubong siya ni Watanabe sa pwesto niya.

"Ikaw na naman." tanging sabi ni Fukatsu.

"Malaking karangalan sakin ang makalaro ka, Senpai. Naging best Point-guard ka ng dalawang taon sa interhigh." sabi ni Watanabe habang dumedepensa.

"Galingan mo na lang bata. Hindi ka na makakaulit sakin." sagot ni Fukatsu.

"Dyan ako magaling." ngumisi si Watanabe saka biglang inabot ang bola.

Perp agad namang iniwas yun ni Fukatsu. Pinatalbog niya ang bola patalikod at pabalik sa harapan. Nang maramdaman niyang makakalusot na siya ay agad siyang nagdribol papasok sa loob.

*PAK!*

Napalpal ni Watanabe ang bolang hawak niya.

"WHAAAAHH ANG GALING! NAPALPAL NIYA SI FUKATSU!

HABULIN NIYO ANG BOLA!"

Ang bola ay tumilapon palabas sa kaliwang bahagi ng court. Agad naman yun hinabol ni Kiyota at Masahiro.

"SIGE, KIYOTA HABULIN MO!" nanggigigil na sigaw ni Coach Takato.

"KUNIN MO, MASAHIRO!" sigaw din ni Coach Kawarama.

2 minutes at 10 seconds na lang.

Para bang hinabol ni Kamatayan ang dalawa dahil sa sobrang bilis at tulin ng kanilang mga takbo.

"Matsing ng Kainan!" asar ni Masahiro.

"Totem Pole! Ampanget mo!" asar pabalik ni Kiyota.

Bago lumampas ang mga paa niya sa baglis ng court ay tinalon na lang nila ang bola para maabot ito.

Parehong kamay na may parehong layo sa bola.

"Kaya mo yan, Kiyota!" sigaw ni Maki.

Nabuhayan si Kiyota sa sigaw ni Maki.

Parang maiiyak siya dahil ang taong nirerespeto niya ng lubusan sa larangan ng basketball ay nagcheer sa kanya.

Kaya ko'to...

*PAK!*

Dahil sa determinasyon ni Kiyota ay tagumpay nyang naabot ang bola.

"Kainis..." mahinang sabi ni Masahiro saka sabay silang bumagsak ni Kiyota sa sahig.

*BLAAG!*

Pipito na sana ang Referee nang agad bumangon si Kiyota at kumaripas ng takbo pabalik sa loob ng court.

"Grabe ang stamina ng taong 'to." di makapaniwalang sabi ng Referee.

Ang bolang tinamaan ni Kiyota ay nakatalong sinalo ni Hanamichi.

*Pak!*

"GRABE ANG TAAS NG TALON NIYA!"

"FAST BREAK!" sigaw ni Hanamichi at agad na dinribol ang bola pabalik sa half-court ng Tokyo Team.

"SIGE TEAM! IPAGPATULOY NIYO YAN! FAST BREAK!" sigaw ni Sendoh sa kanila.

"GALINGAN NIYO!" sigaw rin ni Mari.

Agad sumunod ang apat. Si Daisho at Kiyota ay nagpalit ng pwesto na hindi namamalayan ng kalaban.

Sa ilalim ng ring ay agad nakarating si Mikio samantala sa likuran nina Hanamichi at Kiyota ay nadoon ang kanyang Kuya na humahabol sa dalawa.

"Ngayon niyo ako subukan." mahinang sabi ni Mikio at inihanda ang sarili.

Ang bolang hawak ni Hanamichi ay pinasa niya ulit kay Kiyota. Pagkasalo ni Kiyota mula sa Small-forward area ay agad itong nagjumpshot.

*PAK!*

Nagulat sila nang mablock yun ni Mikio.

"A-ano..." Kiyota

Ang bola ay tumalbog pabalik sa kanila, nakuha yun ulit ni Hanamichi at siya naman ang nagshoot.

*PAK!*

Nablock ulit yun ni Mikio.

"Kaasar!" Hanamichi

"Maraming buwan ang ginugol ko para maging ganap na mahusay na Centro. Ipakita niyo sakin ang yabang niyo. Pumuntos kayo!" sabi ni Mikio sa kanila.

Pinatalbog ni Hanamichi ang bola.

May naisip agad na plano si Hanamichi. Kaya lang kapag ginawa niya yun ay baka madagdagan ang foul niya. Ang dalawang foul niya ay baka maging tatlo kapag itutuloy niya ang kanyang plano. Mahihirapan na siya sa second half kapag ganun.

Tiningnan naman niya si Kiyota. Pareho silang may tig dalawang foul.

Parang hahati sa dalawa ang utak ni Hanamichi sa plano niya. Walang bisa ang jumpshot para makalusot sa depensa ni Mikio, ang nasa plano niya ngayon ay ang idakdak ang bola nang sa ganun ay makalagpas siya kay Mikio base sa pwersa. Pero hindi pwede.

"SAKURAGI!"

Nagulantang siya sa malakas na sigaw ni Daisho. Nakaabang ang kamay nito para sa pasa niya.

"Ako nang gagawa para sayo." nakangiting sabi ni Daisho.

Tutol si Hanamichi sa gusto niya pero kusang gumalaw ang kamay ni Hanamichi at pinasa ang bola kay Daisho.

Nagulat si Mikio sa ginawa niya.

Pagkasalo nito ay agad itong dinribol at tumalon ng mataas. Sumabay naman si Mikio para i-air block si Daisho.

Yumukom ng kamao si Mari. Kinakabahan siya. Alam niyang matinding pinsala sa katawan ang aabutin ni Daisho dahil kay Mikio.

Bumuo ng pwersa si Daisho sa kanang kamay niya.

"Balewala ka lang sakin!" sabi ni Mikio na parehong nakataas ang kamay.

Nakapukos ang lahat ng manonood sa gawi nila.

Ang mga mata ni Hanamichi ay nakatingin sa kamay ni Daisho kung saan hawak nito ang bola.

May napansin siya sa pwersa nito.

Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa niya ang pose ng kamay nito. Tulad na tulad ito sa...

"L-Lay-up shot?" sambit niya.

Ngunit ang pagkakabasa ni Mikio ay isang pwersahang dunk ang gagawin ni Daisho kaya bumuo din siya ng pwersa sa mga kamay niya.

At,

*PAKKK!*

Aksidenteng natamaan niya ang kanang kamay ni Daisho sa halip ang bola.

Tila bumagal ang takbo ng paningin ni Mikio nang makita niya ang bola ay dahan-dahang pumasok sa ring.

*Shoot!*

"Ano! Lay-up shot?!" sabi niya.

Pagkashoot ng bola ay kasabay nun ang pagbaba ni Mikio at pagbagsak ni Daisho sa sahig.

*BLAAAAAG!*

"DAISHO!" sigaw ni Mari.

(Pumito...)

"DEFENSIVE FOUL! BLUE NO. 13!" Sigaw ng Referee habang nakaturo kay Mikio. "1 THROW, BLACK NO. 12!"

Naghiyawan naman ang manonood.

Samantala sina Hanamichi ay nilapitan nila ang bumagsak na si Daisho.

"S-Shokoy? Buhay ka pa?" tanong ni Hanamichi saka sinundot-sundot pa ito.

"Patay na ata, tapon niyo na kaya." sabi ni Kiyota.

Bumalikwas naman ng bangon si Daisho saka masamang tiningnan ang dalawa.

"Biro lang ulol. Tumayo ka na dyan may 1 throw ka pa." sabi ulit ni Kiyota.

Marahan namang tumayo si Daisho. Itinukod niya ang kanyang kanang kamay.

"..." Daisho

Natigilan siya dahil parang nawalan ito ng pwersa.

"Bakit?" tanong ni Watanabe sa kanya.

"W-wala... May naalala lang ako sandali." pagsisinungaling niya saka tumayo at tinanggap ang bolang nilahad ng Referee.

Samantala si Sendoh na nakaupo sa bangko ay napansin yun.

"Hindi ka nag-iisa." mahinang sabi ni Sendoh habang hinihilot ang kanyang kanang kamay na pwersang tinamaan kanina ni Itakura.

Habang pinapatalbog ni Daisho ang bola ay nararamdaman niya ang sakit.

"Kaasar..." mahinang sabi niya.

Samantala si Mikio ay napaisip sa nangyari. Aksidente ang nangyari sa kamay ni Daisho at wala siyang intensyong tamaan yun. Hindi niya ugali ang manghamak ng pisikal na katawan. Nagkataon lang na Lay-up shot pala ang gagawin ni Daisho at hindi dunk.

Nakatayo si Daisho sa Free throw line. Hininto niya ang pagpapatalbog sa bola at huminga ng malalim.

Sa baseline at rebounding line ng inner court ay nakatayo ang mga forward at centro para abangan ang rebound.

Samantala si Hanamichi. Alam niyang hindi biro ang nangyari kay Daisho lalo na't kagagawan ni Mikio, ang isa sa may pinakamalakas na pwersa sa College Matches. Siguradong hindi maayos ang tira nito sa Free Throw, sasablay siya.

Nagfocus si Daisho sa ring.

"Okay nang hindi pumasok, basta tatama lang." bulong niya at shinoot ang bola.

Ang lahat ay napahangad sa ere.

Kanya-kanyang urog para maabangan ang rebound kung sakaling hindi pumasok.

Si Iwata, Masashi at Mikio ay naghanda.

*TSSSSKKKK!*

Ang bola ay bigong pumasok sa halip ay tumama ito sa unahan ng ring.

Agad tumalon ang tatlong Centro ng Akita Team para kunin ang Rebound.

*DUNKKKKKKKKK!!!*

Nanlaki ang mga mata ng lahat dahil wala pang ilang segundo sa ere ang bola nang bigla yung dakmahin ni Hanamichi at mabilis na dinakdak sa ring.

"A-ano..." natameme silang tatlo.

Si Hanamichi naman ay tila nagniningning habang nakakapit sa ring.

"WHAAAAAAAAAHHH HANAMICHI!" tuwa at bilib na sigaw ni Mito.

"AYAN NA SIYA! NAGNININGNING NA!" Takamiya

"HARI NG REBOUND NA MAY PULANG BUGOK!" sigaw rin ni Ohkusu at agad napatakip ng bibig sa huling salitang sinabi. "Ayyy... PULANG BUHOK PALA!"

"HENYOOOOO! Wag sana lumaki ulo mo hehehehe." Noma

Dahil sa Lay-up shot ni Daisho ang 43 points ng Tokyo Team ay naging 45, plus ang kagila-gilalas na dunk ni Hanamichi bilang puntos sa 1 throw ni Daisho kaya 47 points na. Lamang na sila ng 4 points laban sa puntos ng Akita Team na 43.

59 seconds na lang ang natitira sa first half.

Samantala sa upuan ng Yellow Fox.

"A-ang bilis niya!" gulat na sabi ni Minami.

"Si Sakuragi ba talaga yan?" panigurado ni Micheal.

"Gumagaling na siya, kutob kong makakatanggap siya ng high recognition sa match na'to." sabi ni Moroboshi.

"Kabahan ka na Rukawa." banta ni Sawakita sa kanya habang ngumunguya ng sushi roll.

"Mabulunan ka sana." sagot ni Rukawa.

Tingnan niya ulit ang gawi ni Hanamichi saka nagsalita.

"Hindi ako natatakot sayo. Hindi mo parin ako kayang talunin. Kahit ikaw pa ang maging MVP sa taong ito, Sakuragi." Rukawa

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

Continue Reading

You'll Also Like

19K 622 61
Hindi pala dapat dinadaan ang pag-ibig sa gayuma at kung talagang mahal ka niya hindi mo na kailangan ng hokus pokus mapasaiyo lang siya dahil siya n...
211K 4.5K 37
Note: Ang istoryang ito ay HINDI PO BROMANCE at produkto lamang ng panunukso namin sa aking mga malapit na kaibigan. Ngunit paalala lamang, ang mga p...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
6.9K 160 40
Different types of Filipino and English Poetries. ✅ Free verse ✅ Tanaga ✅ Haiku ✅ Limerick Note: All of my works are myself written remember plagia...