my name is not love

By mooncalfmaven

5.8K 252 26

"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary su... More

i.
ii.
iii.
start
level one
level two
level three
level four
level five
level six
level seven
level eight
level nine
level ten
level eleven
level twelve -
level thirteen
level fourteen
level fifteen
level sixteen
level seventeen
level nineteen
level twenty
level twenty one
level twenty two
level twenty three
level twenty four
level twenty five
level twenty six
level twenty seven
level twenty eight
level twenty nine
level thirty
game over

level eighteen

43 6 0
By mooncalfmaven

    "What brings you here?"

    Kung hindi pa nagsalita si Don Alejandro ay baka tuluyan na kaming nalunod sa nakabibinging katahimikan dito sa apat na sulok ng kwarto na kinalalagyan. Kasalukuyang nakatayo sina Orion at Ivan sa harapan ng Don.

    Habang nakayuko naman akong sumiksik sa likod ni Mister Chuya dahil sa tensyon na kanina pa namumuo sa pagitan nila. Ilang sandali pa ay pasimpleng inialis ng tatay ni Ivan ang salamin sa mga mata at itinuon ang tingin sa lalakeng katabi ng anak.

    Agad akong napalunok ng laway.

     "You even bought your partner in crime. Are you guys getting married or something?" sarkastiko nitong saad ngunit ni isa sa amin ay walang natawa.

    Mabuti nalang talaga at humakbang palapit si Ivan at sinalubong ang tingin ng ama.

     "Well, you see, my parter is a valuable visitor. Why not show him the hospitality of the Dazarencio Clan?" taas noong sagot ni Ivan.

    Kapwa naman kami napa singhap noi Mister Chuya dahil doon. Dahan dahan akong napatingin sa magiging reaksyon ni Don Alejandro at ganoon na nga ang pag igting ng panga nito.

    Habang si Orion naman ay payapa lang na nakatinding sa likuran ni Ivan ay talagang kinawayan pa ako ng mokong! Ngiti ngiti pa siya dyan, adik ba siya?

    Pinandilatan ko ito ng mga mata ngunit agad ding nabalik sa pwesto nang mapatikhim si Don Alejandro.

    "Very well then. Nathalie, kindly tour our lovely guest around. Enjoy your visit, Mister Orion Asteranza."

    Agad nanlaki ang mga mata ko at nagpalipat lipat ng tingin sakanila. Anak naman talaga ng hotdog na walang sauce.

•••

    In-announce na ni Don Alejandro si Orion bilang opisyal na bisita ng mansyon kaya pagka labas ng namin sa opisina ay wala nang mga nagliliparang patalim, bala o kahit mga pisikal na pag atake ang sumalubong sakanya.

    Napalitan nga ito ng mga naka hilerang bodyguard doon sa grand hall. Lahat ito ay naka yuko na sakanya at halos di na nagalaw sa mga kinalalagyan. Ang mokong naman ay halos yumuko din ng paulit ulit para batiin sila isa isa!

    Kaya bago pa mangalay ang mga 'yon ay hinila ko na si Orion patawid sa mga ito upang maka balik na din sila sa pagtayo ng tuwid, pati na rin sa mga pwesto nila pagkatapos. At ayon na nga, dahil mukhang mahilig siya sa damuhan ay napagdesisyunan kong dalhin siya doon, ngunit bago pa man makarating ay dinaldal na ako nito.

    "Ilang taon ka nang nagta-trabaho sa mga Dazarencio?"

    Seryoso ko itong hinarap. "Simula noong kinder ako at nabaldado si tatay."

     Bumuntonghininga ito saka tumango. Nang maka labas sa floor to ceiling na glass window ay ako naman ang nagsalita.

    "Isa ka palang Asteranza."

    Sa isang iglap ay pinasadahan niya ako ng tingin habang nakataas ang mga kilay. "Hindi mo alam?"

     "Malay ko ba, eh, wala namang naka lagay na apilyedo sa mga social media mo. Pero anyway, I'm sure nabalitaan mo na ang nangyari sa isa niyong kapamilya." Itinuon ko ang pansin sa mga sari saring bulaklak sa hardin.

    "Hindi ka ba galit sa 'kin o sisihin manlang ako dahil sa pagkamatay ni Lia?" dagdag ko pa ngunit napasinghal lang siya.

     "Bakit ko naman gagawin 'yon?"

    "Kasi ako ang pinagbibintangan ni Lana? At magkapamilya kayo kaya baka nasabi na niya sa 'yo lahat ng hinanakit niya sa buhay sa 'kin?"

     Bahagya siyang natawa at napagdesisyunang umupo doon bermunda grass, kaharap na swimming pool.

     "Hindi kami close kasi nga halos lahat ng mga Asteranza ay dito sa sentro ng Yawaka lumaki. Tapos kami ng mga naging kapatid ko ay doon sa malayong Mephistopheles Town." Ngumiti siya.

    "Isa pa, bakit naman ako sasangayon sakanya dahil lang magka pamilya kami? Si Ivan nga at ang buong angkan niya magkaway," dagdag pa nitong saad. Napailing pa nga siya at pinagtuonan nalang ng pansin ang mga nagliliparang paro paro.

    Tumango nalang ako pagkatapos at inutusan siyang tumayo. Kasi nga kailangan ko pa siyang ilibot sa buong mansyon hanggang sa mapos sina Ivan at ang tatay niya sa paguusap. Kaso ang mokong ay ayaw nang tumayo sa kinasasadlakan at kulang na nga lang ay magpagulong gulong na siya sa damuhan.

    Dahilan upang mapasinghal ako at nakapamewang itong pinanlisikan ng mga mata.

    "Chill okay. Masyadong malaki ang lugar na 'to para malibot ng isang araw! I'm good." Bumungisngis ito at napadako ang tingin sa harapan niya.

     Napakunot pa nga ang noo nito at inosente akong tinignan. "Ba't walang tubig ang swimming pool niyo?" Turo niya doon.

    Sa pagkakataong 'yon ay naupo nalang din ako sa tabi niya at pinagmasdan ang lugar na puno pa ng alaala ng masayhing Young Master.

    "Wala na rin naman kasing lumalangoy d'yan kaya hindi na nilagyan ng tubig," matamlay kong sambit ngunit ganoon nalang talaga ang pagkunot ng noo ko ng sundutin niya ang kaliwa kong pisngi!

    Akala mo naman talaga!

    Napasinghal ako at akamang sasawayin ito, ngunit agad ding natigilan dahil sa sunod niyang naging tanong.

    "Bakit? Asaan na ba ang taong lumalangoy dito noon?"

    Mabilis akong napaiwas ng tingin. Lalo't kasabay ng pagkasabi niya noon ay ang animo'y pagka hulog ng puso ko dahil sa pagalala kay Typo.

    "Si Young Master? Nasa France parin siya ngayon. Ipinatapon siya doon ni Don Alejandro matapos mamatay ng nanay niya." Mapakla akong natawa.

    "Bago ang araw ng nakatakda niyang pag alis ay sumugod pa nga si Ivan doon sa First Mansion ng Dazarencio Clan para itakas si Typo. Kaso ewan ko ba sa kumag na 'yon at hindi naman siya pinaglaban ng husto kahit na sa aming dalawa ay mas may kapangyarihan na namana siya para gawin 'yon," kunot noo kong sambit at hindi naiwasang mapagbubunot ang mga damo sa sobrang inis ng maalala.

    Ni hindi ko nga alam kung bakit nagku-kwento ako sa isang 'to tungkol kay Typo pero kasalanan din naman niya! Kung hindi niya binanggit 'yong swimming pool edi hindi ko sana maaalala si Young Master!

    "Kaya ayon. Andoon pa rin siya hanggang ngayon at hindi sinasagot mga tawag mula kay Ivan o maski mga kahit sa 'kin," paghihimutok ko.

     "Although naiintindihan ko naman kung bakit galit siya kay Ivan. Kasi abandonahin ba naman niya ito noong bata palang si Typo at kung kailan kailangang kailangan siya nito. Saka naiintindihan ko rin naman kung bakit galit siya sa 'kin kasi... aaaasrghjk! Tama na nga!" Ginulo ko ang sariling buhok at sinubukan nang manahimik.

     Kaya ganoon nalang ang pagka ilang ng mapansing kanina pa pala ako seryosong tinititigan ng isang 'to.

    Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

     "I just want to ask, if you were in Typo's position? Let's say your brother left you for some reasons, during the time you needed him the most. Will you hate him too?"

    Sa pagkakataong iyon ay bahagya nalang akong natawa. Kasi doon ko lang din natanto ang isa sa pagkakatulad namin ni Typo. Sa katunayan, hindi ko na kailangang ilagay ang sarili ko sa sitwasyon ni Young Master, kasi naranasan ko rin 'yon.

     Ang abandonahin ng taong nangakong poprotektahan niya kami sa lahat. Palagi pa siyang kinu-kwento ni Nanay at Tatay sa 'kin, na kesyo huwag na huwag ko daw siyang kakalimutan kasi ginawa lang naman daw niya kung anong makakabuti sa 'min.

    Kaso kung ginawa nga niya 'yon para sa ikabubuti? Eh, bakit nasa impyerno pa rin kami hanggang ngayon?

    "Noong bata pa ako, galit ako sakanya. Kasi medyo hindi ko pa naiintintindihan ang mga bagay bagay," wala sa sarili kong sambit kahit pa tuluyan ko nang naidirekta sa taong 'yon ang mga sinasabi. Ni hindi ko nga maialis ang pagkakatitig ko sa kawalan.

    "Kaso ngayon?" Hindi ko maiwasang mapa iling iling at sa pagkakataong 'yon ang walang bahid ng kahit na anong emosyon siyang tinitigan sa mga mata.

    "Hindi ko alam. Wala akong maramdaman. Siguro hindi na ako galit, pero hindi rin naman ako masayang makita ka."

     Agad nanlaki ang mga mata niya at mabilis na napa balikwas. "Alam mo?" bulalas niya pa ngunit imbis na sagutin agad ay napag desisyunan ko nalang na tumayo.

    "Simula ng sabihin mo sa GC kung taga saan ka dati ay nagkahinala na ako. At nakumperma ko ang hinalang 'yon dahil nalaman ko ang apilyedong ginagamit mo."

    Mapait ko siyang nginitian. "So ano? Gusto mong makita si Nanay? Kasal siya kay Don Alejandro ngayon at mukhang nagugustuhan na niya 'yon. Wala na nga ata siyang pakialam kay Tatay."

     Agad kong pinunasan ang mga luha na mabilis na nagpadausdos sa pisngi ko. "Kay Tatay na hanggang ngayon ay bedridden pa rin at tinatago ni Don Alejandro sa kung saan. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa ba talaga siya o ginagamit nalang ang pangalan niya para pasunudin ako."

    Sinubukan niya akong hawakan ngunit agad kong winagli ang kamay niya papalayo.

    "Huwag kang mag alala. Hindi mo kasalanan. Hindi naman kita sinisisi. Pero... pero bakit ngayon mo lang naisipang magpakita sa 'kin? Bakit hindi noong nakita ko kayo ni Ice Bear na magkasama sa labas ng sementeryo nong libing ni Doña Celeste?" Suminghal ako.

    "Bakit hindi noong nakita kita sa taas ng Merlin Bridge ilang taon na ang nakararaan? Bakit hindi ka lumapit noon?"

    "Kasi—"

    "Yow guys! Successful, I manage to borrow the van," buong galak na saad ni Ivan na bigla nalang sumulpot sa likuran.

    Bago pa man may makapagsalita ulit ay mabilis na akong naglakad palayo sakanilang dalawa. Magsama sila!

    "Hey, what did I just missed?"

•••

    Hindi ko alam kung anong ginawa ni Ivan para mapapyag niya ang kanyang ama pero sa pagkakataong ito ay wala akong balak na alamin pa 'yon. Hindi ako interesado at mas lalo na sa mga chats at text messages na ipinagtatadtad ni Orion sa 'kin araw araw.

     Ni hindi ko pa nga siya kayang tawagin na Kuya o kung ano ano pa kaya ganoon talaga ang pagkalugmok ko sa kinalalagyan nang hindi pa rin sagautin ni Typo ang tawag ko, kahit nakihiram na talaga ako ng cellphone kay Chenzo.

     Wala lang, dahil sa mga kaganapan ay mas naintindihan ko na kung bakit ganoon si Typo noon maki tungo kay Ivan, kahit pa sa mga panahong 'yon ay hindi ko pa alam na magkapatid sila. Kung paano niya sinusubukang hindi magpa apekto at ipakita rin kay Ivan kung gaano siya ka walang pakialam sa prisensya nito. Kung paano niya sinusubukang magpaka chill at gayahin kung gaano ka lamig ang pakikitungo ni Ivan sakanya noon paman. Ni hindi nga rin niya ito tinatawag na Kuya!

    Because for pete's sake, Ivan was so good at making people feel they're worthless. At alam kong hindi naman talaga totally magkapareho ang sitwasyon nila sa amin ni Orion. Kasi hindi naman yelo si Orion at nag e-effort naman talaga siyang suyuin ako at makipagkilala ulit kay Nanay, pero hindi pa ako handa.

    Hindi pa kaya ng puso ko na magpanggap na wala lang sa 'kin ang lahat. Hindi ko pa kayang titigan sa mata si Orion at makipag bardagulan dito na para lang kaming matagal na magbakrada, katulad ng ginawa ni Typo noon. At alam kong napaka gago noon kasi sanay naman akong magpanggap.

    Sabi nga ni Archie dati ang galing ko nga daw at pwede na akong maging artista. Alam ko rin sa sarili kong madalas akong nagsusuot ng maskara sa harap ng iba. Kaso may mga pagkakataon pala talaga na mapupuno ka at hindi mo na kakayaning peke-in pa ang lahat.

    Napabuga ako ng hangin at muling tinawagan ang numero ng nurse ni Typo. Ngunit nang wala pa ring tugon ay ginagawa ko nanaman ang lagi kong ginagawa simula nang sagutin niya ang tawag ni Ivan nitong nakaraan lang. Ang mag tipa ng mahahabang text messages para sakanya. Kahit alam ko namang hindi na niya sasagutin o baka wala na nga talaga itong pinapatunguhan.

     Kasi katulad ng dati, siya nalang ang natitirang tao sa mundo na kaya kong pagkatiwalaan. Ni hindi ko na nga kayang pagkatiwalaan ang sarili ko at walang wala na akong ibang maaasahan. Hindi ko pa rin alam kung sino ang salarin at malay ko ba kung nasa paligid lang 'yon. Wala akong ibang mapupuntahan kundi siya. Siya nalang.

     Gustong gusto kong marinig ang boses niya ulit, gustong gusto ko na siyang makita ulit at tratuhin na siya ng tama. Aalagaan ko na siya at hindi na kailan man magbabalak na iwan siya—

    "Uhm, hindi ka pa tapos sa cellphone ko? Baka nag aantay na ng reply ang girlfriend kong si Shine. Hehe."

    "Manahimik ka, hindi mo girlfriend ang kapatid ko. Masyado kang assuming." Binatukan ni Daz si Chenzo dahilan para mapakurap kurap ako.

    Naurong na nga lang din lahat ng luha ko dahil sakanila, lalo na ng sumilip si Chenzo sa ginagawa. Agad ko namang inilayo ang cellphone upang hindi niya mabasa at nagpatuloy na sa pagta-type. Doon ko lang din natagpuan ang sarili kasama ang mga early birds dito sa labas ng pastilan upang hintayin ang ibang kasabay papunta sa prayer vigil.

     Kung wala lang talagang deduction final grade kung hindi a-aatend ay malamang mas pinili ko nalang na manatili sa bahay at pagmasdan si Nanay na unti unti nang nag i-i love you too kay Don Alejandro at maging ganap na asawa nito. Atleast kahit nakakadurog ng puso ay mas nasanay ko na ang kalooban sa sakit, kaysa makipag plastikan mamaya kay Orion at umaktong ayos lang ako sa lahat ng mga kasama namin.

    Hindi ko pa talaga siya kayang harapin, kailangan ko pa ng oras at maliban sa lahat ng nabanggit, ang pinaka dahilan talaga ng pagsama ko sa lakad na ito ay dahil mismo sa magaganap ng prayer vigil at sa pagkamatay ni Principal Xeid.

    Kasi napaka out of context. Wala to sa mga na predict ko kaya matapos makapagdrama ng kaunti at ma-idelete din ang si-nend na message pagkatapos. Ibinalik ko na ang hiniram na cellphone kay Chenzo at ang umpisang pagkukurutin ang mga mukha nila.

     Nang masiguradong hindi sila naka suot ng kung anong maskara ay palihim ko silang pinagbibigyan ng mga pink na accessories at sinabing regalo ko lang at huwag na huwag nila kakong pagtatanggalin. Kinabisa ko na din isa isa ang mga OOTD nila para kung sakaling may magpanggap na isa sa amin, o di kaya ay may nagpakitang nakamaskara ay magkakaroon ako agad ng hint.

    Wala lang, gusto ko lang maka sigurado lalo't hindi maganda ang kutob ko sa pagtitipon na mangyayari. Saka ayos lang naman siguro 'tong mga palatandang iniiwan pati na ang pagme-memorize na ginagawa lalo't kaunti lang naman kaming magkakasabay.

    Kaya ganoon nalang talga ang pagsinghal ko nang makitang halos rumampa pa sa daanan si Lana kasabay ng tatlo niyang barkada!

     "You're not getting away from this Nathalie. I'm gonna keep my eyes on you." nakahaukipkip niya pang saad at kasabay noon ay ang pagdating ng isang pulang sasaknyan.

    Tuluyan nalang talagang napa awang ang labi ko nang mamukhaan 'yong isa na tumulak sa 'kin noon sa hallway kaya kamuntik na mahulog ang cellphone ko. Andoon din ang dalawa pa naming mga ka-klase at dalawa pang babaeng taga ABM na mukhang alam ko na kung ano ang ipinunta dito. Kapwa ba naman sila naka puting T-shirt na mayroong design na Ice Bear sa bandang gilid.

      Paniguradong fans club 'to ni Ivan at anong ginagawa nila dito?

    Marahas akong napabuga ng hangin dahil nag umpisa nang magtalo talo sina Rui at Lana  dahil gusto daw ni Lana na sumabay sa 'min. At kesyo hindi kami magkakasya sa van na inanatay, kung makikisiksik sila. Kaya doon nalng kako sila maki sabay sa fans club ni Ivan kung gusto nila.

     Ang kaso ay ayaw ni Lana at gusto daw niya na sa parehong sasakyan lang kami dahil babantayan niya daw kuno lahat ng kilos ko. Gusto ko na nga lang talagang sabunutan ang sarili nang dumating na rin sawakas sina Ivan at Orion.

     Lalo at magkaibang sasakyan ang dina-drive nila at sakay na ng sasakyan kung naasaan si Orion ang mga kabanda niyang sina Hope, Rath at maging si Archie na nakisabay nalang din.

    "Aaaaaaafghhj!" nasapo ko nalang ang sariling mukha at tuluyan nang napaupo sa gilid ng kalsada. Habang napaka ingay nilang lahat at kasalukuyang nagdi-diskusyon kung sino sino ang magkakasabay sa tatlong sasakyan na mayroon na kami ngayon, at kung paano kami pagkakasyahin doon.

    Bahala na sila sa buhay nila d'yan, dahil may sarili akong mga kinahaharap na problema na sa tingin ko ay mahihirapan lang ako lalo sa pagresolba. Gusto ko na nga lang ding ihambalos ang sariling ulo sa pader na kinasasandalan, ngunit natigil lang talaga nang lumapit sa 'kin si Daz at tinabihan ako sa pagsalampak sa kalsada.

    "Ayos ka lang?" nahihikab niya pang tanong, at sa unang beses sa buong buhay ko ay nagsabi ako ng totoo.

    "Hindi," seryoso kong sambit at marahang napailing.

    Balak ko na nga lang talagang magpalamon sa lupa at hindi na bumalik sa mundong ibabaw, kaya ganoon nalang talaga ang pagka gitla ko nang may iniabot sa 'king maliit na keychain sa akin si Daz. Isa itong kulay itim na pusa.

    "Para saan 'to?" kunot noong tanong ko ngunit mapakla niya lang akong tinawanan.

     "Wala lang. Since binigyan mo ako ng kulay pink na bracelet na ang disensyo ang mga maliliit na pugot na ulo ng mga mga manika, naisipan ko lang na bigyan ka din ng regalo. Exchange gift kumbaga," kaswal niyang pahayag.

    At sa kabila ng lahat ng alalahanin sa buhay at pangamba para sa posibleng panganib na mangari, hindi napigilang makapagpalabas ng isang mahinang tawa at napasinghal nalang talaga.

    "Pero ba't naman itim na pusa? Bad luck daw 'yon," tugon ko nalang.

    "Bakit ba, 'yong binigay mo nga kulay pink."

     "At mas big deal pa sa 'yo na kulay pink 'yon kaysa sa katotohanang pugot na ulo ng manika ang design?" singit naman bigla ni Rui at tumabi din kay Daz.

    Kapwa naman kami natawa nang mapagtanto ang bagay na 'yon. Ngunit maya maya pa ay halos palakpakan na namin si Rui dahil sawakas ay tinigil na niya ang pakikipagtalo kila Lana. Ewan ko ba sa isang 'yan at napaka init ng dugo do'n eh sa 'kin naman galit si Lana.

    Pero anyway, nagpatuloy nalang kami sa pag aasaran. Hinayaan ko nalang din ang sariling pansamantalang matangay sa konbersasyong mayroon kami at bahagya nalang na napangiti ng totoo.

    Kahit ngayon nalang ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 4.3K 31
Ang isang Ganster Queen ay ang inyong Manager? Anu kaya ang mangyayari? May ma iinlove ba sa kanila?
334K 10K 36
Paano kung dumating ang araw na magbago sya. Kaya nya kayang saktan ang taong nanakit at nagpaiyak sa kanya?
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
39K 1.1K 33
Meet Scarlett Davina Del Louise Grande, a woman whom everyone calls PLAYGIRL, posing as a lesbian to prevent what happened years ago but even as her...