Fri | 04:33 PM
Miles:
Ugh! Tinotoo mo nga ang chocolates!!!
Liam:
ah dumating na pala. okay naman yung laman? kumakain ka nyan?
Miles:
Tss. Are you really asking? Halos ganito yung mga type ng chocolates na pinabili ko sayo sa grocery! Hmp
Liam:
hahahaha. oo nga.
Miles:
Sabi mo wala kang money pero nag-spend ka for this! This looks expensive!
Liam:
mahal nga. pero gaya ng sabi ko sayo, may pera ako para sa ganyan. 😉
Miles:
Para sa pagganti kasi farmer ka? 😒
Liam:
para sa chocolates kasi gusto kita. 🤭
Miles:
Ugh! Gusto mo ko as in gusto ko kong pagtripan at gantihan! 😩😩😩
Liam:
gusto as in gustong kursunadahin. 🤭
Miles:
YOU'RE LYING!!!
Liam:
hahahahahaha
Miles:
😒😒😒
Liam:
di ka man lang ba kinabahan? di ka kinilig kahit kaunti? ang mahal ng gastos ko dyan, sayang naman kung walang epekto.
Miles:
How am I going to be kilig or kaba with something like this??? 😤
Liam:
hahahaha. may note yan a. wala bang kilig sa note?
Miles:
Ang cringe ng note!!! 😣😣😣
Liam:
ano ba nilagay nila? pinabahala ko sa shop yan e.
Miles:
"For someone as sweet as you." 🤮🤮🤮
Liam:
putangina, ang korni nga. hahahahahahahha
Miles:
I don't think you're the type to write notes like this. 🤧
Liam:
hahahaha. ano ba tingin mo ilalagay ko kung sakali?
Miles:
I don't know. I just know na hindi ganito ang magiging note from you. 😣
Liam:
dapat pala pinalagay ko na lang: "suhol para sa magbabayad ng SSS at Philhealth ko". hahahahahha
Miles:
Yuh, that's more like you!
Liam:
hahahahah.
Miles:
Or something like: "mahal to, i-appreciate mo, gago".
Liam:
tangina. hahahahahahahhahaha
Miles:
Tama di ba? You're more likely to say that, di ba??? 😎
Liam:
bawiin ko na ba chocolates sayo? hahahah
Miles:
Ayoko nga. Binigay mo na eh. 😘
Liam:
hahaha. ge, enjoy mo na lang.
Miles:
Yuh, cause wala kang choice. I won't give this back. 🤗
Liam:
de. ibibigay ko talaga sayo yan as housewarming gift. kaso sabi nung in-order-an kong shop, pwede raw nila lagyan ng sweet note para sa pagbibigyan ko. e sayang naman yung chance na man-trip kaya pumayag ako. hahahahah
Miles:
You know, ang lakas ng trip mo. You're bad.
Liam:
hahahahah. yung bouquet lang talaga kahapon ang pan-trip ko sayo, don't worry.
Miles:
Ginastusan mo talaga no? Grabe your dedication man-trip.
Liam:
hahahah. sorry na. walang meaning yang mga yan. housewarming gift ko yan sayo. pandagdag sa snacks mo kasi mukhang mahilig ka sa snacks.
Miles:
Yes, mahilig talaga ako. Thank you for this ~
Miles:
Sirain ko na note ah. Cause it's giving me the chills.
Liam:
hahahah. oo. pakisunog at kahihiyan ko yan. may pangalan ko pa yata yan.
Miles:
Yuhhh
Liam:
tangina. pakisunog. haha
Miles:
We'll really get along like this.
Liam:
paladesisyon ka dyan pero tingin ko rin. haha
Liam:
welcome sa Montecristo Apartments. 😁