How Many Heartbreaks?

By jiny0vng

13.6K 640 104

LOVE? Siguro ang iba sasabihin na masaya at unexplainable feeling ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Pero... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
💖👋

Kabanata 31

251 10 5
By jiny0vng

Marie's POV

Ilang linggo ko na ini- iwasan si Jones. Naks. Ganda ko. Biro lang. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Isang araw nga kinawayan niya ako tapos ako, nagmaang- maangan nalang ako na kunyari hindi ko siya nakita. I feel so rude.

Naguguluhan na ako. Wala akong matinong kausap. Paano ba naman kasi yung kaisa- isang kaibigan ko na si drea, ayun.. isa rin na wala sa sarili. Ilang araw ko na yang napapansin. May something weird sa kanya. Ayaw ko naman tanungin kasi baka problema nila yan ni Blake. Duh. Wala naman akong maitutulong kasi syempre di pa kami ayos nung tao. Alam niyo na.

Bakit ba kasi ang gulo ng sitwasyon namin? Ugh. Alam niyo kagabi bago ako matulog, naisip ko na bakit hindi ko bigyan si Jones ng chance? Sabi nga ni Drea mukhang seryoso naman daw yung tao. Okay naman sana sa akin. Yung point ko lang ayaw kong lumabas na panakip butas ko siya kay Blake. May konsensya pa naman ako.

Pero ilang linggo ko na rin hindi kinakausap si Jones. Nagmumukha na akong paasa. Inaabuso ko na yung kabaitan ng tao.

Argh. Bahala na. May tamang oras para dyan.

***

"Drea! Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Drea na kanina pa lakad nang lakad sa harapan ko.

"Ahh.. Ano? Oo. Okay lang ako. Bakit naman hindi ako magiging okay?" Tumawa siya. Pero yung tawa na pilit. Kilalang- kilala ko ang babae na ito eh.

"Kung nakikita mo lang ang sarili mo ngayon. Psh. Matatawa ka." Sabi ko.

"Bakit ba kasi Mars? May dumi ba ako sa pwet, sa mukha or what?" Pagmamaktol niya.

"Mukha kang natatae na ewan. Ano ba kasi yang gumagambala sa isipan mo? Ilang araw ka nang ganyan."

"Wala. Nevermind. Hehe." Papilit pa ang gaga.

"Pabebe kang masyado. Ano ba kasi yun?" Naiinis kong tanong.

"Last week kasi... Gabi na ako umuwi. Tapos yan -"

"ANO? MUNTIK KA NA MA- RAPE?" Tanong ko. Concern ako syempre.

"Hindi. Patapusin mo muna ako pwede? Yun na nga gabi na ako umuwi tapos yan nagtext bigla si Blake tapos binasa ko na te-"

"NA- SNATCH iPHONE 6 MO? SHET. SAYANG."

"Marie Antonette. Seriously? Makikinig ka ba sa kwento ko o ikaw na lang magtatapos ng kwento ko?"

"Sorry na. Bagal mo kasi. Bilis na nga." Sabi ko na lang.

"Nagtext si Blake na hindi daw niya ako mahahatid sa bahay kasi isinugod daw si Blaire sa hospital."

Aw. Kawawa naman yung kapatid ni Blake. Kumusta na kaya si Blake? Baka nag- aalala na yung masyado. Sana okay lang siya. Hay.

"Oh tapos?" Sabi ko.

"Edi medyo nalungkot ako syempre. Nag- abang na lang ako ng taxi. Tapos habang nag- aabang.. Tumigil yung kotse ni Zico sa harapan ko and he offered me a ride pauwi."

"Okay. So? Wait what?! Si Zico?!" Napasigaw ako pero mabuti tinakpan ni Drea agad yung bibig ko.

"Sssshhh. Oo si Zico. Tapos pumayag naman na ako kasi gabi na baka ma- rape pa ako. Yun lang naman." Sabi niya.

Yun lang naman pala eh bakit parang ilang linggo siya binabagabag nito?

"Yun lang ba talaga? Sigurado ka ba?" Tanong ko. Alam kong merong nangyari. Uy ha huwag kayong green- minded. Nangyari na pag- uusap or something.

Hindi pa siya nakakasagot sa tanong ko. Mga 15secs na. Confirm. May naganap na pag- uusap sa kanilang dalawa.

"Wala naman. Tahimik lang yung byahe naman pauwi. Medyo awkward nga eh. Hehe." Sabi niya na may halong tawa pero halatang pilit na pilit.

"Eh kung wala bakit parang ilang araw ka nang hindi natutulog? Laging sabaw ang itsura mo. Halos hindi na kita malapitan kasi nakakatakot aura mo. Tss." Sabi ko.

"Wala nga kasi." Sagot niya sa akin pero hindi man lang makatingin sa mga mata ko.

"Okay. Edi wala kung wala. Chill lang." Sabi ko na lang.

Hay nako Drea. Hindi ka talaga marunong magsinungaling. Ano ba naman yan. At saka sa akin ka pa talaga nagsinungaling. Duh? Bestfriend mo ako. Alam na alam ko ang takbo ng utak mo. Pati nga utot nyan alam ko amoy eh. Haha.

Anyways, alam kong hindi niya rin naman matitiis yang kung ano man yang bumabagabag sa kanya kaya sasabihin niya rin yan sa akin. Kailangan niya lang talaga ng time.

***

"Marie, tara snack tayo sa canteen?" Oh no. Ayaw ko nga lumabas sa room kasi baka makita ko si Jones. Ang awkward kaya! Huhu.

"Busog pa ako. Ikaw na lang or bilhan mo na lang ako? Tinatamad ako maglakad." Sabi ko at pinakita ko ang puppy eyes ko.

"Tumigil ka. Tara na kasi. Isa ka ring pabebe alam mo yun? Saka kailan ka pa tumanggi sa pagpunta mo sa canteen?" Tiningnan niya ako. Yung tingin na suspicious.

OKAY. ALAM KO ANG INIISIP NITO.

"Okay. Tara na. Fine. At kung iniisip mo na may iniiwasan ako sa canteen, wala." Sabi ko sabay tayo sa upuan at naglakad papunta sa pinto.

"Wala akong sinabing ganyan ah? Ikaw lang nag-isip nyan."

"Shut up Drea. Ugh." Wtf? Pahiya ako dun. Nakakahiya.

"Weird mo. Hahahahaha."

"Ano palang bagong pagkain ngayon sa canteen? Cheese cupcakes nanaman? Spaghetti na catsup ang sauce? Ew." Sabi ko para mawala yung awkwardness. Fudge.

"Yeeeee. Change topic siya. Hahahahahahaha." Tiningnan ko na lang siya ng masama para matahimik na siya. At salamat naman at na- gets niya yung gusto kong ipahiwatig.

"Okay. Fine. I'll stop na." Sabi niya at agad- agad nang pumila sa canteen kasi ang haba ng pila.

Syempre chineck ko ang canteen kung may bakas ng mga soccer players. Mabuti naman at wala. Utang na loob sana huwag muna sila mag- break sa practice kasi for sure dito tambay ng mga yun. Syempre awkward kasi nandito nyan sigurado si Blake... and ofcourse si Jones.

"Mars! Anong gusto mo? Orderan na kita. Huwag ka na aalis dyan sa upuan baka wala na tayong maupuan kapag pumunta ka pa dito."

Halos mapa- facepalm ako literally sa lakas ng boses ng babae na 'to. Kung makasigaw lang teh? Nandito lang naman yung table sa harap ng pinipilahan niya. Hayst.

"Relax lang pwede? Hindi ako aalis dito. Mineral lang saka waffle." Sabi ko.

"Oks."

Hayst. Habang hinihintay ko si Drea at mahaba pa naman ang pila hindi ko maiwasan na hindi isipin kung ano na ba talaga ang isasagot ko sa planong panliligaw ni Jones. Ugh. Medyo awkward yung term na "panliligaw" Hindi ako sanay na sa mga ganyan na bagay. Ano baIt. Pasensya na guys. Para kasing ang baduy or wala lang talaga akong experience.

Pero kapag si Blake kaya yung nagtanong sa akin kung pwede niya ba akong ligawan... Sasagot kaya ako sa kanya ng instant? Yak Marie. Stop thinking about him. Respeto naman sa bestfriend mo. Boyfriend yan ng bestfriend mo. Stop thinking about him.

Okay pinangaralan ko na ang sarili ko. Ako na weird.

"Hey. Okay ka lang ba? Kanina pa kita pinagmamasdan. It's time for you to spill some beans." Sabi ni drea na nakapangalumbaba sa harapan ko.

"Wala naman akong ikkwento. Duh." Sabi ko. When in fact, gustong- gusto ko na talaga siya tanungin kung magpapaligaw ba ako kay Jones or huwag na lang.

"Kilala kita. Ano na Mars? Kailan mo kakausapin si Jones? Duuuh. Ilang weeks mo na siya dinededma."

"OA ka naman sa ilang weeks. Magda- dalawang linggo pa lang naman teh." Sabi ko.

"Pareho lang yun no. Ano na ba kasi? Mind to share?"

"Okay fine. Actually, kaya ko siya iniiwasan kasi hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. HIndi ko alam kung oo ba o hindi ang sagot ko." Pag- amin ko.

"Well, that's nice to hear. Atleast there's this part of you na gustong mag- yes. Yeeeee."

"Yeee ka ng yee dyan eh. Seryosong usapan to ha. Mukha naman kasing deserving si Jones. Charot. Hahahaha." Wow ha. Nakuha ko pa mag- biro.

"Follow your heart." Sabi ni drea.

"Wow teh ha? Hugot?" Sabi ko.

"Hindi ah! Base from experience maybe?" Sabi niya. Hayst. Siya na talaga pinaka- maswerteng babae. Siya na gusto ng taong gusto ko.

"Okay. Bahala na. Baka mamaya ma- feel ko na rin na kausapin siya. Kain na muna tayo. More chika ang peg natin eh." Alok ko.

Infairness masarap yung waffle ng canteen ngayon at halatang hindi tinipid sa cheese.

"OMG! YUNG MGA VARSITIES!"

"SHET! ANG GWAPO PA TALAGA NI BLAKE!"

"JONES! HI!"

"MAS GWAPO SI ZICO HUHU"

WHAT. THE. HELL. Halos mabilaukan ako sa mga narinig ko. Pagtingin ko sa may pintuan ng canteen, confirm.

"Drea, di mo ba pupuntahan si Blake?" Tanong ko para ma- distract yung attention ko.

Walang sumasagot sa akin. Ugh. Pagtingin ko sa kausap ko, ayun isa ring ngarag na ngarag,

"HUY!!!" Sigaw ko para matauhan.

"What? Bakit ka ba sumisigaw?" Sabi ni drea na halatang gulat na gulat.

"Kanina pa kita kinakausap. Sabi ko, nandito sila Blake. Hindi mo ba pupuntahan?"

"Oo. Alam kong nandito sila. And nope hindi ko siya pupuntahan. Siya pumunta dito."

"Taray mo girl. Ganda mo eh." Sabi ko ng pabiro.

"Ofcourse." Sabi ni Drea pero napansin ko parang nag- iba yung mood ng babae na 'to.

Tiningnan ko si Blake.. I mean pati yung mga kasamahan niya. Na- divert yung attention ko kay Zico na halos tunawin na si Drea. Okay. What the hell is going on here?

Pakiramdam ko may nangyari talaga nung gabi na hinatid ni Zico sa bahay si Drea. Anyway it's none of my business kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain para ma- divert sa iba ang attention ko.

Habang kumakain ako, may nahagip yung mata ko. Sa isang table.

Si Jones.

Hindi lang si Jones. May kausap siyang babae. Tiningnan ko ang cord ng I.D.. Okay ka year level namin siya,

Wow ha. Ang saya naman ng dalawa.

Gago rin 'tong si Jones eh. Lumalandi ba 'tong lalaki na 'to?!

Pinagmasdan kong maigi ang ginagawa ng dalawa. Mukhang ang saya- saya naman ni Ate. Ano ba kasing pinag- uusapan ng dalawang 'to? Curious ako ha.

Oh shit. Wait lang. Ano ba kasing pakialam ko? Ugh. Whatever.

"Uy! Mars! Nandito pala si Jones. Ayun oh may kasamang babae." Sabi ni Drea.

"Oh talaga?" Sabi ko. Kunyari hindi ko nakita kanina at tiningnan ko ulit.

Timing pagtingin ko, yung kamay ni Ate gumagapang na sa balikat ni Jones. At itong si gago ang saya pa ha. Landi.

"Drea! Halika na sa classroom. Bilis." Sabi ko sabay tayo sa upuan ko.

"Galit teh? Mood swings?" Sabi ni Drea.

"Wtf? Hindi ako galit no. Tara na."

"Okay okay. Chill lang Mars pwede?"

Hindi ko na lang siya pinansin.

Before I knew it nakatayo na pala ako sa harapan ni Jones at nung babae na landi ng landi sa kanya.

"Ehem ehem. Excuse me miss? Pwedeng mamaya muna kayo maglandian nitong lalaki na 'to? May sasabihin lang ako." Sabi ko dun sa babae at humarap na ako kay Jones.

"At ikaw naman na malanding lalaki. Usap tayo mamaya. May sasabihin ako." Sabi ko at inirapan ko ulit yung babae.

"Okay. Ipagpatuloy niyo na paglalandian niyo. As if I care." Sabi ko at umalis na ako.

Wtf? Wtf? Nakakairita. Bwiset siya.

"Alam mo Mars.. Mukha kang nag- seselos kanina." Sabi ni Drea saka umakbay sa akin.

"No I'm not." Sabi ko.

"Eh bakit halos patayin mo na yung babaeng kausap ni Jones kanina?'

"The f? Hindi no. Sabi ko nga ipagpatuloy nila ang paglalandian kasi wala akong pakialam."

"Oo na lang Mars. Oo na lang. Ewan ko sa'yo." At iniwan na ako ng bruha.

Bakit ko ba ginawa yun? Pakiramdam ko wala ako sa tamang pag- iisip. Nainis na lang ako bigla nung nakita kong gumagapang yung kamay nung babae sa balikat ni Jones.

Weird.


***

AUTHOR'S NOTE:

Dedicated to: TineClaire07 and hahaha356 <3

Sorry sa matagal na update. Nagseselos kaya si Marie? HAHAHA.

VOTE. COMMENT. SHARE.



Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...