SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES...

Bởi KnightAncient

87.5K 3.5K 904

Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang... Xem Thêm

DISCLAIMER, SYNOPSIS & CHARACTERS:
DO NOT USE THE STORY FOR PROFIT‼️
CHAPTER 1:
CHAPTER 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21: TOKYO vs. OSAKA
CHAPTER 21/1: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 22: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 23: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 24: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 25: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 26: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 27: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 28: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 29: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 30: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 31: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 32: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 33: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 34: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 35: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 36: Tokyo Vs. Osaka
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40: Tokyo Vs. Shizuoka
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 52: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 53: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 54: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 55: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 56: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 57: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 58: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 59: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 60: Tokyo Vs. Kanagawa
CHAPTER 61: Tokyo vs. Kanagawa
CHAPTER 62: Tokyo vs. Kanagawa
CHAPTER 63:
CHAPTER 64:
CHAPTER 65:
CHAPTER 66: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 67: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 68: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 69: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 70: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 71: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 72: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 73: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 74: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 75: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 76: Tokyo vs. Toyotsu
CHAPTER 77: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 78: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 79: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 80: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 81: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 82: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 83: Tokyo Vs. Toyotsu
CHAPTER 84:
CHAPTER 85:
CHAPTER 86:
CHAPTER 87:
CHAPTER 88:
CHAPTER 89: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 90: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 91: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 92: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 93: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 94: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 95: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 96: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 97: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 98: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 99: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 100: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 102: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 103: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 104: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 105: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 106: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 107: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 108: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 109: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 109/1: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 110: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 111: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 112: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 112/1: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 113: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 114: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 115: Tokyo Vs. Akita
CHAPTER 116: Tokyo Vs. Akita [FINAL CHAPTER]
EPILOGUE:
SPECIAL CHAPTER Part 1:
SPECIAL CHAPTER Part 2:
AUTHOR'S NOTE:
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 101: Tokyo Vs. Akita

785 44 16
Bởi KnightAncient

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 101: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ang bolang hawak ni Jin mula sa pasa ni Kiyota ay dinribol niya patungo sa free throw area kung saan ito'y libre mula sa depensiba.

9 minutes at 10 seconds na lang pero nasa line of 2 pa rin ang parehong score ng kuponan. Dikit at parehong hindi magpatinag.

Pagkarating ni Jin sa free throw area ay sinalubong siya ni Itakura. Agad lumayo si Jin sa kanya dahil baka mamisikal na naman at sa ikatlong pagkakataon na banggain niya si Jin ay baka magkabad reaction na ang katawan.

Nagpose si Jin para pumuntos ng tres.

"SA LIKOD MO JIN!" sigaw ni Sendoh na ikinalingon niya.

Nakita niya si Kishimoto na patakbong lumapit sa kanya.

"FIRE DA HOLEEEEEEEE!" Mala tarzan na sigaw ni Kiyota at pasalubong niyang binabagan si Kishimoto dahilan para magsalpukan ang dalawa.

Tikbalang laban sa Taong-gubat.

Akmang tatamaan ni Itakura ang pulsuhan ni Jin para mabitawan ang bola nang biglang nagswitch si Hanamichi sa lugar ni Jin.

"SWITCH YUN AHH!"

"ANG BILIS!"

Agad nakalayo si Jin sa lugar niya sa free throw lane nang mabilis nakipagpalit si Hanamichi sa kanya.

Nagpose ulit si Jin at wala ng paligoy-ligoy na shinoot ang bola.

*Shoot!*

Unang pumasok ang bola bago pa man ang...

"KILLER EYE!"

*BLAAG!*

Napapito ang Referee sa nangyari.

"CHARGING FOUL! BLACK NO. 11!" sabi ng Referee sabay turo kay Kiyota.

Tinaas ni Kiyota ang kamay niya at napangisi dahil nasalpok niya si Kishimoto kaya napaub-ob ito sa sahig.

Klaro ang nangyari unang pumasok ang tira ni Jin bago tuluyang nasalpok ni Kiyota si Kishimoto.

"KIYOTA NICE KILLLLLL!" Proud na sigaw ni Muto.

"TULUYAN MO NA YAN MATSING!" pangkukunsinti pa ni Koshino.

"Grrrrr... Mga bwisit! Bwisit ka Matsing ng Kainan! Mandaraya ka!" lintya ni Kishimoto sa nakangising mukha ni Kiyota.

Sumipol na lang si Kiyota. "Lamaw ka, pinaparinggan mo lang yung sarili mo."

Nilapitan ni Hanamichi si Kiyota at nag-apiran ang dalawa.

"Nice Tres, Jin!" puri ni Sendoh.

"Salamat sa dalawang yun." tinuro ni Jin si Hanamichi at Kiyota.

"Dalawa na ang foul ni Kiyota." sabi ni Maki.

"Walang problema, wag lang si Sakuragi. Kundi tapos ang pagiging Aspirant MVP niya." katwirang sagot ni Sendoh.

Ang 26 score ng Tokyo Team ay naging 29 dahil sa tres ni Jin.

Tumayo si Kishimoto sa pagkaub-ob at paika-ikang naglakad. Nanakit ang kaliwang binti niya dahil na rin sa pag-apak ni Kiyota sa kaniya.

Nabubwisit siya kay Kiyota ng sobra.

"Kung nandito ka lang sana Minami, kanina pa sana namatay yung Matsing at ang Unggoy na yun." dismayang sabi niya.

Ang bola ay binigay sa kuponan ng Akita.

Hawak yun ni Matsumoto.

Si Coach Zakusa naman ay may napansin ulit sa laro ng Akita.

"Fujima." tawag niya dito.

"Bakit?"

"May napansin kaba sa mga starting players ng Akita?"

"Alin dun?"

"About injuring the opponents. Hindi mo ba napapansin na ang dating Toyotama lang ang nagpapadisgrasya sa players natin?"

Agad napagtanto ni Fujima ang sinasabi niya. "Oo nga noh..."

"At saka hindi mo ba napapansin na yung dating taga Sannoh ay tamang puntos lang sila at yung dalawang Toyotama na kasama nila ay tagapigil at tagatalsik ng mga shooter." sabi ulit ni Coach Zakusa.

"Sa madaling salita ang may malinis na laro sa kanila ay ang tatlong players mula sa Sannoh na sina Fukatsu, Matsumoto at Masashi." sabi rin ni Fujima.

"Ganun na nga. Kapag ang dalawa sa tatlong former Sannoh Players ay pinalitan din ng Toyotama. Sigurado... Mapapasubo ang Team natin. Mas lalong makakaroon ng disgrasya at may isa na naman players natin ang hihimlay sa stretcher." wika ni Coach Zakusa na parang kutob niya ay mangyayari yun.

"Kung nagkataon na mangyari yun. Anong gagawin mo? Coach Zakusa?" tanong ni Fujima.

"Kung mangyari man yun. I have an option naman. Ipapasok ko sa loob ang lahat ng Centro natin at gagamit tayo ng 2-man-team. Ang mga 200+ centimeters height players natin ang ipangtapat ko kung sakaling dadagdag sila ng Toyotama players sa loob." sagot ni Coach Zakusa saka tingnan ang dalawang bangkong players ng Akita Team na nagmula din sa Toyotama.

Sina Mitsuaki Iwata na Centro at Kyohei Yajima na isang point guard.

Ramdam ni Coach Zakusa na hindi malayo na ang laro nila ay katulad kina Kishimoto at Itakura.

Natigilan ang lahat nang pumito ulit ang Referee.

"SUBSTITUTION! AKITA TEAM!"

"What!" Coach Zakusa

Nanlaki ang mga mata niya kung sino sa Akita Team ang Tumayo bilang substitution.

Naghiyawan ang Akita Audiences nang makita nila na ang substitution ay si...

"WOHOOOOOO!

IWATAAAAA!

IWATA!

IWATA!" sigawan nila.

Umawang ang bibig ni Coach Zakusa.

Dagdag Centro para sa line-up ng Akita Team. Ang kasalukuyang Top 1 Center na si Masashi ay kasama ngayon ang malatangke de gyera na anyo na si Mitsuaki Iwata. May tangkad itong 212 centimeters na parehong height ni Coach Zakusa at Yuki.

"Patay tayo dito." sabi ni Yuki.

Nilapitan ni Iwata si Matsumoto.

"Ako daw muna dito, kailangan ka pa ni Coach Kawarama sa 2nd-half." sabi nito.

Tumango naman si Matsumoto.

"Naiintindihan ko." binigay niya kay Iwata ang bola.

Pinasa naman ni Iwata ang bola kay Masashi. Ang magkumpareng bakulaw na gorilya.

Samantala si Hanamichi ay napalunok sa kinatatayuan niya. Dalawang centro na ang kanyang haharapin. Napatingin siya kina Jin at Sendoh kung alin sa kanila ang pwedeng magbantay sa Iwata na ito.

Tiningnan siya ni Sendoh at tumango.

Medyo nakahinga ng maluwag si Hanamichi pero nag-aalala pa rin siya. 208 centimeters ang height ni Sendoh laban kay Iwata na nasa 212. Hindi na masama, hindi tulad niya na matangkad ng sampung sentimetro si Masashi kaysa sa kanya. May tiwala siya kay Sendoh na kaya niyang tapatan ang Centrong Toyotama na ito.

Ang mga Company Coaches naman ay nadadala na sa intense moment sa loob ng court.

8 minutes at 55 seconds pang natitira sa first-half.

Ang ibang mga company Coaches ay naiinip na may halong bilib. Naiinip, dahil napakaunti pa lang ng score sa ilang minuto na lumipas. Bilib, dahil napakahusay ng parehong kuponan sa depensa para pigilan ang pagpuntos ng kalaban.

Ang bola ay hawak ngayon ni Masashi. Pumito ulit ang referee, kailangan na nilang ituloy ang laro.

Walang pasabing dinribol ni Masashi ang bola patungo sa kanilang half-court. Si Iwata naman ay kumilos na din.

Agad gumawa ng formation defense ang Tokyo Team.

Naghiyawan ulit ang Akita Audiences nang makita nila ang kilos ni Iwata sa loob ng court.

"ANG BILIS NIYA!"

"GRABEEEEEEE!"

Nanlaki ang mga mata ni Yuki sa abilidad nito. "Ang bilis niya..."

Samantala si Sendoh ay nakaramdam na ng alanganin dahil sa pagpasok ni Iwata. Napaisip siya. Hindi niya alam kung kayang pigilan ni Hanamichi si Masashi at Iwata ng sabay. Ang bilis ni Iwata ay maihahalintulad sa bilis ni Hanamichi sa loob ng court.

Sa loob ni Sendoh ay hindi niya hahayaang mangyari yun gayong magkakampi na sila ni Hanamichi sa isang kuponan. Iba nung mga araw nila sa high school. Kailangan niyang tulungan at protektahan si Hanamichi dahil baka siya na ang sunod hihimlay sa stretcher.

Napayukom ng kamao si Sendoh nang maalala niya ang natamo ni Fukuda mula kay Kishimoto. Hindi niya akalain na ang dating karibal niya sa Ryonan Team ay hahantong sa ganung kalagayan.

At sa Final Match pa talaga naganap.

Talagang hindi biro ang babala ng Kanagawa Team sa kanila noon. Digmaan ang magaganap kapag nakipagsagupaan na ang Team nila sa Akita.

*Pak!*

"ANG GALING!" biglang sabi ni Takasago.

"NICE INTERCEPTION, SENDOH!" sigaw ni Koshino at ng iba pang mula sa Ryonan Team.

Hawak ni Sendoh ang bola at agad niyang dinribol yun palayo sa dalawang centro ng Akita. Lamang ang Tokyo Team ng apat na puntos mula sa Akita Team. Goal ng kanilang kuponan na makalamang sila atleast 10 points para sigurado na ang panalo nila.

"BILISAN MO SENDOH!" sigaw ni Ikegami nang makita niyang palapit na si Iwata sa gawi niya. "MAG-IINGAT KA!"

*Pak!*

Naabutan agad ni Iwata si Sendoh. Ang pagkapalpal ng bola ay hinaluan ng pwersa kaya ang kamay ni Sendoh ay biglang nanginig.

Tumilapon ang bola papunta sa gilid ng court na sakto namang nakuha ni Fukatsu.

"Fastbreak!" sigaw ni Fukatsu.

Agad bumalik sa kanilang half-court ang kanyang mga kakampi.

Samantala si Sendoh ay sumunod agad para dumepensa.

Hindi niya maibukas-sara yung kanang kamay niya. Ang kanang kamay niya kung saan ginagamit niya sa pagsoshoot. May namumuong kaba sa loob niya. Hindi niya maigalaw ng maayos ang kanyang kamay.

At hindi man lang nakita ng Referee yun. Ang husay ni Iwata, malinis ang kanyang pandaraya.

"May problema ba, Sendoh?" tanong ni Jin sa kanya.

"Bilis, depensa! Wag niyo'kong pansinin!" sabi agad niya.

Napatingin si Hanamichi sa kanya. Ang takbo ni Sendoh, medyo umiba. Dumapo ang tingin niya sa kanang braso ni Sendoh na para hindi niya maiwayway ng maayos habang tumatakbo.

Mabilis na nakarating sina Masashi at Iwata sa ilalim ng ring. Si Maki ay hindi niya maiwanan si Fukatsu, dahil kapag ginawa niya yun ay hahakot ito ng tres puntos. Si Kiyota naman ay mahigpit nang dinepensahan ni Kishimoto upang hindi makaresbak kay Hanamichi kapag pumunta ito sa ilalim ng ring. Si Jin naman ay binabagan ni Itakura, kapag nagpumilit si Jin na makalusot ay hindi malayong sadyain ni Itakura ang planong balian ito ng paa para hindi na ito makabalik para maglaro sa court. Si Sendoh naman ay hindi parin maigalaw ng maayos ang isang kamay.

Nasa kumplikadong sitwasyon ang kuponan nila ngayon. Kapag nagpabaya ay pupuntos ang kalaban, kapag pumwersa naman ay may hihimlay.

Alam ni Coach Zakusa, Yuki at Muzaka ang pattern ng laban sa court. Mababaliw sila sa kakaisip. Ang suporta ng Nagoya Toyotsu, Kanagawa Alphas at Osaka Evessa ay nasa kuponan ng Tokyo Black Samuraiz.

Tanging si Hanamichi na may maayos na kondisyon ang nakahandang humarap sa dalawang centro.

Sa loob ni Hanamichi ay masasabi niya na kaya niya ang dalawang magkumpareng bakulaw na gorilya. Pero hindi siya sigurado sa kung kaya ng katawan niya.

Dalawang higante ang haharapin niya.

Pagkarating ni Hanamichi sa ilalim ng ring ay sabay siyang hinarap nina Masashi at Iwata.

"GRABEEEE ANG TITIKAS NILA!" kinakabahang sabi ni Mito.

"Si Hanamichi, parang tuta sa harapan nila." sabi ni Takamiya.

"Delikado si Hanamichi." Ohkusu

"Ang dumi nila maglaro, hindi patas. Basta manalo lang." maktol ni Noma.

Ang bolang hawak ni Fukatsu ay minadaling niya shinot dahil muntikan nang maagaw ni Maki sa kanya.

Ang bola ay nasa ere. Si Masashi at Iwata ay naghanda para sa rebound. Paglapit nito ay tumama ito sa backboard at tumalbog sa ring.

Mataas ang pagkakatalbog ng bola na pareho nilang hindi maabot kahit si Hanamichi, kaya naghintay sila ng tamang tyempo para makababa ang bola na saktong maabot nila.

"Ano!" napatayo si Coach Zakusa.

Kinorner ni Iwata at Masashi si Hanamichi para hindi ito makakuha ng rebound. Paipit nilang dinepensahan si Hanamichi upang hindi ito makagalaw ng maayos.

Nagpupwersahan silang tatlo.

Paabante ang pwersa ni Hanamichi at gusto niyang itulak si Iwata na nasa harapan niya parang baboy na gumulong-gulong.

Nabubwisit si Hanamichi sa dalawang bakulaw na gorilyang ito.

Ang mga Company Coaches lalo na ang Head Coach ng national federation na si Coach Tanjiro ay nakatuktok sa galaw ni Hanamichi sa court.

"Anong gagawin mo ngayon, munting Sakuragi?" tanong niya.

"Grrrrr..." pinipilit ni Hanamichi na makawala sa depensa ng dalawa.

Bumaba ang bola mula sa mataas na bahagi ng ere.

Unang ttumalon si Masashi para abutin ang bola. Sumunod din si Hanamichi pero bago ito tumalon ay inapakan ni Iwata ang liston ng kanyang basketball shoes dahilan para mahuli ito sa pagtalon mula sa dalawa.

"Naiwanan si Sakuragi!" nag-aalalang sabi ni Mari.

Ang tatlong reboundant ay parehong nasa ere.

Kahit huling tumalon si Hanamichi ay mas mataas parin ang talon niya kumpara sa dalawang bakulaw na gorilya sa harapan niya.

"SIGE, SAKURAGI!" sigaw ni Akagi at ng iba pang dating Shohoku Team.

*Pak!*

Nagtagumpay pa rin si Hanamichi na nakuha ang bola.

Hindi makapaniwala si Masashi at Iwata nang makuha parin niya ang rebound.

Naghiyawan ang mga tao.

"WHAAAAAAAAAHHHH!

SAKUREDHORSE!

SAKUREDHORSE!"

"Nakakamangha, kahit anong babag namin sa kanya. Nakukuha niya parin ang rebound! Ang lakas niya." manghang sabi ni Coach Kawarama.

"Siya daw kase ang HARI NG REBOUND." sabi ni Mikio.

"Ilang buwan niyang self-proclaimed yan?" tanong ni Coach Kawarama.

"Buwan? Simula first year high school pa lang coach. Palagi niyang sinasabi na siya ang Hari ng Rebound. At hindi siya nabibigong ipakita yun." katwirang sagot ni Mikio na parang kaibigan ang turing kay Hanamichi.

Ang bolang hawak ni Hanamichi ay pwersang pinasa kay...

"Sendoh!" sigaw niya dito sabay hagis ng bola.

Napatingin ang lahat kay Sendoh.

"Libre siya... Pigilan niyo, pyon!" sigaw ni Fukatsu.

Hindi maigalaw ni Sendoh ang kanang kamay niya kaya.

"Teka, ano?!" tumaas ang isang kilay ni Fujima nang dinribol ni Sendoh ang bola gamit ang kaliwang kamay.

Ang klase ng pagdribol ni Sendoh gamit ang kaliwang kamay ay kasing husay sa pagdribol ni Fujima.

Kahit si Iwata ay nagulat din. Hindi niya akalain na kaya paring maglaro ni Sendoh ng normal kahit napuruhan ang isang kamay.

Nakarating agad si Sendoh sa 3-point left area na walang kahit sino ang nakasunod sa kanya.

Agad niyang shinoot ang bola gamit ang kaliwang kamay.

*Shoot!*

"AYOOOOOOOOSSSS!" hiyawan ng mga tao.

Niyukom ni Sendoh ang kanyang kamao at nag victory sign kay Hanamichi. Ganun din ang ginawa nito.

Samantala si Iwata. "P-pero... Imposible---"

Ngising tiningnan ni Sendoh si Iwata nilapitan niya ito na nakatayo ngayon sa free throw area. May pinaalala si Sendoh sa kanya na isang bagay.

"Hindi mo'ko nadali sa simpleng pambalibag mo sa kamay ko. Kahit ang kaliwang kamay ko o pareho pang nakapiring ang aking mga mata ay kaya ko paring pumuntos. Wag mong kalilimutan na ako parin... Ang SUPER ACE PLAYER ng College Matches." sabi ni Sendoh sa kanya saka ito tumakbo para bumalik sa depensa.

Nag apiran sila ni Hanamichi.

"Kamusta ang pagrebound Sakuragi?" tanong niya.

"Nakakabanas sila." sagot nito.

"Mga prehhh!" singit ni Kiyota sa kanila.
"Hindi ko na kaya... Gusto ko nang isa-isahin 'tong kalaban natin. Ayos lang kung mafoul-out ako." dagdag pa nito.

"Hindi pwede Kiyota." singit din ni Jin sa kanila.
"Isa lang ang misyon mo dito sa court. At yun ay ang pahimlayin sa stretcher si Kishimoto."

"Seryoso ba yan?" ngising tanong ni Kiyota na tila gusto niya ang kanyang napakinggan.
"Gusto ko yan."

"Pagkatapos ni Kishimoto ay isusunod natin si Itakura at siguraduhin nating hindi na sila makakabalik pa sa court." sagot ni Jin.

"Bakit pa natin sila Iisa-isahin kung pwede namang pagsabayin?" Hanamichi

"Sang-ayon ako dyan." ngumiti si Sendoh.

"MGA SIRA ULO! NASISIRAAN NA BA KAYO NG BAIT?" suway ni Maki sa kanila. "Hindi ko alam... Pero para kayong mga takas sa mental sa mga pinagsasabi niyong yan! Balik sa depensa!" pamumukaw pa ni Maki sa utak nila.

Tila bumalik sa katinuan sina Sendoh at Jin.

"Hey, Joke lang yung sinabi ko." sabi agad ni Jin saka tumakbo palayo.

"Ako din, hehehe. Ang bait ko kaya." kinamot na lang ni Sendoh ang kanyang pisngi at tumakbo na rin.

Samantala si Hanamichi at Kiyota. "Mga bwesit 'to ah."

Dahil sa tres ulit ni Sendoh ay nadagdagan ang puntos nila. Mula sa 29 points ay naging 32 points na. Samantala sa Akita Team naman ay 25 points pa rin.

Dahil sa intense na pangyayari sa court ay may narealize si Fukatsu. Napasabi na lang siya sa kanyang isip.

Ang isip niya bilang dating Team Captain ng malakas na kuponan ng high school, ang Sannoh Team.

Ang mga tagumpay nila noon na hango sa kanilang totoong kakayahan.

"Kahit anong pandaraya ang gawin para mapigilan ang kalaban,
Mananaig parin ang may tunay na kakayahan,
Ang sikap sa pagtitraining at hindi dinadaan sa dahas,
Ay siguradong magtatagumpay hanggang wakas." - Fukatsu

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

95.4K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
206K 1.4K 200
Listen to your favorite song while reading with this Song Lyrics
19K 622 61
Hindi pala dapat dinadaan ang pag-ibig sa gayuma at kung talagang mahal ka niya hindi mo na kailangan ng hokus pokus mapasaiyo lang siya dahil siya n...
5.9K 139 153
Ang cinquain ay isang uri ng tula na may limang taludtod. May syllabic pattern ito na 2-4-6-8-2 at word pattern na 1-2-3-4-1. Kadalasan, wala itong t...