SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES
CHAPTER 96: Tokyo Vs. Akita
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Dahil sa apat na puntos na nagdagdag sa Tokyo Team ay tumawag ng Time-out ang Coach ng Akita Team.
(Buzzing...)
"CHARGE TIME-OUT! AKITA TEAM!" anunsyo ng Referee.
"Ayos!" tuwang sabi ni Hanamichi.
Ang Akita Team Players naman ay tingnan ang Coaching Box nila at doon nakatayo ang kanilang Coach.
"Unang time-out ay mula sa Team natin. Nice one din 'tong si Coach." maktol ni Kishimoto at naglakad na sila patungo doon.
Ganun din ang Tokyo Players.
Nagbulungan naman ang mga manonood dahil ito ang kauna-unahang beses na unang tumawag ng time-out ang napakalakas na kuponan tulad nila.
Nagulat din si Coach Zakusa dun.
"Masyado atang maaga 'tong si Coach Kawarama?" tanong niya.
"Panibagong taktika siguro ang sasabihin niya." sagot ni Fujima.
"Nice game sa inyo mga boys! Nauuhaw ba kayo? Parang hindi ah?" pang-aasar ni Mari.
"Ang husay ng ginawa mo, Sakuragi. Nakakamangha!" tuwang sabi ni Haruko sabay abot ng malamig na tubig.
Ngiting tinanggap ni Hanamichi ang tubig.
"Ganyan magtrabaho ang isang Henyo, Haruko. Nyahahaha!" tawa nito.
Ngumiti lang si Haruko.
Tingnan naman ni Hanamichi si Coach Anzai na nasa Tokyo Audience Area.
"Tatang!" tawag niya dito matching kaway-kaway pa.
Kumaway pabalik si Coach Anzai, ganun din ang dalawang Coach.
"Aba, ayos. Nandito si Coach Taoka at Coach Takato." nakangiting sabi ni Sendoh.
"Galingan niyo palagi! Dapat kayo ang manalo sa laban na'to!" sigaw ni Coach Taoka sa kanya.
"I-checheck ko yan!" sulpot ni Hikoichi na muntik nang ikinatake ng puso ni Coach Taoka.
Binulyawan niya ito.
"Pambihira kang bata ka! Kailan ka pa dyan?!!"
"Sorry na Coach Taoka, namiss ko lang kayo."
"Nagdadahilan ka pa."
Napatingin ang lahat ng Tokyo players nang pumalakpak si Coach Zakusa.
"Kailangan na nating sulitin ang pagkakataong ito para sa gagawing depensa." sabi nito sa kanila sabay kuha ng court board na nasa tabi niya.
Pinakita niya kina Maki ang mga minarkahan nya sa ilustrasiyon.
Mabilisang discussion ang ginawa ni Coach Zakusa, mabuti naman at nakuha ng starting players ang mga pinagsasabi niya.
"Areglado?" tanong niya sa mga players.
"Oo!!!" sagot nila.
Tiningnan naman ni Coach Zakusa si Jin. "Kamusta ang katawan mo, Jin? Dalawang beses ka nang binangga ni Itakura, wala bang masakit sayo?"
Umiling naman si Jin.
"Wala naman. Salamat sa white pads na suot ko."
Binaba ni Jin ang black pads na suot niya at doon lumantad sa harapan nila ang nakatagong white pads. Malaki ang tulong ng white pads para sa isang player dahil ito ang magsisilbing pananggala para hindi magkainjury ang isang player.
Tinawag naman ni Coach Zakusa si Hanamichi na kumakaway parin kay Coach Anzai.
"Malinaw ba yung mga diskusiyon ko, Sakuragi?"
Tiningnan naman siya ni Hanamichi. "Alin dun?"
Napahilamos na lang ng mukha si Coach Zakusa.
Pumito ulit ang referee tanda tapos na ang time-out. Bumalik na ang mga players sa court.
Kanya-kanyang cheer naman ang mga tao sa loob ng gymansium.
"AKITA!
AKITA!
AKITA!"
"TOKYOOOOOOOO!!!"
Walang paligoy na sinimulan agad ng Akita Team ang opensa.
Hawak ni Matsumoto ang bola patungong shooting-guard area.
Nagsikalat naman sa defense zone sina Hanamichi para pigilan ang opensa nila. Ang umatake sa loob ay si Kishimoto at Itakura, ang nagpaiwan naman sa labas si sina Masashi, Fukatsu at Matsumoto.
Si Hanamichi na nakatayo sa ilalim ng ring ay balak na lumipat ng puntos upang pigilan si Masashi na nasa outer area.
Nang pinasa ni Matsumoto ang bola kay Masashi ay mabilis na umalis sa pwesto si Hanamichi at pumalit agad sa loob sina Jin at Fukuda.
Nang masalo ni Masashi ang bolang pinasa ay agad itong pumuntos ng tres bago pa siya naabutan ni Hanamichi.
*shoot!*
Naghiyawan ang mga taga-suporta nila.
"AYOOOOOS AKITA TEAM!" Cheer nila.
(Score: 15 minutes at 7 seconds
Akita Team: 11
Tokto Team: 14)
Mabilis na nagsitakbuhan sa defense zone ang players ng Akita Team at nagplano para sa gagawing depensa.
Ang bola ay nakuha ni Fukuda.
Tumakbo patungo sa half-court sina Maki upang abangan ang bola. Ang seperate silang lima at ginawa ang 1-3-1 set.
Ang depesang ginawa naman ng Akita Team ay 2-3 offense tactics.
Dinribol ni Fukuda ang bola patungong power forward area kung saan makakatagpo niya si Hanamichi.
Nagsipuntahan naman sa Center area, Small-forward at Point-guard at shooting-guard ang iba.
"PUNTOS TOKYO!'
Pagkarating ni Fukuda sa Power-forward area ay shinoot niya ang bola.
*Pak!*
Sumulpot si Kishimoto sa harapan niya at naagaw ang bola sa pamamagitan ni Itakura na nasa likuran lamang at nakasunod sa galaw ni Kishimoto.
Si Itakura ang may hawak ngayon sa bola.
Mabilis na nagsipalit ng pwesto sina Hanamichi para sundan ang umuupensa.
Pagkasunod ni Hanamichi ay nagulat siya nang babagan siya nina Masashi at Matsumoto. Kaya malayang nakagalaw sa loob ng area sina Kishimoto at Itakura.
Pagkalapit ni Itakura sa ring ay nagjumpshot ito.
*Shoot!*
Naghiyawan ulit ang manonood dahil puntos na naman para sa kuponan nila.
Ang 11 score ng Akita Team ay naging 13 score na. Isang punto na lang ang hahabulin nila.
Nabahala ulit ang Tokyo Team baka makahabol na naman sila.
Napapikpik na lang sa upuan si Coach Zakusa.
"Ang dali makahabol ng Akita team na'to." mahinang sabi niya.
Pagkatapos mashoot ng bola ay agad kinuha ni Jin ang bola at pinatalbog. Bago siya gumawa ng hakbang ay tingnan nya ang buong paligid.
Ang Akita Team naman ay nag zone defense, isang depensa na walang makakapasok sa loob at kayang pigilan ang panglabas na tira.
Napaismid si Jin. "Ang lakas maka Zone Defense ng mga taong 'to."
Agad pinasa ni Jin ang bola kay Maki.
Pagkasalo nito ay mabilis namang nagdribol si Maki papasok sa kanilang half-court. Parehong pumunta sa magkabilang bahagi ng half-court sina Fukda at Sendoh para abangan ang pasa ni Maki. Samantala sina Hanamichi at Jin naman ay tumungo sa rebounding area.
Naiwan sa ilalim ng ring sina Masashi at Kishimoto para sulubungin ang dalawang Centro ng Tokyo.
Sa labas ng court, kaharap ni Maki si Fukatsu, si Fukuda kay Matsumoto at kay Sendoh naman si Itakura.
Si Sendoh ulit ang nagbantay kay Itakura.
(bouncing...)
*Pass*
"Pinasa niya..." sabi ni Fukatsu sa isip.
Nasalo naman ni Sendoh ang bola.
Itinaas naman ni Itakura ang kamay niya para hindi makalusot ang bola.
Pero shinoot parin yun ni Sendoh kahit alanganin. Kaya ang bola ay nasa mataas na bahagi ng ere.
"Rebound!" sigaw ni Sendoh.
Naghanda naman sina Masashi at Hanamichi.
Humakbang si Hanamichi para abangan ang bola nang harangan siya ni Masashi.
"Hindi ka makakalapit." Masashi
Pinilit ni Jin na makalusot siya sa depensa kaso parang ayaw siyang payagan ni Kishimoto. Bawat galaw nito para makalusot ay hindi nya magawa dahil sa higpit ng depensa.
Kaya si Hanamichi at Masashi ang inasahan ng parehong kuponan na kukuha ng rebound.
Nag pwersahan ang dalawa sa ilalim ng ring upang makuha ang bola kapag tumama na ito sa ring.
"HANAMICHIIIIIII!!!" sigaw ng apat na Ungas.
"Kunin Mo! Masashi!" Coach Kawarama
Pagkalapit ng bola sa ring ay tumama ito sa pagitan ng backboard.
Nang tumama ito ay sabay silang tumalon para paunahan sa pag-abot ng bola.
Parehong malaki, malakas at matibay na reboundant na humahangad na makuha ang bola.
Nagtataasang kamay na pilit inaabot ang bola mula sa pinakamataas na bahagi nito na para bang isang parangap na gagawin ang lahat para maabot lang ito.
Napangisi si Masashi at agad dinakma ang bola.
*PAK!*
Si Masashi ang nagtagumpay.
Natigilan si Hanamichi sa kanya.
Pagkakuha ni Masashi sa bola ay agad nya namang pinasa kay Kishimoto na siya namang ipinasok agad sa ring.
*Jumpshot!*
Naghiyawan ulit ang mga manonood.
"AYOS AKITA! GANYAN NGAAAAA!"
"PUNTOS NA NAMAN AKITA!"
Ang 13 points ng Akita Team ay naging 15 points. Ngayon lamang na sila ng 1 point sa Tokyo Team.
Hindi ininda ng Tokyo Team ang sunod-sunod na tira ng Akita Team. Nanatili parin silang kalmado.
Pagkatapos mashoot ni Kishimoto ang bola ay kinuha yun ni Fukuda.
(dribbling...)
Habang nagdidribol si Fukuda ay pinagmasdan niya ang buong lugar kung nasaan ang mga kasamahan niya at nakita niya si Maki na libre na nasa kanang bahagi ng court.
"Maki!" nag bounce pass naman ito.
Natanggap naman yun ni Maki at pinagpatuloy ang opensa.
Sinalubong siya ni Fukatsu pero pinatalbog niya ang bola sa ilalim nito na sakto namang nakuha ulit ni Fukuda na kasunod niya. Nagdribol ito papunta sa shooting guard area para ipasa ito kay Sendoh.
Pagkarating niya.
"Sendoh!" tawag ni Fukuda sa kanya saka agad pinasa ang bola.
Nakuha naman yon ni Sendoh saka nagshoot agad. Pero biglang sumulpot sa harapan niya si Itakura.
Pagkababa niya sa sahig. "REBOUND!" sigaw niya sa mga 'to.
"OO!!" Hanamichi
Agad nagsipwesto sina Kishimoto at Masashi sa ilalim ng ring para abangan ang rebound, samantala si Hanamichi ay mabilis nang tumatakbo papunta sa gawi nila.
*Tssssskkk!*
Tumama yong bola sa gilid ng rim at tumalbog ito ng napakataas.
"Rebound!!" Maki/Fukatsu
Sabay nilang inabot ang bola pero...
"NANDITO ANG HARI NG REBOUND! SI SAKURAGI!" sabi niya habang sakop na ng mga kamay niya ang bola.
Nagsihiyawan na naman ang buong gymnasuim.
"YAHOOOOOO SAKURAGI!!
HARI NG REBOUND!!"
"HANAMICHI!!!" sigaw ng apat na Ungas.
Nang makuha ni Hanamichi ang bola, pagkababa niya sa sahig ay nakita niya si Sendoh na libre sa 3-point area.
"Sendoh pasok!" sigaw ni Hanamichi sa kanya saka pinasa ang bola.
[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]