My Lost Husband (Cousinhood S...

By HanjMie

603 5 1

Cousinhood Series 4: My Lost Husband Written by: Ji Mie Han (HanjMie) Ashley Cortez has everything in life. S... More

Chapter Spoiler
Questions
CHAPTER SPOILER TWO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
MLH THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
SPECIAL CHAPTER: LOST MEMORIES

CHAPTER TWENTY-THREE

4 0 0
By HanjMie

🌷🌷🌷

INILAPAG NI TITA IVY ang isang basong orange juice. Ngumiti siya sa matanda bago iyon kinuha. Umupo naman sa pang-isahan si Tita at nakangiting hinarap siya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Lorenzo. Anong nais mong itanong sa akin?"

Inilapag niya ang baso pagkatapos uminum ng juice. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Tita, totoo bang may pinsan kayong ang pangalan ay Paulo Rei Cortez?"

Natigilan si Tita Ivy pero agad din naman itong nakabawi. "How did you know about Paulo?"

"M-my Dad told me."

Ngumiti si Tita Ivy. "Akala ko talaga ay hindi na sasabihin sa iyo ni Renzo ang tungkol sa pinsan ko. Buong akala ko ay ibabaon na lang ang lahat sa limot."

"Sinabi ng ama ko dahil nalaman na niyang nagpakasal ako kay Ashley. I told him."

"You are so brave, Lorenzo. I guess you already know about your mother's affair with my cousin."

"Noong una ay hindi ko alam kung sino. Hindi naman kasi sinasadyang marinig ko na sinusumbat ng aking ama ang pakakaroon ng ibang lalaki ni Mommy. I didn't know it was your cousin." Yumuko siya.

"Kung sakali bang nalaman mo ng mas maaga. Liligawan mo ba si Ashley?"

Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Tita Ivy dahil sa sinabi nito. May ibig sabihin ang mga tingin nito sa kanya. Tumikhim siya para alisin ang humarang sa kanyang lalamunan. Hindi siya umiwas ng tingin sa matanda.

"Maybe but..." Yumuko siya at naalala ang unang pagtatagpo nila ni Ashley. "... if my heart falls to her. Susundin ko pa rin ang puso ko. Ashley... Ashley is my happiness, Tita. She brought the best in me. Binago niya ang pananaw ko sa pag-ibig. I'm not a perfect man for her. Marami akong babaeng niluko at sinaktan pero binigyan niya pa rin ako ng pagkakataon na mahalin siya at mahalin niya. Alam kong hindi ako ang nararapat kay Ashley. She deserves the best and it's not me but still, she gives me love that I don't know at first. She is my everything in this world."

Nakatingin siya sa mga mata ng matandang Cortez habang sinasabi ang mga salitang iyon. Iyon ang totoong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. He is very in-love with Ashley. At hindi siya nagsisisi na ibinigay dito ang kanyang puso. Mahal niya ito at handa siyang iwan ang lahat para sa kasayahan niya.

"I'm happy to hear that from you, Lorenzo. Ngayon ay panatag na ako na magiging masaya ang pamangkin ko sa piling mo. I want Ashley's happiness. It all matters to me." Iniabot ni Tita Ivy ang kanyang balikat.

Gumanti naman siya ng isang magandang ngiti. Tita Ivy has this vibe that he can't explain. Napakagaan kasi ng loob niya sa matanda. When she comes to his wedding and told him to take care of Ashley, he feels not threatened. It's like he has a mother who reminds him.

"Lorenzo, whatever happen between my cousin and your mother. Hindi niyo kasalanan ni Ashley. Wala kayong kinalaman doon. Hindi kayong dalawa ng pamangkin ko ang magbabayad sa kasalanan ng matatanda. Tandaan niyo ni Ashley. I'm here for both of you."

"Thank you, Tita. Ang totoo niyan kaya po talaga ako tumawag at nakipagkita sa inyo dahil may nais akong itanong," aniya.

"Ano iyon?"

"A-alam niyo ba kung anong nangyari kay Mommy at T-Tito Paulo?" He wanted to know something. At alam niyang ang mga ito lang ang makakasagot.

Hindi nakapagsalita ng ilang sandali si Tita Ivy. Tumingin lang ito sa kanya ng mataman at pinag-aralan ang kanyang mukha. Alam niyang binabasa nito ang emosyon sa kanyang mga mata. Mamaya pa ay ngumiti ito.

"To be honest with you, Lorenzo. Wala akong alam tungkol sa Mommy mo at sa pinsan kong si Paulo. Ang tanging alam ko lang ay high school sweet heart sila. They started as a very good friend until they fall to each other. Nang ikasal kasi ako sa asawa ko ay nawalan na ako ng kominikasyon sa pamilya ko. Wala na si Paulo ng bumalik ako sa pamilya Cortez. I don't know what really happen with them." Malungkot nitong sagot sa tanong niyo.

Yumuko siya at tumungo. Kung ganoon ay walang alam si Tita Ivy tungkol sa mommy niya at kay Tito Paulo. Nilihim din ba ng lalaki ang tungkol sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang ina? Wala bang nakaka-alam sa pamilya Cortez ang tungkol sa relasyon ng mga ito.

"Pero alam ng ama ni Ashley."

Nagtaas siya ng tingin ng marinig ang sinabi nitong iyon. Seryuso na ang mukha ni Tita Ivy. Pinakatitigan siya nito ng mabuti.

"Armando knows everything about your mom at Paulo. Malapit kasi si Armando kay Paulo. Alam niya kung anong nangyayari sa pinsan naming iyon. Zenny also knows but she is not someone you can talk too. Ka-ugali kasi ni Ashley si Zenny. Matapang ang isang iyon at magtatanim ng galit sa isang tao. If you want to know about your mom and Paulo, I will recommend you the father of your wife."

Lorenzo put his head down. Ang ama ni Ashley ang nagkakaalam ng tungkol sa ina niya pero paano niya haharapin ang ama ni Ashley kung ganitong nagpakasal sila ni Ashley ng hindi nito nalalaman? Hindi ganoon ka kapal ang mukha niya para lapitan ang ama ni Ashley at tanungin ito ng basta-basta. Paano kung malaman nitong kasal na ang nag-iisang anak nitong babae sa kanya? He even marries Ashley without his consent.

"Lorenzo."

Ang pagtawag na iyon ni Tita Ivy ang nagtaas ng kanyang ulo. "Tita..."

"Aramdo is a great man. Hindi ka dapat matakot sa kanya dahil napakabait ng ama ni Ashley. Siya ang kapatid ko na may malawak na pag-unawa. If you want to talk to him, I can call him for you."

Tumungo siya. "Pwede po ba, Tita?"

May tiwala siya sa bawat salita ng matandang kaharap. Alam niyang maari niyang pagkatiwalaan ito. Tita Ivy have this soft face. Ibang-iba ito kay Cole na may malamig na aura at hindi kayang ngumiti kahit kanino. Hindi din ito masyadong kumikibo kaya nakakatakot lapitan. Ilang beses ng sinabi sa kanya ni Ashley na mabait ang pinsan niyang iyon pero hindi niya kayang maniwala dahil na din sa minsan nilang pagkikita. Naalala pa niya ang ginawa nitong pagsuntok sa kanya. Nakakatakot ang mukha nito. Tama ang sabi nila na nakakatakot makabangga ang isang Cortez.

Si Cole pa lang ang nakita niyang nagalit. Hindi pa si Alex na ang sabi ay mas nakakatakot kapag nagalit dahil walang sinasanto.

"Of course, it's alright with me. Gusto mo ba na ngayon na?"

"K-kung hindi po kayo busy, Tita?"

"I'm not, Lorenzo. Let me call him for you." Tumayo na si Tita Ivy para tawagan ang nakakabatang kapatid nito.

Alam niya na si Tita Ivy ang pinakamatanda sa magkapatid na Cortez at ang anak nitong si Cole ang pinakamatanda sa magpinsan. They are both responsible persons. Madali din lapitan ang dalawa. Cole is very responsible to Ashley. Hindi iyon ma-itatanggi ng lumapit si Ashley para maka-ikasal sila.

KANINA PA hindi mapalagay si Lorenzo. Pagkatapos ka-usapin kanina ni Tita Ivy ang ama ni Ashley ay agad siyang niyaya nito na pumunta sa opisina ng ama ni Ashley, sa Cazza Pilar. Pinapanalangin niya na wala doon ang asawa dahil nais niyang makaharap ang ama nito ng siya lang. He doesn't want her to worry. Nais niya lang malaman ang tungkol sa relasyon ng kanyang ina at Tito nito. He wants the truth.

Nang huminto ang kotse sa parking lot ng Cazza Pilar ay agad siyang sumunod sa kay Tita Ivy. Kasama nila ang isa sa body guard slash driver nito. Tuloy-tuloy na pumasok si Tita Ivy habang nakataas ang noo. Walang humarang sa kanya.

"Lorenzo..."

Napatingin siya matandang babae. May ngiti sa labi nito. Ngumiti din siya sa matanda.

"Don't be afraid of my brother. Kasama mo naman ako."

Umiwas siya ng tingin. "Tita, I facing the father of my wife. I know I'm wrong for marrying Ashley without his consent that's why I'm feeling uneasy right now."

Aaminin niyang natatakot din siya ng mga sandaling iyon. Kung alam ni Tita Ivy ang plano nila ni Ashley, siguradong alam na din ng ama ng asawa. Hindi mahirap sa mga ito na makakuha ng impormasyon. Kaya nga natatakot siya sa maaring marinig mamaya. Hindi lang tungkol sa relasyon ng kanyang ina kung hindi na din sa sasabihin nito patungkol sa relasyon nila ng kanyang asawa.

"Well, hindi mo masisisi si Armando kung sakaling magalit siya sa inyo. Even I was mad at you and Ashley. Hindi ko nagustuhan ang desisyon niyong agad na magpakasal pero wala na akong magagawa pa. Nangyari na ang lahat at alam kung ganoon din ang sasabihin ni Armando. He won't force you to break up with Ashley. Hindi siya ganoong klaseng tao."

Muli siyang napatingin kay Tita Ivy. Nakatingin na ito sa harapan. Cole's mother is really something. Maraming nagsasabi na mabait ang babaeng Saavadra pero nakakatakot ang anak. Ivy Rose is one of the most kind hearted person he knows. Tama nga ang sabi-sabi ng iba na mabait ang babaeng Saavadra.

"Thank you, Tita." Tanging nasabi niya.

Nang tumunog ang elevator ay napatingin siya sa itaas kung saan makikita kung anong floor na sila. They are on the right floor now. Nasa opisina na sila ng ama ni Ashley. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago lumabas ng elevator. It's time to meet the father of his wife.

Nang lumabas ng elevator si Tita Ivy ay sumunod siya dito. Walang tao sa floor na iyon maliban sa tatlong mesa. May nakita silang isang babae na nakatayo sa gilid, sa xerox machine. Nang tumingin ito sa kanila ay mabilis nitong iniwan ang ginagawa at lumapit.

"Madam Ivy, you are here. May ma-itutulong po ba ako sa inyo?" Nahihintakutang taong nito.

"Can we talk to Armando?"

"You are here, Ivy."

Sabay silang napatingin sa taong nagsalita. Hindi mapigilan ni Lorenzo na matakot ng makitang nakatayo sa labas ng opisina nito ang ama ni Ashley. Armando is standing with a serious face. Ilang beses na niyang nakita sa ilang business party ang ama ni Ashley. Kung noon ay baliwala na lang ang lahat sa kanya ngayon ay hindi na niya iyon magawa. This person standing in front of them is the father of his wife. Magiging parti na talaga ito ng buhay niya.

"We are here to talk to you." Tumingin sa kanya ang ina ni Cole. "Let me introduce him. He is Da---"

"Renzo Madrigal's son. I know him, Ivy. Pumasok muna kayo." Putol nito sa pagpapakilala sa kanya ni Tita Ivy.

Mabilis na pumasok ng kanyang opisina ang ama ni Ashley. Napalunok siya. Kilala siya ng ama ni Ashley. Hindi na din naman siguro iyon nakakagulat dahil iisang cycle lang meron sila. Natigilan siya ng may humawak sa kanyang braso. Napatingin siya doon. Tita Ivy is looking at him. Tumungo ito at ngumiti. Nang hilahim siya nito papasok ay wala siyang nagawa.

Nang isara niya ang pinto ay nagulat siya ng may tumamang kamao sa kanyang sikmura. Nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa nasaktang bahagi ng kanyang katawan.

"Armando!" gulat na sigaw ni Tita Ivy.

Hindi nagsalita ang ama ni Ashley. Tumalikod lang ito at naglakad papunta sa pang-isang sofa na nandoon. Hinawakan naman siya sa braso ni Tita Ivy. Napakalakas ng pagkakasuntok ng ama ni Ashley. Hindi pa niya inaasahan ang gagawin niyang iyon.

'What the heck? Bakit niya ako sinuntok sa sikmura?' Natanong niya sa isipan.

"Armando, bakit mo nagawa iyon kay Lorenzo?" sigaw ni Tita Ivy. "Wala naman siyang ginawang masama sa i---"

"Masama? Sa tingin mo anong ginagawang masama sa akin ng lalaking iyan?"

Napatingin siya sa ama ni Ashley. Madilim ang mukha nito at nakatitig ng masama sa kanya. He is wondering also why he is mad at him. Wala siyang ma-isip na ginawang masama para maging ganoon sa kanya ang ama ng kanyang asawa. Tumayo siya ng maayos at sinalubong ang galit na mga mata ng matandang Cortez.

"Armando, make it clear to us."

Naglakad na sila ni Tita Ivy palapit sa matanda. Hindi niya inaalis ang tingin dito. Unang umupo sa mahabang sofa si Tita Ivy bago siya. Nakakatakot nga talaga ang matandang lalaki ng mga Cortez. Nalipat kay Tita Ivy ang mga tingin nito.

"Ate Ivy, alam kong malapit sa iyo si Ashley. Alam ko na tinuturing ka niyang ina pero ang kunsintihin ang gusto niya ang hindi ko nagustugan sa ginawa mo. Bakit mo hinayaan ang anak ko na pakasalan ang isang tulad niya?" Itinuro pa siya ng matanda.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi siya nakapagsalita dahil sa narinig.

"Armando, kagaya mo ay huli ko na din nalaman. Alam mong hindi ko sinasaklawan kahit anong desisyon ni Ashley. Wala akong karapatan na paki-alaman ang buhay niya. She already old enough to decide for herself."

"Kaya mo hinayaan na ikasal sila at hindi sabihin sa akin ang nalalaman mo. Gusto mo bang ma-ulit kay Ashley ang nangyari sa iyo?" Tumaas ang boses ng ama ni Ashley.

"Ashley is different from me, Armando. At alam mo iyan." Tumaas na din ang boses ni Tita Ivy.

"It's no different right now. She marries the wrong person. Pinakasalan niya ang anak ng taong nanakit sa pamilya natin. Sa taong sumira ng buhay ng pinsan natin."

Nagtaas siya ng tingin dahil sa sinabi ni Tito Armando. Kitang-kita ang galit sa mukha nito. Hindi iyon matago ng lalaki. Alam niyang galit talaga ito sa pamilya nila at ganoon din naman ang kanyang ama. Nais niyang malaman ang punot dulo ng lahat. He can't stay still especially that they are talking about her mother's affair.

"It's all in the past, Armando. At hindi kasalanan ni Lorenzo kung anong nangyari noon. Labas sila ni Ashley sa mga kasalanan ng matatanda."

"At alam mong hindi matatapos itong gulo sa pamilya natin dahil sa pagpapakasalan ng dalawa. You should stop them, Ate Ivy. Hindi na da---"

"I will choose my niece happiness, Armando. Kahit anong mangyari ay pipiliin ko pa rin ang kasayahan ni Ashley." May pinalidad na sabi ni Tita Ivy.

Hindi nakapagsalita si Tito Armando. Nanatili itong nakatingin sa nakakatandang kapatid nito. Napakaseryuso ng dalawang matanda. Humingi siya ng malalim.

"Sir..."

Napatingin sa kanya ang ama ng kanyang asawa. Masama pa rin ang tingin nito. Sinalubong niya iyon. Hindi na siya natatakot. Alam niya kasi na hindi siya pababayaan ng katabi.

"I'm sorry if I marry Ashley without your consent. I know I'm wrong at that but I assure you that I love her by all my heart. Gagawin ko po ang lahat para maging masaya si Ashley sa piling ko. Na tama ang naging desisyon niya napakasalan ako."

Sumandal ang ama ni Ashley at pinagkrus ang braso. "Paano? Narinig ko na itinakwil ka ng ama mo ng dahil sa pagpapakasal mo sa anak ko. Paano mo ngayon bubuhayin ang princesa amin?"

Yumuko siya pero agad din nagtaas ng tingin. "I know I have nothing right now. Wala akong maibigay na kahit ano sa anak niyo pero gagawin ko pa rin ang lahat para hindi siya mahirapan. I work as a pilot right now. Alam kong hindi iyon sapat pero gaga---"

"I can provide for her. Hindi kailangan mahirapan ang anak ko ng dahil sa iyo, Madrigal. Wala akong balak na hayaan ang anak ko na magdusa ng dahil ikaw ang pinili niyang pakasalanan. Hindi ako kagaya ng ama mo na itatakwil ang anak dahil lang sa hindi sinunod ang gusto ko." Tumayo ang matanda at lumapit sa mesa nito.

May kinuha ito na kung ano doon. Sinundan lang nila ni Tita Ivy ang galaw ang matanda. Pumalik ito sa kina-uupuan kanina at inilapag ang isang puting folder. Napatingin siya doon.

"Armando, wag mong sabihin na?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Tita Ivy.

"Siguro naman ay papayag ka sa gusto ko, Madrigal. It's a prenuptial agreement. Kung gusto mong basahin ay basahin mo na."

Napatingin siya sa folder. Inaasahan na niya iyon kung sakaling sasabihin nila sa magulang ni Ashley ang tungkol sa relasyon nila ngunit hindi niya inaasahan na sa ganoong pagkakataon sila magkaka-usap dalawa. He expects different but well, everything is unpredictable. Huminga siya ng malalim at dimapot ang folder. Bubuksan na niya sana iyon ng pigilan ni Tita Ivy ang kamay niya.

"Armando, I'm against with this. Hindi mo kailangan papirmahin ng prenup si Lorenzo. His love for Ashley is pu---"

"Anak ko ang pinag-uusapan dito, Ate Ivy. Labas ka sa kung anong meron kami." Putol nito sa iba pang sasabihin ni Tita Ivy.

Nakita niyang nagdikit ang labi ni Tita Ivy. Napangiti siya. Ngayon ay hindi na siya nagtataka kung bakit malapit si Ashley sa matanda. She is really something. Handa nga talaga itong ipagtanggol ang kasayahan ng pamangkin. Napakaswerte ni Cole at naging ina nito ang tao.

Tumikhim siya. "Tita, It's okay."

Napatingin sa kanya ang matanda. Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa hawak na prenup agreement. There's nothing wrong with it. Wala naman talaga siyang interest sa kung anong yaman meron ang mga Cortez. He marries Ashley because he loves her. Mahal niya ito bilang ito at hindi bilang isang Cortez, hindi dahil sa may pera ito. She changes him. She makes him the better him. Binasa niya ang nakasulat sa agreement. Lahat ay nagsasabi doon na wala siyang makukuhang kahit isang kusing sa pera at yaman ng mga Cortez kapag naghiwalay silang dalawa. At kahit sa pagtanda nila ay wala siyang karapatan sa yaman ng mga Cortez. Ang magiging mga anak nila ni Ashley ang siyang magmamana ng kung anong yaman ang meron ang mga ito.

Pagkatapos mabasa ang agreement ay inilahad niya ang kamay sa matandang Cortez.

"Can I borrow a pen?" tanong niya.

"Lorenzo, are you really going to sign that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tita Ivy.

Humarap siya sa matanda. "Tita, I marry Ashley because I love her. Kung ang pagperma ng agreement na ito ang magiging daan para pumayag ang ama ng asawa ko na hayaan kami ni Ashley na magsama ay hindi ako magdadalawang isip na pirmahan. I also read carefull. There's nothing wrong with the agreement. Sa magiging anak naman namin ni Ashley mapupunta kung anong meron ang asawa ko. I don't need the money of Cortez. All I need is Ashley by my side."

Lumambot ang mukha ni Tita Ivy. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito. Natigilan lang sila ng may naglapag ng kung ano sa mesang nasa harap nila. Napatingin siya doon. Isa iyong sign pen. Ang ama ni Ashley ang naglapag noon. Talaga ngang hindi siya nito hahayaan na mangi-alam sa yaman ng mga Cortez. Dinampot niya ang pen at pinirmahan ang agreement.

"Now that I sign that. Pwede ko na po bang itanong sa iyo ang dahilan ng pagpunta ko dito?" Seryusong tanong niya.

Tumaas ang isang kilay ng ama ni Ashley. He knows that even he signs the agreement; he doesn't want him for her daughter. At gagawin niya ang lahat makuha ang pagpayag nito. He will gets his approval no matter what happen.

🌷🌷🌷

HanjMie

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 321 27
Si Mark San Andres, seryosong tao. workaholic, at tila hindi alam ang salitang pahinga..isang magaling na bodyguard si mark, magaling sa lahat ng bag...
2.8K 78 21
Yhv Yhacee is a shy, quiet, and humble young girl, but when it comes to her crush, she is outspoken. During her four years of serving in a parish as...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
22.9K 344 18
Gumalaw ang kanyang balakang, umindayog, kumembot. She dance seductively, as she took off her clothes one by one. They throw money on the stage where...