My Lost Husband (Cousinhood S...

De HanjMie

603 5 1

Cousinhood Series 4: My Lost Husband Written by: Ji Mie Han (HanjMie) Ashley Cortez has everything in life. S... Mais

Chapter Spoiler
Questions
CHAPTER SPOILER TWO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
MLH THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY-NINE
SPECIAL CHAPTER: LOST MEMORIES

CHAPTER TWENTY-TWO

14 0 0
De HanjMie

🌷🌷🌷

NAKAHAWAK siya sa braso ni Alex habang pababa ng hagdan. Sa likod ng mansyon kung saan may malawak na garden sila ikakasal ni Lorenzo. Hindi man kasal sa pari ay nais pa rin ng kanyang pinsan na bigyan siya ng maayos na kasal. They want a best wedding for her. Kaya naman inayos ng mga ito ang garden katuwang ang mga katulong sa mansyon na iyon. Binitiwan lang siya ni Alex ng tumapat na siya sa lalakaran niya. Cole is already at his seat. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang taong katabi nito.

Isang matamis na ngiti ang binigay ng matanda sa kanya. Ashley wanted to cry but she stops herself. Hindi siya pwedeng umiyak ng mga sandaling iyon dahil masisira ang make-up niya. She can't believe that Tita Ivy is there. She is smiling with her. Tumabi si Alex kay Cole. Tumingin siya sa side ni Lorenzo. Dalawang lalaki ang nakita niya. Ang sabi nito ay kaibigan nito ang isasama. They are his friend but she doesn't know them.

Nang tumingin siya sa unahan. Nakatingin sa kanya si Lorenzo. Nakikita niya ang ningning sa mga mata nito. He is happy like her. Masaya ito na sa wakas ay ikakasal na din sila. Nagsimula na siyang maglakad palapit dito. May hawak siyang bulaklak. Pinagawa pa iyon ng mga pinsan. Alam ng mga ito na paborito niyang bulaklak ang tulips kaya iyon ang ginawang bouquet ng mga ito.

The place is simple but beautiful. May mga tulips na nakalagay sa gilid ng upuan at ganoon din sa ginawang altar sa gitna. Ang kanyang lalakaran ay may nagkalat na pink rose petals. Ang upuan ay may nakasabit na puting ribbon. Masasabi niya ngang ikakasal siya pero hindi kagaya ng ibang kasal. Walang music kaya mabilis siyang nakalapit sa taong pakakasalan niya. Nang tuluyang makalapit dito ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng mapapangasawa.

"You look beautiful," anito.

"Thank you. Ang gwapo mo din, my evil prince." Pasimple niyang inayos ang suot nitong coat.

Hinuli nito ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Humarap sila kay Attorney John Dela Costa. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng matandang Dela Costa. Hindi siya makapaniwala na pumayag ito na ikasal sila ni Lorenzo gayong ang apo dapat nito ang ikakasal sa lalaking katabi niya.

Naging mabilis ang seremonya ng kasal nila ni Lorenzo. Walang pag-aalangan nilang pinirmahan ang marriage certificate na ipapasa ng matandang attorney. They also exchange ring. Gusto din sanang sagutin ng pinsan ang singsing dahil ipapagawa daw ng mga ito sa Saturn ang singsing niya ngunit hindi pumayag si Lorenzo. Ito daw ang magpapagawa noon. Pero natural ayaw magpatalo ng dalawa niyang pinsan. Gawang Saturn Jewelries pa rin ang singsing niya pero si Lorenzo ang nagsabi ng design. Isang white gold ring na may pink stone sa gitna. Hugis luha ang bato at may tatlong maliliit na puting bato sa gilid. Simple lang iyon pero napakaganda na para sa kanya.

Nagkasundo sila ni Lorenzo na walang exchange vows na gagawin. Ayaw kasi nilang bumitaw ng pangako sa isa't-isa. Basta gagawin nila ang lahat ng magkasama. Iyon lang din naman ang nais niya sa binata. Pagkatapos ng seremonya ay mabilis na lumapit si Tita Ivy para yakapin siya. Doon na tuluyang pumatak ang mga luha niya.

"I'm happy for you, Ashley." Bulong nito.

"But I still, I make you disappointed, Tita," aniya sa pagitan ng kanyang pag-iyak.

"I am but I'll still supporting you. It's your life and I have no hold on that. Kagaya ng lagi kong sinasabi sa iyo, nandito ako para suportahan kayo. Please, stop crying." Hinawakan ni Tita Ivy ang kanyang balikat at pinaharap siya dito.

Pinunasahan ng matanda ang kanyang mga luha. Alam niyang nagkalat na ang make-up niya. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi nito.

"You're make up is a mess now. May picture taking pa."

"Let it be, Tita. Masaya nga at ganyan ang mukha ni Ashley sa picture." Narinig niyang wika ni Alex.

Sinamaan niya ng tingin ang pinsan na inaasar na naman siya. Sumimangot siya dito. Pinagtatawanan na naman kasi siya ni Alexander.

"Alex, it'is Ashley's wedding. Can you stop that?" Pinanlakihan pa ni Tita Ivy si Alex ng mata.

Itinaas lang ni Alex ang dalawang kamay na tandang sumusuko ito. Pagdating kay Tita Ivy ay tiklop silang lahat. Malaki ang respeto nila sa ina ni Cole.

"John, pwede bang ayusin lang muna ni Ashley ang make up niya. Sumabay ka na din sa pagkain namin. Maraming inihandang pagkain ang mga katulong." Paki-usap ni Tita Ivy sa taong nagkasal sa amin.

"Of course. It's been so long since we talk. I want to tell you something."

Tumungo si Tita Ivy at tinapik siya. Tumingin siya sa kanyang asawa. Lorenzo is smiling with her.

"I'll be back," aniya.

"Okay. I wait here." Hinalikan ni Lorenzo ang kanyang noo.

Matamis siyang ngumiti sa kanyang asawa bago lumapit kay Cole. Sinamahan naman siya ng pinsan sa itaas para ayusin ang kanyang make-up. Wala silang imikan ng pinsan habang umaakyat ng hagdan. Napag-iwan naman si Alex para samahan din si Tita Ivy. Hinintay siya ni Cole habang inaayos ang kanyang make-up. Mabuti na lang talaga at marunong siya maglagay noon dahil hindi na sila kumuha pa.

"Cole, pwedeng magtanong?" aniya sa pinsan habang naglalagay ng eyeshadow.

"Ano iyon?" nakatayo ang pinsan sa may pinto ng kanyang kwarto.

"Are you the one who tells Tita Ivy about my wedding today?"

"Yes. Tinanong niya ako kung alam ko ang tungkol sa pagpapakasal mo kay Lorenzo at sinagot ko naman siya. Alam mong hindi ko kayang magsinungaling kay Mommy. She will know it anyway. Tinanong niya ako kung kailan at ang sabi niya ay pupunta siya. Oo nga pala, siya ang nag-utos sa mga katulong na magluto ng pagkain. Plano kasi namin ni Alex na bumili na lang. Iilan lang naman kasi tayo pero ang sabi ni mommy ay hayaan ang mga katulong na magluto."

Napangiti siya sa narinig. Tita Ivy still cares for her. She will never change.

"Mom is disappointed to us. Hindi lang sa iyo."

Napahinto siya sa paglagay ng lipstick at tumingin sa pinsan sa pamamagitan ng salamin. Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Cole pero agad din nitong itinago.

"Bakit daw natin itinago sa kanya ang problema mo? Pwede daw niya kayong tulungan ni Lorenzo ng hindi na kailangan magpakasal. Kilala niya ang mga Dela Costa. She can talk to Lj's father. She can make everything possible but still we choose to hide it from her."

Hindi siya nakapagsalita. Napayuko na lang siya. May punto si Tita. Marami itong kakilala. Kaya nitong gawan ng paraan ang problema nila ni Lorenzo pero mas pinili nilang itago iyon at ayusin na sila lang. Bakit nga ba nakalimutan niyang madaling lapitan si Tita Ivy?

"I'm sorry. Nadamay pa kayo ni Alex sa akin." Tanging nasabi niya.

"Don't be. Pinili din naman namin ito. At saka, nandito na tayo. Kasal ka na kay Lorenzo. I know you are happy that you already married to him. I want your happiness, Ashley. The happiness that we don't have." Tuluyan ng pinakita ni Cole ang lungkot sa mukha nito.

Binitiwan niya ang hawak na lipstick at nilapitan ang pinsan. Niyakap niya ito ng mahigpit. Alam niyang hindi talaga masaya ang pinsan. Cole may have everything everyone wants in this world but not the love that he wanted. Ang pagmamahal ng taong noon pa nito pinapangarap. Cole is a lonely prince. Dahil ang babaeng tanging minahal nito ay masaya sa piling ng ibang lalaki. Hindi na ito muli pangnagpakita pa sa babaeng iyon dahil ayaw na nitong guluhin pa. At saka, isa ang babaeng iyon sa naging dahilan ng pagkakasakit ng pinsan.

Even them, they don't want him to see that woman. Ayaw nilang bumalik sa dati si Cole na nagwawala at walang kinikilalang tao sa paligid. That nightmare that they don't want to witness.

"You can love someone again, Cole. May taong darating sa buhay mo na mamahalin mo ng totoo at tapat," wika niya.

"It won't happen, Ashley. I accept my faith." Kumalas sa pagkakayakap ang pinsan at tinitigan siya. "At least, we can protect yours."

May humaplos sa puso niya. Alam niya ang ibig sabihin nito. Cole loves a woman that he can't have. Alex also falls to a woman that he can't have. Hindi pwedeng maging si Alex at Anna dahil siguradong tutulan iyon ng pamilya ni Alex.



LORENZO IS IN FRONT of his father's office. Nandoon siya para ibigay ang isang bagay na alam niyang ikakagalit nito. Nasisigurado na niyang iyon ang magiging reaksyon ng kanyang ama lalo na kapag nalaman nito ang ginawa niyang pagpapakasal sa nag-iisang babae ng pamilyang kinamumuhian nito. Hindi niya alam kung saan nagmula ang galit ng ama sa mga Cortez pero hindi mapipigilan noon ang nararamdaman niya kay Ashley.

Marahan siyang kumatok sa pinto ng opisina ng ama sa bahay nito. Pinihit niya ang door knob at ang mabagal ang hakbang na pumasok. Nakita niya ang ama na naka-upo at abala sa mga papeles nito. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Nagtaas ng tingin ang kanyang ama.

"Lorenzo, what are you doing here?" tanong ng kanyang ama at ibinalik din agad ang atensyon sa ginawa.

He clears his throat. Mas lumapit siya sa ama at ibinigay dito ang hawak na puting sobre. Salubong ang kilay na tumingin sa kanya ang ama. He didn't speak. Hinayaan lang niya na kunin nito ang sulat at buksan. Binasa ng kanyang ama at nakita niya kung paano nabago ang emosyon sa mukha nito.

"What is this?" tinapon nito ang sulat na ginawa niya.

"You read it, Dad. I'm resigning as the CEO of The Madrid Empire." Walang emosyon niyang sabi sa ama.

"Are you pranking on me, Lorenzo? Kakabigay ko lang sa iyo ng buong authoridad sa kompanya kaya wag kang gagawa ng kalukuhan."

"This is not a prank, Dad. I'm resigning because I can't marry the woman you wanted me to marry. Hindi ako magpapakasal sa isang Dela Costa. I want my freedom back. At kung ang kapalit nito ay ang pag-alis sa kompanya at sa posisyon ko ngayon ay handa kong ipagpalit."

Nakipagsukatan siya ng tingin sa ama. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito. Nagmestulang isang basura ang sulat niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang ama.

"Sinusubukan mo ba ako, Daniel Lorenzo Madrigal? Alam mo kung anong mangyayari sa iyo kapag kinalaban mo ako. You will lost everything you have right now. Kahit isang kusing ay wala kang makukuha sa akin." Matigas na wika ng kanyang ama.

"I know, Dad. At handa na ako para doon. Handa kong talikuran lahat para lang sa kalayaan ko."

"Kalayaan? Iyan talaga ang dahilan mo. Iyang pagkakaroon mo ng kaliwa't-kanang kasintahan. Hindi ka pa ba nagsasawa sa ginagawa mong panluluko sa mga babae. Kaya nga ki---"

"I want my freedom to marry the woman I love, Dad. May tao akong gustong pakasalan at mahal ko siya kaya ayaw kong magpakasal kay Cathness. May kasintahan ako, Dad. Sinabi ko na sa inyo iyon." Hindi niya mapigilan na ibulaslas sa ama.

"May kasintahan ka? Sinasabi mo ba sa akin na seryuso ka sa kanya ngayon?"

"Yes, dad. Seryuso ako sa nobya ko ngayon." Hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata ng kanyang ama.

"Kung ganoon ay ipakilala mo siya sa akin. Gusto kong makilatis ang babaeng iyan at ng malaman ko kung nararapat ba siyang maging isang Madrigal." Tumaas ang boses ng kanyang ama.

"Dad, I won't introduce her to you. Alam ko na kahit sino pang babae ang ipakilala ko sa iyo ay wala kang papaboran dahil mas nais mong pakasalan ko si Cathness. This is all about business not because of my feelings. Don't try me, Dad."

Tumaas ang isang sulok ng labi ng kanyang ama. "Iyon ba ang iniisip mo? O baka, wala ka naman talagang ipakilala sa aking babae dahil wala ka naman talagang kasintahan. Don't fool this old man. Kilala na kita, Lorenzo. You will marry Cathness no matter what you said."

"Then make me marry her after you saw this." Inilabas pa niya ang isang sobre na hawak. Ipinatong niya iyon sa mesa.

Galit siyang tiningnan ng ama bago nito kinuha ang sobra. Kinuha nito ang nilalaman at binasa. Nakita niya ang paglaki ng mga mata nito. Hindi din maitago ang pamumutla ng ama. Nagtaas ito ng tingin. Inaasahan na niya ang reaksyon na iyon sa ama.

"Yes, Dad. What written there is true. Hindi din peke ang marriage certificate ko. Kung gusto niyang malaman ang totoo. Tawagan niyo ang matandang Dela Costa dahil siya ang nagkasal sa akin at kay Ashley. I'm now a married man. Pinakasalan ko na si Ashley Cortez."

"This can't be true." Nanginginig ang kamay na wika ng kanyang ama.

"It's true, Dad. Kaya nga hindi ko siya ma-isama dito sa bahay dahil alam kong hindi siya welcome dito. I want my wife to stay away from this family." Sigaw niya sa ama.

Nagtaas ng tingin ang matandang Madrigal. May galit sa mga mata nito.

"How could you do this to us? How can you marry a Cortez? Hindi ka na nahiya sa akin." Ibinato ng kanyang ama ang marriage certificate niya.

"Why should I, Dad? Labas naman ako sa anumang galit mo sa mga Cortez na hindi ko alam kung bakit? I love my wife. Ashley taught me how to love. I don't care if you hate her family. You can't stop me from loving her." Hindi siya makakapayag na kontrolin pa nito ang buhay niya.

Wala na siyang paki-alam kung saan nagmumula ang galit ng kanyang ama sa pamilya ng kanyang asawa. He loves Ashley. Mahal niya ito kahit anong mangyari.

Tumawa ang kanyang ama na siyang ipinagtaka niya. Nagtagpo ang kanyang kilay. Is his father a mad man? Bakit ito tumatawa?

"Hindi ako makapaniwala na sa pangawalang pagkakataon ay may kinuha na naman sa akin ang mga Cortez. Hindi pa rin pala talaga sila tumitigil sa pagnanakaw ng mga bagay na hindi naman talaga para sa kanila." Parang baliw na wika ng kanyang ama.

"What are you talking about, Dad?" Nagtatakang tanong niya.

Tumingin ito sa kanya. "Alam mo bang may kabit ang iyong ina? Alam mo ba, Lorenzo?"

Napakuyom siya sa narinig. Ngayon ay harapan ng sinabi ng kanyang ama ang tungkol sa pagkakaroon ng ibang karelasyon ng kanyang ina. Hindi na nito itinago pa. Tuluyan ng dinungisan ng ama ang pangalan ng kanyang ina sa kanyang isipan at puso. Hindi siya sumagot kaya tinanggap na iyon ng ama bilang sagot niya.

"You mom was very in-love with her boyfriend. Ikinasal siya sa akin dahil sa negosyo at may kasintahan siya ng ikasal sa akin. Ang kabit niya ay ang kasintahan niyang iyon. At that man's name is Paulo Rie Cortez. Ang pinsan ng magkakapatid na si Ivylyn, Zenny at Armando. Ito ang nag-iisa nilang pinsan at namatay ito dahil sa isang aksidente."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lorenzo. Hindi niya alam iyon. Walang nabanggit si Ashley sa kanya. O kahit sino sa mga Cortez ng makasama niya ang mga ito. Maaring wala din alam ang mga ito.

"You are lying, Dad. Walang ganoong pangalan sa pamilya Cortez noon. Paanong nagkaroon ng Tito si Ashley gayong tat---"

"Si Paulo ay hindi ganoon kakilala sa negosyo dahil hindi ito mahilig doon. Kagaya ni Ivylyn, mas gusto mamalagi ni Paulo sa hacienda ng mga Cortez na ngayon ay pagmamay-ari na ni Zenny Kim. Iyong hacienda nila ay nakapangalan noon kay Paulo. He died without a name in the business world. Kaya hindi din pinag-usapan ang pagkamatay niya. Maliban pa sa itinago din iyon ng pamilya Cortez."

Hindi nagsalita si Lorenzo. Ngayon ay na-iintindihan na niya kung bakit sobra-sobra ang galit ng kanyang ama. Ang lalaki ng kanyang ina noon ay ang Tito ni Ashley. Everything is clear now to him. But everything is in the past now. Huminga ng malalim si Lorenzo. Itinaas niya ang tingin at sinalubong ang mga mata ng kanyang ama.

"You know, Dad. I now realize why we are not a happy family. Kung bakit kahit isang beses ay hindi naging masaya si Mom sa pagsasama niyo."

"Lorenzo!" May pagbabantang wika niya.

"Because there's no love between you two. Nagpakasal kayo ng dahil sa negosyo. Nagsama kayo dahil kailangan. Gusto man na makasama ni Mommy ang taong mahal niya ngunit di niya magawa dahil sa amin ni Dennis at dahil na rin sa negosyo ng pamilya. Sa atin nga dapat magalit ang mga Cortez, you stole Mom from him. You stole the woman he loves from him. Alam mong may mahal na iba si Mommy pero pinakasalan mo pa rin siya at itinali. Sana noong nakita mo siyang hindi masaya sa piling mo ay pinakawalan mo sana siya. Hindi ang Tito ni Ashley ang may kasalanan dito kung hindi kayo. You ruin those two people."

"Daniel Lorenzo Madrigal, wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan." Itinaas ng kanyang ama ang isang kamay at itinutok sa kanya ang daliri.

"I won't make the same mistake, Dad. I will choose my happiness over this wealth. Buong puso akong tinanggap ng mga Cortez bilang kabiyak ni Ashley. Whatever you reveal today. Doesn't change my mind at all. Mas lalo pa noon pinatunayan na tama ang desisyon kong pakasalan ang babaeng mahal ko. Ashley is my happiness. Siya ang taong mahal ko at hindi ang babaeng pinili mo. Hindi ko gagawin ang ginawa niyong pagkakamali noon. Thank you for everything you did for me, DAD." Pagkatapos sabihin ang mga iyon ay tinalikuran na niya ito.

"Lorenzo, bumalik ka dito!" sigaw ng kanyang ama.

Ngunit hindi niya ito pinakinggan. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng bahay na iyon. Buo na ang desisyon niya na lisanin ang kung anong meron siya. Pinili niya ang buhay na kasama si Ashley. Whatever happen between my parents and Ashley's Tito Rei, they are not the one to pay. Labas sila ni Ashley doon. They love each other. They promise to stay together no matter what happen.

Lumabas siya ng mansyon. Kinuha niya ang phone at nag-book ng Grab. He leaves his car there. Hindi sa kanya iyon. Galing iyon sa pera ng kanyang ama. Wala siyang dadalhin na kahit ano kung galing iyon sa kanyang ama. Wala na siyang karapatan ngayon sa yaman ng mga Madrigal.

Nang makasakay siya ng sasakyan ay nagpadala siya ng mensahe sa isang tao. He wants to talk to someone. At ang taong iyon ang makakasagot sa mga tanong sa kanyang isipan.

🌷🌷🌷

HanjMie

Continue lendo

Você também vai gostar

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
29.2K 446 26
Buenaventura Trilogy: Two: Sweet Distraction Warning: SPG || R18+ || Matured Content || Not suitable for young readers. Kilala bilang matinik pa...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...