Lascivious Casanova (R-18) (E...

Oleh IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... Lebih Banyak

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 32

31.9K 810 212
Oleh IyaLee04

(LC) Chapter 32

If I were you guys, I'll remove LC to my library for the meantime and just read it when it's complete. Baka madisappoint ko lang po kasi kayo kahihintay sa update araw araw. Medyo matagal po akong magsulat ngayon. Huhu. Kung kailan lang ako magka-oras o makapagsulat doon lang ako makakapag-update.

Anyway, almost 5k words itong Chapter 32. Mahaba haba kahit isa lang. Pasensya na't ito lang ang nakayanan ko. Enjoy Reading!

-----Miss IYA-----






"Huwag na lang po sa pills."

Ngumiti sa akin ang babaeng pharmacist. Magalang siyang tumalikod para kunin ang pregnancy test na hinihingi ni Jax. Pinagtataasan ako ng balahibo sa palad niyang taas baba ang haplos sa aking tiyan. Nilingon ko siya na nanatili sa aking likuran. Ngumiti siya sa akin. Hindi maipagkakailang nagustuhan niya ang desisyon ko.

"Hanap mo ako ng pang-shave doon," ininguso ko ang mga nakahilerang display rack ng drugstore.

Pinababa ko ang boses ko. Tunog nakikiusap pero ang totoo gusto ko lang siyang paalisin. Tumaas ang kilay niya at walanghiyang nagbaba ng tingin sa hita ko, sa pagitan ng mga hita ko na para bang nakikita niya akong nakahubad doon.

"Are you going to shave again? I touched and ate that last night. Wala pa naman-"

"Mags-stock lang ako! Nasira kasi 'yong pang-shave ko!" Pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa niya tapusin. Baka kung ano pang masabi niya!

Gusto ko siyang sipain palabas ng drugstore. May kasunod kami sa pila pero kung magsalita siya akala mo'y kaming dalawa lang ang nandito. Tumango siya at nilingon ang mga display rack na ininguso ko sa kanya.

Pagbalik niya sa akin ng tingin, tinanguan niya ulit ako. Humalik siya sa tuktok ng ulo ko at bumitaw sa aking tiyan. Pinanuod ko siyang isa-isahin ang rack upang hanapin kung nasaan ang mga pang-shave. Nang maging abala siya, sinenyasan ko ang babae na kumuha ng pregnancy test. Lumapit ito at inabot sa akin ang binili namin.

"Ate, kukunin ko rin po 'yong pills," kinakabahan na sabi ko at nilingon kung nasaan si Jax.

Kausap nito ang guard at mukhang itinatanong kung saan nakalagay ang mga pang-shave. Napansin ng babae na minamadali ko siya. Nataranta tuloy siya at inabot kaagad sa akin ang pills. Mabuti na lang at nasa ilalim lang iyon ng counter kaya abot kamay niya lang. Mabilis kong isinilid sa dala kong bag iyon bago pa bumalik si Jax.

Ayoko maglihim. Kung sasabihin ko naman. Hindi niya ako papayagan. Para rin naman sa amin ito kaya hindi ko kailangan makonsensya na unang araw pa lang namin, may itinatago na ako. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Sa dalawang beses na iyon, pwedeng hindi sa loob pero hindi niya hinugot.

Mas mabuti nang mag-ingat ako kung sakaling maulit iyon at idahilan niya na naman na wala siyang nadala o nakalimutan niya kung saan nailagay. Gumamit man kami sa susunod no'n o hindi, mas mapapanatag ako kung nakainom ako nito.

"Ito ba?" si Jax. Ibinalik niya ang kamay sa bewang ko sabay pakita sa akin ng pang-shave na kulay pink. "Pwede na ba ito? Mas maganda ang ginagamit ko rito. Kung gusto mo bibigyan na lang kita?"

Kinuha ko sa kamay niya ang pang-shave. Wala naman talaga akong balak na bumili nito, idinahilan ko lang ito para mapaalis siya. I checked it and pretended to actually want to buy it. Kumibit balikat ako at nagkunwaring nagbago ang isip ko na bilhin.

"Sige. Bigyan mo na lang ako. Hindi ko na ito kukunin." Lumapit ako sa pinaka-malapit na rack at inilapag iyon saka siya hinarap.

"Okay na?" Tanong niya, nakatingin siya sa hawak ko na binili namin.

Tumango ako. Inabot ko sa kanya ang lagayan na papel. Laman nito ang mga pregnancy test at resibo. Iba ang resibo ng pills ko kaya hindi ko na iyon inalis. Kahit makita niya ang resibo, hindi niya malalaman na kinuha ko ang pills.

"Ikaw na ang magtago niyan. Hindi iyan pwede sa bahay. Baka makita nila nanay."

Sinilip niya ang laman. Kung naroon ang pills siguradong nahuli na ako. Tumango siya nang makitang pregnancy test lang ang laman nito. Nagkatinginan kami.

"Sa kwarto ko na lang? Doon tayo kung gagamitin mo?" Aniyang tunog may ibang ibig sabihin. Tumango ako kalaunan at hindi na nakipagtalo.

Nakabuntot siya sa akin nang maglakad ako palabas. Pinagbuksan niya ako ng babasaging pinto ng drugstore. Nang madaanan namin ang guard na napagtanungan niya, narinig kong nagpasalamat siya.

Nahihiwagaan ko siyang binalingan. Para akong na-engkanto kung makatingin sa kanya. Wala sa akin ang mga mata niya kundi nasa sasakyan kaya malaya ko siyang natitigan. Kahit simpleng kilos lang niya napapansin ko kasi hindi niya naman ito mga ginagawa noon. I have never heard him say thank you and sorry to anyone even to teachers. Kung meron man, siguro sa akin lang o dahil sa akin at ilang beses lang iyon.

Humawak siya sa likod ko at iginiya ako sa front seat. Pinasakay niya ako bago siya umikot sa driver seat. Pagkaupo niya, hinarap muna niya ako at hindi pa nagmaneho. Nakatingin din ako sa kanya. Sa paraan ng titig niya mukhang may pag-uusapan kaming dalawa.

"Are we allow to talk inside school?"

Nagbaba ako ng tingin at nagsuot muna ng seatbelt. Pag-angat ko ng tingin sa kanya, nakaharap siya sa akin at hinihintay ang sagot ko. Hindi ako nakasagot. Iniisip ko muna ng mabuti at ipinapasok sa kukote ang tanong niya at kung ano ba ang tama kong isagot doon. Hindi ko iyon napaghandaan. Ako ang humiling na i-sikreto ngunit hindi ko alam ang gagawin.

"I can talk to you inside school, right? they won't know you're my girlfriend if I casually talk to you..." dagdag niya pa nang matagalan ako sa pagsagot.

Dahil sa sinabi niya, nakalkula ko ang sitwasyon namin. I don't have to search for it to find out the meaning. Malinaw naman na kapag sikreto, wala dapat makakaalam.

"Casually Jax? Paano iyon? Hindi naman tayo casual mag-usap..." Lumabi ako at inalala ang sagupaan namin noon. "Nag-aaway tayo..."

Iniwas niya ang tingin sa akin at tumulala siya sandali sa steering wheel. Nang mapag-isip isip, problemadong binasa niya ng dila ang ibabang labi niya at bumalik sa akin. Salitan niyang tinitigan ang mga mata ko.

"So..." Pabitin niya at nagtaas ng kilay. "Para makausap kita kailangan katulad dati? Kailangan awayin kita para kausapin mo ako? Ganoon ba?"

Napatitig ako sa kanya. Isa ito sa magiging problema namin dahil sikreto. Wala akong maisip na nag-usap kami ng maayos noon. Kung bigla niya akong lalapitan at maayos akong kakausapin, maraming magtataka. Nang matagalan ako sa pagsagot, nag-suggest ulit siya ng maaari naming gawin.

"Paano kung ipaalam na lang natin sa kanila na tinuturuan mo ako? Nang sa ganoon pwede kitang lapitan na hindi sila nagdududa?"

"Pauulanan nila ako ng tanong kung paano ako napapayag na turuan ka-"

"Answer them that Lola force you to do it! At least you didn't lie to them because that's the truth! Pinilit ka ni Lola, hindi ba?"

Huminga ako ng malalim. Sumagi sa isip ko ang napag-usapan namin noon ng Lola niya. Ngayon ko na lang iyon naalala na mabilis ko ring binura. Hindi pala madali ang pinasok namin. Kailangan magplano at hindi pwedeng magkamali. Isang pagkakamaling kilos lang ng isa sa amin, mabubunyag ang relasyon naming dalawa.

"Pag-iisipan ko..." Tinitigan niya lang ako. Parang gusto niyang sabihin na ngayon na ako magdesisyon kaya nagsalita ulit ako. "Kailangan kasi sila nanay muna ang makakaalam niyon para hindi sila magtaka kung makarating sa kanila. Mas mahihirapan akong magpaliwanag kung sa iba nila malalaman..."

Tumango tango siya habang nagsasalita ako. Na para bang pinag-iisipan niya ng mabuti kung paano kami gagalaw sa school. O kung paano siya gagalaw. Kasi ako, sa tingin ko kaya kong kontrolin ang sarili ko. Siya, hindi ako sigurado. Bukod sa kailangan kong ayusin ang kilos ko sa school kung makakaharap siya, kailangan ko ring bantayan ang kilos niya kung sakaling makalimot siya.

"And maybe we can set a place? Bago ka pumasok magkita tayo saglit? At Kapag break, magkita rin tayo, uh..." Nakatutok sa mukha ko ang mga mata niya at nasa itsurang nag-iisip ng lugar kung saan kami pwedeng magkita. "Sa tambayan na lang namin? Paaalisin ko sila?"

Inilingan ko iyon. Hindi pwede doon. Masiyadong open ang tambayan nila sa mga grupo niya. Wala naman pintuan na pwedeng isara roon para walang makakita sa amin. Baka magkagulatan pa kami roon ng mga ka-team niya.

"Huwag na doon... at tuwing break time kasama ko ang mga kaibigan ko..."

Tinitigan niya ako ng matagal. Nakatingin siya sa akin pero parang nasa malayo ang isip niya. Lumilipad iyon sa pasikot sikot ng school. Malamang na inaanalisa niya ang buong eskwelahan at kung saan kami pupwede roon. Nang wala siyang maisip, napasuklay siya ng kamay sa kanyang buhok.

"Kung hindi pwede sa loob ng school, paano tayo magkikita?"

Stress na stress ang itsura niya. Nangungunot ang noo at marahas na napapasabunot sa buhok. Hindi niya gusto ang ganitong sitwasyon pero hindi siya nagrereklamo dahil ito ang condition ko.

"Bago pumasok at pagka-uwi na lang tayo magkita-"

"Paano kung gusto kitang halikan? Hindi kita pwedeng halikan sa loob ng school?"

Umawang ang labi ko. Kung gano'n, ito pala ang pinaka malaking pino-problema niya?

"Bakit mo ako hahalikan?"

"Because you are my girl and your lips are mine!"

Napalunok ako at napatingin sa labi niya. Mahilig nga siyang manghalik. Hindi lang normal na halik. Mas madalas kasisimula pa lang nanghihigop na ng lakas ang halik niya. Napaisip ako. Ayokong binabale ang mga rules sa paaralan. Iniingatan ko ang reputasyon ko sa mga guro at mag-aaral. Ngunit nagawa kong suwayin ang panuntunan ng ilang beses at sobra sobrang konsensya ang tinamo ko. Mapipigilan ko ba ang sarili ko kapag nasa ganoong sitwasyon na? Naalala kong kaninang madaling araw hindi ba't ako pa nga ang nagyaya?

"Bago na lang pumasok at pagka-uwi? Maaga akong pumapasok, agahan mo na lang din. Kung walang practice, may isa o dalawang oras ako bago umuwi..."

Sunod sunod siyang pumalatak at dismayado siyang umiling.

"Damn... One or two hours in a day isn't enough for me..." He looks like a child who lacks attention so he just wants my full attention on him.

Pabagsak niyang isinandal ang kanyang likod sa sandalan ng upuan. Huminga siya ng malalim. Pumikit siya ng mariin at minasahe ang tulay ng kanyang ilong.

Pinanuod ko siyang mahirapan sa sitwasyon namin. Kakayanin niya ba? Ngayon pa lang parang ayaw na niya. Inipit ko ng ngipin ang itaas na labi ko at pinigilan na mag-init ang aking mga mata. Kung magpapatuloy na ganito baka hindi niya rin matagalan?

Nanikip ang dibdib ko. Inamin niya na gusto niya ako. Pero paano kung magpapatuloy na ganito at mapagod siya? Magsasawa ba siya at babalik sa pagiging babaero? Marami siyang pagpipilian na babaeng papayag sa lantaran na relasyon kung siya ang magiging boyfriend, ako lang ang bukod tanging babae na gusto siyang itago.

"Hindi mo kaya? Ayaw mo na? Titigilan na ba natin-"

Mabilis siyang napadilat. Ibinaba niya ang kanyang kamay. Padarag niya akong nilingon at nanlalaki ang mga matang pinandilatan ako.

"No! Anong titigilan? Tayo?"

Nag-iwas ako ng tingin. Sa dashboard ako humarap ngunit humarang doon ang mukha niya nang tawidin niya ang pagitan namin. Nakatukod ang isang kamay niya sa upuan ko at hinuli ang mga mata ko. Nagkatinginan kami. Naninimbang ang mga mata niya at binabasa ako.

"Bakit mo iniisip iyan? Gusto mong maghiwalay tayo? Kasasagot mo lang sa akin iyan na kaagad ang iniisip mo?"

"Para kasing ayaw mo-"

"Gusto ko... Gustong gusto ko ito. Though, I never expected this. I didn't expect my first serious relationship to be a secret. I  don't want to limit my actions. I don't want to hide us. I agreed to keep our relationship secret but it was harder than I thought...."

Hindi ako kumibo. Magkatitigan lang kami nang magpatuloy siya.

"But I want this more than anything, Clementine. I never want anything so bad until you... It's just that... I'm just thinking. Nag-iisip ako kung paano kita makakasama ng mas matagal. Gusto kitang makasama ng maraming oras at hindi tuwing nakaw na oras lang."

Malungkot akong nagbuntong hininga. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay kong nakapatong sa bag ko na nasa aking kandungan. Nilaro ko ang mga kuko ko. Hindi ko alam kung anong gagawin pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong hindi ipaalam sa iba.

"Ito lang ang kaya ko sa ngayon Jax..."

Ibinaba niya ang ulo niya. Sinilip niya ako. Nang mapatingin ako sa kanya, ngumiti siya.

"Naiintindihan ko. Huwag mo na iyon masiyadong isipin. Ako nang bahala. Pag-usapan na lang natin ito kapag nagsimula na ang pasukan... Okay?"

Nagtaas siya ng kilay at nag-aabang ng pagsang-ayon ko. Tumango ako. Mariin at malalim niya akong hinalikan bago siya umayos at bumalik sa sariling upuan. Nagsimula siyang paandarin ang sasakyan. Ang sabi niya, pagkapasok saka na namin pag-uusapan. Na hindi naman nangyari dahil habang nagmamaneho, nag-iisip siya.

Kaya sa huli napagkasunduan namin habang nasa daan na magkikita nga kami sa puno bago pumasok. Kapag break time, sa locker room naman kami ng mga soccer player. Hindi pwede sa locker room ng cheering squad. Hindi ko pwedeng utusan ang ibang kagrupo na huwag pupunta roon. Hindi katulad ni Jax na sabihan niya lang ang mga ka-team niya na huwag pupunta roon ng ganoong oras, susundin nila. Kapag oras naman ng uwian, doon kami sa kwarto niya. Doon ko na rin siya tuturuan.

"Nasira ang cellphone mo?"

Tumango ako nang sulyapan niya ako habang nagmamaneho. Mabilis din niyang ibinalik ang tingin sa daan. Hawak niya ang isang kamay ko. Nakapatong sa hita niya. Ang kanyang hinlalaking daliri ay gumuguhit ng bilog na hugis sa aking palad. Nakakakiliti ang ginagawa niya ngunit hindi ko naman sinasaway. Hindi ko binawi ang kamay ko at hinayaan siya.

"Nasa 'yo pa ang cellphone ko, 'di ba? Gamitin mo muna iyon. Doon ako tatawag pagkauwi ko," sinulyapan niya ulit ako.

"Okay," puro okay at tango ang sagot ko.

Mahirap ang ganitong relasyon pero dahil pinili ko ito, kailangan maki-cooperate ako sa gusto niya. Besides, sinusunod niya rin naman ang mga ayaw at gusto ko. Bigayan na lang kaming dalawa kung gusto namin parehong mag-work ito.

"Kapag tumawag ako o nag-text. Magreply ka kaagad at sagutin mo. Hindi na nga kita pwedeng makasama, hindi pa kita makakausap ng maayos sa telepono."

Nasa kalsada ang tingin niya pero naringgan ko siya ng pagtatampo sa boses. Hindi pa nag-iisang araw pero nahihirapan na siya. Sa akin ayos lang kasi ako ang may ayaw na ipalam sa ibang tao. Siya, mag-aadjust siya dahil gusto niyang ipaalam sa lahat. Gusto niyang ipaalam sa mga magulang ko pero hindi niya iyon gagawin hanggat hindi ko pinahihintulutan.

"Tatawag ako," paalala niya pagkahinto sa tapat ng bahay.

Hinubad niya ang seatbelt niya at dumukwang para halikan ako. Pumikit ako at humawak sa braso niya. Sinabayan ko ang paggalaw ng kanyang labi. Nagbitaw siya ng mahinang daing pagkapasok ng dila niya sa loob ng aking bibig. Nadadala na ako subalit nang maalalang nasa tapat na kami ng bahay, napigilan ko ang sarili ko.

Nang magtagal pa ang halik at nang maramdaman ko ang isang kamay niyang dumakot sa aking dibdib, ako na ang tumulak sa kanya palayo. Nakapikit rin siya katulad ko, dumilat lang nang itulak ko. Mapungay ang kanyang mga mata. Mabilis ang paghinga at awang ang labi na para bang nabitin siya sa ginawang malalim na halik.

"Madulas pa ang daan. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

Lumabas na ako sa sasakyan at hindi na hinintay na tumango siya. Parang ayaw niya kasi akong pababain. Baka ibalik niya pa ako sa mansion nila kung hindi ako bababa.

Nagmano ako sa magulang ko pagkapasok sa bahay. Pagkatapos nila akong kumustahin dumiretso na ako sa kwarto. Suot ko pa ang uniform na nilabhan ni Jax. Hindi ko na nagawang magpalit ng damit at pabagsak nang nahiga sa sariling higaan.

Hindi hamak na mas malambot kaysa sa higaan ko ang kama ni Jax pero pakiramdam ko mas mapapagod ako roon kung doon ako matutulog buong araw.

Pagkapasok ko sa kwarto saka ko naramdaman kung gaano kapagod ang aking katawan sa dalawang beses na nangyari sa amin. Nalamog ako at pakiramdam ko'y binugbog ako.

Niyakap ko ng mahigpit ang malaki kong unan. Pumikit ako at ibinaon doon ang aking mukha. Kahihiwalay lang namin pero bakit parang gusto ko na kaagad siyang makatabi?

Shower gel niya ang gamit ko sa pagligo at damit niya rin ang suot ko noong matulog sa tabi niya. Kaya't hanggang dito sa bahay nanunuot sa aking ilong at katawan ang bango niya. Dahil doon, lalo ko tuloy siyang gustong makasama.

Mahaba ang naging tulog ko at nagising lang sa malakas na kalampag ng buhos ng ulan sa bubong namin na gawa sa yero. Sa sobrang pagod ng katawan hindi ko siguro namalayan na nakatulog ako.

Napabalikwas ako ng bangon at pupungas pungas na tinungo ang cabinet nang maalalang hindi ako nakapagsabi kay Jax na matutulog na ako. Pagkabukas ko sa cabinet, agaran kong hinanap ang telepono niya na itinago ko roon. Hindi nga ako nagkamali na tadtad ako ng tawag at messages galing sa kanya.

Jax:

Nasa kwarto na ako. Pwede ba akong tumawag?

Ito ang pinaka-naunang mensahe niya. I think he just came home when he sent this message. Lumipat ako sa ibang mensahe na pinadala niya. Nasa walo lahat at may ilang missed calls bago siya nagpaalam na matutulog na. Na magkita na lang kami bukas bago pumasok.

Jax:

Good morning.

Jax:

Why aren't you replying?

Jax:

Walang pasok. Hindi na nga tayo magkikita hindi ka pa nagrereply?

Ramdam ko ang lamig kahit binabasa ko lang naman ang mga messages niya. Ang nahuling tatlo na ito ay ngayon lang umaga. Kada tatlong minuto ang pagitan no'n. Saktong sakto na para bang inorasan niya kung gaano ako katagal magtype para magreply. Hindi ko naman nasagot dahil tulog ako.

Hindi na ako nag-isip. Kahit hindi ko alam kung may load ba ang telepono niya'y sinubukan ko siyang tawagan. Nang mag-ring, kinabahan ako. Nakagat ko ang dila ko nang mabilis niyang sinagot iyon sa unang ring pa lang. Malamang na hindi niya mabitawan ang telepono at kanina pa siya nakaabang.

"Akala ko nakalimutan mo nang may boyfriend ka," nagyeyelo na bungad niya. Kung nasa harapan ko ito ngayon, nahihitsura kong nakasimangot ito at iritadong nakatingin sa akin.

"Nakatulog ako-"

"Hindi ka man lang nag-aalala kung ligtas ba akong nakauwi? Nakatulog ka kaagad?"

Tunog sarkastiko ang boses niya. Malamig at may diin. Hindi ko tuloy alam kung bakit ako nangingiti. Umupo ako sa kama. Sumandal ako sa dingding at niyakap ulit ang unan na yakap ko kanina bago makatulog.

"Ang lapit lang ng sa inyo, Jax-"

"Malapit lang kaya okay lang kahit madisgrasya ako?"

Tiniklop ko ng dalawang daliri ang ibabang labi ko, pinipigilan kong matawa.

"Bakit ka madidisgrasya? Marunong ka naman magmaneho-"

"Ikaw na ang nagsabi na madulas ang daan! Paano kung bumilis ang patakbo ko at may nangyari sa aking masama?"

Lumaki ang ngiti ko. Pinigilan ko sa boses na malaman niyang nangingiti ako.

"Mukhang maayos ka naman na nakauwi. Kung may nangyari sayong masama, eh 'di sana hindi kita kausap ngayon-"

"Really?" Narinig ko ang kama at sa palagay ko'y napatayo siya. "Girlfriend kita pero 'yan lang ang sasabihin mo? Galit ako ngayon! Wala kang balak na lambingin ako?"

May sasabihin pa sana siya. Hindi na niya natapos dahil sa malakas na halakhak ko. Natutop ko ng isang kamay ang aking bibig. Naluluha ang mata ko dahil sa malakas na pagtawa. Malakas naman ang buhos ng ulan. Kung mag-uusap kami, hindi ako maririnig nila nanay kahit nasa kwarto o sala pa sila.

Sa pinapakita niya, sa tingin ko gusto niyang may nag-aalala at naglalambing sa kanya. Hindi ko alam kung gano'n ba ako bilang girlfriend dahil wala naman akong karanasan sa ganito. Ayokong ipilit at magpanggap. Kung gano'n man ako, kusa na lang sigurong lalabas iyon sa kilos ko.

I'm not a text and call person. Hindi ako nahilig sa mga telepono o anumang gadgets. Wala akong kaluho luho sa katawan. Kung hindi pa ako bibilhan ni nanay ng mga pambabaeng gamit, wala akong balak bumili.

I'm also not a sweet talker. I usually hold and keep myself my real feelings. Kahit sa mga magulang ko hindi ko na maalala kung kailan ako huling naglambing. Siguro kailangan kong baguhin iyon? I just thought changing characters isn't bad as long as I remain true to myself. Basta magustuhan ko ang kalabasan at wala akong kailangang hamakin at apakan na tao, walang masama sa kaonting pagbabago.

"Tinatawanan mo ako?"

"Nasaktan ka ba?" Sa halip na tanong ko. Napigilan ko ang tawa ko subalit pulang pula na ang aking mukha.

Matagal siyang hindi nagsalita. Narinig ko siyang nagbuga ng hangin at bumalik sa kama.

"Hindi..." Mahina na ang boses niya ngunit naroon pa rin ang pagtatampo.

"Huwag ka na magalit. Anong ginagawa ng boyfriend ko ngayon?"

Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa boses kong nanlalambing. Naigalaw ko ang mga balikat ko nang maramdaman ang pagtaasan ng mga balahibo ko. Nangingilabot ako. Sinubukan ko lang at na-realize kong hindi ako maaaring ihanay sa mga sweet na girlfriend.

Narinig ko siyang pumalatak. Na para bang hindi niya matanggap na makukuha ko siya sa isang suyuan. Napangiti ako at naiimahe siyang namumula at nagpipigil ng ngiti.

"Nasa kama. Nanunuod ako ng balita. Maaga akong gumising para marami tayong oras na magkasama bago pumasok. Hindi pala kita makakasama ngayon."

"Wala kasing pasok-"

"Wala na nga 'tapos hindi ka pa nagrereply!"

"Nakatulog nga ako..."

Wala kaming ginawa kundi ang magtawagan at magpalitan ng mensahe buong araw. Kapag lalabas ako sa sala, nagpapaalam ako sa kanya. Hindi pwedeng makita ng mga magulang ko ang cellphone. Magtataka sila kung kanino iyon lalo at mamahalin.

I fell asleep talking to him and woke up with his call. Wala pang hilamos at sipilyo nang sagutin ko ang tawag niya. Paos pa ang boses ko at nanatiling nakahiga sa kama habang kausap siya.

"Ano ba tayo? Mag-asawa?" Natatawang sagot ko pagkatapos niyang magbigay ng suhestyon na doon na lang ako sa kanya tumira.

"Wala bang balak magtrabaho ulit dito ang nanay mo? If they both work here, Lola can convince them to just stay here-"

"Stay saan? Sa mansyon? Kahit sampong minuto lang ang layo ng bahay namin mula sa inyo?" Natawa ako. "Huwag mo nang ilusot Jax, at wala na rin naman balak magtrabaho sa inyo si nanay."

"Bakit hindi? Si Tito Gary nagtatrabaho rito-"

"Hindi siya nagtatrabaho diyan. Tumutulong lang siya minsan sa paglilinis ng mga kwadra at pagpapaanak ng mga alaga niyong hayop."

"Bakit ayaw nila dito? Makakaipon sila kung pareho silang nagtatrabaho bukod sa pinagkakakitaan nilang pananim."

"Ayaw nga nila at hindi namin kailangan ng maraming pera. Nakakakain naman kami araw araw. Sapat na iyon."

Umikot ang mga mata ko. Ang hirap niyang kausap. Gagawa talaga siya ng dahilan maipilit lang ang gusto niya.

"Mas maganda pa rin na mayroon silang trabaho rito. Sasabihan ko si Lola na bigyan sila ng mataas na sahod-"

"Huwag na! Nakakahiya lang sa Senyora dahil tatanggihan siya nila nanay! Narinig ko pa nga na pinag-uusapan nilang hindi na tutulong si tatay sa paglilinis ng kwadra at pagpapaanak sa mga alaga niyo dahil marami naman kayong tauhan!"

"Ha? Bakit pati iyon?"

Nagkibit balikat ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Hindi ko alam. Narinig ko lang na pinagtatalunan nila ni nanay."

Narinig ko silang pabulong na nagtatalo. Usapan iyon ng matatanda kaya hindi ko na masiyadong pinakinggan. Hindi naman sila magbubulungan kung gusto nilang iparinig sa akin iyon.

Nangulit pa siya. Mahabang paliwanagan pa bago ko siya nakumbinsi na hindi pwedeng mangyari ang gusto niyang doon kami tumira.

"Kung wala pa ring pasok bukas, pupuntahan na kita diyan."

Umiling ako at nakukulitan na sa kanya. Gusto niya pang mag video call. Hindi ko sinagot kanina dahil biglang sumisilip dito si nanay. Baka mahuli pa ako. Nagkasya na lang kami sa tawag, at least kung biglang papasok si nanay, madali kong maibababa at magkunwaring walang kausap.

"Malakas ang ulan Jax. Wala ngang baha pero mahihirapan kang makita ang daan. Saka ano naman ang idadahilan mo sa mga magulang ko kung bakit ka pupunta rito sa kasagsagan ng bagyo?"

Narinig ko ang buntong hininga niya at walang sinabi. Siguro'y nag-iisip na naman kung paano kami magkikita. Sandali pa kaming nag-usap kahit matamlay siya dahil ayokong pumayag na pumunta siya. Naputol lang ang tawagan namin nang biglang mamatay ang telepono niyang gamit ko. Nang tingnan ko'y natanto kong naubusan na ng baterya iyon.

Nasa akin nga ang cellphone niya ngunit wala naman akong charger dahil iba ito sa ginagamit ko. Wala akong pagpipilian kundi ang maghintay na magpasukan bago siya ulit makausap. Kahit mapraning pa siya sa biglaang pagkaputol ng tawag wala akong magagawa sa pag-iinarte niya.

Lumuhod ako sa gilid ng kahoy na kama at inangat ang manipis na kutson. Itinago ko roon sa ilalim ang pills. Naupo ako sa sahig at mabilisan na kinuha ang isang maliit na tableta. Isinubo ko iyon at hinayaan sa aking dila.

Pagkalabas ko, nagtutupi ng mga damit si nanay. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig upang malunok ang gamot. Kahapon ako nagsimulang uminom nito at pangalawang araw ko na ngayon. Dinatnan din ako kaninang umaga na ikinahinga ko ng maluwag.

"Dumaan dito si Harry kanina. Akala ko natutulog ka pa," si nanay.

Napasilip ako sa bintana na kaunting nakabukas. Malakas pa rin ang ulan. Tanghali pa lang subalit halos madilim na sa labas. Lumapit ako at naupo sa tabi ni nanay upang tumulong sa pagtupi ng mga damit.

"Po? Bakit daw po? Ang lakas ng ulan pero nagpunta siya? Baka importante po ang sadya niya? Sana kinatok niyo po ako?"

"Sabi ko nga gigisingin kita kung tulog ka. Hindi na raw. Iniwan lang itong plastic folder."

Binitawan niya ang tinutuping damit at kinuha sa lumang center table ang plastic folder na hindi ko napansin. Binuksan ko iyon at nakitang listahan ito ng mga pangalan ng dadalo sa fundraising. Narito ang pangalan ng ate ni Peter at mga kaibigan nito. Narito rin ang pangalan ng mga imbitado noong kaarawan ni Levi. Mukhang marami ang makikidalo ngayong taon. Malaki yata ang magagastos namin sa after party.

"Hindi ka raw niya matawagan."

Nawala sa mga pangalan na binabasa ang mata ko at nai-angat kay nanay. Nagbalik siya sa pagtutupi pero nasa akin ang mga mata.

"Ah... Nasira po ang cellphone ko..." Nahirapan akong lumunok. Nag-iwas ako ng tingin kay nanay at niyuko ang folder.

"Nasira? Naulanan ka ba noong magbaha nang matulog ka sa guest room ng Senyora?"

Guest room? Pinigilan kong kagatin ang ibabang labi ko. Nagkunwari akong binubuklat ang mga papel na nasa folder nang tumango ako. Hindi ako makatingin kay nanay dahil sa nakaambang kasinungalingan na idadahilan ko.

"Tinakbo ko po kasi ang ulan. Nabasa ang mga gamit ko kasama ang cellphone. Nadaanan po ako ni Jax kaya isinabay na niya ako."

Nagpapasalamat akong hindi ako nautal. Nakokonsensya ako dahil nasasanay na akong magsinungaling sa mga magulang ko. Kukuha ako ng tiyempo o 'di kaya'y pagkatapos ng graduation ipapaalam ko sa kanila ang relasyon namin ni Jax. Kahit sa kanila lang. Kahit hindi na sa iba. Kasi hindi nararapat sa mga magulang ko ang ginagawa kong paglilihim sa kanila.

"Maayos na ba ang pakikitungo mo sa apo ng senyora? Bawasan mo ang pakikipag-away sa kanya. Tingnan mo nga at tinulungan ka pa. Kung hindi ka pala niya nadaanan wala kang matutulugan dahil hindi ka makakaraan sa baha."

Patago akong napapatingin kay nanay. Palipat lipat sa kanya at sa folder ang mga mata ko. Abala siya sa pagtutupi ng malalaking damit ni tatay habang nagsasalita.

"Opo, susubukan ko pong maging mabait sa kanya," at malambing na rin.

"Ipagluto mo kaya? Magpasalamat ka at ipatikim mo ang luto mo?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nang balingan niya ako'y mabilis kong pinakawalan ang labi at tumango. Ngumiti siya at ibinalik sa ginagawa ang tingin.

"Magkakasundo kayo kapag natikman niyang masarap ka magluto," pahabol pa niya.

Umabot ako ng damit. Napapanguso ako habang nagtutupi. Kung alam niyo lang po, Nay. Ibang pagkain ang naipatikim ko.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
227K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
37.6K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...