my name is not love

By mooncalfmaven

5.8K 252 26

"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary su... More

i.
ii.
iii.
start
level one
level two
level three
level four
level five
level six
level seven
level eight
level ten
level eleven
level twelve -
level thirteen
level fourteen
level fifteen
level sixteen
level seventeen
level eighteen
level nineteen
level twenty
level twenty one
level twenty two
level twenty three
level twenty four
level twenty five
level twenty six
level twenty seven
level twenty eight
level twenty nine
level thirty
game over

level nine

73 4 0
By mooncalfmaven

***

three years later

***

Dear Young Master,

Kamusta na ho kayo? Pinapakain ba kayo ng maayos diyan? Inaalagaan po ba kayo ng mabuti? Sana naman oo, dahil malalagyan ko ho ata talaga ng butiki ang kape ni Don Alejandro kapag nalaman kong hindi ka nata-trato ng maayos. Hindi po ako nagbibiro.

Saka alam niyo ho bang lumayas si Kurt sa bahay nila at lumipat na sa Funereal High? Si Rob naman po, hindi naman siya naglayas o ano, pero sa Funeral na rin ho siya nag-aaral ngayon. Kapwa po sila kumuha ng strand na STEM at 'yon na po ang huli kong balita sa kanila. Masyado po kasing nagkakagulo sa Dazarencio Clan ngayon at ang dami ng nadadamay.

Tungkol naman po sa pagpatay kay Doña Celeste, hanggang ngayon po hindi pa rin natutunton ng mga pulis 'ang babaeng nagpanggap na bodyguard, pero hayaan niyo po Young Master, hindi naman ako tumigil sa pag-iimbestiga. Alam kong hindi ko dapat sinasabi ito sa inyo pero kayo po dapat ang susunod na mamamatay kung ang Manslaughter wanna be nga ang may gawa. Kaso buhay pa naman po kayo 'di ba?

Wala na rin naman pong ibang namatay these past few years. Kaya hindi na rin talaga ako sigurado kung talagang bi-nase ng killer sa istorya ko ang pagpaslang niya o kakabasa ko lang talaga ito ng mga patayan na istorya. Pero Young Master, kung hindi si Manslaughterer wanna be, e bakit nagkatotoo din 'yong kwintas 'di ba? Hay ewan ko nalang talaga, pero malalaman ko rin ang lahat, pangako.

Kailangan ko lang talagang mahanap 'yong nilalang na naka itim na leather jacket dahil isa siya sa mga lead ko. Masyadong maingat si Ivan kasi at oo nga pala ayaw niyong binabanggit ko ang isang 'yon. At oo nga din pala at sinabi niyo sa huli niyong sulat na hindi ka interesado sa mga kaganapan sa pamilya mo at magkwento lang kako ako ng mga magandang nangyari sa buhay ko.

Kaso wala pa rin naman po masyadong magandang nangyari sa buhay ko ngayong Senior High na ako. Nagkahiwalay nga kami ng mga kaibigan kong sina Hope at Archie dahil pareho silang nag ABM at alam naman nating lahat na hindi ako pwede doon. Kaya heto't naging kaklase ko pa si Rui. Hayop na 'yan.

Ni hindi ko nga alam kung bakit siya napadpad sa HUMSS e' wala naman siyang humanity at mas lalong mukhang wala naman siyang pakialam sa sanlibutan. Pagtatawanan niya lang lahat at hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya sinasali sa sulat na 'to, at mas lalong hindi ko alam kung bakit nagsusulat pa rin ako para sa 'yo kahit wala namang isa sa mga 'to ang makakarating sa kung nasaan ka man.

**

Napabuga ako ng hangin at tinitigan ang huling katagang isinulat. Hindi ko maiwasang manlumo dahil halos tatlong taon na rin pala simula nang pinaalis si Typo. Pinagbawalan pa itong gumamit ng kahit na anong gadgets kaya ang tanging paraan lang upang magkaroon kami ng koneksyon sa kanya ay sa pamamagitan ng family nurse na nagbabantay dito, at sa mga sulat ni Typo na ipinapadala niya sa Local Post Office nila na siyang nakararating sa 'min.

Pero ang lahat ng mga sulat na 'yon ay naka direkta lang sa akin, kaya taos puso ko ring tinutugunan hanggang sa nakakakaya ko. Hanggang sa malaman iyon ni Don Alejandro at pinakita sa 'kin ang video footage kung saan nakaratay ang baldado kong tatay, at ang mga aparatos sa tabi nito na napaka dali niya lang mabubunot kapag sinuway ko si Don Alejandro.

Kaya ayon at ang pagpapalitan namin noon ng mensahe ni Typo ay unti-unti nang natigil. Noong una ay nagpapatuloy pa rin siya sa pagpapadala ng sulat kahit hindi na ako tumutugon. Nakakadurog ng puso kasi alam kong sa mga sulat na 'yon nalang kumukuha si Typo ng lakas ng loob para lumaban tapos ipagkakait pa ni Don Alejandro sakanya.

Na kesyo hayaan daw namin siyang masanay para maging matatag siya. Na para din daw ito sa kanya at-

"Hey Nathy, what are you doing there ba? You're not even listening naman e!"

Mabilis kong nilukot ang papel sa desk at itinago ito sa bulsa ng suot na palda. Kapwa napatingin sa direksyon ko sila Astrid at Cheena, maging ang nagsalitang si Becky ngunit isang malambing na ngiti lang ang isinukli ko sa mga ito at itinuon nalang muli sakanila ang atensyon ko.

"So as I was saying kanina, there's this weird neighbor of mine na I think sumasamba kay Satan, so I told my father about it and naka schedule na sa mga Asteranza ang persecution at pagpapapago sa kanya," taas noong pagpapatuloy ni Becky sa kinu-kwento dahilan para manliit na lang ang mga mata ko at napabuga nalang ng hangin.

Kalma, Nathalie. Hindi siya worth it para maging dahilan ng pagkabanas mo at mas marami ka ng narinig at nasaksihang masalimuot na bagay simula pagkabata, kaya hindi na 'to big deal.

Namangha ang mga kasama ko sa narinig na akala mo naman ay napakabuti ng tao ni Becky dahil sa pagpaparatang, ngunit muli ay bumuga nalang ako ng hangin at kinagat ang sariling dila. Kalma, Nathalie. Hindi mo sila pwedeng gilitan ng leeg.

"Kaya nga I'm so proud of Nath e. Kasi we were able to introduce her sa lighter side ng life and she was able to change," buong galak na sambit ni Astrid kaya nakangiting tumango nalang din ako. After all, medyo tama naman sila at sinusubukan ko rin namana talagang magbago at ibaon sa limot ang dating ako.

Ang dating ako na puno ng galit at poot.

Patuloy lang sila sa pag-uusap sa mga nagawa nilang magandang bagay kuno ngayong araw hanggang sa dumating na ang teacher namin sa World Religion. At nakakalungkot man dahil hindi ko ka-strand sila Archie at Hope, at least may nakakasabay pa rin naman sa buhay Senior High.

Naging kaklase ko kasi silang tatlo noong Grade 10 at buti nalang ay nakasabay ko sila noong enrollment. Mabuti nalang din kako at magka-strand kami kaya atleast hindi ako maglalakad mag-isa katulad noong babaeng nakaitim na hoodie na nakapwesto sa tabi ng bintana, sa pinaka likod. And speaking of her, recess na pero hindi parin siya umaalis sa pwesto niya.

"Tara na, Nath!" Bahagya akong napatalon dahil sa pagtawag ni Astrid. Nakasilip ito mula sa pintuan ng classroom kaya agad nabaling dito ang atensyon ko.

"Oo, susunod na!" nakangiti kong tugon at nagmadali na sa pagliligpit ng mga kuneho kong ballpen at pink na mga notebook na nagkalat sa armchair.

"Magbibilang ako hanggang tatlo kapag hindi ka pa tapos, iiwan kita, ah!" rinig kong sabi niya dahilan para mas mataranta tuloy ako sa ginagawa! Aba, talaga naman!

"Isa!"

"Sandali lang kasi!" giit ko at binuksan ang zipper ng strawberry designed kong sling bag.

"Dalawa!"

Aktong mailalagay ko na ang lahat sa ayos, ngunit ganoon nalang talaga ang pagsinghal ko nang masagi ang pendant ng isang kwintas at mahulog ito. Badtrip naman talaga!

Mabilis akong gumapang upang hagilapin ito, ngunit saktong pagkasambit ni Astrid sa salitang "Tatlo" ay nang madatnan kong nauna nang mapulot ni Rui 'yong pendant. 'Yong kaparehong pendant na nahanap niya doon sa gilid ng ilog at isinuot sa 'kin tatlong taon na ang nakakaraan.

"Okay, that's it, Nathalie, I'm leaving," rinig ko pang saad ni Astrid ngunit hindi ko na nagawa pang magkaroon ng paki doon. Nanatili akong nakaupo sa sahig at tinitingala ang babaeng sinusubukang kong iwasan buong high school. Para akong natuod sa kinalalagyan. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko.

Lalo't nakapaskil pa rin sa mukha nito ang kanyang nakakalokong ngiti, pati na ang misteryosong mga mata. Ang kaibahan lang ngayon ay mas humaba na ang kanyang buhok at nagkaroon narin ito ng curtain bangs. Hindi ko tuloy alam kung bumabagay ba talaga sakanya ang itim naming long sleeves vest na pinalooban ng puting blouse o nadadala lang ng yayamaning vibe ng uniporme namin ang mukha niya.

Well, hindi ko sasabihing maganda siya. Pero hindi din naman siya pangit. Teka nga, ano bang pakealam ko sa isang 'to?

Mabilis akong napailing at napagdesisyunan nang tumayo. "Akin na nga 'yan," giit ko pa at sinubukang bawiin ang hawak niyang kwintas.

Ngunit dahil nga pilya siya ay mas itinaas niya lang ito at inilayo sa 'kin. Ayoko namang dumikit lalo sakanya kaya hinayaan ko nalang at bumalik na sa pagkakaupo at pag-aayos ng mga gamit.

"Huwag mo sabihing sasabay ka pa rin sa mga 'yon?" natatawa niyang saad habang pasimpleng naupo sa katabing armchair.

Hindi ako kumibo at inilahad lang ang palad, sinesenyasan siyang ibalik na sa 'kin 'yong ebidensya ko sa Celeste Murder Case. Ngunit bumingisngis lang ang loko at imbis na 'yong kwintas ang ilagay ay 'yong kamay niya ang ipinaibabaw niya sa palad ko!

"You know what, fuck your friends, you hate them anyway. Have a lunch with me instead," natatawa niyang saad. Ganoon nalang din ang panlalaki ng mga mata ko nang hindi na niya binitiwan ang kamay ko at tuluyan na ngang hinila papunta sa kung saan!

Sandali laaang!

•••

"I don't hate my friends."

"But you don't look happy with them."

"I'm actually not happy with everything. What do you mean?"

Napailing nalang ako nang maalala ang napag-usapan namin ni Rui nang araw na 'yon at bumalik na sa paglilinis ng bintana sa mansyon. Kahit kasi wala si Young Master dito at nag-iisa nalang na asawa ni Don Alejandro si Nanay ngayon, katulong pa rin naman ako ng mga Dazarencio, at mananatili akong ganito hangga't hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral.

Gayonpaman, imbis na mag aklas o lumaban pa, natutunan ko nalang na huminga at hayaan nalang muna pansamantala ang lahat. Na baka makapaghihintay naman ang katarungan para sa 'min at baka kapag sinubukan kong dumaan sa tamang direksyon ay baka may mararating din naman ako. Kahit pa para nalang akong nagpapatangay sa agos.

Ito na rin kasi palagi ang routine ko at alam kong parang may kulang, pero hindi ko naman 'yon magawang punan kaya nagpapadala nalang ako sa mga sitwasyon. Ang gago lang kasi halos desperado naman ako sa kalayaan dati, pero ngayong medyo nakamtan ko na dahil sa pagkawala ni Typo, hindi naman ako masaya.

Ni hindi ko nagawang magdiwang at heto't tinatali ko nanaman ang sarili ko sa kahit na anong bagay na magapagpaparamdam sa 'kin na pagmamay ari ako ng kahit na ano. Kahit pa ng pagbabago o kabutihan.

Sumunod na araw, pumasok ako sa klase na para bang handa na akong gumanap sa isang panibagong karakter. Palangiti, malambing at approachable na ulit sa lahat.

"Good morning!" masigla kong bati sa guard bago tuluyang pumasok sa loob ng Somber High. Kulang nalang makipagyakapan ako sa lahat para lang maramdaman kong mabuti akong tao. Pero kahit na ganoon, nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa at dumaan pa sa school library para manghiram ng libro.

Balak ko kasing mag advance study para sa kursong kukunin ko sa college at para naman ma-kondisyon ko ang sarili bilang Humanista. Nang makapili na ako ng ilang criminology books, nagtungo na ako sa librarian's desk para mag fill-up, ngunit agad ding nabitin sa ere ang kamay nang may marinig na isang pamilyar na boses.

"Good books, studying how to be a criminal?"

Alam kong sarkastiko 'yon, pero hindi ko mapigilang mapasinghal nang balingan ito. Bahagya naman akong napkurap kurap nang matanto kung gaano na siya katangkad ngayon, lalo na nang napansing kasing puti na ng hoodie niya ang kulay ng kanyang buhok.

Tigas talaga ng mukha ng Ivan na 'to.

Lumunok ako ng laway at gusto na talaga sanang mapairap, ngunit agad ding natigilan nang maalalang nagbabagong buhay na nga pala ako at kailangan kong maging mabait. Dahilan upang mapatitig nalang ako sa hawak niyang compilation book ng mga tula ni Edgar Allan Poe.

"Isn't it weird? Poets are known for being soulful, but you clearly doesn't have one," malambing na sagot ko nalang at kinuha na ang tatlong librong hihiramin. Bahagya lang siyang natawa dahil doon at inayos ang frame ng salamin niya.

"But everyone still loves my pieces."

Tinaasan ko ito ng isang kilay. "Wow, akala mo naman talaga may magkaka interes-"

Napaawang ang bibig ko nang magkibit balikat ito at pasimpleng itinuro ang iilan sa mga schoolmates namin na nagsisisiksikan at nakikisilip na pala sa bintana.

Anak ng...

Huwag mo sabihing fans club niya talaga 'yan?

Marahas akong napailing at tinalikuran nalang siya. "But they're just words. You're just good with words," mahina kong sambit bago tuluyang lumabas.

Kulang na nga lang saksakin ako ng ilang mga babaeng nasa labas dahil sa talim ng kanilang mga tingin, ngunit sinuklian ko lang ito ng matamis na ngiti. Yakap ang nga librong hiniram ay payapang naglakad papunta sa klase.

Choose peace of mind. Choose kindness.

Paulit ulit ko 'yang bulong sa sarili hanggang sa tuluyan na ngang makarating sa classroom. Ngunit ganoon nalang ang pagkunot ng noo ng mapansing may estranghero sa loob ng silid namin.

Aktong lalapit ako dito ngunit bigla akong hinablot ni Cheena at kinaladkad palayo doon sa lalake. "Girl, don't! Siya 'yong gangster na sinasabi ko sa 'yo noon," bulong niya dahilan para mapakurap kurap ako.

Gangster? Kailan niya sinabi sa 'kin 'yon?

"Eh anong ginagawa niyan dito?" tanong ko nalang habang kapwa kami naka tambay doon sa may pintuan. Napairap naman ito bago ipinaliwanag na ililipat daw siya dito sa section namin dahil may transferee sa section na pinanggalingan niya at puno na sila.

To think of it, parang pamilyar siya, hindi ko lang masyado matandaan kung saan ko siya unang nakita lalo pa't mukha badtrip pa siya sa ginawa sakanya. Kunot noo lang ito at nakapmulsa doon sa upuan niya kanina e. Kinailangan pa siyang tawagin ng ilang ulit ng class secretary namin bago siya nakipagkilala.

"Look oh, para talaga siyang galing sa impyerno," bulong ulit ni Cheena kaya natawa nalang talaga ako.

Oh please don't underestimate Hell. I've been there.

Nagkibit balikat ako at hahayaan na sana ito sa pakikipag usap niya kay Lori, 'yong secretary namin, ngunit napapatnig lang din ang tenga nang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Markian? Markian ang pangalan mo? Ikaw 'yong kababata ni Ice Bear 'di ba?"

Talagang napataas ang isang kilay ko dahil doon at muli silang nilingon. Kaya pala pamilyar siya, siya pala kasi 'yong maingay na lalakeng may bandana pa sa ulo noon!

"Oo, saka pwede niyo rin akong tawaging Griz! Mahilig ako sa yakap at iba pa," masiglang sagot nito, malayo sa mala sanggano niyang awra. Ngunit mas lalo lang nakunot ang noo ko.

Teka nga sandali, anong Griz? At bakit nakiki-Ice Bear 'yang babaeng 'yan kay Ivan? I mean, wala naman akong pakialam do'n pero ako ang nagbigay sakanya ng nickname na 'yon!

"Hey, are you okay?" takang tanong ni Cheena at maski ako nga ay nagtaka dahil sa pakiki-usyoso ko pa sa usapan nila.

"Ang galing naman. Do you guys have childhood photo together? Like anong itsura ni Ice Bear noong bata pa siya?"

"Mukha pa rin naman siyang pinaglihi sa yelo."

"Haha, grabe naman. But he's still cute, I think. Saka alam mo ba, super crush ko talaga siya, feeling ko nga para sa 'kin 'yong mga poems na sinusulat niya sa fb account niya these past few years."

"Haha! Huwag ka nang umasa, para sa ex niya 'yon."

Huli na nang mapansin ko ang mabilis na pagkuha sa sariling cellphone at pag stalk sa account kuno ni Ivan. Ni hindi ko man lang alam na may ex pala siya! Saka hindi ko 'to ginagawa dahil interesado ako, ginagawa ko lang 'to para may machismis ako kay Typo pagbalik niya at may pinagtatawanan kami.

Akala niya ha.

Seryoso akong nag scroll down sa account niya at hindi maitatangging ang dami ngang reactors at comments. Umaabot na sila sa libo at consistent 'yon. Ang nakakaloka lang talaga ay ang mga tema ng tula ng Ivan na 'to.

Kasi naman, puro tungkol 'yon tao daw kuno na una niyang napansin sa boy's restroom noon, mga lihim na pagkikita sa lumang city library, collaboration para sa isang story at kung paano siya nag mistulang teacher sa nilalang na 'yon. Like what the hell?

At tignan mo 'tong bago niyang update!

@zoenivan posted a new update

(Note: I saw the subject of my poems and proses again, so I might as well drop this new piece.)

Achromatic,
That's what my life
Had been since you
walked away.

You became the only
Hue that lights up the
Depths of my soul, and
Now that you're gone,
I can't see nothing but
Black, grey, and white.

- Your Ice Bear

Anong klaseng kagaguhan 'to?

Napasinghal ako at mahigpit na napahawak sa phone. Tangina naman. Saan ba sa gusto ko kong maging mabuting nilalang at magbagong buhay ang hindi ma-gets ng mundo? Asan ba 'yong kutsilyo ko, makakapatay ata ako ng lalakeng may puting buhok.

Palihim akong napamura at tuluyan nang naikuyom ang mga kamao. Ngunit kasabay noon ay ang biglang paglitaw ni Typo at ng huli naming pag-uusap sa isipan ko. Dahilan upang imbis na manugod o ano pa man ay pinili kong idaan nalang ulit sa isang malambing na ngiti ang lahat.

Kasi hindi pwede e. Hindi ako pwedeng maging marupok at agad na bumalik sa dating ako. Ayokong kontrolin ulit ng galit ang sistema ko at mandamay ng ibang tao dahil doon. Agad akong napailing at inayos ang frame ng salamin. Gusto ko nga sanang kausapin 'yong Markian para magtanong sa kung ano ba ang nahithit ng kaibigan niya at nagfi-feeling ex 'yon sa 'kin.

Pero on the second thought, malay ko naman kung may iba pa talaga siyang nakita kanina at baka para sakanya talaga 'yong tula. Tapos assuming lang talaga ako.

Kaso kung ganoon nga, e bakit lahat ng mga detalye ay ako naman ang tinuturo? Saka pakiramdam ko, para sa 'kin naman talaga 'yong mga tula! Although, hindi ko ikinagagalak na para sa 'kin 'yon, pero pakiramdam ko para sa 'kin naman talaga.

Napasinghal ako at tuluyan nang ginulo ang sariling buhok. Aktong hahakbang na nga sana ako palapit doon sa kaibigan niya at kumpermahin ang kanina pa bumabagabag sa isipan, ngunit agad din namang natigilan.

Teka, ano bang sasabihin ko? "Hello, ako ba 'yong tinutukoy mong inspirasyon ng mga tula ni Ivan?" Hayop naman, paano kapag sabihin niyang hindi, edi napahiya ako at baka magmukha pang naghahabol.

Mapakla akong natawa. No way. Hindi na lang ako magtatanong para hindi ako humantong sa gano'ng sitwasyon. Tse.

"I have a pride and I don't want to look pathetic!" Akmang tatalikod na ako sa direksyon nila ngunit ganoon nalang ang gitla nang mag paglingon ko ay nasa harap ko na 'yong black lady.

I mean, 'yong babaeng short hair na laging naka black hoodie o kung ano mang itim. 'Yon ngang nakaupo sa pinaka likod sa gilid ng bintana at palaging mag-isa? Oo, 'yon!

Imbis na magpakita ng kahit anong masamang reaksyon ay napa buntonghininga lang ako at ginawaran siya ng isang ngiti. Lalo't pareho ata kaming nagulat sa prisensya ng isa't isa. Hindi ko alam, pero ngayong nakita ko siya nang mas malapitan, napagtanto kong nakagagaan pala ng loob ang malumanay niyang mga tingin.

Nagmumukha lang kasi ata talaga siyang iaalay ka sa dyablo, dahil sa may kalakihan niyang eyebags at pagod na mga mata. Pero kapag tinitigan mo siyang mabuti, mukha naman siyang hindi nangangain ng tao. Sadali, yayain ko kaya siyang maging kagrupo sa isang subject?

"Dazzle Amaria! Hello!"

Bago pa man makapagsalilta ay natigilan na ako dahil sa boses ni Markian. Saka teka nga, Dazzle Amaria? Bakit parang pamilyar?

Hmm. Dazzle Amaria. Dazzle. Amaria. Daz. Zel. Ama-.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at muli siyang nilingon na ngayon ay nakikipag usuap na kay Markian.

Daz!

Siya 'yong babaeng may ari ng pangalan na ilang beses ng nadikit kay Ivan noon! Nang mga sandaling 'yon ay tuluyan nalang talaga akong natahimik dahil sa mga natanto. Dahil oo nga pala at ginawan siya ng tula ni Ivan noong grade 8 kami, so baka para pa rin naman talaga lahat ng mga sinusulat ni Ivan.

Pero teka nga, ano bang pakealam ko? Hindi pa naso-solba 'yong Celeste Murder Case, tapos mas pino-problema ko kung sino ang paksa sa mga tula ni Ice Bear? Aba, ang gago lang.

Nako, sorry. Bawal na nga pala akong magmura.

•••

Sumunod na mga araw ay hindi ko na ako nagpa apekto pa sa kahit anong bagay na konektado kay Ivan at nagpatuloy na sa pagbabagong buhay. Bahala sila sa mga buhay nila, hindi ako interesado! Saka kung sinusubukan talaga ni Satanas ang pasensya ko edi mabulok siya ka-aantay na magpapadala ulit ako sa sama ng loob. Dahil hinding hindi 'yon mangyayari!

Akala niya ah!

Muli kong tinahak ang daan papuntang klase na para bang iyon ay lagusan papunta sa isang paraiso. May pa huni huni pa ako ng kanta ni Melanie Martinez habang suot parin ang pink kong denim jacket na mas pinaganda ko pa dahil sa mga cute nitong stickers at burda.

Hindi ko na rin pinansin ang mga matang kanina pa ako sinusundan ng tingin na akala mo naman talaga may ginawa akong napakalaking kasalanan. I mean, sinusubukan ko nang pagbayaran 'yong mga kasalanan ko noon kaya nga ako humantong sa ganitong estado ng buhay. Chill lang kasi sila.

Lalalala. Kapayapaan! Kabutihan! Liwanag! Lalala!

"Ang ganda ng gising natin ah?"

"Ay tangina kang gago!" Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sariling tinuran at mabilis na napatakip ng bibig.

"I-ibig kong sabihin, hala!" bawi ko sa mahinhin na boses, ngunit humagalpak lang sa katatawa ni Rui.

Mabuti nalang talaga at hindi sila Becky ang nakarinig ng sinabi ko! Baka paliguan nila ako ng holy water pag nagkataon. Ngunit nang matanto iyon ay agad akong nag palinga linga sa hallway at gusto na nga lang talagang mapasapo sa sariling noo nang makitang ang dami palang nakarinig ng mga mura ko.

"Patay, baka umabot 'to sa mga kaibigan ko."

"Ang alin? Ang pagmumura mo? Seriously?" natatawa pang tanong ni Rui at sumabay na sa paglalakad ko. Tumango lang ako bilang tugon at hinayaan na siyang magsalita.

"Ano namang pakialam nila eh buhay mo naman 'yan. Isa pa, hindi gan'yan ang Nathalie na nakilala ko noon. Ang angas mo kaya dati."

Bahagya akong natigil sa paglalakad sa kabila ng mga schoolmates namin na nagmamadali at patuloy lang sa paglalakad sa hallway.

"Pero hindi na ako ang Nathalie na 'yon."

Katulad ko ay huminto rin siya at seryoso akong tinitigan sa mga mata. Sa ilalim ng nakasisilaw na liwanag ng araw, habang ang mga buhok ay parehong nililipad ng hangin.

"Well, kung ganoon, gusto ko ring makilala ng lubos ang Nathalie ngayon. Won't you mind spending more time with me again? Hahaha!"

Bahagyang nag init ang pisngi ko, ngunit kasabay noon ay ang parang pagsikip ng dibdib. Bakit niya ba kasi kailangang tumawa pagkatapos magbitaw ng parang seryosong salita? Nagmumukha tuloy siyang nagbibiro at hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ako natutuwa.

Napaiwas ako ng tingin at nagumpisa nang maglakad ulit. Sumabay din naman siya at panay parin sa pangungulit, dahilan para mapabuga ako ng hangin.

"So, who are you now?"

"If you insist then fine. For starters, my name is not Nathalie anymore."

"Eh?"

"It became Nath."

Pinanliitan niya ako ng mga mata kaya napakibit balikat nalang talaga ako.

"It's short for Nath Ynterested. So basically I am now Miss Not Interested." Sa pagkakataong 'yon ay ako naman ang natawa dahil sa kunot niyang noo at inosenteng mga tingin.

Bihira ko siyang makita sa gano'ng sitwasyon kaya ilalabas ko na sana ang cellphone para nakawan ito ng litrato, ngunit ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata nang biglang may bumangga sa 'kin mula sa likuran.

Nagmistulang slow motion ang lahat kahit pa pakiramdam ko mabilis ko namang sinubukang saluhin 'yong cellphone ko. Sinubukan din ni Rui ngunit mukhang kapwa kami nahuli ng ilang segundo kaya patuloy pa rin ito sa pagdausdos papunta sa sahig. Mabuti nalang talaga at nasalo ito ng kung sino!

"Gotcha!" nakangiting saad noong matangkad na lalakeng naka salo, at agad itong iniabot sa 'kin.

"Sa sususunod kasi, huwag gumamit ng cellphone sa daan," pangangaral niya pa kaya kapwa kami napakurap kurap ni Rui. Sino ba 'tong isang 'to at nagfi-feeling close sa 'min?

Agad akong napailing dahil sa isipin at bahagya nalang ding sinuklian ang mga ngiti niya. Magpapasalamat na nga sana ako, ngunit bigla ulit may sumagi sa 'kin ng malakas.

Kapwa nga napasinghap sina Rui at 'yong lalake. Akala ata nila, pati no'ng tumulak, ay madadala ako sa pwersa no'n at tuluyang matutumba sa sahig. Naka handa na nga 'yong lalake na saluhin ako, ngunit mapakla akong natawa. Malas lang dahil dati akong nagbabalak na maging kalahok sa isang tournament na buhay ang kapalit. Hindi ako kasing hina ng inaakala nila.

Sa isang iglap ay marahan kong nilingon ang may sala at tinapunan ito ng matalim na tingin.

"Ano bang problema mo?"

Dahil doon ay bahagyang nanlaki ang mga mata no'ng babaeng kaklase pala namin at agad na napa atras. "S-so-sorry, Nathalie. Inutusan lang ako ng ibang Zoenatics kasi ikaw daw ang dahilan kung bakit puro malulungkot ang paksa ng tula ni Ivan!" bulalas niya at magmadali nang nagtatakbo palayo sa 'kin.

Anong pinagsasabi nito?

Pinagpagan ko ang parte ng uniporme kong nadikit sa babaeng 'yon at doon ko lang napansing halos pagtinginan nanaman ako ng lahat. Maging nitong dalawang nilalang sa harap ko.

"Bakit?" inosente kong baling sa mga ito.

"Akala ko ba nagpapakabait ka na? Ba't mo tinakot ng gano'n si Sushi? Hahaha, nice!" bulalas ni Rui at pabiro akong inakbayan. Mapakla akong natawa dahil doon at napailing nalang.

"Ano ka ba, hindi ako gano'n manakot ng tao. Nagtatanong lang naman 'e." Ngumuso ako at tuluyan nang nagpasalamat doon sa lalake. Tumugon din naman siya at buong galak na nagpaalam sa 'min.

"Orion! Nandito ka lang pala, tara na kanina kapa hinahanap ni Chenzo!" rinig kong bulalas ng siguro'y kasama niya, ngunit hindi ko nalang ininda sa nagpatuloy na kami ni Rui sa paglalakad.

•••


Nang makapasok sa classroom ay ganoon parin at para akong papatayin ng mga ka-klase kong babae. Kung hindi pa ako hinila nila Cheena at pinaliwanag ang lahat ay aakalain ko na talagang isa akong celebrity. Ang kaso, hindi e.

Ang dahilan ng lahat ng ito ay konektado parin sa Ivan na 'yon at sa mga hayo--- este, mga perwisyo niyang tula. Biruin mo may nagpost lang ng theory sa kung sino 'yong ex kuno ni Ivan, at sa 'kin naturo lahat ng ebidensya. Idagdag mo pa sila Achie, Hope at ang buong section namin dati na ishini-ship kami. Edi tumunog ang pangalan ko doon sa post at ako ngayon 'tong pinagdidiskitahan ng mga fangirls noong Ivan na 'yon!

Like seriously? Sinaktan ko daw siya at ginawang kaaawa awa. Aba, gusto kong magbitaw ng masamang salita. Ilang araw na rin akong ginugulo ng mga fangirls niya at mula sa simpleng pagtutulak ay lume-level up na sila at vina-vandalized na rin ang armchair ko, tinatago isang sapatos, natatapunan ng tubig at kung ano ano pa.

Katulad ito dati noong jowa ko pa kuno si Typo kaya bi-nully ako ng buong mga Noble Families dahil doon. Like seriously, bakit ba hindi ako pinapatahimik ng mga Dazarencio?

Napasinghal nalang ako at nagtungo sa locker ko upang kuhanin ang P.E. shirt ko. Nabuhusan nanaman kasi ako ng juice kanina sa canteen kaya heto. Humanda talaga 'yong Ivan na 'yon sa 'kin at makakatikim talaga siya... Well, sa mabuting paraan.

Nang makarating ay agad ko na itong binuksan at inanasahan na talagang may panibagong prank nanaman 'yong mga fans ni Ivan dito. Ngunit ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata nang may malaglag na daliri ng tao sa loob noon, kasabay ng isang pirasong papel.

Anak naman talaga ng hotdog! Ba't may putol na daliri dito?

At higit sa lahat, totoong daliri ba talaga 'to ng tao?

Sa kabila nang panginginig ng kamay ay pinulot ko ang note at tuluyan na ngang natuod sa kinalalagyan, lalo't ang mensahe ay nakasulat gamit ang dugo.

xxx

"Does it feel right to kill your own self, change your name and be better? Can you still recognize yourself in the mirror?"

- Manslaughterer

xxx

Continue Reading

You'll Also Like

219 121 8
Si Maria Leigh Montecillo ay isang simpleng babae. Wala syang ibang hinangad kundi ang sumaya. Minsan na syang sumaya sa piling ng lalaking mahal ny...
576K 17.4K 31
[[THE QUEENS SERIES III: The Noble Queen]] She's the epitome of a queen. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events a...
7.4M 378K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...