One Day | Vicerylle

By EommaBunny

415K 12.9K 2.1K

*Editing* Sabi nila walang pinipiling panahon at pagkatao si kumpareng Tadhana. Pag tinamaan ka daw ng kidlat... More

Ako muna!
A Vicerylle Love Story
1- Ang sakit to the 10th power
2- Ang nakaraan
3- Mumay
4- Unlucky Day
5- Nanay Rosario
6- Kare-kare bow
7- Vice Ganda
8- Scream your heart out
9- Beer in Can
10- AnneKulit
11- Jamming
12- Make a wish
13- Ampalaya day
14- Bakit ngayon ka lang?
15- Karylle ver 2.0
16- Myloves
17- Beauty Pageant
18- Kurba and Pogi
19- That thing called KiligMuch
20- Hart Hart Day
21- #Anongganap
22- Music Video
23- Night of surprises
24- Be mine
25-Truelove Waits
26- Reconciliation
27- Maglaway ka!
28- Happy tears day
29- Love hurts
30- Ses and Kuys
31- Ano ba talaga Vice?
32- Insensitive
33- Diba?
34- His Side
Pakibasa
35- Talulot
36- Anything for you
37- Why can't it be
38- Who's in New York?
Hallo mga ses.
39- Ngess who?
40- Bittersweet
Survey
41- Aloha
42- So many questions
43- Konnichiwa
44- Dare in Dubai
45- Singapura with Love
46- Define Love in Hongkong
47- Pilipinas kong Mahal
48- Because you loved me
BII- 1 Life with the twins
BII- 2 Moving forward
BII- 3 My Boss
BII- 4 Kapeng Barako
BII-5 Family Day
BII- 6 Laugh out loud
BII- 7 Vice Cream
BII- 8 Forget me not
BII- 9 PooMooPetra
BII- 10 Migraine
BII- 11 Mystery Caller
BII- 12 Barbeque
BII- 13 The Revelation
BII- 14 Starting Over Again
BII- 15 Unexpected
BII- 16 Truth Really Hurts
BII- 17 Is it Over?
BII- 18 Ako na lang.
BII- 19 She's Mine
Nang Dahil sa Utang
BII- 20 NaCOCOloka
BII- 21 If kind of Love
BII- 22 May Nagbabalik..
BII- 23 Operation Balik Alaala
BII- 24 ChuChu
BII- 25 Vacation Leave
BII- 26 Happy Birthday Kambal
BII- 27 Holding on..
143 Days with a Sexy Cupid
BII- 28 Ang Nakaraan
BII-29 Threats
BII- 30 Maxie
BII- 31 Baliktanaw
BII- 32 Memories
BII -33 Pagudpud
BII- 34 Win This Fight
BII- 35 We'll Fight Together
BII- 36 Unexpected Meeting
BII- 37 The Trouble

49- Meet JM and AK

6.7K 191 50
By EommaBunny

Hindi sa pagiging OA, I got teary-eyed while writing this last Chapter. I really love Vice and Karylle. Alam mo yung pakiramdam na sana totoo na lang lahat ng sinulat ko.

Sa pagtatapos ng kabanata ng ONE DAY, taos puso akong nagpapasalamat sa mga taong patuloy na nagbabasa at walang sawang nagaabang ng mga updates ko. Alam mo yung kahit pagod ako from work, I will do all my best para lang mailathala ang bawat kabanata ng istoryang ito. Dahil alam mo yung after kong ipublish ang bawat kabanata nakakawala ng pagod ang makita ang mga votes at comments niyo. Isa lang yun na patunay na napamahal na kayo sa aking istorya.

Walang paglagyan ang saya ko, salamat sa naging mga kaibigan ko. Kay JMloveAk at mikpot na lagi kong kausap sa FB. Iloveyou mga ses.

Sa mga nagfollow sa akin, nag add sa FB at twitter. Salamat po.

You can find me in FB: Shaira Luane

Twitter: @Shairaluane

Hanggang sa muli nating paglalakbay sa nakakalokang love story ng Vicerylle.

Abangan natin sila muli sa When the PONY meets the TEASER

Thanks a lot mga ses.

♥♥♥

Dalawang buwan na ang nakalipas  ng ikasal sila apat na buwan na ang tiyan ni Karylle at sobrang laki na nito para sa apat na buwan. Kasalukuyan silang nasa mall ngayon para tumingin ng mga gamit ng magiging baby nila. Excited na silang pumasok sa store.

"Hi Mam Hi Sir good afternoon po. Omg Mam Karylle ikaw po ba yan? Tagahanga niyo po ako sobra." Magiliw na bati sa kanila ng saleslady ng store. Ang laki ng ngiti nito dahil nagulat siya na nakita niya ang idol niya.

"Hi good afternoon din." Nakangiting bati din ni Karylle.

"Ang ganda niyo naman pong buntis mam Karylle, malamang po isang magandang baby girl ang dinadala mo mam." Papuri nito kay Karylle, glowing kasi ang skin ni Karylle ngayon sobrang kinis ng mukha niya na mamula-mula pa. Ang iba kasing nagbubuntis nangingitim ang mga singit, leeg at kili-kili pero sa kanya flawless pa rin.

"Talaga feeling mo babae ang baby namin?" curious na tanong ni Vice sa saleslady.

"Oo sir sure na sure ako. Pag lalaki kasi maitim dapat leeg ni Mam pero tignan mo walang bahid ng kaitiman." Sagot nito, tinitigan nga ni Vice ang asawa niya tama nga makinis pa din si Karylle. Walang pinagbago lalo nga itong kuminis eh.

"Oh sige samahan mo kami mamili ng mga gamit na pwede sa baby girl." Pakiusap ni Vice, sinundan nila ang saleslady at dinala sila sa baby girl's section ng store.

"Ah Vicey ko ang cute nilang lahat. Gusto ko kulay pink lahat ng gamit ni baby ah." Napahawak si Karylle sa braso ni Vice at masayang inilibot ang mga mata niya sa mga iba't ibang gamit na pwede nilang bilhin. Nagsimula na sila tumingin para mabili na ang pwede nilang bilhin ngayon, pagkatapos kasi nito lilipat naman sila sa furniture store.

 After kasi ng kasal nila ipinaayos nila ang bahay nila maliit na kasi ito para sa kanila, inextend ang likod nito para magkaroon pa ng dalawa pang kwarto. Total renovation din ang gagawin kasi para mas lumaki ang master's bedroom nilang mag-asawa, ang kwarto dati ni Karylle ay gagawin na talagang guest room at magpapagawa din sila ng isang maliit na kwarto para kay Melai. Siya na kasi ang magiging kasambahay nila para katulong ni Karylle sa gawaing bahay.

Kaya doon sila sa bahay ni Nanay Rosario ngayon nakatira habang ginagawa pa ang bahay nila. Masaya naman ang matanda dahil kasama niya si Karylle sa bahay at maalagaan niya pa ito. Aabot kasi ng tatlong buwan ang pagpapagawa ng bahay nila next month pwede na ulit sila bumalik doon.

"Vicey ko ito ang cute sobra." Turo ni Karylle sa isang malaking pink and white na crib na gawa sa kahoy.

"Sige bilhin natin yan." Sang-ayon ni Vice, puro si Karylle naman ang namimili ng gusto nitong bilhin.

Meron na din silang feeding bottles, carrier, stroller, car seat at iba't ibang klase ng damit, mittens, socks, burp clothes. Halos lahat na ng kailangan nila ay napili na nila. Lahat ito ay pink at white ang kulay. Parang sigurado na babae na talaga ang magiging anak nila.

"Myloves paano yan kung lalaki naman pala ang magiging anak natin?" tanong ni Vice ng nasa counter na sila.

Napanguso naman si Karylle kasi paano nga kung lalaki? Hindi pa naman siya nagpapa-ultrasound.

"Hayaan mo na. Andito na tayo eh." Bakit nga ba hindi muna sila naghintay pero wala eh sinabi na ni Karylle na go pa din sila sa pagbili kaya sumunod na lang si Vice. Si Karylle ang boss eh bawal madisappoint ito mabilis kasi magtampo tapos ang hirap suyuin.

Halos dalawang oras silang tumagal sa store na yun, kaya sumunod naman na pumunta sila sa home center store. Bibili kasi sila ng king size na kama for the master's bedroom at mas malaking sala set. Pati din ang dining table ay papalitan na nila.

Pinareserve na nila ito pero sa next month pa nila ito ipapadeliver, habang kasi four months pa lang ang tiyan ni Karylle gusto na nito mamili para pag mas lalong lumaki tiyan niya ay magpapahinga na lang siya.

***

Eksatong 24 weeks ni Karylle ngayong araw. Papunta sila ngayon sa OB ni Karylle nawala kasi ito ng isang buwan kaya hindi siya nakapagpa-ultrasound ayaw niya kasi sa ibang doctor. Pero patuloy ang regular checkup niya sa ibang OB pero mas gusto niya kasi itong doctor niya mula simula ito na ang nag-aalaga sa kanya.

"Good morning Mr. and Mrs Viceral." Bungad ng doctor ni Karylle pagpasok nila sa room nito. Inalalayan ni Vice na makaupo si Karylle. Sobrang laki na kasi nito, tumaba ito.

"Mrs Viceral, I think you gain a lot of weight." Puna nito kay Karylle, sobrang laki ng ilong niya at namimilog pa ang mga pisngi niya.

"Doc pakiramdam ko din yan, feeling ko nakalunok ako ng sampung pakwan ang laki ng tiyan ko sobra." Ani Karylle habang himas-himas ang tiyan niya.

"Baka kung ano-ano ang kinakain mo ah, bilin ko sayo bawal ang sweets diba? Saka bawas sa carbohydrates, more on fruits and veggies para healthy ang baby." Sabi ng doctor habang hinahanda ang ultrasound device.

"Eh doc naman eh ang hirap magpigil halos oras-oras akong gutom." Maktol ni Karylle habang nakanguso kay Vice.

"Tulad kanina doc, naka apat siyang nilagang itlog, sampung malunggay pandesal, tatlong basong gatas at apat na malalaking saging." Kwento ni Vice. Tinapik naman ng malakas ni Karylle si Vice dahil sumbungero eh. Ninakawan naman ni Vice ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa niya ng makitang sumimangot ito.

Nanlaki ang mata ng doktora ng sabihin ito ni Vice.

"Naku Mrs. Viceral ikaw din baka hiwain ka pag ganyan ka kadami kumain." Pananakot ng doktora kay Karylle.

"Doc kumatok ka sa kahoy please. Baka kasi magdilang anghel ka, ayaw kong cesarean gusto ko umire para feel na feel ko." Nakangusong sabi ni Karylle, tumawa ang doktora at sinunod ang sabi ni Karylle kumatok ito sa kahoy na mesa niya.

Inutusan na si Karylle na mahiga, inalalayan siya ni Vice hanggang makahiga ng maayos. Itinaas na ng doktora ang suot niyang damit pantaas. Sinimulan ng ilagay ang device sa tiyan ni Karylle para makita na nila ang magiging kasarian ng magiging anak nila. They chose to have a 3D ultrasound para kitang kita nila ang itsura nito.

Sa una ay malabo pero unti-unting lumilinaw sa mag-asawa ang nakikita nila sa screen.

"Oh my god Mrs. Viceral, nakikita mo ba? Congratulations, twins ang magiging anak niyo."

Literal na nalaglag ang panga ni Vice ng makita ang pigura ng mga anak niya, hinawakan niya ang kamay ni Karylle ng sobrang higpit. Sabay silang naging emosyonal ang gandang pagmasdan ng mga anak nila sa loob ng tiyan ni Karylle.

Ang isa ay supsop ang hinlalaki ng kamay sa bibig nito at ang isa naman ay supsop ang hinlalaki sa paa nito.

Hinawakan ni Vice ang screen at hinihimas ang mga pisngi ng mga anak niya mula dito. Para naman may alam na ang mga ito dahil pagkatapos ng ilang saglit ay tinanggal nila ang mga daliri sa bibig nila at sabay na napangiti.

"Ah ang cute ng mga anak niyo, grabe naiiyak na din ako." Pinapahid ng doktora ang mga luha niya sa pisngi, ang sarap kasi pagmasdan ng mga anak nila. Parang nararamdaman nila na tinitignan sila ng mga magulang nila.

"Vicey ko nakita mo yun may dimples siya?" humihikbing sambit ni Karylle ng makita niyang ngumiti ang anak niya na nasa kanang bahagi ng tiyan niya.

"Oo myloves ahh tignan mo meron din siyang dimples." Agad niyang tinuro ang isa pa niyang anak na nasa kaliwang bahagi. "

"Grabe ang gaganda nilang dalawa. Excited na ako lumabas sila at mahagkan ko sa aking mga bisig." Patuloy ni Vice. Tulo ng tulo ang mga luha nilang dalawa dahil sa galak na hindi lang pala isa ang bunga ng pagmamahalan nila kundi dalawa pang blessings ang nakamtam nila.

"Doc ano po ang gender nila?" naalala ni Karylle tanungin masyado na kasi silang nag-enjoy na titigan ang kambal nila.

"Congratulations again, it's a baby boy and girl." Balita ng doktora.

Sumigaw si Vice ng sobrang lakas "Yes, nakakumpleto ako. Salamat Lord." Tinuro niya ang hintuturo sa taas para pasalamatan ang maykapal sa biyaya na bigay nito sa kanilang mag-asawa.

"Vicey ko." Humikbi pa ding sambit ni Karylle.

"I love you myloves." Sabi nito at dinampian ng isang napakatamis na halik sa labi ni Karylle.

***

Kasalukuyang tinitimplahan ng kape ni Melai si Vice sa dining area, napainom kasi siya kanina meron na naman kasing Valentine's party sa resort at hindi naiwasang mapatagay since ang daming mga guest at mga kakilala niya na nagpunta dito. Maaga siyang umuwi dahil magagalit na naman sa kanya si Karylle pag wala pa ito bago ito matulog.

"Vice, eto na oh dark coffee. Kanina ka pa nga hinahanap ni bebe nakasimangot na." inabot ni Melai ang tasa ng kape hinigop ito kaagad ni Vice. Nagpakuha din siya ng tuwalya para maliligo kasi siya sa cr sa guest room para hindi siya maamoy nito malamang makakatikim na naman siya ng sapok dito.

"Kumain na ba si Karylle?" tanong niya kay Melai na kasalukuyang nagkakape din.

"Hindi masyado sumasakit kasi tiyan niya daw. Buong araw lang siyang tulog." Kwento ni Melai. Agad na inubos ni Vice ang kape niya para makapag-shower na siya at matabihan na ang asawa niya sa kwarto niya.

Lumagaslas ang tubig sa buong katawan ni Vice nilakasan niya ang shower para mawala ang tama ng alak sa buong katawan niya. Sinabon na niya ang buong katawan niya at nang magbabanlaw na siya ay napatigil siya.

"V-vice." Tawag ni Melai sa kanya, kumakatok ito sa labas ng guest room.

"Putangna nasaan na ba yang si Josemarie Viceral na yan. Manganganak na ako." Ang lakas ng sigaw ni Karylle rinig na rinig niya ito mula sa cr.

"Vice bilisan mo nagwawala na si bebe." Sigaw din ni Melai sa labas. Nakatayo si Karylle sa labas ng master's bedroom habang hawak-hawak ang ilalim ng namimilog na tiyan niya.

Dali-dali pinatay ni Vice ang shower at itinapis ang tuwalya niya. Muntik pa siyang madulas ng tumatakbo siya palabas ng guest room.

"Melai kuhaan mo ako ng shorts at damit dali pati yung bag ni Karylle pakidala sa kotse." Tinakbo niya si Karylle na nakabusangot na sa kanya.

"Bwiset kang lalaki ka, ang sakit sakit na ng tiyan ko tapos wala ka man lang sa tabi ko." Bungad ni Karylle. Inakay niya na ito palabas at iniupo sa likod ng kotse niya.

"Melai bilisan mo." Sigaw niya at natataranta na.

Ang bilis ng takbo ni Melai at nilagay ang mga gamit ni Karylle sa passengers seat.

"Pakitawagan na lang sila Nanay at Anne pasunurin mo sa hospital." Huling bilin ni Vice saka pinaandar ang kotse niya ng sobrang tulin.

"JOSEMARIIEEEE, pumutok na ang panubigan ko. Bilisan mo pa." singhal ni Karylle. Hindi na siya mapakali, hinahanap niya din kasi kung nasaan ang pinapakuha niya kay Melai na damit niya pero wala siyang makita.

Pagbaba niya ng hospital, lahat ay nakatingin sa kanya. Paano ba naman hindi mapapatingin ang mga tao sa paligid nakatapis lang siya sa pambaba niya at kitang kita ang katawan niya.

"Jusko sir, ano pong nangyari?" kinikilig na bungad sa kanya ng nurse sa emergency. Tinitignan si Vice nito mula ulo hanggang paa.

Napatingin si Vice sa paanan niya. Napailing siya, sa sobra kasing pagmamadali niya tsinelas ni Karylle ang nasuot niya. Hello kitty pa eh.

"Hoy mamaya ka na maglaway sa katawan ko, alam kong macho ako pero ang asawa ko manganganak na tulungan niyo ako." Tinuro niya agad ang kotse niya sa labas agad silang tumakbo pabalik kay Karylle kasama ang tatlong nurse na lalaki.

Hirap na hirap si Karylle bumaba sa kotse sobrang bigat ng tiyan niya. Habang dinadala siya sa delivery room ay dumating ang doctor na magpapaanak sa kanya. Nasa gilid si Vice habang hawak ang mga kamay ng asawa niya.

"Mr. Viceral." Gulat na sabi ng doctor.

Napangisi siya ng tignan niya ito.

"Sorry doc, naliligo kasi ako ng nagsisigaw itong si Karylle eh. Nakalimutan ko ng magdamit. Nagpanic na ako" napasapo naman sa ulo niya ang doctor. Saan ka nakakita ng nakatapis lang sa loob ng hospital ngayon lang siya nakaexperience ng ganito.

"Hoy Josemarie, sasamahan mo akong manganak. Kailangan makita mo gaano ako mahirapan para hindi ka na umulit. Ngayon pa lang gusto na kitang bugbugin." Singhal na naman ni Karylle ng nasa may pintuan na sila ng delivery room.

"Doc pwede ba?"  humingi siya ng pahintulot dito.

"Oo manghiram ka muna ng lab gown, naeeskandalo ako sa itsura mo." Nakatawang sabi ng doctor nila.

"Doc naman eh ang macho  ko kaya. May monay pa nga ako eh." Biro niya dito, pinahiram siya ng isa sa mga nurse ng pwede niya muna suotin.

Pumunta na siya sa gilid ng asawa niya, kitang kita niya ang sobrang sakit na nararamdaman nito. Sobrang tagaktak ang pawis nito at hindi talaga maipinta ang mukha sa sakit.

"Josemarie last mo na to, ang sakit sakit grabe." Reklamo  ni Karylle habang habol-habol ang hininga nito.

"Ok Karylle, breathe in and breath out. When I say ire, iire mo okay." Utos ng doctor.

"Ahhhh" impit na ire ni Karylle.

"Sige Mrs push pa. Unti na lang."

"Ahhhh" sa huling ire ni Karylle lumabas na ang panganay nila.

"It's the baby boy Viceral." Tinapik sa pwet ng doctor ang bata at ang lakas ng iyak nito pagkatapos.

Balewala ang sakit na naramdaman ni Karylle ng marinig niya ang iyak ng panganay niya parang lahat ay nawala. Pumalit dito ang luha ng kasiyahan. Sinilip ni Vice ang panganay niya na kasalukuyang inaayos ng mga nurse.

Napatutop siya sa bibig niya ng masulyapan niya ito ng buong-buo. Ngayon niya mas naramdaman ang pagiging buo ng pagkatao niya. Gusto man niyang hagkan na ito ay kailangan pa siya ng asawa niya sa tabi nito.

"Myloves, ang gwapo niya sobra kamukha ko." Bulong niya sa tenga ni Karylle na hapong-hapo na. Medyo nawala ang hirap na itsura sa mukha nito, mukhang nabawasan yata ang sakit na naramdaman nito. Pero wala pang limang minuto na nakapagpahinga si Karylle ay humilab ulit ang tiyan niya. Mas mabilis ang paglabas ng pangalawa nilang anak.

"It's a super pretty baby girl Viceral." Papuri ng doctor. Kasabay nito ang pag-iyak nito na animo ay may tono pa. Mukhang magmamana kay Karylle na magaling kumanta.

***

VICE POV

 

Sinong magaakala na ang isang lalamyang Vice noon ay isa ng ganap na tatay. Umabot na ako ng mahigit sa bente anyos pero never itong pumasok sa utak ko dati. Yung tipong magkakaroon ako ng sarili kong pamilya at lalo na ng sariling anak ko. Ang tanging pangarap ko lang noon ay magkaroon ng isang super gwapong fafa na mamahalin ako kung ano ako at hindi yung kung anong meron akong pwedeng ibigay sa kanila.

Pero tama nga si Karylle sa sinabi niya sa akin dati. Ang babae nilikha para sa lalaki at ang lalaki nilikha para sa babae lamang. Kaya kung ikaw ay katulad ko dati, bakit hindi mo itry magmahal ng babae katulad ng ginawa ko. Tama ulit si Karylle na bakit hindi ko itry? At least may option ako. So I did, I fell inlove with her and after that hindi ko na inisip kung may option pa ako. Dahil isa lang ang alam ko siya lang ang tunay na nagpatibok ng puso ko.

Mas maganda pa din ang tumanda na may kasama ka sa buhay. Katulad ko ngayon meron akong Karylle at meron din akong dalawang malulusog, maganda, gwapo at bibo na mga anak.

"Dada." Napalingon ako at napatigil sa pagmumuni ko ng tawagin ako ni Karylle.

"Ang dudungis na ng mga anak mo. Eto nagdala ako ng meryenda." Nilingon ko ang dalawang anak ko na gumagawa ng sand castle daw nila. Ang bilis lang ng panahon apat na taon na sila ngayon.

"Hayaan mo na sila Mimi tignan mo tuwang tuwa sila." Niyaya kong umupo si Karylle sa tabi ko at inakbayan ko siya.

"Kumain muna tayo." Yaya ni Karylle. Tumango lang ako.

"Masayuki, Kishi." Tawag ko sa dalawang anak ko. Agad naman silang lumingon.

"Come here, let's eat our snack." Yaya ni Karylle sa dalawa.

"Yes Mommy." Ani Masayuki ang lalaki naming anak.

"Coming Daddy." Si Kishi naman ang anak namin babae.

Si Masayuki kamuka ng Mommy niya, namana niya ang pagiging kulot nito. Lalo na ang mga labi nito na laging nakapout namana niya din sa Mommy niya. Samantalang si Kishi ang babae kong anak siya ang kamukha ko, tuwid ang buhok niya na mahaba at medyo singkit.

"Mommy what do we have for our snack?" ani Masayuki, maka Mommy tong batang to, pagkalapit pa lang sa amin ay agad na itong umupo sa lap ni Karylle.  

"We have a chicken and bacon sandwich and fresh buko juice." Sagot ni Karylle sa anak niya.

"Daddy I want buko juice please." Request ng anak kong si Kishi, nakaupo din siya sa lap ko habang nakahilig ang ulo nito sa dibdib ko. Napakasweet nitong anak ko manang mana sa Mommy niya hindi ito nakakatulog pag hindi ko karga at hinihele tuwing gabi kailangan sa dibdib ko siya nakahiga.

Masaya kaming kumain ng dala ni Karylle, after that nagkulitan kami sa dagat at nagtampisaw. Magagaling na magswimming ang dalawa kong anak, syempre tinuruan ko dapat lang marunong sila dahil lalaki sila sa tabing dagat.

Biglang nagpakarga si Masayuki kay Karylle habang nakatayo siya sa dagat at inaalon lang siya ng bahagya. Bigla kasing sinumpong natamaan kasi ng tubig sa mata ni Kishi.

"Kishi, say sorry to your Kuya. His eyes got hurt." Kinarga ko din si Kishi at lumapit kay Karylle. Pinagtapat ko sila.

"Kuya, I didn't mean to hurt you. Please forgive me." Cute na cute na sambit ni Kishi sa Kuya niya, sige pa din ang pagkusot ni Masayuki ng mata niya. Lumapit si Kishi at tinanggal ang kamay nito na nasa mata niya and kissed him.

"I love you kuya, my kiss will heal it." Kishi said and hugged her kuya.

"I love you too baby Kishi." Hinalikan din ni Masayuki ito sa pisngi.

"How about Mommy where's my kiss?" kunyaring nagtatampo na sabi ng asawa ko. Agad naman siyang hinalikan ng mga anak ko sa lips niya.

"And how about Daddy?" syempre ako din. Malambing talaga ang dalawang anak ko.

Pinalaki namin sila ni Karylle na puno ng pagmamahal, na dapat ay matuto silang magpatawad sa isa't isa kaagad pag may nagawang mali ang isa sa kanila.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ang pangalan ng mga anak namin. Si Karylle kasi nakaisip niyan. Sabi niya kasi feeling niya nabuo namin itong mga anak naming sa Japan.

Jose Masayuki Viceral,  Masayuki means Happiness in Japanese and Ana Kishi Viceral, Kishi means Seashore in Japanese.

Saan ba nagsimula ang pagmamahalan namin ni Karylle diba sa tabing dagat. Kaya yun daw ang pangalan ng dalawang anak namin. Dito namin sinimulan ang pagmamahalan namin, dito din kami bumuo ng pamilya at dito din kami tatanda na magkasama. Kasama ng mga buhay ko, si Karylle at ang kambal ko.

So paano, dito na nagtatapos ang paglalahad ng aming istorya ni Karylle. Naway madami kaming nainspire, nainlove at napakilig sa nabuong lovestory namin.

 

 

*-THE END-* of Book 1

 One Day someone will love you forever. So don't give up trying to find them. They're looking for you too.

Continue Reading

You'll Also Like

87.7K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
11.4K 329 12
BONUS CHAPTERS
8.4K 271 17
AshMatt fanfic
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...