BII- 2 Moving forward

3.5K 116 22
                                    

“Vhong hindi mo naman kailangan gawin to, kaya ko naman ihatid sila Kishi at Masayuki.” Bungad ko sa kanya ang aga niya kasi andito na siya sa apartment, nagprepresinta na siya muna ang maghatid sundo sa mga anak ko.

“Ano ka ba okay lang yun kailangan mo din ng time maghanap ng work diba? Para saan pa na andito ako para alagaan ang mga inaanak ko.” Napasinghap ako, naiiyak na naman ako. Kahit papaano talaga ang dami ko pa ding kaibigan na handa ako tulungan.

“Baka kasi nakakaabala kami sayo, syempre meron kang dance studio na inaasikaso din. Ang akin lang naman sinisingit mo pa kami sa oras mo sa trabaho mo.” Tumalikod ako kay Vhong at pinaghanda siya ng kape nagluluto din kasi ako ng agahan malapit ko na kasi gisingin ang kambal papasok sa school.

“To naman para naman akong iba niyan, ngayon lang nga ako babawi sa mga utang ko sa inaanak ko wag ka na mag-alala okay. Kami na bahala nila Billy at Ryan magrotate ng pagsundo at hatid sa mga anak mo.” Napapikit ako habang naggigisa ng bawang sa kawali, hindi pa rin pala ako nag-iisa. Hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko, siguro sa tuwa na lang ito the fact na andito pa rin ang mga kaibigan ko handa pa rin akong damayan.

“Sige na nga, salamat talaga. Pakigising na ang mga inaanak mo sigurado akong matutuwa sayo yun dahil makikita ka nila.” Humihikbing sabi ko, naramdaman ko naman na sinunod ako ni Vhong naririnig ko na ang mga hakbang niya paakyat sa kwarto ng kambal.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko, kailangan maubos ko na to bago pa makita ng mga anak ko na umiiyak ako. Masyado kasi silang matanong everytime na malungkot ako, I want them to see na matatag ako ayaw ko silang malungkot. Life must go on to them, hahayaan ko na lang na ako ang magdusa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Tito Vhong, you promised that you’ll teach us how to dance diba?” narinig ko na si Masayuki, nilingon ko sila pababa na sila nakasampa si Kishi sa likod ni Vhong habang hawak kamay naman si Masayuki at Vhong na bumababa ng hagdan.

I smiled at them ng papalapit na sila sa akin.

“Good morning Mommy.” Sabay na bati sa akin ng kambal, yumuko ako para halikan silang dalawa.

Nagpapabuhat si Masayuki but I refused since nagluluto pa ako, ang bigat na din kaya niya. He’s 6 years old na at sumasakit na ang likod ko pag buhat ko sila. Ang bilis ng panahon diba? Kailan lang sobrang liit pa nila ngayon they’re all grown ups. At lumaki sila na maganda at gwapo.

“Tito Vhong are we gonna go to your dance studio after school?” tanong ni Kishi kay Vhong na kasalukuyang humihigop ng kape at kandong niya sa hita niya si Kishi.

“Hmm if you got a star later, ano ba to K, nosebleed ako.” Nakatawang sabi ni Vhong sabay kurot sa pisngi ni Kishi.

“Oh yes Kuya make sure to get a star later, so Tito Vhong will bring us to his dance studio.”

“Of course we’ll get that. We are leading in our class, Mommy did you tell Tito Vhong we got perfect scores in our quiz last week?” pagmamalaki ni Masayuki, hindi ko maikakaila na magaling ang dalawa at sabi din ng teacher sa akin na sobrang active nila sa mga activities kaya hindi nahirapan ang mga ito na mag-adjust kahit na late sila ng isang buwan sa school.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon