31- Ano ba talaga Vice?

3.6K 136 47
                                    

Penge ako madaming votes hehehe sa mga naguguluhan kay Vice.

Mwehehe.

♥♥♥

“Seryoso ka K? Hindi mo na talaga mahal si Yael?” hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Vhong.

Tumango lang si K as an answer.

“Well hindi naman imposible na mainlove ka sa iba since it’s more than 2 years ago na din ang nakakalipas. Pero K, your still married to him. And now bumaligtad ang mundo, it seems like siya naman ang nagmamahal sayo.” Ani Billy. Sumang-ayon naman si Vhong sa sinabi nito.

“Yung lalaki ba na mahal mo ngayon? Sa tingin mo ba deserving siya sa pagmamahal mo? Baka saktan ka lang niyan?” paniniguro ni Vhong, ayaw na kasi niya makita pa ulit masaktan si K mahirap pala to masaktan pati kasi sila kinakalimutan.

“Oo mahal na mahal niya ako, ngayon ko lang naramdaman paano mahalin.” She said and closed her eyes trying to imagine the face of Vice. Ang taong mahal na mahal siya.

“So hindi niya alam na kasal ka pa kaya ayaw mo malaman ng mga friends mo? Tama ba?” bigla siyang napamulat ng marinig niya ang sinabi ni Vhong.

She sigh at kita naman ang paglungkot ng mukha niya.

“O-oo that’s why I need Yael to agree with the annulment. I don’t love him anymore, my heart belongs to someone else na at gusto ko maging okay na lahat. Gusto ko ng annulment but he’s refusing it, ayaw niya ako pakawalan.”

Vhong hold her hands.

“K, are you really sure that your new boyfriend is worth of your love? Kasi ako ramdam ko na nagbago na si Yael kahit papaano naman kahit sinaktan ka niya dati nagsisisi na siya ngayon.” Seryosong sabi nito.

“Tama si Vhong K, nagbago na siya wala siyang bukam-bibig kundi ikaw. Why don’t you give him a second chance?” tumingin si Karylle kay Billy ng may mga lungkot sa mga mata nito.

“Mahal na mahal ko ang boyfriend ko ngayon, siguro hanggang dito na lang talaga kami ni Yael. I did my part before but he let it slip away. Hinayaan niya akong lumayo and never find me, ngayon may iba na ako sana naman galangin niya ang desisyon ko.” Napabuntong-hininga lang ang dalawa niyang kaibigan mukhang buo na ang desisyon nito. Sino ba sila para hadlangan ang kasiyahan ni K.

“Siguro nga tama ka. Mali rin naman ni Yael, hindi ka namin masisisi sa desisyon mo. Kailangan makilala namin yang bago mong boyfriend ng makilatis namin.” Nakangising sabi ni Vhong.

“Tama, dapat makita namin siya ng malaman namin kung seryoso ba yan sayo.” Patuloy ni Billy.

“Oo naman one of these days, halika na baka hinahanap na ako ng mga friends ko.” Nagyaya na siya bumalik, inalalayan siya ni Vhong na tumayo at naglakad na pabalik sa bar.

Pagdating nila sa bar ay nakita sila kaagad ni Anne.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now