1- Ang sakit to the 10th power

9.3K 175 15
                                    

It’s been 361 days since we got married, four days na lang at first anniversary na namin. Pero my dear diary until now I can’t still feel na asawa niya ako, I dunno now until when I can bear this pain everyday that I’m with him. Dapat masaya diba? Dapat masaya din siya, pero until now I think he can’t still accept na ako pala ang napangasawa niya.

 

Malungkot ang mukha ni Karylle habang sinusulat ito sa mumunti niyang diary. Araw- araw ay hindi niya ito nakakalimutan sulatan tuwing patapos na ang araw, sanay naman na siya matulog ng late dahil ang asawa niya na si Yael ay laging gabi na kung umuwi.

Kaninang umaga ang hinanda kong agahan sa kanya ay hindi man lang niya tinikman, pinagpaguran ko yun dahil alam ko na paborito niya ang daing na bangus ang hirap kaya makipaglaban sa tumatalsik na mantika, muntik pa nga akong matalsikan buti na lang at hawak ko ang shield ko ang takip ng kawali.

 

Pagpapatuloy niya sa pagsusulat, hindi siya kumakain ng bangus pero dahil ito ang paborito na pagkain ni Yael ay kahit mahirap lutuin ito ay ginawa niya. Napabalikwas naman siya at agad na napatayo ng marinig na niya ang kotse ng asawa sa tarangkahan, agad niyang itinago ang diary sa kanyang aparador at mabilis na bumaba.

Napatingin siya sa antigong orasan sa may gilid ng hagdan. Alas-onse na pala. Pagbaba sa hagdan ay meron doon na isang malaking salamin tinignan niya muna ang sarili at inayos ang nakapusod na buhok. Medyo malaki ang bahay nila ni Yael pamana ito ng magulang ng asawa sa kanila since nagiisang anak na lang si Yael na andito sa Pilipinas lahat kasi ng kapatid nito ay may kanya-kanyang pamilya na sa USA.

“Ya-“ hindi naipagpatuloy na ni Karylle ang pagtawag sa asawa niya dahil papasok na ito sa bahay at hindi ito nagiisa.

“Baby ang laki naman ng house mo?” malanding sabi ng kasama ng asawa niya habang nililibot ang mga mata nito sa loob ng bahay nila.

Para naman naging tuod si Karylle kasi hindi na siya makakilos ng makita niya ang kasama ni Yael, isang sexy na babae mahaba at tuwid na buhok na may blonde at napakaikli ng suot nito,  na tipong isang malakas na hangin na lang ay matatangal na ang damit nito kitang-kita ang kaluluwa nito at nakakalunod pa tignan ang malalaking dibdib nito.

“Karylle pakisara na lang ang gate hindi ko na kaya pa isara, excited na kasi tong baby ko.” Nakangising sabi ni Yael sa kanya. Inayos naman ni Karylle ang salamin niya sa mata bago sinunod ang utos ng asawa.

“Baby wait lang I need a water.” Narinig ni Karylle na halinghing ng bichesang babae na kasama ni Yael, nilingon niya ito at sobrang sakit sa mata ng mga pinag-gagawa ni Yael dito, hinahalikan lang naman ng asawa niya ang leeg nito at ang mga labi nito.

“Karylle bilisan mo diyan dalhan mo kami ng maiinom sa kwarto ko.” Sigaw ni Yael.

Ang sama-sama ng loob ni Karylle ngayon habang padabog na sinasara ang gate, inulit na naman ni Yael ang ginawa nito sa kanya dati. Ang magdala ng babae dito sa bahay nila.

Pinahid niya ang uhog at luhang dumadaloy sa mga pisngi niya at wala sa sariling pumasok ulit sa loob ng bahay, habang ang dalawa ay nasa hagdan na at patuloy pa din ang paghaharutan. Wala na ang polo na suot ni Yael sa katawan nito nakita niyang hawak ito ng babae at ilang saglit lang ay itinapon ito ng babae sa mismong harapan niya.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now