BII- 32 Memories

1.9K 133 30
                                    


Salamat sayo dahil wala kang sawa na naghihintay ng update ko.

I love you ses. ♥

#OneDayViceRylle

#NangDahilSaUtang

#WantedConverter

#143DWASC


Vote.. Comment.. Share..



*☺* ☺*☺


"Cheers! For the soon to be Mrs. Crawford" sabay-sabay namin pasigaw na bati kay Coleen at iniangat din namin ang baso ng margarita sa ere, andito kami sa condo ni Anne. Madaming tao kanina pero naguwian na din at kami-kami na lang ang natira. Since kakauwi lang din ni Anne from US kaya gustong magbonding nitong mga girls.

Bridal shower ni Coleen ngayon sinama nila ako, isa pa tong si Billy at Coleen nagmamadali magpakasal dalawang buwan lang ang binigay sa aming palugit nakakaloka. Since magtrotropa tong mga to kaya kami ang event coordinator nila.

"Ang haba din ng pinagdaanan niyo ses, I'm so happy na at last papakasal na kayo ni Billy. Parang kailan lang nalaman ko na kayo na, nasa New York pa ako noon. Masaya ako sobra, I love you ses."umiiyak na sabi ni Karylle pagkatapos niyang lagukin ng straight ang margarita niya.

"Ses naman eh, alam mo naman ang dami naming pagsubok na nalampasan. Akala ko nga hindi kami tatagal na, ilang beses kaming naghiwalay, ilang beses kaming nasaktan. Pero eto, this is it na talaga mga ses. Salamat ses kasi kung hindi sayo hindi ko makikilala si Billy ko." Umiiyak na din tong si Coleen, matagal na din pala tong magjowa na to, pero ngayon lang ikakasal. At least nalampasan nila yung sinasabi na seven year itch sa buhay magjowa.

"Oo naman ikaw na lang ang hindi kasal sa ating tatlo, kaya dapat lang na pakasalan ka na ni Billy naku kung hindi ang dami kong mga friends na kano irereto na talaga kita." Malditang sabat ni Anne, at nagsalin ulit ito ng margarita sa mga baso namin.

Buti na lang din at hindi ako namumukhaan ng mga to, kung hindi lagot ako dito sa hilaw kung pinsan.

Pinagmamasdan ko lang si Karylle habang naguusap sila, nakita ko ang pagiba ng ekspresyon niya ng nabanggit ni Anne ang about sa kasal.

"Buti pa kayo, masaya na." bulong ni Karylle.

"May boylet ka naman girl hindi ka ba masaya?" hindi ko napigilan na sumingit.

Hindi sumagot si K, bagkus ay nagkatinginan si Coleen at Anne pagkatapos ay sabay na binaling ang tingin ng dalawa kay Karylle na nakatitig lang sa baso ng alak niya.

"Nasaan na ba kasi yang punyetang Vice o si Peter whoever he is, pahuhunting ko nga yun. Hindi na ba talaga nagparamdam yung baliw kong pinsan?" galit na sambit ni Anne, bigla akong nasamid sakto kasing umiinom ako. Napaubo tuloy ako ng sunod-sunod.

Pinalo ako ng slight ni Coleen sa likod ko since kami ang magkatabi.

"Okay ka lang ba Maxie?" tanong ni Coleen.

"Oo girl, keriboom may nakaalala lang siguro sa akin." Pagsisinungaling ko sabay kuha ng slice lemon at sinisipsip ito.

Kita pa rin ang lungkot sa mga mata ni Karylle.

"Bakit ba kasi ako ang topic? Okay lang ako mga ses." Mahinang sambit nito.

"Saan ba nakatira yang Peter na yan? Puntahan natin, ses hindi mo kailangan magpanggap na okay ka. Hindi mo kailangan na isiksik sarili mo sa taong hindi mo naman mahal, wag mong gamitin si Echo para makalimutan si Peter. Hindi sa pagmamaldita i don't like Echo for you." Halata ang gigil sa tono ni Anne.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now