15- Karylle ver 2.0

6.9K 197 22
                                    

“I’m tipsy na let’s go to sleep na.” nahihilong sabi ni Anne, naubos na nila ang alak na iniinom at tapos na din sila sa nilalarong truth or dare.

Tahimik lang si Karylle pati si Vice habang nagliligpit ng kalat sa sala. Pagkatapos ay dumeretso na si Karylle sa kwarto niya andon na sila Anne at Colleen.

“Ses hindi ka na kasya.” Nakapikit na sabi ni Anne parang sinadya na masakop ang kama dahil nakabukaka ito habang nakahiga pati si Colleen ay ganoon din.

“Saan ako matutulog?” malungkot na sambit ni Karylle.

“Let’s go na sa kwarto ko.” Sabat ni Vice na nasa likod niya.

“Ayaw ko Vice.” Tanggi niya.

Pero hinila na siya nito.

“Goodnight ses.” Pang-aasar pa ni Anne, ang tres marias ay kanya-kanyang pwesto na sa sala. Wala na siya choice ng hilahihin siya ni Vice papasok sa kwarto nito.

“Halika na ito ang dare ko unfair naman if hindi ko gagawin.”yaya ni Vice sa mukhang natatakot na si Karylle asa may pintuan kasi ito at hindi pa tuluyang pumapasok.

“Hindi tayo pwede magtabi.” Napapalunok na sabi ni Karylle, naghuhubad kasi si Vice ng damit niya mukhang magpapalit ng damit pangtulog bago pa nito tuluyang hinubad ang pang-itaas ay pumikit na siya.

“Bakit naman harmless naman ako.” He said with his husky voice, lumapit siya sa tapat ni Karylle at dahan-dahang sinara ang pintuan.

He can’t help but to smile with Karylle’s facial expression sobrang diin kasi ng pagkakapikit nito, mukhang hindi kinaya ang pagkakita ng katawan niya.

He snap his finger three times in front of her face at laking gulat ni Karylle ng buksan niya ang mga mata niya dahil sobrang lapit na naman ng mukha nila sa isa’t isa.

“Why you look like a nervous chicken?” nakangising sabi ni Vice.

Nahalata pala ni Vice ang sobrang kaba niya, she dunno what she’s feeling right now. After their second kiss ngayon naman ay magkatabi silang matutulog ni Vice. Over na sa tibok ang puso niya feeling niya ay galing sa car race ang puso niya ang oa kung makatibok ngayon.

“Kasi naman Vice hindi maganda t-tignan.” Nakayukong sabi ni Karylle, Vice is looking at her and she dunno how to look back kaya mas pinili na lang niya iiwas ang mga mata dito.

“Anong masama don? Bakla naman ako at hindi ko bet ang mga merlat. Kung lalaki ka pa baka ginapang na kita” Agad na sagot ni Vice, napa-angat naman ng ulo si Karylle sa narinig at ngumiti ng kimi.

“Oo nga pala, nakalimutan ko bading ka nga pala. Sorry ah.” Disappointed na sabi ni Karylle, para naman siya kasing binuhusan ng malamig na tubig sa huling sinabi ni Vice. Bakit nga ba siya namomoblema pinagtritripan lang naman siya ni Vice.

Tinulak ni Karylle si Vice palayo at pumunta na sa kama nito, inihagis niya ang blanket nito at isang unan.

One Day | VicerylleOn viuen les histories. Descobreix ara