BII- 15 Unexpected

4K 134 35
                                    




Kakauwi ko lang from work, sa mga nakaraang lingo na kasama namin si Petra lagi niya akong hatid sundo hindi niya ako nasundo ngayon dahil sabi niya may practice daw sila para sa gig niya mamayang gabi. Friday kasi ngayon, sinasama niya nga ako para makapanood ako. Sakto naman nagyaya din si Kakai na lumabas mamaya.


Most of the time dito natutulog si Petra, umuuwi din siya sa apartment niya lalo na pag may gig siya. Ganoon lang ang setup namin for the past few weeks. Talagang pinanindigan niya ang pagpapanggap niya as my husband at Daddy ng kambal.


"Mommy where is Daddy?" bungad na tanong sa akin ni Kishi pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay namin.


Naglalaro sila ng kuya niya ng bigay sa kanila ni Echo na toy car.


"Daddy is at work, maybe he'll go home tomorrow." Sagot ko habang nagtatanggal ng shoes ko. Sumandal ako at huminga ng malalim, napagod ako sa byahe ang trapik kasi.


"Mommy do you need a massage?" magiliw na tanong sa akin ni Masayuki, napansin niya siguro na mukha akong pagod. Agad siyang pumunta sa akin, nakatayo na siya ngayon sa sofa at nasa gilid ko habang minamasahe ang ulo ko.


"Ah that feels so good kuya. Thanks for taking care of Mommy." Hays sino ba naman ang mapapagod magtrabaho para sa dalawa na ito. Everytime na pagod at stress sa work makita ko lang ang kambal automatic na nawawala ang masamang pakiramdam ko.


"I will never get tired of taking care of you Mommy, I will always do and I love you always" niyakap ako ni Masayuki from my behind and put his chin in my shoulder. Mana tong si Masayuki kay Vice sobrang sweet, at ang mga banat grabe nakakataba ng puso.


Si Kishi naman ay umupo sa lap ko and also hugged me. "I love you always too Mommy." She murmured at binaon ang mukha niya sa dibdib ko.


Habang naglalambingan at kulitan kami ng kambal I heard a car that parked in front of our house. Agad na umalis sa tabi ko ang kambal at tinignan kung sino ang nasa labas.


"Hi Tito Sir Echo." Narinig kong sigaw ng dalawa.


"Hi Kishi, Masayuki. Tito Echo missed you a lot."  Sumunod ako sa kanila, nakita kong niyakap ng kambal ang dalawa. Kasama niya ang driver ng kumpanya at may mga hawak ito na malaking  box.


Ang two weeks na out of the country ni Echo ay naging one month, palagi niya pa din ako tinatawagan those times na nasa abroad siya. He always update me kung nasaan siya pero itong paguwi niya ay hindi niya nabanggit sa akin.


"Hi K, miss din kita." He said ng makita niya ako sa likod ng screen na pintuan. Nakita ko na naman ang dimples niyang naguumapaw at ang sweet na smile niya towards me.


"Hindi mo sinabi sa akin ngayon uwi mo?" takang tanong ko sa kanya, inutusan niya ang driver niya na ipasok na ang box na dala nito. Pasalubong niya daw ito sa amin.


Sumunod naman ang kambal at excited na binuksan ang box.


One Day | VicerylleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora