BII- 12 Barbeque

3.2K 131 21
                                    



"Hoy marse, ano puro cellphone ka na lang diyan? Hindi mo na kami kakausapin? Tapos mukhang kilig na kilig ka pa diyan. Ang mga ngiti mo hindi matanggal ah" tinignan ko lang si Moo na nakatitig sa akin, pakielamerang frog. Hindi ko naman siya pinapakialaman sa panonood niya sa tv ko.

"Porket naka-ngiti kinikilig na agad? Hindi ba pwedeng baliw lang talaga ako. Walang basagan ng trip." Sabi ko pero hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa labi ko. Katext ko kasi si Karylle kanina pa, ang sarap kasi niyang asarin. Halos buong araw ko na yata siya katext.

"Sino ba kasi yang katext mo." Nagulat ako ng nasa likod ko na pala si Poo at nakikiusyoso sa kausap ko sa cellphone.

"Tsupee, you're invading my privacy." Iritang sabi ko sabay tago ng cellphone ko. Hays isa pa tong pakialemerong shokey.

"Omg may nakita akong ice cream." Tili ni Poo at lumapit kay Moo, sinabunutan niya ito nagtaka naman si Moo at gumanti din ng sabunot.

"Pucha mapanakit ka Poo. Ano naman kung may nakita kang ice cream?" suway ni Moo ng akmang sasabunutan na naman siya ni Poo.

"Kenekeleg akers, si marse. Ang katext niya name ice cream." I rolled my eyes ng sabay silang tumingin sa akin, ang bilis ng mga mata nito ni Poo nakita niya kaagad name ng katext ko.

" Marse? Sinong ice cream yan?" nanlaki ang mga mata ni Moo ng nag sink in siguro sa utak niya kung sino ang posibleng maging katext ko.

"Oops! Wag mo na ituloy ang sasabihin mo. Binabalaan kita." Pinandilatan ko sila ng mata at pumasok sa kwarto ko. Mga daot eh.

"Marse!!! Paano na si Fafa Coco? Mentos ka na ba? Naku pagbuksan mo kami ng pinto kailangan mong umamin sa amin! Now na.." kinakalampag ni Moo ang pintuan ng kwarto ko. Bahala sila, ewan ko ba naiirita ako. Pag merong humahadlang sa ginagawa ko, masama bang makipagtextmate?

Simula ng magkatext kami ni Karylle, ewan ko ba hindi na ako natigil sa pangungulit sa kanya. May time pa nga na nasa line lang ako while listening sa ginagawa niya. Iba lang yung feeling habang pinapakinggan ko ang boses niya, lalo ng marinig ko ang mga maliliit na boses  sa background. Mga anak niya.

"Uy marse, ano ba? Ang dami mo ng sikreto sa amin ah. Ganyan ka na ngayon ah." Si Poo naman ang nagsisisigaw.

"Pwede ba wala akong ginagawang kababalaghan, wag kayong paranoid." Ganting sigaw ko sa dalawa.

"Pwede ba marse, tigilan mo kami. Kanina ka pa hindi maubusan ng ngiti. Hindi naman si Fafa Coco kausap mo. Buksan mo na to' dali na." pangungulit ni Moo. Patuloy pa din siya sa pagkatok, nakatitig lang ako sa cellphone ko at paulit-ulit na binabasa ang conversation namin, ang tagal niya magreply. Buti na lang after few minutes ay nanahimik na ang dalawang bakla.

Ice Cream ≧◉◡◉≦ 

"Sorry late reply, kumain kasi ako ng meryenda."

 

"Anong kinain mo?"  agad na reply ko.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now