39- Ngess who?

4.1K 150 50
                                    



 ♥♥♥



"Ses pwede ba kami manood ng practice mo ngayon?" andito sila Anne ngayon sa Condo ni Karylle maaga pa lang ay andito na sila at nambubulahaw ni Vhong.


"Oo naman kaya lang baka maboring kayo don." Sagot ni Karylle na kasalukuyang nag-aayos ng bag niya.


Si Vhong naman ay busy sa paghahanap ng makakain sa ref nito.


"K bakit puro juice at crackers lang ang laman ng kusina mo. Nagugutom na ako." Sigaw ni Vhong mula sa dining area. Nasa kwarto kasi si Anne at Karylle.


"Mamaya na lang ikaw kumain pag-alis natin may pakain si Joan maya sa practice namin." Sigaw din ni K, naghahanap kasi siya ng masusuot last day na kasi ng rehearsal nila. At sa makalawa simula na ng tour nila.


They will have shows in Hawaii, Japan, Dubai, Singapore, Hongkong at pinakahuli ang Pilipinas kung saan makakapagbakasyon siya ng ilang buwan.


"K, kumukulo na ang tiyan ko kasi ito si Anne hindi ako pinapakain." Puno ang bibig na sabi ni Vhong pinatulan na din niya ang oatmeal cookies sa mesa ni Karylle.


"Kailangan natin magtipid uy ang laki ng gastos natin papunta dito. Narinig mo may pakain sa studio maghintay ka." Singhal ni Anne kay Vhong.


"Sabi ko nga mahal eh." Lumabas na si Vhong sa kwarto ni Karylle at nilantakan ang mga natirang cookies.


"Teka lang ses ah sagutin ko lang tong tawag. Hintayin ka na lang namin sa salas" sinara na ni Anne ang pintuan ng kwarto at lumabas para sagutin ang tumatawag sa cellphone niya.


Nagsimula na si Karylle mag-ayos at maligo may call time kasi sila ng 11am sa studio. Kabisado na naman niya lahat ng kakantahin niya pero syempre kailangan perfect kaya kahit 2 days na lang ay aalis na sila ay todo practice pa din sila.


***


STUDIO THEATER

 

"Relax lang kayo dito ah balikan ko kayo pag break time." Ani Karylle, andito sila sa isang theather pumuwesto sila Anne sa may balcony para kitang-kita nila ang ganap sa stage. Mga staff kasi at cast ang mga nasa baba.


Solve na si Vhong dahil ang dami niyang nakain kanina ang daming foods kanina bago sila pumunta dito. Dumaan muna kasi sila sa isang restaurant.


Nagsimula na ang rehearsal, ang mga ibang cast muna ang nauna. They were singing their show theme song while they were dancing. Then sa kalagitnaan ay lumabas na si Karylle and Christian silang dalawa kasi ang main cast ng show.


It's not about singing and dancing lang may mga arte din silang ginagawa. Mostly si Karylle at Chrisitian ang bida.


Napapasinghap na lang si Anne sa pinapanood, super fans kasi siya ng show nila Karylle. Sobrang ganda kasi ng kwento nito. Tungkol ito sa isang magkakabata, na nahulog ang damdamin ng lalaki pero ang babae ay may ibang mahal.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now