BII-5 Family Day

2.9K 102 27
                                    

“Hi Tito Sir Echo.” Narinig kong sabi ni Masayuki, paglingon ko ang boss ko andito, pinagbuksan siya ng pinto ng dalawa. Kasalukuyan kasi akong naghahanda ng agahan namin ng mga kambal.

“Kamusta naman ang mga cute na baby patotie?” he squatted down para maabot ang mga anak ko sinalubong siya ng mga ito at hinalikan.

“We’re doing good Tito Sir Echo.” Sagot ni Kishi. Nakita ko na may inabot siyang dalawang balot ng pagkain sa dalawa.

“That’s good.” Masayang naupo ang dalawa sa sala at tinignan kung ano ang laman ng paper bag mukhang pancakes.

“Hi K.”  bati niya sa akin naglakad na siya papalapit sa akin at bineso ako.

“Hi Echo ang aga mo ah.” Sagot ko at pinaupo ko siya.

“Sinusundo ko kayo.” Aniya.

“Ah, diba half day ako ngayon may program kasi sa school family day nila.” Pagpapaalala ko sa kanya. Binigyan ko siya ng kape.

“Yah I remember that kaya nga ako andito to join you. Kaya nga family day dapat andon ang parents nila. Hindi naman kumpleto if ikaw lang, I can be a substitute.” He said at nakatingin sa dalawa na naglalaro sa mga toy cars nila sa sala.

“You don’t need to do this Echo nakakahiya.” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ko.

“Taos sa puso ko ito K, I want to help you raise them. Hindi naman ako nagmamadali na tanggapin mo ako, I just want to be here for you, for the twins. Masaya ako pag nakikita ko silang masaya, para sa akin para ko na rin silang mga anak.” Seryosong sambit niya sa akin, ramdam ko naman ang pagiging sinsero niya sa amin mag-iina. Since the time he confessed to me that was months ago naramdaman ko naman ang magandang hangarin niya sa amin.

Pero hindi pa rin kasi talaga ako handa, Echo is an ideal man I must admit. He’s stable, gentleman, he’s thoughtful pero single siya at ako kasal with kids pa. And up until now wala pa rin closure sa amin ng asawa ko. Hanggat hindi ko nakikita ang katawan niya buhay man siya or patay sa tingin ko hindi ko pa rin kaya mag-letgo.

I let go of my hand, pumunta na lang ulit ako sa niluluto ko.

“Matatapos na ako dito sa niluluto ko, sabay ka na sa amin kumain ah.” Pag-iiba k ng usapan. Naramdaman ko naman nasa likod ko siya.

“Oo naman hindi talaga ako kumain para makakain ako ng luto mo.” I felt that he hugged me from my behind.

“E-echo maupo ka muna doon malapit na ako dito matapos.” Suway ko sa kanya at pumunta ako sa lagayan ng mga plato at nilagay ito sa mesa. Umalis nga siya at pumunta sa mga anak ko.

***

“Meron kang appointment this afternoon pwede naman ihatid mo lang kami babalik na lang ako office pagkatapos nito.” Sabi ko kay Echo andito na kami sa kotse niya papunta sa school. Chineck ko kasi ang listahan ng gagawin niya today.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now