BII- 13 The Revelation

3.3K 158 19
                                    





After kong maligo, medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Habang naghahanap ako ng masusuot ko I glance at her wallet na nasa tokador ko. Ilang minuto ko itong hawak at tinititigan. Nang bumalik ako sa ulirat ko, I decided that i will give it back to her. Agad akong nagbihis at kinakabahan ako habang nagmamaneho ng motor ko.

Finally after kong mahirapan sa paghahanap ng building ng work niya I'm already here. I checked the time quarter to five na sana maabutan ko pa siya.

"Hi miss I'm looking for Ana Karylle Viceral, saang floor siya?" I asked the receptionist sa ground floor.

"Give me one moment sir." The receptionist started to check her computer. After few minutes she gave me on what floor I can find Karylle.

Nakakaloka tong elevator na to. Dapat may swipe card ka bago ka makasakay, kailangan ko pang maghintay ng empleyado para makasabay ako. I push the button for the 36th floor. Nasa tuktok na ata itong si Karylle kaloka ang taas.

Ako na lang ang natirang tao sa elevator ng marating ko ang 36th floor. I tried to open the door pero nakalock, naku need din pala ng swipe card para makapasok. Kumatok ako and the receptionist see me, she sign na pwede na ako pumasok.

"Hi! I'm Peter I'm looking for Ana Karylle Viceral. Andyan pa ba siya?" agad na tanong ko sa receptionist.

"What do you need? Do you have an appointment?" she asked me, napaisip tuloy ako hindi naman niya alam na pupunta ako dito eh.

"I'm her friend, may ibibigay lang ako." She's scanning me looking at me like she's checking if I'm telling the truth.

"Okay just wait here." She told me to just to sit down and wait for Karylle. Kainis wala na akong maupuan na pwede ko siyang makita if palabas na siya. Walang choice kundi ang upuan na nakatalikod sa entrance ng mga employee, sana makita niya ako.

Itext ko kaya siya? Agad kung hinanap ang cellphone ko sa body bag ko, halos baligtarin ko na ang bag ko pero wala ang cellphone ko. Shocks nakalimutan ko sa cr, nagsounds kasi ako kanina habang naliligo. Nagbasa na lang ako ng magazine na andito, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nagbabasa.

"Ay si bakla." Napakislot ako when I heard someone in front of me.

"Sige friend balik ka na sa work mo. Uuwi na din ako." I opened my eyes, bumungad sa akin seksing katawan ni Karylle. I looked up and smile at her. Nakatingin siya sa akin, agad naman akong naconscious kaya tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"H-hi ice cream, ay este hi Karylle." Patay na nadulas pa ako, bwiset na dila to. Ewan ko ba bigla ko siyang hinalikan sa pisngi niya na feeling ko ay ikinagulat niya.

"Hi Petra." Bati sa akin ng kasama ni Karylle, parang naalala ko siya. Mukhang ito yung isa sa mga kasama niya sa bar last time.

"Hi girl." Bati ko din sa kanya.

Tinanong ako ni Karylle bakit ako andito. After ko siyang sagutin ay agad niya akong hinila palabas at nagpaalam na sa kaibigan niya.

Sa sobrang paghatak niya sa akin ay nagdikit ang katawan namin pagpasok namin sa elevator which cause an electrifying feeling sa mga balat ko. Naramdaman kong lumayo siya ng kaunti ganoon din ako, ramdam ko pa rin kasi ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Niyaya ko muna siyang kumain bago siya umuwi, I need to give her ang naiwan niyang wallet sa bahay and I also need to talk to her. I need to clarify and know some details about what I saw inside her wallet.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now