Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 23

30.6K 668 164
By IyaLee04

(LC) Chapter 23



Pinasukan ko na lang ang mga natirang klase. Naging usap usapan ang pag-aaway na iyon sa buong durasyon. Narinig kong nagkasundo ang Lola ni Jax at ang Mayor para hindi na lumaki ang gulo. Pangalan ng angkan nila ang masasangkot kung magkataon. Lalo pa't papalapit ang halalan at hindi maaaring madawit sa gulo ang pangalan ng Mayor na may balak yata ulit tumakbo.

Pagkalinis ko ng katawan ay nahiga na ako. Matutulog na sana kung hindi ko lang napansin na umiilaw ang telepono ko at naroon ang pangalan ni Jax. Bumangon ako paupo mula sa pagkakahiga. Sumandal ako sa ulo ng higaan at niyakap ang maliit na unan bago sinagot ang tawag niya.

"Hello," mahina ang boses ko sa pag-aalalang marinig ako nila nanay sa kabilang kwarto.

"Hindi kita naihatid. Nakauwi ka na? Ngayon ko lang nahawakan ang cellphone ko. Magdamag akong pinagalitan ni Lola," narinig ko ang pagtunog ng kama niya. Mukha yatang humiga.

"Oo. Nasa bahay na ako. Naayos mo ba? Nagsorry ka sa Lola mo at sa magulang ng nakaaway mo?"

Huminga siya ng malalim. Ilan sandaling katahimikan bago siya ulit nagsalita.

"Yeah. I did what you said... Hindi ko nga alam kung bakit kita sinunod," sinundan niya ng paos na tawa ang huli niyang sinabi.

Napalabi ako't hinigpitan ang yakap sa unan. Nabigla ako sa kanya kanina. Kahit hindi ko alam kung anong puno ng away nila, mali pa rin 'yong ginawa niya. Nagimbal ako sa kaya niyang gawin kapag nagalit pero ngayong kausap na siya sa telepono, ang init init ng puso ko.

"Dahil alam mong iyon ang tama kaya mo ako sinunod. Ano pa bang ibang pwedeng maging dahilan?"

Natahimik siya. Kalaunan ay nagbuntong hininga at nagsalita.

"Hindi ko rin alam..." mahabang katahimikan ulit. "Natakot ba kita kanina?"

Hindi ako umimik. Kahit hindi ako sumagot alam niya namang oo. Sino bang hindi natakot? Kahit mga kagrupo niya, nagulat sa ginawa niya. Kung tutuusin dapat sanay na sila dahil isa rin naman sila sa mga mahilig sa away. Siguro, hindi ganoon si Jax sa ibang nakakaaway nila. Ni hindi nila nakayang pigilan kahit marami sila.

"I'm sorry..."

"Jax..." I couldn't help but leave my lips parted at his raspy voice. Para niya akong pinapatulog gamit lang ang paos na boses niya.

Wala naman siyang kailangan na ihingi ng tawad sa akin ngunit nakapagtatakang gumaan ang loob ko at wala nang natirang takot. Kahit kausap ko lang siya sa telepono para niya akong pinapakalma. Napangiti ako at hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang nararamdaman ko.

"Bakit? Humihingi ka ng pasensya para saan?" mahina akong tumawa kasabay ng paglamlam ng aking mga mata. "Hindi naman ako 'yong binugbog mo."

"I'm sorry because I think I scared you... Kung ano man ang iniisip mo sa akin hindi ako gano'n... Nakita ko sa mga mata mo at kung paano mo ilayo ang kamay mo... Iniisip mo bang kaya kitang saktan, Clementine?"

"Hindi sa gano'n, Jax," napatingin ako sa pinto at mas hininaan ang boses. "Nagulat lang ako pero hindi ko naman naisip na sasaktan mo ako-"

"Ayaw mong magpahawak kanina. Alam kong natakot kita... Hindi ko nagustuhan nang sinabi niyang idadamay ka niya... Kasalanan ko... Hindi na kita dapat isinama sa bahay nila Levi..."

Hindi ko na siya sinalungat dahil may kaonti rin naman sa akin na baka hindi pa siya tapos sa galit niya at maging ako'y masaktan niya. Humiga ako paharap sa dingding. Nakatitig ako doon at wala sa sariling napatanong.

"Ano bang pinag-awayan niyo? Ex girlfriend mo ba 'yong Georgina?" pagkabanggit sa pangalan na iyon hindi ko maintindihan kung bakit biglaan ang paninikip ng dibdib ko.

Sa party ni Levi, narinig ko na iyon. Pero magkaiba ang naramdaman ko nang araw na iyon sa ngayon. Naisip ko kasing isa lang iyon sa mga sinasabi na girlfriend sila ni Jax kahit hindi naman. Kung hindi naging sila no'n bakit hanggang ngayon usap usapan pa rin sila? Noong isang taon lang ba sila naghiwalay bago siya pumunta rito? O hindi pa sila naghihiwalay kaya hanggang ngayon nakaugnay ang pangalan niya rito? Maaaring may girlfriend nga siya kaya siguro patago siya kung mambabae. Ayaw niyang makarating doon sa Georgina dahil takot siyang hiwalayan siya?

"She's neither my girlfriend nor my ex girlfriend..."

Mula sa pagtitig sa kahoy na dingding sa kwarto ay napakurap ako ng sunod sunod. Parang may pumiga sa puso ko at nang bitawa'y maluwag akong nakahinga. Iyon ang naramdaman ko sa isinagot niya.

"Ah..." tanging nasambit ko.

Hindi ko na alam kung paano magpapatuloy ang usapan namin na hindi ako nakakapagtanong ng tungkol sa personal na buhay niya. Hangga't maaari ayoko sanang makialam.

"What are you thinking?" He asked after my long silence.

Hinila ko ang kumot at namaluktot. Pinalitan ko ang yakap na maliit na unan ng mas malaki. Isang kamay lang ang gamit kong panyakap doon at ang isang kamay ay hawak ang teleponong nasa aking tainga.

"Wala... Naisip ko lang na kung girlfriend mo siya... Hindi na ako papayag sa alok mo-"

"I just told you she's not my girlfriend..."

"Oo-"

"...and I seriously want to ask you now if you want to be my girlfriend."

"Oo na nga- ano?!" Napaahon ako at mabilis na binalot ng init ang buong mukha.

"Seryoso ako Clementine. Wala pa akong inalok na babae na maging girlfriend ko. Ikaw lang. I just think I like you. I realized it today-"

"Wait! Paano mo nasabing gusto mo ako? At paano mo na-realize ngayon?!" Hindi nawawala ang panlalaki ng mga mata ko habang nagtatanong.

"Kanina nang mapaaway ako-"

"Saan doon? Saan sa parte na iyon? Habang sinusuntok mo siya ako ang naiisip mo?"

Hindi ako makapaniwala! Masasabi mo bang gusto mo ang isang tao sa loob lang ng isang araw? May senyales ba iyon? Anu ano?

Narinig ko ang pag-upo niya. Nagbuga siya ng malalim na paghinga at nai-itsura ko siyang napapahilamos ng mukha. Wala siyang maisagot. Hindi rin siguro alam kung paano ipapaliwanag.

"I don't know. Maybe when he mentioned your name? Siguro may napagtanungan siya isa sa mga nasa party ni Levi-"

"Dahil lang binanggit niya ang pangalan ko nagkagusto ka na sa akin? Paano kung ibang pangalan ang binanggit niya? Magkakagusto ka rin do'n?" Natawa ako na may kasamang pang-aasar. Hindi ako maniniwala na gusto niya ako!

"Anong nakakatawa?!" Nai-imagine kong salubong ang kilay niya at namumula sa irita. Kung hindi ako nagkakamali sa palagay ko'y nag-i-igtingan na rin ang mga panga niya.

"Ikaw!" sabay halakhak ng malakas. Hindi ko na inalintanang baka marinig ako nila Nanay. Siguro naman tulog na sila.

Narinig ko siyang nagmura at pabalibag ko ring narinig ang pagsara ng tingin ko'y babasaging pinto ng banyo niya.

"Kalimutan mo na nga lang! Don't mind it! Let's just meet the same time tomorrow! Hindi tayo natuloy kanina!"

"Saan tayo magkikita? Sa pareho bang lugar?" hindi ko mapigilang matawa kahit iba na ang pinag uusapan namin.

"No. Magkita tayo sa building ng locker room niyo. I'll message you tomorrow and don’t try not to reply," halata ang pagpipigil ng galit sa boses niya.

Natawa ako. "Sino bang hindi nagreply kanina? Ako ba? At huwag mo na ulit akong aalukin na maging girlfriend mo kasi ayaw kitang maging boyfriend! Babastedin lang kita ng paulit ulit-"

"Maliligo ako! Papatayin ko na ito!" Hindi niya ako hinintay na magpaalam at pinatayan na ako ng tawag.

Natatawa pa ako noong una. Maya maya, natunaw ang tawa ko at napalitan ng hindi ko maipaliwanag na ngiti. Hindi ako naniniwala pero hindi ko rin mapigilang maging masaya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin, nawala na ang antok ko. Naglinis na lang tuloy ulit ako ng katawan. Naisipan ko pang mag-ahit ng balahibo sa pribado kong katawan. Pati feminine wash na nabili ko noon ngayon ko lang ginamit.

Napadapa ako sa kama. Pumikit ng mariin at ikinulong ang mahinang tili sa unan. Bakit ko ba inahit? Baka isipin ni Jax masiyado akong naghanda para rito! Paano ko pa ibabalik iyon kung natanggal ko na!

Kahit puyat pinilit kong bumangon para makapasok. Nag-text ako para sabihin na huwag na niya akong hintayin sa waiting shed, na pumasok na lang siya ng maaga sa sariling klase niya. Sinunod niya ako kaya nakapasok ako na hindi siya nakikita.

Subalit hindi pa nagtatagal na nakaupo, naramdaman ko na naman ang pag-vibrate ng telepono. Kahit hindi silipin alam ko kaagad kung kanino galing iyon. Bukod sa mga kaibigan kong kasama dito sa klase, mga magulang ko lang at si Jax ang nakakaalam ng number ko. Isang beses sa isang buwan ko lang nga itong bisitahin noon, napadalas lang magmula nang makausap ko si Jax.

Kahit tapunan ng tingin hindi ko magawa kay Jax noon dahil na rin sa unang araw na pagtapak niya pa lang sa probinsiya'y kamalasan na ang dinala niya sa akin. Nadagdagan pa nang tanggihan niya ang luto ni nanay. Lumala pa ng lumala nang ipamalas niya ang mga kagaguhan niya sa loob ng paaralan. Samantalang ngayon, nasasanay na akong kasama siya at kausap. Nagbuntong hininga ako at inilabas ang telepono. Tinakpan ko na lang ng libro at nagkunwaring nagbabasa ako.

Jax:

What are you doing?

Napasimangot ako.

Me:

Studying, idiot!

Dalawang minuto yata siyang hindi nagreply bago mag-vibrate ulit ang phone ko.

Jax:

Sorry for my late reply. Pinagalitan ako. Natawa kasi ako. Patapos na ba unang subject mo? Wala kang free time?

Me:

Wala.

Hindi ko na siya hinintay na magreply. Ipinasok ko na ang phone sa bag. Hindi ko na iyon nabalikan dahil sa sunod sunod na klase. Sa pang huling klase bago ang break, naging sunod sunod ang pag-vibrate no'n.

Nang tumalikod ang guro, pasimple kong sinilip sa loob ng bag ang telepono. Napalabi ako nang makitang hindi iyon simpleng text lang. Sa isang app siya nag-message at nagpadala pa ng mga litrato. Tatlo ang kuha niya.

Ang isa ay nakagilid ang kanyang mukha. Nasa mga mata na inaantok. Hindi ko mapigilang pasadahan ng titig ang kabuuan ng kanyang mukha. Makapal ang kanyang mga kilay. Ang mga malalalim na mga mata ay natatabingan ng mahahabang pilikmata. Perpekto ang pagkakahulma ng matangos niyang ilong. Makalaglag panty ang panlalaking panga. At pang huli ay ang mga labi niyang tila nanghahalinang halikan. May caption ang unang kuha niya sa itaas na 'I'm sleepy'.

Sinunod kong tignan ay ang pangalawang kuha niya. Napangiti ako dahil sa kuhang iyon ay halatang ipinapangalandakan niya kung gaano kalalim ang dimple niya. Nasa ilalim ang kuha ng camera dahilan upang bahagya siyang yumuko. Nakasuklay pataas ang mga daliri niya sa kanyang buhok. Nakapikit ang isang mata at naka-angat ang isang gilid ng labi upang ilabas ang isang dimple. Basa at sobrang pula ng mga labi niya na sa tingin ko'y dinilaan niya bago kumuha ng picture. Katulad sa nauna'y mayroon din caption sa isang ito. Tagalog sa pangalawang kuha niya. Pinamulahan ako nang mabasa ang nakasulat doon na 'Sana bumaha para kasama ulit kita sa classroom'.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang ibaba ko pa at makita ang huling kuha niya. Nakayukyok na siya sa lamesa. Nakagilid ang mukha upang humarap sa camera. Seryoso at mapungay ang kanyang mga mata. Nasa ibaba ang kanyang tingin. Sa kuhang ito'y para siyang nakatitig sa mga labi ko. Nang basahin ko ang huling caption sa pang huling litrato ay tuluyan nang nalaglag ang puso ko.

'I wish you were here right now. I miss your sweet lips. I miss the smell of your skin. I can't wait to kiss all parts of your body later. And I'm not lying when I said I like you, Clementine'.

"Miss Alvarina," tawag ni Mrs Emboltura.

Nabitawan ko ang phone sa loob ng bag pagkabasa ng eksaktong lugar kung saan niya kami gustong magkita pagkatapos ng huling klase na ito. Hindi ko na nagawang magreply nang tawagin na ang grupo ko para magreport. Mamaya na lang siguro o kahit hindi na dahil magkikita rin naman kami.

Seryoso kong sinagot ang ilan sa mga katanungan about sa report ng mga kapwa ko estudyante. Sakto sa pagtatapos ng sagot ko sa huling nagtanong ay ang pag-ring ng bell hudyat na tapos na ang huling klase.

"Mauna na kayo. Aayusin ko lang ito," sagot ko kay Irene nang yayain niya ako sa canteen.

Sinadya kong bagalan ang pag aayos sa mga ginamit namin sa report. Ako na rin ang nagpresintang mag-ayos para hindi na sila tumulong.

"Ikaw ang bahala! Mauna na kami ha? Nagugutom na ako!"

Tumango ako. Hinila niya si Cathy sa braso. Si Harry, nagdududa akong inilingan at mukhang alam niya ang ginagawa ko katulad ng naging dahilan ko kahapon na pagpapauna sa kanila.

Paglabas nila sa silid, binitawan ko ang mga inaayos upang malaman kung may bago ba siyang pinadalang message para sabihing naroon na siya. Nagkibit balikat ako nang makitang wala. Ang naroon ay ang tatlong litrato na huling isinend niya. Tinitigan kong muli ang mga kuha niya at mga caption na naroon. Hindi nagbago kahit nabasa ko na iyon kanina, nangingiti pa rin ako.

Habang nakangiting naglalakad papunta sa pagkikitaan namin, napapaisip ako. Masamang tao ang una kong naging impression sa kanya, kasama ang mga kaibigan niya. Sa nagdaang mga araw, nagbabago ang tingin kong iyon. Maaaring bulakbol, takaw gulo, at mabisyo sila, pero hindi naman pala masasamang tao.

There are times when anger is uncontrollable but that doesn't mean they are bad people. Anger is still a feelings. That's part of normal human emotion. Maaaring galit ngayon ngunit kalaunan, huhupa rin iyon. Katulad na lang na kung masaya ka ngayon, sa susunod maaari ka ring malungkot. That’s part of emotional cycles. Hindi pwedeng ang nararamdaman mo ngayon, iyon at iyon lang ang mararamdaman mo habang buhay. Feelings, emotions, and circumstances are changing just like everything else. Anything can change in the blink of an eye... And that is what is happening to me now.

Pagkaliko ko kung saan kami dapat na magkikita ni Jax. Napahinto ang mga paa ko. Naroon na siya subalit hindi nag-iisa. Nakahawak sa braso niya ang kamay ni Miss Abadiano. Pinagmasdan ko iyon ng mabuti at habang bumababa ang kamay nito padausdos sa kanyang braso papunta sa kanyang kamay ay sumasabay rin sa pagbagsak ang sayang naramdaman ko kanina. Nakatitig si Jax sa kanya at hinayaan si Miss Abadiano na hawakan ang kamay niya.

"Please, Jax? Let's go?" kinilabutan ako sa pagiging malambing ng boses niya. Biglaan ang pagpasok ng ala-ala sa akin nang una ko silang makita ni Jax.

Binasa ni Jax ng dila ang ibabang labi niya. Nagbuga ng malalim na paghinga at tumingin sa relong nasa pulso niya. Pagkatapos no'n ay tumingin siya kay Miss Abadiano at tumango rito.

"We'll do it quick," inalis ni Jax ang kamay ng guro na nakahawak sa kanyang kamay at magaan itong hinawakan sa braso.

Nag-iinit ang mga mata ko habang nakatingin sa likod nila. Kahit labag sa loob at mabigat ang mga paa, nagawa ko silang sundan. Bumilis ang paghinga ko at nanikip ang dibdib nang makitang sa building kung saan ko sila nakita noon ay doon din sila patungo ngayon.

Hindi ko namalayan na nanginginig na ang mga labi ko at bumabagsak na ang mga luha ko. Nang mawala sila sa paningin ko, tuluyan na akong napahagulgol.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
223K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...