LOVING THE PROSTITUTE #1

By annnido

59K 1.6K 165

"We love each other but we can't be together. I'm a slut and he doesn't deserve me."- Denise Mercado More

Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64

CHAPTER 25

1.3K 39 5
By annnido

"Denise, come here!" Nagpapadyak ako sa inis.

Kapag may ginagawa siya at hindi ako nakikita ay lagi niya akong tinatawag. Hindi niya ako hinahayaang makawala sa mga mata niya. Tanga ba siya? Paano na ang pagtakas ko nito?

Hindi puwedeng magtagal ako rito. Walang gabing hindi niya ako ginalaw. At walang gabing hindi ko siya kinamuhian.

"Ano na naman?" naiiritang tanong ko.

Nasa laundry room siya ngayon. Siya ang naglalaba ng mga damit namin dahil hindi naman niya tinawagan ang katulong nilang naglalaba ng mga damit namin. Kaya siya ngayon ang gumawa.

Pati mga underwears ko ay siya ang naglalaba. Ano naman? Nakita na niya pati loob ko, mahihiya pa akong ipakita ang underwear ko? Nah.

"Come here," tinignan niya ako ng may panunuya.

"Anong gagawin ko diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Huwag mong sabihing pati ako ay ilalaba mo?"

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at maarteng sumandal sa pintuan ng laundry room. Nakasuot lang siya ng shorts na umabot sa mga tuhod niya at white sando.

Medyo basa na rin ang suot niyang pang-itaas na ikinagwapo niya sa paningin ko. Kahit na rin sa kahit sino. I don't compliment men that much but once I compliment, I mean it. I do appreciate others physical appearance pero hindi ko lang pinapahalata.

"You and your mouth," he said then smirked.

Tamad kong nirolyo ang mga mata ko. Sigurado akong tinawag niya lang ako dahil hindi ako mahagilap ng mga mata niya. Lagi siyang ganito simula noong binalak kong takasan siya. Kaya lagi na siyang nakabantay sa'kin.

Hindi ko nga alam kung nagtatrabaho pa ba siya o hindi. Halos magtatatlong buwan na ako rito mula noong kinausap niya ako sa offer niyang deal.

"Ano?"

Irita pa rin ako. Kahit wala akong ginagawa ay dinisturbo niya ang pag-iisip ko. I'm thinking how to get away from here.

Kung tatakas ako sa gabi dahil tulog siya, alam kong mahuhuli at mahuhuli niya ako. Alam niyang laging gabi ako gumagalaw. Kung tatakas naman ako ngayon habang hindi siya nakatingin sa'kin, mahahabol at mahahabol niya ako.

Isa rin sa mga iniisip ko ay hindi ako puwedeng umuwi ng apartment ko kapag nakatakas ako. Siguradong doon siya didiretso para hanapin ako.

Wala naman akong kaibigan na patutuluyan muna at wala rin akong alam na pupuntahan. Ayos na sana kapag dito na ako nanirahan pero binababoy naman niya ako rito.

Pero hindi rin ako dapat makipaglapit sa kahit na sino. That's when I thought of something.

I can call Mason. Sigurado naman akong tutulungan ako nu'n. Pero baka may kapalit 'yon knowing that guy. Hayok siya sa sex kaya 'yon din ang ayaw ko sa kanya. Parang Luca rin siya, gabi-gabing sex. Sila 'yung mga lalaking hindi napapagod.

He gestured his hand for me to come closer. "Come here."

"Ayoko nga. Sino ka ba?" mataray kong sambit.

Umirap ako at akma siyang tatalikuran. "Come on."

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kusina. Malapit lang ang kusina sa laundry room dahil magkatabi lang sila.

Tamad akong umupo sa high stool at kumuha ng isang saging na nakaparada sa lamesa. Hindi niya ako sinundan pero minu-minuto niya akong sinisilip dito sa kusina.

Ano ba naman niyan. See? Sinong gustong mamuhay ng ganito? Minu-minutong may nakamasid sa'yo. My gosh.

"Will you stop peeking at me?" Padabog kong binaba ang kinakain kong saging at inis siyang hinarap nang mahuli kong sinilip ulit ako.

Hindi naman ako biglang tatakbo na lang bigla. Pinag-iisipan ko ang mga ginagawa ko masama man o hindi. I don't care basta alam kong magiging malaya ako. Mali man 'yon o hindi. I did that once before but I know I can do that again for the second time. But not to Luca. Kahit sabihin nating binababoy niya ako ay alam kong may maganda rin siyang ginagawa para sa'kin. Ayaw ko mang aminin pero alam kong gusto ko rin 'yon.

"Just checking on you," parang wala lang na wika niya.

"Really, Luca? Minu-minuto? Ba't hindi mo na lang gawing segu-segundo?" Tinaliman ko siya ng tingin na ikinataas lang ng kilay niya. Seryoso siya habang nakatingin sa'kin. Ano naman? Seryoso rin ako.

"Why not?" mas lalo akong nainis sa tugon niya. "By the way, your panties smell good."

Pagkasabi niya 'yon ay bumalik na siya sa laundry room. Napamaang ako sa sinabi niya. What the fuck? Napatawa ako ng sarkastiko hanggang sa napalitan ng inis na tili.

He's smelling my fucking panties? How could he. This son of a bitch.

Marahas akong tumayo at kumuyom ang mga kamao ko. "Luca! You son of a bitc—"

Bago ko matapos ang sasabihin ko ay may biglang nagsalita. "Don't call me a bitch."

Humarap ako sa babaeng masama na ang tingin sa'kin. Ba't nandirito 'to? I mean, ba't hindi ko man lang narinig na bumukas pala 'yung pintuan?

Hindi ko siya nginitian. I'm still pissed. I don't care if she's Luca's mom. Who cares? Ask my pussy if it cares.

"Mom. Why are you here?" seryoso ang boses ni Luca nang tanungin ang ina.

Bumaling ang tingin ng kanyang ina kay Luca. Kinalma ko ang sarili ko baka masigawan ko si Luca sa harap ng kanyang ina. I still have my respect...for her.

"Gusto lang kitang kumustahin." Ngumiti ng matamis ang kanyang ina. "Anyways, why is she still here?"

Because I'm not there. Nang sa'kin napunta ang tingin niya ay tinignan na naman niya ako ng masaya. I raised my eyebrows at her asking 'what?'.

"Well, I want to talk to you alone." Tumingin siya kay Luca pero kalaunan ay binaling din sa'kin. Para bang pinapaalis niya ako.

Well, gladly. Duh. As if hahayaan ni Luca na mawala ang tingin niya sa'kin. Nang magsimula akong maglakad ay nagsalita si Luca.

"Come here, Denise?"

Palihim akong ngumisi. See? I'm fucking right. Maarte akong naglakad palapit sa kanya. Tumigil ako sa tabi niya pero hindi gano'n kalapit sa kanya.

Nang humarap ako sa kanyang ina ay sirang-sira na ang mukha niya. Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Luca nang hindi ako hinayaang umalis.

"I want to talk to you alone, son," nagtataka pa ring sambit ng ina niya.

Nagtataka siguro kung ba't ako pinanatili ni Luca at hindi pinansin ang sinabi ng ina.

"Denise will stay," matigas na saad ni Luca.

Pinakatitigan muna siya ng kanyang ina para siguraduhin kung seryoso si Luca sa sinabi niya. Huminga ito ng malalim na tinatanggap ang pagkatalo.

Iginaya muna ni Luca ang kanyang inang umupo sa couch bago ako pinaupo rin sa tabi niya. Naupo ang ina niya sa single sofa sa gilid at kami naman sa pahabang couch. May espasyo sa pagitan namin ni Luca pero hindi 'yon gano'n kalayo. Mga ilang pulgada lang.

"There's a party coming this Friday. We should be there as a family," pinakinggan ko lang ang sinabi niya.

Wala akong pakialam kung anong pag-uusapan nila. Wala lang. Gusto ko lang ipakita na hindi niya ako basta-basta matatalo. She screams power at kapag hindi ka lumaban, matatalo ka talaga sa tingin pa lang niya.

Pansin ko ngang medyo hindi siya masungit sa'kin na hindi gaya ng mga nasa teleserye na gagawin lahat ng manugang para mapaghiwalay ang anak sa babaeng hindi niya gusto. Titignan lang niya ako ng masama pero hahayaan din niya.

"You can just call me," reklamo ni Luca.

Hindi ko alam kung anong ikinarereklamo niya pero kita ko talagang ayaw niyang nandito ang ina niya. Siguro nga pero hindi naman ako sigurado.

"I told you, gusto rin kitang kumustahin," her mom smiled before paying attention on me.

Hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon.

Wala akong mabasa sa mukha ni Luca kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa ina. "Oh, it's almost lunch. Hindi mo ba ako pakakainin?"

Bumuga ng malalim na hininga si Luca. "Wait here. Magbibihis lang ako."

Pinukulan ako ng tingin ni Luca. Nagtagal 'yon kaya hindi ko napigilan magsalita. "What?"

"Don't do anything stupid," hindi na siya tumingin pa sa kanyang ina at naglakad na papunta sa itaas.

Nang mawala si Luca saka ako tumingin sa ina niya. Alam kong may gusto siyang sasabihin pero hindi niya lang masabi dahil nandito si Luca kanina.

"Layuan mo ang anak ko," walang emosyon niyang aniya.

Hindi pa rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Hindi siya nagpapakita at hindi rin ako magpapakita. Kung sana lahat ganito, that will make the world fair.

"Hindi nga ako makatakas mula rito dahil sa kanya." Umismid ako pero hindi masyadong pinahalata sa kanya.

"Then escape, I'll help you," parang desidido siyang paalisin ako.

I arched my eyebrows. "Alright. What is it?"

Pareho kaming tahimik nang makababa si Luca. Nag-order na lang kami ng pagkain dahil gutom na raw ang ina niya at hindi na niya mahihintay kung magluluto pa si Luca.

"I'll go ahead." Humalik siya sa pisngi ng ina bago ako tinginan ng makahuluhang tingin. Tinanguan ko lang.

Nang bumalik ang tingin kay Luca ay ngumiti siya ng matamis. Nagtataka si Luca sa klase ng tinginan namin ng kanyang ina pero wala siyang sinabi hanggang sa nawala sa paningin namin ang ina niya.

"Anong sinabi niya sa'yo?" tumaas ang kilay ko sa seryosong tanong niya.

I acted innocent. Umiling ako sa kanya pero pinakatitigan niya lang ako. Binabasa niya ang nasa utak ko but I know better.

"You're coming with me on Friday." Palipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko.

I flipped my hair and answered. "Ayoko nga."

Bigla siyang tumango na ikinataka ko. "Alright. Then let's not attend."

"Are you sure? Isn't that an important party?" I stand straight and looked him straight in the eyes.

"It's important but if you don't want to come, then I won't attend too," siguradong aniya.

Seryoso ba siya? I'm just kidding. Paano ako makakatakas kung hindi kami pupunta. This is my last chance.

"Nah. I changed my mind. Sasama ako." I smiled genuinely.

I never smiled genuinely but why not? It's my time to take back my freedom. Kaya lubos-lubusin na natin ang pagngiti.

He smiled for the first time. It's not for teasing me and it's not something fake. It's also genuine. What's with him?

"Let's go somewhere."

Hindi natanggal ang ngiti niya. Napatitig ako roon at parang gusto kong titigan na lang siya. I admit, ang ganda ng tingin niya.

"Where?" paos kong tanong.

"Somewhere." I rolled my eyes. Here his somewhere again.

I changed my clothes because I want to get out. Ilang araw na akong nabuburyo rito. Para akong bilanggo with punishment.

Napailing-iling ako sa naisip ko. I know right.

"Look, I'm not wearing something exposing again," tamad kong wika. Sa tuwing nagdadamit ako ay lagi talaga niya akong binabantayan.

He doesn't want me to wear offensive clothes. Sino ba talaga ang magdadamit?

"Just making sure." Sinarado niya ang pintuan nang makitang nakasuot na ako ng square pants at loose long sleeves.

Wala rin ako sa mood magdamit ng mga pampalabas kaluluwang damit. Ayaw ko ring makipag-away na naman sa kanya. Siguro sa susunod na lang muna.

"What the heck?" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Amusement park? What are you? A five-year old brat?"

Ngumiti lang siya at hinila ako sa braso. "It's fun. Come on."

Is he really this childish? I sighed. I've never been in this kind of place. Hindi ko kailan man naranasan ang pumunta sa ganito. My mom died when I was born and my father hated me for it.

"No. I won't ride with your shits," I said dead serious.

"Oh, come on. What do you want to do then? Fucking in bed all day?" he said boredly.

Oh. Fuck him. I'll probably play in this hell than him fucking me in bed.

"Fine. Let's go."

We tried ferris wheel that only made me puked. Damn. Sabi ko nga bang ayoko, e!

"This is your fault." Hinihimas niya ang likod ko habang nasusuka pa rin ako sa gilid.

"Come on. You're acting like you've never been in this place."

Pinukulan ko siya ng masamang tingin bago inayos ang sarili ko. Hinding-hindi na ako sasakay sa gano'n. Halos mamatay ako kanina nang magsimulang bigla-biglang mag-iikot ang sinakyan namin.

"I never been in this kind of place," sabi ko na parang wala lang sa'kin. Pinaningkitan ko siya ng tingin.

Nilagay niya ang mahabang buhok kong humaharang sa likod ng mga tainga ko at sinakop lahat ng buhok ko. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Do you have a ponytail?"

Tumango ako at hindi na nakayang magsalita dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. Kinapa ko ang pantali sa bulsa ko saka ibinigay sa kanya.

Napatitig ako sa kanya habang abala siya sa pagtatali ng buhok ko. Medyo nahirapan pa siya dahil sa haba ng buhok ko at halatang hindi niya alam magtali ng buhok. Nang matapos ay hinila niya ako palapit sa kanya hanggang sa napasandal ako sa dibdib niya. He smelled my hair and savored it for seconds.

"You're beautiful."

...

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 968 40
--- [DISCLAIMER] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the auth...
301K 7.1K 46
Meet Xeldre Samonte, a.k.a the number one model in her country. Mataray sya at talagang sadista kaya walang tumatagal na P.A sa kanya. One day, bigla...
94.3K 2.5K 39
[COMPLETED] WARNING: R-18 | MATURE CONTENT | READ AT YOUR OWN RISK He's a well-known singer. I was just a girl hiding away from my parents' spotlight...
199K 4.9K 37
Their marriage was arranged, but their desire was not... WARNING: MATURED (R-18) AHEAD Ⓒ︎2022