Xander:Till Death Do Us Part

By anniansker

814K 19.9K 4.2K

"Hindi kita mahal! Bakit hindi mo maintindihan iyon! At mas lalong hinding hindi kita mamahalin! Stop pushing... More

Prologue
1. Chasing Xander
2. New Friend
3. She's Sick
4. Denial King
5. Elimination Round
6. Broken Heart
7. She's Leaving
8. Furious Talia
9. She is Back
10. Bar Encounter
11. Xander wants
12. Sweet Sauce
13. Smells good
14. Seatmates
15. Yummy food
16. Xander Beast Mode
17. Caught In the Act
18. Ice for Martin
19. Concert Tickets
20. Xander's Revenge
21. Shower Room-SPG
22. Dining Room-SPG
23. Wedding Booth
24. Let's Get Married-SPG
25. Taking the Risk
26. Quickie-SPG
27. Tired and Hungry Jess
28. goodluck kiss
29. SPG-i love you
30. She's in danger
31. Jess? What's wrong?
32. we will try our best
33. Secret
34. cheese
35. broken
36. walang nangyari
37. smile
38. buking
39. I Miss You
40. chance-SPG
41. Mrs. Steve
42. pumasok ka na!-SPG
43. I can't calm!
44. Truth
45. Truth 2
46. Pain
47. I'm sorry
48. Death
49. Lost
50. Start Again
51. The New Girl
52. Second glance and gone
53. Kid
54. Pregnant
55. She's coming back
56. Sino ka?
57. Crush
58. Allowance
59. Shopping
60. Lavigne Miguel Esteban
61. Water
62. Picture
63. Big Boss Wife
64. Daddy
65. Soft
66. Home-SPG
67. Towel-SPG
68. Asawa-SPG
69. Elevator
70. See it yourself
71. Penthouse
72. Pissed
73. Furious
74. Don't love love me! haha!
76. Shake
77. I don't like her
78. Xander is Mad
79. Shut Up

75. She's bleeding

8.9K 275 69
By anniansker

Para to kay FraPrinceCallaga. Eto na oh. Haha! Nakakadugo ng utak ha. 😄😄😄

----

What do you want?",masungit na tanong ni Jess sa manager na nanginginig na ngayon sa kanyang harapan.

Hindi kasi nito akalain na nakakatakot palang magalit itong asawa ng boss nila.

"M-madam ah k-kasi ah e-

Inis na huminga ng malalim si Jess. Hindi pa naaalis ang init ng ulo niya sa asawa tapos naiinis din siya dito sa kausap na ninenerbyos. Nakakatakot ba ang mukha niya at hindi nito maayos ayos ang pagsasalita!

Mukhang may dalaw siya dahil mainit ang kanyang ulo.

"Ano ba! Ayusin mo nga ang pagsasalita mo! Naiinis ako sa boses mo! Ah eh oh ah! Ano nga! Sumasakit ang ulo ko sayo!",mainit ang ulong sabi ni Jess saka napahawak sa ulo ng makaramdam ng pagkahilo.

Hindi pa nga siya umiinom ng alak, nahihilo na siya. Ano ba naman yan.

"S-sorry po Madam. O-okay lang po ba kayo?",nag-aalalang tanong niya ng makitang napapikit na ang asawa ng boss nila habang hawak ang ulo.

"N-nahihilo ako",nanghihinang sabi ni Jess. May mga eksena na pumapasok aa kanyang utak pero hindi iyon klaro.

"P-po? Hala Madam. Ang mabuti pa dalhin ko na kayo sa Villa 1 malapit lang po dito Madam. Pinakamalaki sa lahat ng Villa dito sa isla.",biglang naging alerto ang manager at hinawakan si Jess para alalayan.

"No. T-tawagin mo si Xander",nanghihinang sabi ni Jess. Ang daming eksena na sabay sabay pumapasok sa kanyang utak.

Mayroong umiiyak siya habang kausap si Xander. May isang babae na kausap niya at nagmamaka-awa siya dito. Nakita niya din sina Talia at Ben.

"A-aray!",daing ni Jess ng sumakit ang kanyang puson.

"M-madam! Tulong!",natatarantang sigaw ng manager.

Agad naman silang napansin ng lalaking nagbabantay sa labas ng bar at agad sinabihan ang kasama na alertuhin ang kanilang boss na si Xander sa loob.

Unti unti ng nawawalan ng ulirat si Jess nasabay nun ay nakita niya ang sarili habang nakahawak sa kanyang malaking tiyan. May dugo sa kanyang binti. Parang totoo dahil naramdaman pa niya na may likidong lumabas sa kanyang kaselan. Nangingibabaw ang iyak ng batang babae sa kanyang utak na takot na takot habang nakatingin sa kanya.

"Tita Ganda",umiiyak na sabi ng batang babae

"X-xander",bulong ni Jess saka tuluyan ng nawalan ng malay.

Napasigaw naman ang manager at ginamit ang lakas para alalayan ang asawa ng kanilang boss.

Agad namang tumulong ang security at binuhat si Jess.

"Dalhin natin siya sa clinic",nag-aalalang sabi ng manager.

"Sige po"

"What the hell happened?!",humahangos na sigaw ni Xander. Nakasunod din ang lahat ng kanilang kaibigan at nag-aalala din habang nakatingin sa walang malay na si Jess.

Agad na kinuha ni Xander ang walang malay na asawa mula sa security.

"What did you do huh?!",malakas na bulyaw nito sa manager.

"S-sir. Nag-uusap lang po kami tapos bigla pong nahilo si Madam at nawalan po ng malay.",natataratang sabi ng manager.

"Martin, tawagan mo ang resident doctor ng isla. Ask them to go straight to the Penthouse",utos ni Xander saka mabilis na naglakad pabalik sa hotel habang buhat ang asawa.

Lahat ay nakasunod at nag-aalala din para kay Jess.

Agad namutla ang manager ng marinig ang Penthouse. Wala sa sariling sumunod din siya at mabilis na kinuha ang cellphone para tawagan ang mga empleyado. Sana napaalis na nila si Ms. Sofia sa Penthouse.

Tahimik lang na nakasunod si Talia ng mapansin niya ang pulang likido sa may binti ni Jess.

"Ohmygod! Xander!",nahihintakutang sigaw ni Talia.

"Not now Talia. Not now! I am fucking worried with my wife!"madiin na sagot ni Xander. Kulang nalang ay takbuhin ang pabalik sa hotel.

"M-may dugo siya!",nanlalaki ang mga matang bulalas ni Talia saka nanginginig na tinuro ang binti ni Jess.

Parang nanghina si Xander sa narinig at biglang napahinto sa paghakbang.

Dahan dahan siyang tumingin sa binti ng asawa at nakita nga doon ang dugo.

"Shit!",parang gusto niyang magwala sa galit na nararamdaman.

"Boss, dali! Nasa bungad na ng hotel ang doctor",sabi ni Martin.

Para namang natauhan si Xander at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad.

"Anong nangyari, sir?",agad na tanong ng doctor na sumalubong sa kanila sa lobby ng hotel.

"You! Speak! Tell what happened!",mainit ang ulong bulyaw ni Xander sa nakasunod sa kanilang manager ng hotel.

"D-doc nawalan po siya ng malay. N-nakita ko pong hinawakan niya ang ulo niya kanina",mabilis na sagot ng manager.

Dire diretsong pumasok si Xander si private lift kasama ang doctor, manager at Talia. Ang iba ay sa ibang lift na sumakay.

"She's bleeding",tiim bagang na sabi ni Xander sa doctor.

Agad na hinawakan ng doctor ang pulso ni Jess at pinakinggan iyon saka tumango tango.

Agad na lumabas si Xander ng bumukas ang lift. Kasabay nun ang paglabas nina Sofia at ng kaibigan nito habang hila ang kanilang maleta.

"Xander",bulalas na sabi ni Sofia habang bakas ang pagkagulat sa mukha.

Kumunot din ang noo ni Xander ng makita ito na galing sa loob ng Penthouse pero hindi siya nagtangkang magtanong dito.

"Open the damn door!",bulyaw ni Xander sa manager na namumutla.

"Y-yes sir",sagot nito habang nanginginig ang kamay na binubuksan ang pinto.

"Kapag may mangyaring masama sa mag-ina ko, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko",pagbabanta ni Xander dito.

"Xander, anong nangyari?",tanong ulit ni Sofia pero hindi siya pinag abalahang sagutin ni Xander at pumasok na ng tuluyan ng mabuksan na sa wakas ng manager ang pinto.

"Excuse me. Makaka alis na kayo. Hindi kayo kailangan dito",pagtataboy ni Talia kina Sofia at dali daling pumasok din sa loob ng Penthouse.

Agad na inasikaso ng doctor si Jess matapos mailapag siya sa kama ni Xander.

Binuksan nito ang hawak na bag saka mabilis na naglabas ng injection at isang maliit na botelya ng gamot.

"W-what is that?",tanong ni Xander.

Kumuha ulit siya ng isang injection at kumuha ng dugo.

"Sa labas muna tayo Xander. Hayaan mo muna ang doctor na umasikaso sa kanya",sabi ni Talia at pilit inilalabas si Xander na wala sanang kabalak balak na iwan ang asawa lalo na sa kanyang kalagayan.

Hila hila siya ni Talia habang pilit inilalabas mula sa kwarto.

"Kumusta si Jess?",tanong agad ni Gwen.

"Wala pa sinusuri pa siya ng doctor"

"Ano ba kasing nangyari?",tanong ni Ben.

Masama ang tingin na pinukol  ni Xander sa manager na naroon pa din.

"I think I understand now",mainit ang ulong sabi ni Xander.

"S-sir promise po nag-uusap lang po kami kanina ni Madam tapos bigla pong sumakit ang ulo niya",naiiyak na sabi ng manager.

"What the hell Sofia is doing at the Penthouse?",matalim na tanong ni Xander.

"M-may miscommunication lang pong nangyari sir",tuluyan ng napaluha ang manager.

Bago pa magbitaw ng salita si Xander ay bumukas ang pinto ng kwarto kaya sabay sabay silang napabaling.

"Mr. Steve",tawag ng Doctor mula sa kwarto.

Agad namang napatayo si Xander at saka bumaling ulit sa manager.

"Hindi pa tayo tapos. Sorry to disappoint you but I will not let this pass so easily.",banta ni Xander sabay pasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang asawa.

"L-love",umiiyak na tawag sa kanya ni Jess.

"Love! Hey, why are you crying?",tanong ni Xander at mabilis na dinaluhan ang umiiyak na asawa.

"I was so scared! Akala ko hindi na kita makikita.",umiiyak na sabi nito at mahigpit na yumakap kay Xander.

"Asan si Lavigne? I want to see Lavigne! Akala ko hindi ko na siya makikita!",patuloy na iyak ni Jess.

"W-wait what do you mean?",nagtatakang tanong ni Xander.

Kumalas sa pagkakayakap si Jess at buong pagmamahal na tiningnan si Xander.

"I remember everything now. The day I thought I died!",lumuluhang sabi ni Jess.

"R-really?",hindi makapaniwalang sabi ni Xander.

"Wow, thank God",mabilis na hinalikan ni Xander ang asawa sa kanyang labi.

Naghiwalay sila ng marinig ang pagtikhim ng doctor. Agad namang pinamulahan si Jess at nahihiyang tinago ang mukha sa dibdib ng asawa.

"Doc, kamusta ang asawa ko?",tanong ni Xander.

"They are both fine Mr Steve. Tinurukan ko na si Mrs Steve ng pampakapit. Nagreseta na din ako ng vitamins for her."

"Ho? Anong ibig niyong sabihin Doc?",gulat na tanong ni Jess.

"Congratulations Mrs. Steve, you are two weeks pregnant",nakangiting sabi ng Doctor.

"Ha?! Ang bilis mo naman, Love!",nanlalaki ang matang sabi ni Jess kay Xander saka sumimangot.

"Thanks, Doc! Makaka asa kayo na aalagaan ko ng mabuti ang mag-ina ko",masayang sabi ni Xander.

"Paano yan sir, una na po ako. Good thing we have our own pharmacy in the island thanks to you sir. Pwede niyo ng bilhin ang mga vitamins ni misis",sabi pa ng Doctor.

"I will, Doc. Thanks again. I will ask my secretary to come and talk to you. What else you don't have here? I will provide just tell me",sabi ni Xander.

"Thank you, Mr. Steve. Sige po at mauna na ako"

Nang nakalabas na ang doctor sa kwarto ay agad namang bumalik si Xander sa asawa.

Sumampa siya sa kwarto at agad tumabi sa kanyang asawa. Nakangiti namang nagsumiksik si Jess at yumakap dito.

"I am so damn happy, Love",bulong ni Xander saka paulit ulit na hinahalikan ang labi ng asawa.

"Hmmm. Me too. I love you, Love.",malambing  na sabi ni Jess.

They are kissing each other ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Martin.

Napanganga pa ito ng makita silang mag-asawa sa kama habang naghahalikan.

Inis na napatingin si Xander at saka mabilis na inabot ang maliit na drawer sa side table gamit lang ng isang kamay at nilabas doon ang baril.

Agad namang namutla si Martin at sing bilis ng kidlat na lumabas ng kwarto.

Natatawa nalang si Jess habang napangisi lang si Xander.

-----

2 or 3 chapters more :)



Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 61.1K 178
In which Ran keeps receiving text messages from a guy named Nix, who is obviously head over heels and courting a girl named Bea. *** will she choose...
837K 39K 30
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...