my name is not love

By mooncalfmaven

5.8K 252 26

"Love doesn't exist, literature does." For the aspiring author Nathalie, what's worse than being a primary su... More

i.
ii.
iii.
start
level one
level three
level four
level five
level six
level seven
level eight
level nine
level ten
level eleven
level twelve -
level thirteen
level fourteen
level fifteen
level sixteen
level seventeen
level eighteen
level nineteen
level twenty
level twenty one
level twenty two
level twenty three
level twenty four
level twenty five
level twenty six
level twenty seven
level twenty eight
level twenty nine
level thirty
game over

level two

270 10 3
By mooncalfmaven

     Malalim na ang gabi nang makarating ako sa kuta ko, sa likod nang lumang City Library. Hinubad ko ang denim jacket na lagi kong suot at agad akong naupo sa isang punit na karton, mag-isang ginagamot ang mga bagong sugat na natamo. 

    Sa tulong ng street lights ay kahit papaano'y naiilawan ang pwesto ko. Kung hindi lang talaga dahil sa pink kong sando at maong na shorts, baka nag mukha na akong mummy dahil sa mga benda ko sa katawan. Mabuti nalang at walang nakakakita sa 'kin ngayon. 

    Pero sino bang inu-uto ko? Kahit pa siguro maghubad ako dito wala namang makakakita. 

    Sa katiwalian nga ng Noble Families ay nagbubulagbulagan sila, sa katawan pa kaya ng isang hamak na katulad ko? 

    Mapakla akong natawa at napa iling na lang dahil sa mga naiisip. Sinimulan ko nalang din na iligpit ang mga gamit sa dalang pink na shoulder bag at marahang sinipa patago sa ilalim ng basurahan ang isang punyal na nakita.

    May mga gamit kasi akong nakatago sa kung saan saang sulok dito sa likod ng City Library, mga patalim at notebook na naglalaman ng mga estilo kung paano pumatay at magtago ng bangkay.

    Wala e, writer nga kasi ako at kailangan ko ang mga impormasyong 'yon, para mas effective ang magiging patayan sa istorya ko. 

    Don't worry, hindi ako kriminal. 

    Well, hindi pa. 

    Isang ngisi ang pumorma sa labi ko nang maalala ang isang bagay. Isang klaseng bagay na sa tingin ko ay magpapalaya sa 'min mula sa mala impyenrong lugar na 'yon.

    Masakit man ang tagiliran ay mahina pa rin akong natawa at pinagmasdan ang papel. 

-------

Mondevilla's Bloodshed Tournament 

Be anonymous, knock down your foe and win up to one million pesos. 

Ps. Sagot na namin ang funeral expenses.

-------

    Hindi ko mapigilang mapasinghal at mapatingin nalang sa patay na kalangitan. Alam kong kagahuhan 'to, pero wala akong ibang choice. Isa sa ang mga Mondevilla sa Noble Families kaya malamang sa malamang, maco-cover up lang ang aktibidad na ito. 

    At since hindi rin naman ako pakikinggan ng mga pulis kapag nag sumbong ako, edi sasali nalang ako sa tournament! Aba syempre, hindi ko palalagpasin ang tsansa na mabigwasan si Typo at magkaroon ng pera dahil doon.

    Gusto ko sanang humagalpak uli sa katatawa, ngunit naurong lang din lahat nang 'yon at mabilis na napayakap sa sarili. Bigla ba naman kasing nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Pakiramdam ko pa tuloy may nakatingin sa 'kin! 

    Mabilis akong nag palinga linga sa paligid ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.

    Napasinghal ako't sa huli ay kunot noong tinitigan ang tinted na binta sa likod ng lumang City Library. Gago naman, bakit pakiramdam ko may nakatingin sa 'kin mula sa loob ng library?

•••

    Kinabukasan ay pilit ko nang inialis sa isipan ang kilabot na naranasan ko sa sariling kuta, at kinumbinsi ang sarili na baka kako nahamugan lang ako kaya kung ano-anong nararamdaman ko. Kaya ayon, habang nagkaklase ay nag-pokus malang ako sa pagsulat ng mga To Do List at mga exercises na kailangang gawin upang ma-kondisyon ang sariling katawan. 

    Maka ilang ulit na nga akong kinamusta ng seatmate kong si Hope, ngunit mas lalo lang ata siyang nababahala kada tumatango ako at bumubungisngis na parang isang demonyo. 

    "Okay so let's proceed to your activity," saad ng Sir namin sa English dahilan para agad kong inilapag ang ballpen na hawak at tumingin sa may pisara. Ngayon na nga pala kasi pinapa-present ni Sir ang tulang ginawa namin noong nakaraang araw. Excited pa nga ako sa tulang isasalaysay ngunit ang lahat ng 'yon ay napalitan ng ngiwi dahil sa mga naririnig ko mula sa mga kaklase. 

    Maliban kasi sa roses are red at violets are blue, puro din naman kunuha sa internet ang mga pine-present nila. At alam kong hindi ako fan ng mga tula pero bwisit naman, para ngang lyrics talaga ng kanta 'yong ni-recite ng isa! 

    Napasinghal nalang talaga ako at gusto na nga sanang iumpog ang ulo sa desk, ngunit agad ding natigilan nang magtawag si Sir ng isang pamilyar na pangalan. 

    "Crisostomo, Zoen Ivan." 

    Napabalik ang tingin ko sa harap nang magtungo na doon si Ivan. Agad namang nakunot ang noo ko nang mapagtanto ang sinabi ni sir at mabilis na nag palipat lipat ng tingin sa lalakeng nakatayo sa harapan, pati na sa scratch notebook ko. 

    Zoeni? Zoen Ivan! Siya 'yong maingay na lalake sa library noong nakaraang araw? Gago, nilagay ko sa death list 'iyong pangalan niya!

    "So this is the poem that I made, but I don't think this is really about love," pag-uumpisa niya at mukhang wala namang pakialam kung makinig kami o hindi. Inayos niya pa ang frame ng salamin at mapaklang natawa. "But here it goes..."

     "I kinda like the stars,
that shines in my eyes.
I kinda like the way
It made me feel alive.
Even tho, I know,
I'm dead inside..."

    Mas lalong napa kunot ang noo ko dahil sa walang kabuhay buhay na pagbabasa niya nito. Badtrip naman, para lang siyang robot at nakakainis kasi mukhang maganda pa naman sana ang tula niya!

    "I wanna hate myself 
for loving my lies,
I wanna hate the way
I can not be revived
but I lost, the ability to feel."

    Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang biglang magtama ang paningin namin. 

    "So when it involves delusion
and toxic positivity, count, me in." Napabuntong hininga ito.

    "Because I almost believe
that stars aren't dead, 
I almost believe
I'm not out of my head.
I kinda fooled myself that 
I'm a sunshine,
When the only thing that shines 
in me, is my downfall." 

    Ngunit kahit ganoon ang tono niya, napansin kong may kung anong kirot ang mayroon sa kanyang mga mata. Lalo pa't sa 'kin ito naka tingin buong sa presentation niya.

"The more dead I become 
The more light they see,
What a misery 
For a falling star, 
Who's shattering in secrecy."

    Hindi ko na narinig ang iba niyang pinagsasabi at agad nang napahawak sa may bandang puso. Pakiramdam ko kasi ay sumisikip ang dibdib ko at ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagka ganito e hindi ko naman masyadong na gets ang mga pinagsasabi niya!

    Pero kasi, bigla akong na conscious. 'Yon ang pinaka unang tula narinig ko mula sa klase namin na may laman at kayang kumonekta sa mga audience. Pakiramdam ko ay wala nang hihigit pa doon at pinapatunayan naman 'yon ng iba ko pang mga kaklase. 

    Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa kong tula. 

    Kasi naman... kahit sabihin pa nating ang panget ng pagkaka-deliver ni Ivan sa poem niya, maganda pa rin naman ang pagkakasulat niya. Kahit pa hindi masyadong partikular sa sukat at tugma. May impact pa rin naman 'yon sa mga audience. May puso. 

    Pero 'yong akin... 

    "Del Puerto, Princess Nathalie." 

    Bahagya pa akong siniko ni Hope nang matawag ng pangalan ko. At sa isang iglap, ang lahat ng excitement ko kanina ay napalitan ng kaba. Halos malukot na ang papel dahil sa sobrang higpit ng kapit ko dito habang papunta sa harapan!

    Hindi ko aakalaing kakabahan ako ng ganito sa presentation! 

    "You can start now, Miss Del Puerto." Nabalik naman ako sa reyalidad dahil sa boses ni Sir. Tumango naman agad ako at inayos muna ang frame ng salamin ko bago nag-umpisa. "Uhm, hello guys, so this is my poem, entitled as Malignant Love." Sinubukan kong ngumiti at tinawagan ang espiritu ng kakapalan ng mukha. 

    Sa mga ganitong panahon dapat ako taas noo at confident e. Sana naman kasi ay magcooperate ang kaluluwa ko! 

    Muli akong napa buntong hininga at nagpatuloy. "People have beautiful eyes, but it is all full of lies. Can't I just remove it from your head? Let it roll to the ground full of red..." 

    Sinubukan kong maging in character at ngumisi sa kabila ng kakaibang kirot sa puso ko. At kahit papaano ay mukhang gumana naman. Nawindang nga ata silang lahat sa mga pinagsasabi ko e. Bahagya nalang akong natawa at nagpatuloy, pilit kinakalimutan ang wirdong pakiramdam na 'yon. 

    "Maybe if you're eyeless, you'll speak what you feel. Because everything that you have seen, isn't that real." 

    Marahas kong ibinagsak ang kamay sa mesa, at iniligid ang mata sa paligid. "And stop, every steps that you will make. Will be the lives that I would take," ngitngit kong saad nang sawakas ay magtama ang tingin namin ni Ivan. Mabilis na napa kurba ang labi ko sa isang nakakalokong ngisi at hindi rin inalis ang pagkakatitig sakanya. 

    "You've been mistaken for choosing me, being by my side is too deadly. Now this poison's travelling through my veins, bloods around us, people saying I'm insane." Dinilaan ko ang pang itaas kong labi bago nagpatuloy.

    "You should've known, my heart isn't for love, baby. It's for pumping blood throughout my body." 

    Hindi ko na hintay ang reaksyon ng mga kaklase ko at agad nang nag bow. Nang mukhang nag register na sa mga isip nila ang nangyari, parang mga siraulong nagsigawan ang mga ito at nagpalakpakan pa. May iba mang hindi pa rin alam kung ano ang ire-react, nanaig pa rin ang hiyawan ng iba, lalo na ng seatmate kong si Hope na may pa standing ovation pang nalalaman. 

    Napailing nalang ako dahil doon at pasimpleng nilingon ang direksyon ni Ivan. Nakaka asar man dahil hindi ito nagpapatalo sa tinginan, sinubukan ko nalang na kalmahin ang sarili at nag flip ng buhok. 

    Akala niya ha. 

    Hindi dapat ako magpaapekto sa lalakeng 'yon. Eh ano kung may puso 'yong sakanya? Tula lang 'yon. Hindi parin no'n mapipigilan ang desisyon kong kumapit sa patalim at bahiran ng dugo ang sariling mga kamay. 

•••

   Umabot hanggang recess ang hype ng mga kaklase ko sa'kin. Marami ngang gustong makisabay sa table namin, isa na roon ang transferee naming si Archie. Sabi niya ang galing ko raw umarte at bagay ako sa mga psychopath roles. At actually natutuwa ako sa mga feedbacks nila at mas gusto ko rin naman talagang sumama sakanila, kaso lang ay hindi pwede. Dahil siyempre iyon kay Typo na wala akong balak pakawalan.

      Napilit niya pa ang mga pinsan niyang samahan kami dito sa General Cafeteria para sa mga Working at Meager Class, kahit pa labag ito sa kalooban nila. Saka matagal na rin kasi niyang ipinagdikdikan sa buong mundo na mag jowa kami, kaya kahit hindi naman ako pumayag ay iyon na ang alam ng lahat. Na kesyo inlove lang daw talaga siya sa akin at kung ano ano pang kagaguhan.

     Aba, kahit naman kasi hindi pa rin ako kumbinsido na totoo ang love, alam kong hindi ganito iyon. Love isn't supposed to be this manipulative.

    "Nath, tignan mo oh, si Ivan. Yieee!" 

    Agad akong nabalik sa reyalidad dahil sa sinabing iyo ni Hope. Napasinghal ako. "Ano ba, tigilan niyo sabi ang kakatukso sa 'min. May jowa na ako," labas sa ilong ko na lang na sambit at nagpatuloy na sa paglalakad. 

    Matapos din kasi ang presentation namin noong nakaraang araw ay inasar na kami ng buong section. Napansin pala nila ang titigan sa pagitan namin ni Ivan habang nagdi-deliver ng tula kaya ayon, ginawa pa tuloy kaming love team sa room!

    Siyempre, mabilis akong tumutol doon. Kahit nga labag sa kalooban ay sinabi ko nalang na huwag na nila akong asarin kay Ivan o sa iba dahil may nagmamay ari na sa 'kin. Na jowa ko kuno si Typo. Palagi ko 'yong sinasaksak sa kukote nila kahit nakakarindi din 'yon para sa'kin. Samakatuwid, gusto ko ngang lumagok ng maraming holy water. 

    Pero kailangan e. 

    Patay kasi talaga ako kapag umabot 'to kay Typo, at kailangan kong mag focus sa mga plano ko sa buhay. Wala akong panahon sa mga kagaguhan. Muli akong napa buntong hinga at marahas na napailing. Magpapatuloy na nga sana sa paglalakad, ngunit ilang sandali lang ay hindi ko namalayang lumingon na rin pala ako sa direksyon na itinuro ni Hope kanina. 

    Doon, nakita ko si Ivan na naka tambay sa isang bench, tahimik na nagbabasa ng libro. May kasama siyang isang lalaki na may bandana sa noo. At kahit medyo malayo kami sa kinaroroonan nila ay naririnig ko pa rin ang pamilyar na boses nito. 

    "Zoeni, wala ka na ba talagang planong kausapin si Daz?" 

    Sa totoo lang, wala naman talaga akong interes sa pinag-uusapan nila at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kailangan ko nang bumalik agad kay Typo at baka mainip pa 'yon sa kaaantay. Pero on the second thought, kita ko kasing hindi pinansin ni Ivan 'yong lalaki kaya tuluyan nang inagaw nito ang librong binabasa ni Ivan. 

    Para ngang— "Ouch! What the hell?" 

    "Nako, sorry!" agad kong bulalas nang may mabangga. Ngunit nang mapagtantong si Lana ay bahagya na akong napa atras. 

    Hindi niya kasama ngayon ang mga alipores niya ngayon ngunit base sa ngisi sa ngisi sa kanyang labi, mukhang may naiisip na naman itong kalokohan. 

    "Oh, look who's here. its Typo's favorite pet!" malakas niyang sambit, dahilan para mapalingon pa sa 'min ang mga schoolmates na nasa malapit. Natatawa niya pang itinapon sa mukha ko ang walang lamang plastic bottle ngunit suminghal lang ako.

    "Tara na Hope." Nagumpisa ulit akong maglakad at hindi na lumingon pa. Nakapag sorry na rin naman kasi ako at wala rin namang patutunguhan kung magsasayang ako ng oras kay Lana. 

    "Wait, where the heck do you think you're going?" Marahas niyang hinila ang buhok ko at sa puntong 'yon, mukhang wala na ring patutunguhan kong hindi ko 'to papatulan. "Napasunod mo lang si Typo na kumain sa cheap na cafeteria, nagyayabang ka na?" 

    Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? 'Yong kahapon? 

    Ginawa 'yon ni Typo para sa 'kin? 

    "Bitaw," malamig ko lang na saad at iniwagli na muna sa isipan ang narinig. Ngunit gaya ng inaasahan, pinagtawanan niya lang ako't mas lalo pang hinigpitan ang hawak sa buhok. 

    "Dali na tumawag kayo ng teachers!" 

    "Lana, bitawan mo si Nathalie!" 

    "Hala Zoeni, pigilan mo! Myembro ka ng Student Council diba?" 

    Napasinghal nalang talaga ako at sinalag ang kamay niya. Nang mabitawan ang buhok ko ay marahas kong ipinwesto ang braso niya sa kanyang likod. Parehong istilo na ginagawa ng pulis kapag may gusto silang posasan na tao. 

    "Somebody help me! This is physical harassment!" tili ni Lana, ngunit pagak lang akong natawa. Ganoon na nga lang ang gitla ko nang mapagtantong may sumasabay pala sa 'kin.

    Agad akong napalingon sa direksyon no'n at natanaw ang isang babae sa 'di kalayuan. Naka sandal sa pader at kanina pa pala kami pinagmamasdan. Ang nakakabahala lang ay hindi pa rin ito tumitigil. Sa sobrang pakla at lakas ng tawa niya ay nakaka-asar na.

    "Hoy Rui! Hindi porket nasa Working Class ang pamilya mo ay may karapatan ka nang pagtawanan ako!" sigaw ulit ni Lana ngunit isang sarkastikong ngiti lang ang itinugon noong Rui dito.

    "Pasensya na, mukha ka kasing panget na joke. Hahaha!" 

    Maging ang mga nakarinig ay nagpipigil nalang ding matawa, dahilan upang mas lalong nagpumiglas si Lana. At kahit gusto ko mang baliin ang kamay niya, sa huli ay binitawan ko nalang din. Ang dami kasing witness. Mahirap na. 

    Agad namang nagdabog si Lana nang makawala sa pagkakahawak ko at isa isa kaming pinanlisikan ng mga mata. Animo'y napakalaking krimen ang pagpapa mukha sa kanya na kung hindi siya isang Aristokrata, ay wala naman talaga siyang binatbat sa 'min.

    "Pinagkakaisahan niyo ako? Isusumbong ko kayo kay Daddy! He can make you all suffer! Lalo kana Rui!" Marahas niyang itinuro ang direksyon ng babae. "Remember, I'm a Noble, and you're just a pathetic little bullshit!"

    Muli, ay humagalpak lang sa katatawa 'yong Rui. ngunit sa pagkakataong 'to ay nagsimula na itong humakbang palapit. May mga ngiti sa kanyang labi, ngunit kita mo naman ang talim sa kanyang mga tingin. Maging ako nga ay napa atras nang dumakwang ito palapit kay Lana. 

    "Gusto ko sanang masaktan sa pagtawag mo sa 'king pathetic, but I realized, we're all situationally pathetic," nakangiting saad ni Rui at marahang hinawakan ang necktie ni Lana.

    "And please, don't make me laugh again. Aren't you aware? Everything is bullshit. Iba-ibang level nga lang."

    Ang akala ko ay hihilayin niya pasakal kay Lana ang necktie nito, ngunit inamoy niya lang ito at halos itapon pa pabalik. Tumalikod na ito sa amin at naiwan naman si Lana na natuod sa kinatatayuan. Maging ako, si Hope at ang halos lahat ng naka saksi, kinailangan pa nga ata namin ng ilang minutong katahimikan, bago na proseso ang lahat. 

    "I fucking hate you, Rui." Rinig kong bulong ni Lana maya maya, ngunit nanatili ang mga titig ko sa direksyon ng babaeng naka pony tail at naka suot ng rose gold sweater. 

    She's creepy! 

•••

    "Bi-nully ka ni Lana?" kunot noong tanong ni Typo noong hapon ding 'yon. Akmang manunugod na nga ito sa grupo nila, ngunit agad ko nang pinigilan. 

    "Ayos na po Young Master, nabigwasan ko naman." Ngumiti ako nang pilit para huwag na niyang palakihin ang issue. Natawa lang din naman siya dahil dito at ginulo pa ang buhok ko. "Good girl."

   Napangiti ito at maya maya pa'y nagpatuloy na sa paglalaro sa cellphone niya. Naiwan naman akong pilit na inaalis sa isipan 'yong sira ulong babae kanina. At pardita, mukhang nakatutulong naman sa paglimot ko sakanya ang katotohanang kinasasadlakan ko. Ang katotohanang nakatambay nanaman kami sa Royal Cafeteria.

    Intended ito para sa mga estudyante na may Noble Bloodline. Wala lang, tambayan kapag lunch break. Halos hindi ko na nga mabilang ang mga matatalas na matang pasulyap sulyap sa 'kin. Ngunit hindi katulad noong nakaraang araw, ang mga nakatitig sa 'kin ngayon ay mula sa mga mapanuyang mga mata na nagsasabing hindi ako belong sa lugar na 'to, ang mga schoolmates naming aristokrata. 

    Napasandal ako sa kinauupuan at taas noo silang kinawayan. Wala lang din, para mas uminit lalo ang mga ulo nila at tuluyan ng mamatay. Natawa pa ako't nagpatuloy nalang sa pagtitipa ng update para sa on-going kong story. Since hindi din naman ako makakapag practice kapag naka dikit ako sa lalakeng 'to, kaya susulitin ko nalang muna ang libreng oras. 

    "Tulong! Tulong!"

    Sa isang iglap, para akong natuod sa kinauupuan dahil sa isang sigaw. Hindi ko gustong lingunin ang direksyon kung saan nanggagaling ang boses, ngunit para akong tinraydor ng katawan ko't napa baling din doon. 

    Ang nakaka asar lang, tuloy parin sila Typo sa ginagawa. Maging ang ibang mga nasa tambayan ay wala namang pakealam, habang tuluyan namanang tumigil nag pag-ikot nang mundo ko, lalo na nang magtama ang mata namin noong babae. 

    "Please tulong!" 

    "Ano ba, kahit mag sisigaw ka at may makarinig, wala namang tutulong sa 'yo," natatawang saad ni Phineas Mondevilla. Isang grade 10 student, miyembro ng Noble Families, isang aristokrata. Hawak niya ang isang babaeng mayroong kaparehong kulay ng ID sling na suot ko. Kulay putik. 

    "Wala naman silang pakialam at mas pipiliin pa rin naman nilang iligtas ang sarili nila," dagdag pa nito at bahagyang napa tingin sa direksyon ko. 

    Agad kong naikuyom ang mga kamao at marahas na napa buga ng hangin, ngunit wala rin namang nagawa nang hilahin ni Kuya Phineas 'yong babae at sinira ang necktie nito. Vini-video 'yon ng kasama niya at para pa silang mga sira ulong nagka kasayahan. 

    "Gago talaga 'yang si Kuya Phineas," bulong ni Kurt at bahagya pang natawa, dahilan upang mapa singhal ako at kunot-noo itong tinapunan ng tingin. 

     As if naman talaga may nakakatawa sa nangyayari! Hayop na yan!

   Sa mga sandaling 'yon, gusto ko silang sunugin ng buhay. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa katotohanang wala akong magawa. Gusto kong tumayo at mandigan, alam kong kaya ko sila ng pisikalan, kaso hindi naman 'yon ang punto e. Kasi sa bandang huli, mga apilyedo pa rin nila ang magsasalba sakanila. Saka ang pamilya ko ang malalagay sa peligro kapag umaksyon ako! Pinagbantaan na ako ni Typo noong nakaraan. Ayokong madamay ang pamilya ko.

    At ito! Ito ang dahilan kung bakit ayokong bumalik sa lugar na 'to. Malaya kasi nilang napag didiskitaan ang mga kauri kong miyembro ng Meager Class, mga mahihirap na naninirahan sa Yawaka. Dito sa Royal Cafeteria, hindi lang mga puti at gintong interior design ang makikita. Hindi lang din mamahaling mga pagkain, o Free Wifi, o malawak na espasyo at mga couch at lounges na pwedeng tambayan ang andidito. Andidito rin halos kalahati ng populasyon sa impyerno.

    Nagagawa nila lahat ng bagay sa lugar na 'to. Bullying, katuwaan, pang-aabuso, pangbababaoy at lahat ng bagay na nagpapaalala sa 'kin sa mga alaalang gusto kong kalimutan. At sa totoo lang, hindi ako tumakas kay Typo noong nakaraan dahil sinasaktan niya ako. Kasi sanay na naman ako sa pisikal na sakit. Mas takot ako sa mga alaalang nakikita ko kada andito ako sa lugar na 'to. Kada dinadala niya ako ng paulit ulit sa impyernong 'to. 

    "Y-young Master." Mahigpit akong napa kapit sa manggas ng uniporme niya. Mabilis naman niyang isinantabi ang ginagawa at bumaling sa 'kin. "Bakit?" 

    "P-pwede niyo ho ba akong samahan kay K-kuya Phineas? May gusto po sana akong sabihin sakanya. Pagkatapos no'n pwede ko po ba kayong mayayang manuod ng sine?" Napayuko ako, ngunit ganoon nalang ang panliliit ng mga mata nang marinig ang mapaklang pagtawa ni Kurt at nagsalita. 

    "Huwag mong sabihing magpapa-uto ka ulit kay Nathalie, Typo?" 

    Sumabat si Rob. "Yeah right, can't you see? She's going to use to to save Kuya Phineas' playmate."

    Bahagyang nagtama ang paningin namin ni Typo, at ang pag-aalala na kanina lang ay tanaw ko pa mula sa mga matang 'yon, ay unti-unti nang nilukob ng galit. 

    Napasinghap ako at mabilis na napa iling. "H-hindi po, Young Master!" bulalas ko at pilit na hindi pinansin ang mga tawanan at patuloy na panggago nila Kuya Phineas sa 'di kalayuan. 

    Seryoso kong tinitigan ang mga mata ni Typo. Umaaasang kahit ngayon lang, sana naman hindi niya pakinggan ang mga pinsan niya at ang Noble Bloodline na nananalaytay sa dugo niya. 

    Alam kong hindi na dapat akong umasa sa mga ganitong bagay, pero kung totoo nga ang sabi ni Lana kanina, sana naman, gawin niya ulit 'yon. Kahit isang beses pa, sana ako ang piliin niya. 

    "Bakit hindi nalang ang palabas nila Kuya Phineas ang panuorin natin, ngayon?" walang bahid ng kahit anong emosyon niyang saad. 

    Napabagsak naman ang balikat ko at napayuko nalang talaga. Paulit ulit na sinasabi sa isipan ang katagang patawad, habang patuloy na naririnig ang mga paghingi ng tulong no'ng babae.
   
     Sorry...

     Sorry...

     Sorry.

•••

    "Hayop ka, mamatay ka na!" suminghal ako at nagpakawala ng isang suntok. At isa pa, at sinundan pa ng isa.

    Tanging ang pagtama ng kamo ko sa bagay na 'yon, mga mabibigat kong hininga, mga sumpa at mura ang maririnig sa likurang bahagi ng lumang City Library, ang kuta ko. 

    Sa ilang araw ba naman kasing pabalik balik ng routine ko bilang alipin ni Typo, rinding rindi na talaga ako sa mukha niya at sa buo niyang kaluluwa!

    Masyadong nakaka inspire ang kagaguhan niya at ng buong Noble Fams, kaya heto't ganado ako ngayon sa pag-eensayo. Pakiramdam ko nga makakapagsulat pa ako pagkatapos ng buong patayan series na inspired sa kanila!

    "Bakulaw ka!"

    Marahas kong pinunasan ng pawis mula sa baba gamit ang kaliwang kamao. Naalala ko pa tuloy kung paanong ilang araw na akong hindi nakaka-update sa on going story ko dahil mas pinili kong maging karakter sa sarili kong kwento. Para gawin mismo sa totoong buhay 'yong mga bagay na isinusulat ko lang noon. 

    Wala na akong pakialam kung maging halang ang bituka ko, kakapit talaga ako sa patalim kung kinakailangan para sa ikakalaya ng pamilya ko, at para  mabigwasan ko na silang lahat ng hindi natatakot para sa kaligtasan ng mga mahal ko sa buhay— "Tanga, mali ang pwesto ng mga paa mo!"

    Halos masabi ko na lahat ng mura sa na alam ko sa dalawang lenggwahe nang may magsalita sa likuran ko. Agad akong napalingon at nadatnan ang isang lalakeng naka puting hoodie na may design ni Ice Bear. Naka mask ito at shades kaya hindi ko makilala kung sino. Nakahalukipkip pa nga ito habang nakasandal sa pader.

    Akala mo naman talaga ikinatutuwa kong pagmasdan niya ako! At teka nga, ano daw? 

    "Anong sabi mo?" Suminghal ako at napahawak sa bewang. 

    "Ang sabi ko mali ang pwesto ng mga paa mo," mapaklang saad nito ngunit agad ding napa ubo. 

    Gusto ko sanang maawa sa kalagayan niya dahil mukhang may sakit, ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay. Akala niya palalampasin ko 'to ah. "May isa ka pang sinabi!" 

    Sa isang iglap, napahawak ito sa batok at napaiwas pa ng tingin, "Alin? 'Yong tanga ba? Well sorry. Hindi ko naman alam na 'di ka pala mahilig sa katotohanan." 

    Parang nag init ang tenga ko sa narinig at tuluyan na itong sinamaan ng tingin. Lalo na't ilang sandali na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito umaalis sa kinalalagyan. Napapadyak nalang talaga sa inis. Talagang naupo pa siya sa may karton at sumandal sa pader. Kulang na nga lang ay kumuha siya ng popcorn at coke! 

    The audacity! 

    "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" nakapamewang kong saad nang muli itong balingan. 

    "You see, I was minding my own business, reading books inside the library. But there you are. Palagi kitang nakikita dito sa labas na mukhang baliw at natatawa ako sa 'yo." 

    Napakurap kurap ako dahil sa narinig at nang ma-absorb ang lahat ay tuluyan nang nanlaki ang mga mata. Gago naman talagang buhay!

    "Tumatambay ka sa loob ng library? Akala ko pa naman wala nang bumibisita dito?" napasigaw ako at halos makwelyuhan pa ito dahil sa sobrang taranta. 

    "Seryoso, diba matagal nang nagsara 'tong lumang City Library?" napasinghal ako. 

    "My family bought it since books interest us," kaswal nitong saad at seryosong ibinaling sa 'kin ang direksyon ng kanyang ulo. Kahit naka shades ay pakiramdam ko'y lumalagpas pa sa kaluluwa ko ang mga titig niya, dahilan upang mapalunok ako ng laway. 

    "And it seems like you're being a character of your own story, so I'm interested in you too...

    "Show me what you've got."

Continue Reading

You'll Also Like

56M 988K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
334K 10K 36
Paano kung dumating ang araw na magbago sya. Kaya nya kayang saktan ang taong nanakit at nagpaiyak sa kanya?
42.9K 4K 58
|| thewattys2021 Shortlist || Pristine Series (PRS#1) Falling in love with the last person your family would want for you. Standing up for love. Figh...
118K 2.9K 57
Huwag matakot sa title. Math lang naman 'yan. Enjoy -桜