Aya

Von MCallMeM

4.2K 503 1.3K

Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; iyon ay ang... Mehr

Foreword
Prologue : The Beginning
Chapter 1 : Weird
Chapter 2 : Stranger
Chapter 3 : Encounter
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Warning
Chapter 6 : Holding Hands
Chapter 7 : Bonding
Chapter 8 : Perfect
Chapter 9 : Jealousy
Chapter 10 : Apology
Chapter 11 : Not the Last
Chapter 12 : Family
Chapter 13 : That Guy
Chapter 14 : Unexpected
Chapter 15 : A Hug of Happiness
Chapter 16 : Creature at Darkness
Chapter 17 : His Farewell
Chapter 18 : Rainy Day
Chapter 19 : Am I Inlove?
Chapter 20 : Confession
Chapter 21 : The Truth
Chapter 22 : A Letter
Chapter 23 : Zinotes
Chapter 24 : Invisible
Chapter 25 : Hiraya
Chapter 26 : Trapped
Chapter 27 : Behind the Man in White
Chapter 28 : New Home
Chapter 29 : Rescue
Chapter 30 : Reunion
Chapter 31 : Too Much
Chapter 32 : It's Not Done Yet
Chapter 33 : Hayana
Chapter 34 : He's Back
Chapter 35 : Lost
Chapter 36 : The Plan
Chapter 37 : Sacrifice
Chapter 38 : The Origin
Chapter 39 : Calm
Chapter 40 : Symbol
Chapter 41 : Love
Chapter 42 : Questions
Chapter 43 : Backstory
Chapter 44 : Backstory II
Chapter 45 : Backstory III
Chapter 46 : Backstory IV
Chapter 47 : Backstory V
Chapter 48 : Backstory VI
Chapter 49 : End of Backstory
Chapter 50 : Changed
Chapter 51 : A Dream
Chapter 52 : Special
Chapter 53 : New Opponent
Chapter 54 : Running Away
Chapter 55 : His Twin Brother
Chapter 56 : Brain or Heart
Chapter 57 : Promise of True Love
Chapter 58 : Meeting Them
Chapter 59 : The Face-Off
Chapter 60 : The Big One
Special Chapter 1 : New Life
Special Chapter 2 : A Mark
Special Chapter 3 : She's Alive
Special Chapter 4 : Come Back
Special Chapter 5 : End Everything
Special Chapter 6 : The Finale
Author's Note
BONUS CHAPTER

Epilogue : The Ending

40 2 0
Von MCallMeM

PAGDATING ko sa Hiraya ay nadatnan ko ang mga alipores ni Llusio. Agad na hinanap ng mga mata ko sina Zieon ngunit wala sila. Nasaan na sila? Nakatakas na kaya sila? Sana, nailayo na nila sina Von mula sa mga kalaban.



"Oh, here's one now. Sino'ng hinahanap mo, Aya?" Napabaling ako sa lalaking nasa gitna. Mukhang siya ang feeling boss nila dahil sa kayabangan nito.



"Kayo ang hinahanap ko. Handa na ba kayong mamatay?" Matapang na tanong ko sa kanila pero nagtawanan lang sila kaya napangiti nalang ako.



"Kami? Matatakot sa'yo? Sino ka ba? Mag-isa ka lang, lima kami. Ano'ng magagawa mo?" Pagyayabang pa no'ng lalaki pero nginitian ko lang siya. Huwag nila akong maliitin kahit na mag-isa lang ako.



"Hinay-hinay ka sa pagsasalita mo. Baka nakakalimutan mong mas makapangyarihan ako kaysa sa inyo? Kaya kayang-kaya ko kayong patumbahin, isa-isa." Matigas na sagot ko naman sa kaniya. Nginitian niya nalang ako at sinenyasan ang mga kasama niya para sugurin ako.



Unang sumugod sa'kin ang isang lalaki na kulay puti ang buhok. Sobrang seryoso ng mukha niya at talagang nakasisindak. Ngunit hindi ako nagpatalo.



Itinaas niya ang dalawang kamay niya at mula roon ay lumabas ang kakaibang enerhiya. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at ilang sandali lang ay gumuho ang kisame sa kinaroroonan ko. Mabuti na lamang at mabilis ko iyong na-kontrol at inihagis sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang nakailag at sunod-sunod na naghagis ng mga bagay-bagay sa paligid. Lahat ng iyon ay nilabanan ko at nang huminto siya ay ako naman ang sumugod.



Gumawa ako ng ilusyon at nagulat siya roon kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti.



"Dito ka na mamamatay, any last words?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya at hindi naman siya nakapagsalita. Sinubukan niyang maglabas ng enerhiya pero nabigo siya dahil mabilis ko siyang na-kontra. Namangha rin ako sa nagawa ko dahil kaya ko nang pigilan ang isang tao sa paglalabas ng enerhiya.



Hindi ko na siya hinayaan pang makaganti at tinapos na ang buhay niya. Matapos niyon ay sinira ko na ang ilusyon na ginawa ko at hinarap ang natitirang mga kalaban.



Nabigla sila nang makitang wala na ang kasama nila. Agad na sumugod 'yong tatlong lalaki na may iba't-ibang kapangyarihan. Ginaya ko ang mga kapangyarihan nila kaya hindi ako nahirapan na labanan sila. Hindi sila makapaniwala sa nagawa ko kaya napapangiti nalang ako. Mga weak!



Katulad ng ginawa ko sa nauna, tinapos ko na agad ang tatlo gamit ang mga kapangyarihan nila mismo. Ngayon naman ay 'yong feeling boss nalang ang kailangan kong kalabanin. Alam kong hindi siya basta-basta magpapatalo pero tingnan natin kung hanggang saan siya aabot.



"Magaling, magaling. Hindi ko akalain na madali mo lang silang mapapatalsik. Pero ngayong ako na ang kaharap mo, hindi ka na magtatagumpay." Pagyayabang pa niya kaya nginitian ko nalang siya. Ayoko nang magsalita dahil masasayang lang ang lakas ko.

Agad siyang sumugod sa'kin at mabuti nalang mabilis din akong nakailag. Mabilis siya pero kaya ko siyang gayahin kaya walang problema. Hihintayin ko lang na palabasin niya ang mga kapangyarihan niya para gamitin laban sa kaniya.



Noong mapagod siya sa pagsugod sa'kin ng mabilisan ay gumamit naman siya ng enerhiya. Kakaibang enerhiya iyon at alam kong malakas. Well, I can copy it so no worries. Hinayaan ko lang siyang maghagis nang maghagis sa'kin habang kinokopya ang kapangyarihan niya. Hanggang sa maya-maya ay bumuo siya ng maraming butas na sa tingin ko ay sobrang lalim. Naglagay siya sa buong paligid para hindi ako makagalaw.



"Hindi ka na makakagalaw pa, Aya. Pa'no ba 'yan? Mukhang mas mauuna kang magpaalam kaysa sa'kin." Sarkastikong sabi niya habang may ngiti sa labi. Nginitian ko nalang din siya at sa isang kumpas lang ay nahulog na siya sa kinaroroonan niya. Rinig na rinig ko pa ang sigaw niya habang nahuhulog sa sarili niyang kapangyarihan.



Nawala na rin ang mga butas sa paligid kaya nagsimula na'kong hanapin sina Zieon. Nilibot ko ang buong paligid pero wala akong makitang kahit na sino. Sinubukan kong pumunta sa taas pero hindi pwedeng pumunta roon dahil gumuho na ang daanan.



Lumabas nalang ako at tumambad sa akin si Zin na halos mapuno na ng galos sa buong katawan. Agad niya akong niyakap.

"Ano'ng nangyari? Bakit ang dami mong galos? Nasaan si Llusio? Gagamutin kit-"



"Shhh. Huwag ka nang maingay, wala na si Llusio. Si Cassandra nalang ang kalaban. At wala 'to, mga galos lang 'to. Hindi mo kailangang mag-alala."



"What a lovely scene!" Mabilis kaming naghiwalay ni Zin nang marinig ang boses ni Cassandra. Naglalakad siya mula sa hotel.



"With what I'm seeing, natalo mo si Llusio. Wala talagang kwenta 'yon kahit kailan, puro lang yabang wala namang utak. Tsk." Patuloy niya pa saka umiling-iling. Sa pagkakataon na 'yon, ginamot ko na ang ibang sugat ni Zin.



"Well, this is the time. Oras na para malaman natin kung sino sa'tin ang matitirang matibay. I can't wait to see you pleasing me not to kill you." Sarkastikong sambit pa niya pero hindi namin siya pinansin.



"This is it, love. Let's end this battle, together..."



"Yeah, tapusin na natin ang lahat..."



×××

HINDI ko pa nagagamot ang lahat ng sugat ni Zin dahil pinatigil na niya ako. Kailangan daw naming mag-focus dahil hindi madaling kalaban si Cassandra. Hindi naman na ako nagpumilit pa kahit na gustong-gusto ko na siyang gamutin. Isa pa, tama siya. Mahirap kalabanin si Cassandra dahil sa kapangyarihan na meron siya. Hindi ko ma-kopya o ma-kontra ang kapangyarihan niya dahil pinipigilan niya ako.

Maya-maya pa ay nagsimula na siyang maghagis ng enerhiya. Hindi siya tumigil hanggang sa tumilapon ako palayo dahil ako ang pinupuntirya niya.



"Aya! Huwag mo siyang idamay rito, Cassandra! Tayo ang mag-tuos para magkaalaman!" Galit na galit na sigaw ni Zin at agad na sinugod si Cassandra. Pero katulad ko ay tumilapon lang din siya palayo dahil mas malakas pa rin si Cassandra kaysa sa kaniya.



"Mamamatay ka na!" Sigaw ni Cassandra habang buong-pwersang binabato ng kapangyarihan si Zin. Bumangon ako para tulungan siya pero mabilis akong nahawakan ng mga halimaw na palihim pa lang ginawa ni Cassandra. Wala akong ibang pagpipilian kung 'di ang harapin ang mga ito.



"Cassandra, stop it! I said you can't kill my son!" Napatigil si Cassandra dahil biglang dumating si Zino at silang dalawa na ngayon ang naglalaban. Samantalang si Zin ay hirap na hirap na bumabangon. Dahil sa matinding galit na nakikitang nahihirapan siya ay pinanggigilan ko ang mga halimaw at pinatumba silang lahat.



"Move, Zino! Umalis ka diyan! Huwag mo 'kong kalabanin!" Galit na sigaw pa ni Cassandra pero hindi nagpatalo si Zino. Nilabanan niya pa rin ito alang-alang sa kaniyang anak.



"Hindi ko hahayaang saktan mo ang anak ko! Hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ka kapag may nangyaring masama sa kaniya!" Matigas na sigaw rin ni Zino kaya lalong nagalit si Cassandra at muling naglabas ng kapangyarihan.



Nilabanan naman iyon ni Zino gamit ang kapangyarihan niya. Nagiging bato ang ibinabato ni Cassandra sa kaniya. Pero sadyang makapangyarihan si Cassandra dahil napapaatras si Zino.



"Dad!" Halos tumalsik ako palayo nang itulak ako ni Zin at mabilis na bumangon para tulungan ang tatay niya.



Dalawa na silang lumalaban kay Cassandra at medyo nahirapan naman ito. Ginamit ni Zin ang mga clones niya para guluhin si Cassandra pero gumamit din si Cassandra ng kaniyang mga halimaw kaya agad na nawala ang mga clones ni Zin.



Sinikap kong tumayo para tumulong at hindi naman ako nabigo. Lumapit ako sa kinaroroonan nila Zin at nilabanan si Cassandra. At dahil tatlo kami ay napatalsik namin siya.



Agad kong hinarap si Zin para gamutin ang mga sugat niya. Pero hindi pa man ako natatapos ay bigla niya akong itinulak at itinapon palayo. Sobrang lakas niya na parang walang makakapigil sa kaniya. Ano'ng nangyayari?



Nakita ko pang sinugod niya ang tatay niya at sila na ang naglaban. Parang may kakaiba sa mga ikinikilos ni Zin. Hindi siya si Zin, maaaring may ginawa si Cassandra sa kaniya kaya siya nagkakaganyan. Kailangan ko siyang ibalik sa dati. Hindi ko rin makita si Cassandra sa paligid kaya alam kong siya ang may kagagawan nito.



"Zin! Itigil mo 'yan! Hindi mo gusto ang ginagawa mo!" Sigaw ko habang pinipigilan si Zin na sugurin ang tatay niya. Pero dahil malakas siya ay tumilapon lang ulit ako at mas masakit na ngayon ang pagbagsak ko. Sobrang lakas niya at kapag hindi niya nalabanan ang kung anomang ginawa ni Cassandra, mapapatay na niya ang tatay niya. Hindi pwede!



"Dapat ka nang mamatay! Wala kang kwentang tao! Papatayin kita!" Napanganga ako nang magbago ang boses ni Zin habang sumisigaw siya. Para siyang sinasaniban ng demonyo. Sandali, sinasaniban kaya talaga siya? Kagagawan 'to ni Cassandra, pero paano? Kailangan kong gumawa ng paraan!



"Anak! Itigil mo 'to! Huwag mong hayaan na k-kontrolin ka ni Cassandra! L-labanan mo siya! A-anak!" Hirap na hirap na sigaw rin ni Zino habang pinipigilan si Zin sa pagsugod sa kaniya. Tama ako, kinokontrol nga ni Cassandra si Zin. Kailangan niyang lumaban dahil kung hindi... Hindi pwede, kailangan ko siyang tulungan!



"Hindi mo ako anak at hindi kita tatay! Dahil sa'yo kaya namatay si Mama! Kaya dapat lang na patayin ka dahil wala kang puso! Mamamatay-tao ka!" Galit na galit na bulyaw ni Zin at sinasakal niya na si Zino ngayon. Sinubukan kong lumapit sa kanila pero nakagawa si Zin ng clone niya para pigilan ako.



"Zin! Tama na! Lumaban ka!" Halos mabasag na ang boses ko sa pagsigaw ko. Kailangan kong mapigilan si Zin sa kung ano man ang gagawin niya. Ako lang ang makakatulong sa kaniya!



Pinatalsik ko ang clone niya at saka tumakbo papalapit sa kaniya at binato siya ng enerhiya. Mahirap para sa'kin na gawin 'yon pero iyon ang tama. Tinulungan ko namang makatayo si Zino na halos malagutan na ng hininga.



"Sinasaniban siya ni Cassandra. Kailangan mo siyang tulungan. Kapag hindi niya ito nalabanan, makukuha ni Cassandra ang kapangyarihan niya at mamamatay si Zin!" Mabilis akong napailing-iling sa sinabi ni Zino. Kailangan talaga ni Zin ng tulong ko.



Iniwan ko na si Zino at saka hinarap si Zin. Galit na galit siya at talagang hindi siya magdadalawang-isip na pumatay sa hitsura niya. Nakakatakot siya!



"Zin! Lumaban ka! Labanan mo siya! Kail-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tumalsik ako palayo. Sobrang lakas talaga ng kapangyarihan na meron siya, si Cassandra.



"Hindi mo ko pwedeng pigilan! Papatayin ko siya at isusunod kita!" Sigaw niya saka ako sinipa kaya muli akong tumalsik. Nabasa na rin ako dahil sa tubig na nagmumula sa dagat.



"Zin! Lumaban ka, please! Hindi ikaw 'yan! Labanan mo siya!" Sigaw ko pa saka hirap na tumayo. Susugod na sana siya pero mabilis ko siyang pinigilan.



Tumakbo ako para lapitan siya pero ayaw niyang magpaawat. Lalo lang siyang nagalit at inaamin ko, natatakot ako na baka mapatay niya ako at mapatay ko siya. Hindi, hindi ko kaya.



"Talagang hindi ka titigil?! Pwes uunahin na kita!" Sigaw niya saka ako sinakal. Para akong nag-aagaw-buhay dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa'kin. Natatakot ako, baka mapatay niya ako nang hindi niya alam. Hindi, hindi ako papayag.



Hindi ako nagpatalo. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para matitigan ko siya sa mga mata niya. Alam kong kaya ko siyang ibalik sa katinuan dahil nagawa ko na 'yon dati. Kailangan ko lang siyang kontrolin.



Kahit nahihirapan ay tinitigan ko siya at ilang sandali ay nagliwanag ang mga mata ko. Nagtungo iyon sa mga mata niya at unti-unti niya akong nabitawan. Napaubo na lang ako nang mabitawan niya ako dahil sa tindi ng pagkakasakal niya sa akin.



"Ano'ng nangyari? Si dad?" Iyon ang lumabas sa bibig niya nang maibalik siya sa katinuan. Pero natigilan ako nang makita ko si Zino sa likod niya at...



Walang ano-anong sinaksak nito si Zin.



"Zin! Hindi!" Halos wala ng boses na lumabas sa bibig ko nang sumigaw ako. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya nang muling siyang sasaksakin ng ama niya, ni Zino.



Pero nahuli ako dahil muling bumaon ang patalim sa bandang puso ni Zin at sa pagkakataong iyon ay mabilis akong nanghina at napaluhod na lamang. Nakita ko kung paanong sumuka siya ng dugo.



Lumitaw rin si Cassandra sa likod ni Zino at sinaksak niya rin ito sa bandang puso nang walang pag-aalinlangan.



Hindi ako makagalaw.



Tila tinakasan ako ng libo-libong enerhiya sa katawan.



Nagtama ang mga mata namin ni Zin habang patuloy pa rin siya sa pagsuka ng dugo. Hindi ko man marinig ay nabasa ko sa bibig niya ang sinabi niya sa'kin bago siya tuluyang bumagsak. Bumigay na rin ang katawan ni Zino at wala na itong buhay.



Sinikap kong maglakad na nakaluhod para lang malapitan si Zin pero nabigo ako. Hinang-hina na ako sa mga oras na 'to at hindi ko na alam kung ano'ng nararamdaman ko.



Magkahalong sakit at galit.



Sakit habang nakikita ang taong mahal ko na nawawalan na ng buhay.



Galit dahil hindi ko man lang siya nailigtas, natulungan. Galit na galit ako at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.



Sa isang sandali, ipinikit ko ang aking mga mata at umasang isa lamang itong panaginip.



Ngunit hindi. Hindi ito isang panaginip. Sinampal sa'kin nang harap-harapan ng reyalidad na gising ako at hindi nananaginip.



Lahat ng nakita ko, totoo. Lahat ng nangyari, nangyari na.



Hanggang dito nalang.



At kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Tila nakikiramay sa aking pagdadalamhati.






Wala na.






Tapos na.






Wala na ang taong mahal ko.






Wala na si Zin...






Tapos na ang laban.






Nabigo ako. Nabigo ko ang lahat.






Dahil sa dulo, natalo ako.


























Ang Wakas.


×××


A/N: Hello, guys! Finally!!! Grabeeee! Natapos ko na rin haha congratulations!!! Gusto kong humingi ng paumanhin kung sobrang tagal bago ko siya natapos. Sana patawarin niyo rin ako kung naging ganito ang ending. Broken kasi ako kaya naging ganito and plano ko talagang gawing ganito ang eksena sa ending. So, iyon na nga. Comment kayo kung nagustuhan niyo o hindi ang naging ending, kahit ano okay lang sa'kin. Malaya kayong maglabas ng hinanakit o opinyon, feedback, kahit ano. Kahit negative pa 'yan o nakakasakit ng damdamin, go! haha


By the way, uunahan ko na kayo.


May kasunod pa ito, guys kaya huwag muna kayong aalis. Sana basahin niyo pa kasi maganda ang mangyayari roon. Gusto niyo bang malaman kung ano na ang nangyari kay Aya? Kung nasaan na si Cassandra? Patay na ba siya? Mabubuhay pa kaya sina Zin at Zino? Nasaan na sina Yue, Yen, Von, Kevin, Leo at Wen? Ano na kayang nangyari kay Zieon? Tapos na ba talaga ang laban o hindi pa?



Gusto niyong malaman? Edi, ituloy niyo lang itong basahin! haha



Well, dito pa lang gusto na kitang pasalamatan dahil sa pagtitiyaga mo sa akdang ito. Maraming maraming salamat! Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan pero, Maraming Salamat! Sana, suportahan mo pa rin 'to hanggang sa dulo at hanggang sa maisalibro na siya, very far soon haha



Maraming salamat, ulit! At huwag mong kalilimutan na, Mahalaga Ka!















Lubos na nagpapasalamat at nagmamahal,

M

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

38.7K 917 46
This is the Book 2 of Falling Inlove with my Enemy. Ako Nga pala si Alena Anak ni Gusion at Lesley at Ako ang Prinsesa ng Assassin World.
185K 5.2K 63
Minsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan...
33.9K 2.4K 94
Highest Ranking: #19 in Historical Fiction (Sub-Genre) Pluma at Tinta 2020 First Placer in Fantasy category | Best in Blurb | Most Engaging Story | P...