Under The Shade (SeBy)

De wwiittyyccuuttiiee

163K 11.4K 2.8K

"You know what, I'm still curious." she said. Agad naman akong napabaling ng tingin sa kanya, nagtatanong ang... Mai multe

Author's Note
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI (Labrei)
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII - GiaPhant
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI - 🌻
XLII- BeCka
XLIII
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI- PikaJem
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
Epilogue
Special Chapter I

XLIV

1.9K 137 22
De wwiittyyccuuttiiee


MARSELA MARI GUIA

"Pano ba sasabihin sa isang tao na mahal mo siya?"

Natigil ako pagbabasa sa notes at kunot noong tiningnan siya. Seryoso lang din siyang nakatuon sa binabasa pero mukhang ang isip nasa iba.

"Simple lang." Belle replied. "Sabihin mo, ipinagtabi kita ng shanghai, easy." she said with a pride.

Napatawa naman ako. Parang tanga lang. "Come on girls, seryoso ako." tila nanlalambot pa na sinara niya ang libro at humalumbaba. "Paano?" she asked again.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Lara at Belle. Seryoso nga ang bruha. Para siyang stress na stress ngayon. Napailing na lang tuloy ako.

"Sabihin mo lang sa kanya na mahal mo siya." Lara seriously said. "Napaka dali lang solusyonan ng problema mo, ikaw lang nagpapahirap." she added.

Napatango naman ako. "Lara's right." napaayos pa ko ng pagkakaupo at ngumiti sa kanya. "Sabihin mo sa kanya ng deretso na mahal mo siya."

Nagpasalit-salit pa ang tingin niya sa'min at umayos ng upo. She let out a heavy sigh and look at me. "Paano ba sinabi sayo ni Abby na mahal ka niya?" seryosong tanong niya.

Napamaang naman ako. Wait lang, nagulat ako. Seriously? Sa'kin siya magtatanong? "Ano." I gulped hard. Sa'kin na kasi nakatuon ang pansin nilang tatlo. Bigla tuloy akong kinabahan. Kakainis. "Sinabi niya lang 'yong ano, 'yong magic word." tila hirap na hirap pa kong sabihin 'yun.

Hindi naman sa ayaw kong banggitin 'yon, feeling ko lang kasi hindi ako makahinga ngayon. Bigla kasing sumingit sa isipan ko iyong araw na sinabi niya sa'kin ang katagang 'yun.

"She directly said, "I love you Sela" ganon?" Belle asked.

Mabilis akong tumango bilang sagot. "Oo." Alangan naman kasing sabihin ko na hinalikan muna ako ng babaeng 'yon bago niya sabihin sa'kin ang salitang 'yun. I don't do kiss and tell.

"Oh yun naman pala ee." agad naman niyang tinuon ang pansin dito kay Bonitah na sobrang seryoso na ngayon ng mukha. "Sabihin mo lang,"I love you Alice", tapos!" dagdag pa niya.

Pero laking pagtataka namin nang isubsob niya ang mukha sa desk. "Sino ba kasi nagsabing si Alice?"

Napanganga ako. So, hindi si Ate Alice? Ee kung ganon, sino?

"Nek nek mo Shekinah. Anong hindi si Alice? Ee halos kasal na nga lang kulang sa inyong dalawa ee." may kalakasan pang saad ni Lang. "Wala kang maloloko dito, nako!" dagdag pa niya.

Marahas naman niyang kinamot ang noo na akala mo'y stress na stress na ang gaga. "Hindi nga siya." giit pa niya.

Napailing na lang ako. "Kung hindi siya, sino?" pagtatanong ko naman.

Tinitigan niya ko saglit bago muling isinubsob ang mukha sa desk niya. Nagkatinginan na lang kaming tatlo dito.

Anong nangyayari sa kanya? Para siyang hirap na hirap ngayon. Huminga na lang ako ng malalim at muling tinuon ang pansin sa pagbabasa dito sa notes ko. Buti na lang at maaga ako nakapasok, may oras pa  para makapag review.

"Kaya ayaw kong pumasok sa relasyon ee." sambit pa ni Lara.

"Have you ever been in love?" rinig ko pang tanong ni Belle.

"Oo naman, isang beses lang." she paused. "At wala na kong balak pumasok muli sa ganyan." dagdag pa niya.

Sukat sa narinig ay mabilis akong nag-angat ng tingin para tingnan siya. Nakatuon lang ang pansin niya sa cellphone. "Para saan pa ang pakikipagrelasyon kung maghihiwalay din naman kayo bandang huli?" prenteng dagdag niya.

Napakunot noo naman ako. Saglit pa kami nagpalitan ni Belle bago ko muling ituon ang pansin dito kay Lara. "Broken hearted ka Lang?" parang ewan na tanong ko.

Nagulat pa ko ng bigla siyang tumawa. 'Yung tawang hindi mapang-asar. Bihira ko lang marinig kay Lara 'yan, sulitin na. "Dati oo. Pero ngayon, hilom na." doon lang niya kami tiningnan, at saka ngumit ng matamis. "Nairaos ko ang gabing paulit-ulit kong tinatanong ang sarili kung anong mali sa'kin." nilagay pa niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo at saka ngumiti. "Ang sarap lang sa pakiramdam na nagawa kong lagpasan lahat ng problemang kinaharap ko mag-isa noon."

Sa pagkakataong 'to, natameme ako. Wala akong masagot sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya ngayon.

"Wala kana bang balak?" Belle asked. "I mean, pumasok muli sa isang relasyon? Magmahal muli?" pagpapatuloy niya.

Saglit lang kumunot ang noo ng isa bago muling ngumiti. "Wala na, siguro." she took a deep breath. "Tama na ang isang beses na natutunan kong magmahal."

Hindi agad kami naka-imik. Kahit si Sheki na nakasubsob ngayon sa desk niya, nakatingin na din kay Lara ngayon.

"Why? Natatakot ka ba? Na masaktan ulit?" Sheki asked all of sudden.

She just chuckled and shooked her head. "Nope" she replied, popping the "P". "Gusto ko lang masiguro na kung magmamahal muli ako, 'yon na ang huli, siya na ang huli." nakangiting saad niya. "Pagod na ko mag-explore, hindi narin naman ako bata pa para diyan."

At muli na namang namayani ang katahimikan sa'min. Minsan lang magsalita ng ganyan ka-deep si Lara, at hanggang ngayon, nagugulat parin ako sa kanya. Ibang-iba kasi siya kapag ganyan na siya, 'yong mindset niya kakaiba. Bibilib ka talaga.

"Kapag nagmahal kasi kayo, siguraduhin niyong true love na, at hindi palpitate." isa-isa pa niya kaming tiningnan. Napa-iwas tuloy ako ng tingin. Parang basag ee.

Natapos lang ang pag-uusap naming 'yon nang dumating na ang prof namin. At dahil nga exam ngayon, bantay sarado kami. Miski ang lumingon para mag-inat ng leeg, bawal. Napaka higpit. Mas mahigpit pa kaysa kay Ate. Hmp!

Mahigit ilang oras ang natapos ko ngayong araw para sa tatlong exam. Pagod na nasubsob ko ang mukha ko sa bag na nakapatong lang ngayon sa lamesa. Nakakapagod. Pigang-piga ang utak ko. Gosh.

Hindi naman kasi ako mahihirapan ng ganito kalala ngayon kung nakapag-aral pa ko ng matagal. Kasi naman, unahan pa ang landi kaysa sa review, ayan napapala. Tss.

"Tingin niyo, sino Summa Cumlaude ngayon sa batch natin?" bulong ni Belle.

Napatuwid naman ako ng pagkakaupo ko. Nasa canteen na kasi kami ngayon, si Lara na lang nabili ng pagkain namin kasi siya narin nagpresinta. "Malamang si Alice, o kaya si Pablo, alinman sa dalawa." Sheki said.

Tumango ako. "Oo, alam mo naman ang dalawang 'yon, sa lahat na lang ng bagay magkatunggali." pagsegunda ko pa.

"Kulang na nga lang pati si Sheki pag-agawan nila ee." natatawang tugon pa ni Belle.

Pati din tuloy ako napatawa. "Yiiee, haba naman ng hair mo ghorl." hinila ko pa ang laylayan ng buhok niya.

Inirapan lang naman kami ng gaga. "Mga basag."

I laughed hard. Nagdadalaga na talaga siya, ang suplada na.

Hindi din naman nagtagal, bumalik na ulit si Lara. Kaya ang siste, galit galit muna kami ngayon dahil gutom na. Hindi nga lang basta kain ginawa namin kundi lapang. Kalimutan muna natin saglit ang poise dahil gutom na gutom na talaga ako.

Nasa ganon akong eksena ng maramdaman ko naman bigla ang pag-vibrate ng phone ko. Saglit ko lang nilunok ang pagkaing nasa bibig ko bago silipin ang phone ko.

At halos mapunit naman ang labi ko dahil sa lapad ng pagkakangiti ko ng makita ko kung sino ang nagtext.

"Psst, magandang dilag." she texted.

Napatawa lang naman ako ng mahina saka mabilis na nagtipa ng isasagot sa kanya. "Psst ka din. Anong kailangan mo Abelaine?" I texted back.

Halos kakasent ko palang sa kanya nung reply ko nang maka-recieve naman agad ako ng text muli galing sa kanya. Ang bilis naman niya magtype.

"Exam ko pa. Pero tapos na ko magsagot, hinihintay ko lang si Gia na matapos." sagot pa niya.

Mabilis naman akong uminom sa tumbler ko at muling nagtipa ng isasagot sa kanya. "Ilan exam mo ngayon?"

"I have two subjects Marsela." she immediately replied.

Nagulat naman ako do'n. Sana all dalawang subject na lang ngayon. Sa'kin kasi lima na lang, pero keri naman.

"Sana all." na lang nareply ko sa kanya bago muling ibalik ang atensyon sa pagkain.

"May itatanong pala ko."

Lahat naman kami ay mabilis na napaangat ng tingin ng magsalita si Belle.

"Ano 'yon?" Sheki asked her.

"Tutal sa ating apat na nandito, kayong dalawa pa lang ni Lara ang nagkalove life." tinuro niya pa kaming dalawa ni Lara ng kutsarang hawak niya. "Itatanong ko lang, anong pakiramdam ng mahalikan at makahalik?" walang pakundangang na tanong niya.

I chocked in my own saliva when I heard those words coming from her. Mabilis kong kinuha ang tumbler ko at nilagok ang laman nun. Anak ng teteng. Sa lahat ng itatanong niya, yun pa? Grabe.

"Why? Curious ka?" taas kilay na tanong pa sa kanya ni Lara.

Nakangusong tumango naman itong isa. "Oo. At saka, paano niyo ba ginagawa 'yon?"

Literal na umawang ang labi ko. Parang gusto ko magsabi ng masasamang words. Jusko po.

"Para ka namang kahapon lang pinanganak Belle." ay wow, medyo ang yabang ni Sheki sa part na 'yan. "Kung paano ka uminom sa bote, ganon ang style."

Tuluyan na kong napahagalpak ng tawa. Napapakamot pa ko sa noo ko habang natatawa ngayon. Nakakainis.

"Ba't hindi mo na lang kaya halikan si Sheki? Para malaman mo kung anong pakiramdam." simpleng sagot ni Lara.

Nang dahil sa sinabi niyang 'yon, nagkatinginan naman itong dalawa ko at sabay na umaktong nasusuka. Napapailing na lang ako. Hindi ko talaga alam kung anong natakbo sa utak nila. Grabe.

"Bakit mo ba bigla natanong?" pagkibo ko dito.

She just shrugged. "Naisip ko lang bigla." kibit balikat na sagot niya.

"Kay Sela ka magtanong, bihasa 'yan pagdating sa ganyang bagay."

Nanlaki ang mata ko. Wow lang. Wala namang pagdadalawang isip na binato ko kay Lara itong disposable spoon na hawak ko, na inilagan lang niya. Bwisit talaga siya kahit kailan.

"Oo nga." Sheki agreed. "Ilang beses na ba kayong nagkiss ni Abby?" chismosa 'to.

Nahihiyang napakamot na lang ako sa ilong ko. "I'm sorry, but I don't do kiss and tell." napangiwi pa ko. Ang private na ng usapin na 'yon.

Nakakaunawang ngumiti naman sila sa'kin kaya nakahinga na lang ako ng maluwag.

Saglit na muling namayani ang katahimikan sa'ming apat nang magsalita na namang muli si Belle.

"May tanong ulit ako." nilagay niya pa ang dalawang kamay sa lamesa at tila kumikislap ang matang tiningnan kami.

Napahinga na lang ako ng malalim. "Siguraduhin mong maayos na 'yan ah."

Pero ang babaita, tinawanan lang ako saka tumango. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng paglunok niya. "Would you ever have sex outdoors?" she finally asked. "How about in a car?" dagdag pa niya.

At kasabay ng paglaki ng mata ko ay ang pag-awang ng labi ko. Muntik pa ngang mahulog si Lara sa kinauupuan niya.

"Pwede ba kitang sabunutan Belle? Anong klaseng tanong 'yan?" at kahit si Sheki, nagtataka narin.

Pero mukhang bingi ang kaibigan namin dahil imbes na sagutin ang tanong ni Sheki sa kanya, tinukod lang niya ang siko sa lamesa at doon humalumbaba. "Is there a sex position you want to try because you haven't done it before?" pag tatanong niya pang muli.

Napafacepalm ako. Oh my god. Hindi ko siya kinaya. "What the fuck Belle?" tila namamaos na ang boses ko.

"Yang mga tanong mo babae ka, nakakagigil." Dagdag pa ni Shekinah.

Napailing na lang ako. Grabe siya. Hindi ko makeri.

"Naisip ko nga lang bigla." Isa-isa pa niya kaming tiningnan. "Wala namang masama sa tanong ko ah?"

I shook my head in disbelief. "Wala naman. Pero nagtataka lang kami, bakit ka nagtatanong ng ganyan." sagot ko sa kanya.

She just shrugged. "I'm just curious, that's all." she simply said.

Muli na namang namayani ang katahimikan sa'ming apat. Ganon lang ang eksena namin ng magulat na lang ako bigla sa pagdating ni Abby.

"Ahm, hi?" alanganin pa niyang bati dito sa tatlo. "Anong meron? Bakit para kayong lantang gulay?" pagtatanong niya pa.

"Wala, pagod lang kami." Lara replied. "Si Belle naman, kulang lang sa sex."

Napatawa ako. Hinagisan ko pa siya nitong tissue. Parang basag. "Ay ako lang? Kayo din kayang dalawa." at tinuro pa niya yung dalawa.

Napailing na lang ako saka humarap dito sa katabi ko. "Kamusta exam natin boss ma'am?" magiliw na tanong ko.

She smiled. "Easy as pie honey." I closed my eyes when I felt her lips in my temple. "Halika, may pupuntahan tayo." Saad niya ng makahiwalay sa'kin.

Kumunot naman ang noo ko. "Saan naman? May exam pa ko." alangan namang umalis na lang ako ng hindi pa tapos exam ko. Lagot ako pag nagkataon.

Pero ang babaeng ito, ngumiti lang sa'kin at saka marahang hinawakan ang kamay ko. "May nadaanan akong simbahan malapit lang dito sa University."

I nodded slowly. "And? Anong meron sa simbahan na 'yon?" mabilis kong tugon sa kanya.

Her lips formed into a genuine smile. Marahan niya pang nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "Papakasalan na kita, remember?"

Napanganga ako. Hala? Gagi? Seryoso siya?

I gulped hard when she held my hand and intertwined our fingers. "Look into my eyes and you will understand how much you mean to me Sela, would you be mine forever?" she lovingly asked.

I stunned. Oh my gosh. Seryoso nga ata ang bruha?



--------------------------------------------
Unedited...

Continuă lectura

O să-ți placă și

875K 30.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
123K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...