LVII

1.6K 146 55
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Pasok kayo."

Mabilis ang hakbang na ginawa nila para tuluyang makapasok sa loob. Sabay pa kaming kumindat ni Sheki  sa isa't isa ng magkatapat kaming dalawa.

"Ano ba kasing ipapakita mo?" tanong pa ni Lara.

Hindi ko siya sinagot at nilapitan ko lang si Mommy na nasa sala habang nilalaro-laro si Braelynn na nakahiga ngayon sa stroller niya.

Tutal ayaw pa naman nilang umuwi, edi niyaya ko na lang sila dito sa bahay. Saka feeling ko kasi, ito narin ang tamang oras para ipakilala si Braelynn sa kanila.

"Hi mom." saglit ko pa siyang dinampian ng marahang halik sa noo bago ko buhatin itong napaka gandang bata na kasama namin. "Wala pa sina ate?" tanong ko pa.

"Wala pa. Mamaya pa 'yon, maaga-aga pa ee." she replied. "Oh may mga bisita ka pala.  Teka, kukuha lang ako ng meryenda niyo."

I smiled sweetly at her. "Thanks mom."

Ginantihan lang din niya ko ng ngiti saka pumanhik sa kusina. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko, hinawakan kasi ni Braelynn 'tong daliri ko, nakakatuwa lang. Parang bulang mabilis na naglaho ang pagod ko.

"Wow! Sino 'yan Sela? Pinsan mo?"

Ng dahil sa tanong na 'yon ni Sheki, mabilis na napadako ang atensyon ko sa kanya. Napangiwi pa ako sa loob-loob ko. Kung hindi siguro sila kikibo, hindi ko maaalala na kasama ko pala sila dito.

Mabilis akong umiling habang may malaking pagkakangiti sa labi. "Hindi ko siya pinsan." ng makaramdam ng pangangalay, dahan-dahan akong umupo dito sa sofa habang buhat parin si Braelynn. "Oy dito kayo. Maupo kayo dito."

Hindi na kasi sila na-ingli sa pwesto nila. Para silang ewan na nakatayo do'n habang  nagtatakang nakatingin sa'kin.

Kahit nag-aalangan, sumunod na lang sila sa sinabi ko at agad na umupo dito. Halos lahat pa nga sila, na kay Braelynn ang tingin.

"Kung hindi mo siya pinsan, pamangkin mo?" Belle asked.

I chuckled and shooked my head. "Nope." I replied, popping the "P". "She's my daughter." malaki ang pagkakangiting dagdag ko.

At gaya nga ng inaasahan ko, mahabang katahimikan ang namayani sa'min. Bahagya pang naka-awang ang labi nila at nanlalaki ang matang nakatingin sa'kin.

Mahinang napatawa na lang ako. Ang cute nila. Akala mo tinubuan ako ng isa pang ulo base sa tinging binibigay nila.

"She's your what?" kunot na kunot ang noong tanong ni Ate Alice.

"Daughter." simpleng sagot ko.

"Teka lang ah, nagulumihanan ako." tumikhim pa si Lara at seryosong tiningnan ako. "Anak mo 'yan? Pano? Nabuntis kaba ni Abby?" Sunod-sunod na tanong pa ng bruha.

Imbes na mainis, natawa na lang ako. Napakamot pa nga ako sa noo ko dahil pakiramdam ko na-stress ako bigla.

"Gaga! Pano mabubuntis ni Abby 'yan ee wala namang betlog 'yong tao." barumbadong sabat ni Shekinah.

Napakagat labi ako para pigilan ang sariling wag matawa. Wala man lang kapreno-preno ang bruha. Hindi man lang niya ginawang blurred. Jusme.

"Huy!" natatawang hinampas pa siya ni Belle sa braso niya.

Under The Shade (SeBy) Where stories live. Discover now