XI

1.9K 114 14
                                    


MARSELA MARI GUIA

Nailibot ko ang tingin ko ng tuluyan na kaming makapasok dito sa loob ng karinderya, kung saan ako dinala ni Abby.

Ayos lang naman dito. Hindi gaanong malaki, hindi din gaanong maliit. Sakto lang kumbaga. At saka, malinis. Maganda ang pagkaka-arrange ng mga upuan at lamesa. Napangiti na lang ako sa loob-loob ko. Mukhang maganda nga ang taste ni Abby pagdating sa ganitong bagay.

"Ayun, may bakante pa. Tara do'n."

Hindi naman na ako umangal pa ng marahan niya kong hinila papalapit sa bakanteng upuan. Bahagya pa din akong nagulat ng ipaghila niya 'ko ng upuan.

Gusto kong ngumiti sa kanya, pero mas nangibabaw ang kabang nararamdaman ko.

Nakakainis. Lately, napapansin ko madalas akong kabahan na bagay na hindi naman nangyayari sa'kin noon.

Mukhang kailangan ko na magpatingin sa espesiyalista.

"Teka, oorder lang ako. Dito ka muna."

Tanging pagtango na lang ang tinugon ko sa kanya. At katulad ng ginawa ko kanina pagkapasok na pagkapasok namin dito, nilibot ko ulit ang paningin ko.

Madaming taong nandito. Karamihan nga katulad pa namin na estudyante din. 'Yung iba ka-schoolmate namin. Siguro malaki na ang kita ng karinderya na 'to, sa mga estudyante palang ang lakas na nila ee.

Hindi din naman nagtagal at dumating na si Abby. May mga dala na siyang pagkain. Mainit-init pa ang kanin, umuusok ee.

Napatuon lang ang pansin ko sa ulam na nilapag niya dito sa mesa.

"Kilawin." I paused. "And puso burger?"

Mabilis siyang tumango sa'kin saka naupo sa harap ko. "Hindi kaba nakain niyan?"

Agad akong umiling bilang sagot. "Nakain syempre, tao ako ee."

Kung tutuusin, ngayon lang ulit ako makakapag-ulam niyan. Matagal-tagal na din 'yung huling kain ko niyan.

Tahimik naman kaming kumakaing dalawa dito. Ni hindi nga namin magawang magsulyapan 'man lang. Tama siya, masarap nga. Mukhang mapapaulit ako dito ah.

"Hindi kaba sanay kumain sa ganito?" she started.

Nagkibit balikat naman ako. "Sanay naman. Kaso pag kumakain ako sa ganito, kasama ko sina kuya." umayos naman ako ng pagkakaupo at agad na ngumiti sa kanya. "Lalo na pag nag crave kami sa lomi o goto. Kahit na hatinggabi na, lalabas pa kami para kumain nun." nakangiting dagdag ko.

Katulad ko, ngumiti din siya sa'kin. "May malapit na lomihan sa bahay namin. Dadalhin pala kita minsan do'on."

Napakagat labi ako parg pigilan ang sariling mapatili. Wala lang, natuwa lang ako bigla.

"Pero syempre, dapat libre mo." pagpapatuloy niya pa.

Inis na tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Napaka bwisit niya talaga minsan ee.

Kaya 'yung dapat na isusubo niyang ulam, hindi na natuloy dahil sa ginawa ko. Napatawa na lang tuloy ako sa loob-loob ko.

"Bakit mo naman tinapakan 'yong paa ko? Ang sakit ah." agad na angal niya.

I rolled my eyes at her. "Sorry, hindi ko alam na paa mo pala 'yon."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon