XXXVIII

1.9K 128 26
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Oh sinong magliligpit ngayon?"

Mabilis kong inubos itong tubig na iniinom ko at agad na tinuro si Ate. "Si ate Aya mommy." I replied. "Siya nakatoka ngayon."

Tahimik na tumawa lang ako dito. Habang ang napaka ganda kong ate, nakataas lang ang kilay sa'kin ngayon.

"Okay lang." kibit balikat niyang sagot. "Hindi naman ako ang maglalaba sa linggo." then she smirked at me.

At ng dahil sa sinabi niyang 'yun, napanguso ako. Oo nga pala, ako nga pala ang nakatoka sa paglalaba sa linggo. Kakainis.

"Oh tama na 'yan, magsisimula na naman kayong dalawa ee." pag-awat pa sa'min ni mommy.

Natahimik na kaming dalawa. Tapos na ko kumain pero itong mga kasama ko, ninanamnam pa ata ang bawat butil ng kanin. Ang tagal nila ee.

"Kailan balik mo sa condo mo Miguel?" mom asked him.

"Next week mom." simple at mabilis na sagot ni Kuya.

Hindi ako nakisingit sa usapan nila at tahimik na pinapaikot lang itong baso ko. May pinag-uusapan silang kung ano pero hindi ko na lang pinakinggan. Madami pa kong aaralin mamaya.

"Kuya matanong ko lang." I heard ate Aya said. "Hindi kaba nagdadala ng babae sa unit mo?" she asked.

Sukat doon ay mabilis akong napa-angat ng tingin, napaayos pa nga ako ng pagkakaupo. Medyo umaandar pagiging chismosa ko.

"No, of course not." he simply said. "Ayaw kong mabahiran ng kung anong dumi ang unit ko." at maarteng dagdag pa niya.

Napangiwi naman ako. Grabe lang sa arte. "Talaga ba kuya? Hindi pa?" pagsingit ko naman sa usapin nila.

Mabilis naman siyang tumango habang nakatingin sa'kin. "Oo naman. Hindi pa talaga." he replied.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Wala lang, trip ko lang. "Peksman? Mamatay man?"

Natatawang binato lang ako ni kuya ng tissue na ikinatawa ko lang din. "Wala nga, ang kulit ineng ah."

Binalik ko naman sa kanya itong tissue na binato niya sa'kin habang natatawa din. "Naniniguro lang. Baka may girlfriend kana pala tapos hindi mo lang sinasabi sa'min."

He shooked his head. "Sa ating tatlo Marsela, ikaw lang ang bukod tanging may girlfriend."

Napasandal naman ako sa upuan ko at inis na napairap. Edi oo na, ako na.

"Nadaigan pa nga kayong dalawa nitong si Ineng ee." at ngayon nga po, nakikidali na ang nanay ko. Ako na naman ang nakita nilang tatlo. "Nakadalawa na 'yan, kayo ba?"

Napangiwi na lang ako at saka napahilot sa sintido ko. Medyo ano, medyo nakakahiya 'yung dating nung word na nakadalawa na daw ako.

"Wag ka mag-alala mommy, magugulat ka nalang isang araw may ipapakilala na 'ko sayo." may pagkahambog pa na sagot ni ate kay mommy.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon