XLIV

1.9K 137 22
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Pano ba sasabihin sa isang tao na mahal mo siya?"

Natigil ako pagbabasa sa notes at kunot noong tiningnan siya. Seryoso lang din siyang nakatuon sa binabasa pero mukhang ang isip nasa iba.

"Simple lang." Belle replied. "Sabihin mo, ipinagtabi kita ng shanghai, easy." she said with a pride.

Napatawa naman ako. Parang tanga lang. "Come on girls, seryoso ako." tila nanlalambot pa na sinara niya ang libro at humalumbaba. "Paano?" she asked again.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Lara at Belle. Seryoso nga ang bruha. Para siyang stress na stress ngayon. Napailing na lang tuloy ako.

"Sabihin mo lang sa kanya na mahal mo siya." Lara seriously said. "Napaka dali lang solusyonan ng problema mo, ikaw lang nagpapahirap." she added.

Napatango naman ako. "Lara's right." napaayos pa ko ng pagkakaupo at ngumiti sa kanya. "Sabihin mo sa kanya ng deretso na mahal mo siya."

Nagpasalit-salit pa ang tingin niya sa'min at umayos ng upo. She let out a heavy sigh and look at me. "Paano ba sinabi sayo ni Abby na mahal ka niya?" seryosong tanong niya.

Napamaang naman ako. Wait lang, nagulat ako. Seriously? Sa'kin siya magtatanong? "Ano." I gulped hard. Sa'kin na kasi nakatuon ang pansin nilang tatlo. Bigla tuloy akong kinabahan. Kakainis. "Sinabi niya lang 'yong ano, 'yong magic word." tila hirap na hirap pa kong sabihin 'yun.

Hindi naman sa ayaw kong banggitin 'yon, feeling ko lang kasi hindi ako makahinga ngayon. Bigla kasing sumingit sa isipan ko iyong araw na sinabi niya sa'kin ang katagang 'yun.

"She directly said, "I love you Sela" ganon?" Belle asked.

Mabilis akong tumango bilang sagot. "Oo." Alangan naman kasing sabihin ko na hinalikan muna ako ng babaeng 'yon bago niya sabihin sa'kin ang salitang 'yun. I don't do kiss and tell.

"Oh yun naman pala ee." agad naman niyang tinuon ang pansin dito kay Bonitah na sobrang seryoso na ngayon ng mukha. "Sabihin mo lang,"I love you Alice", tapos!" dagdag pa niya.

Pero laking pagtataka namin nang isubsob niya ang mukha sa desk. "Sino ba kasi nagsabing si Alice?"

Napanganga ako. So, hindi si Ate Alice? Ee kung ganon, sino?

"Nek nek mo Shekinah. Anong hindi si Alice? Ee halos kasal na nga lang kulang sa inyong dalawa ee." may kalakasan pang saad ni Lang. "Wala kang maloloko dito, nako!" dagdag pa niya.

Marahas naman niyang kinamot ang noo na akala mo'y stress na stress na ang gaga. "Hindi nga siya." giit pa niya.

Napailing na lang ako. "Kung hindi siya, sino?" pagtatanong ko naman.

Tinitigan niya ko saglit bago muling isinubsob ang mukha sa desk niya. Nagkatinginan na lang kaming tatlo dito.

Anong nangyayari sa kanya? Para siyang hirap na hirap ngayon. Huminga na lang ako ng malalim at muling tinuon ang pansin sa pagbabasa dito sa notes ko. Buti na lang at maaga ako nakapasok, may oras pa  para makapag review.

"Kaya ayaw kong pumasok sa relasyon ee." sambit pa ni Lara.

"Have you ever been in love?" rinig ko pang tanong ni Belle.

Under The Shade (SeBy) Where stories live. Discover now