LXXX

2K 175 65
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Okay na ba? Do I look good?"

She chuckled. "Come on Marsela. Kanina mo pa tinatanong 'yan, paulit-ulit kana."

Napanguso ako. Grabe. Di ba pwedeng tense na tense lang ako ngayon? Duh, ngayon ko na kaya makukuha 'yong coat ko kaya malamang grabe ang kaba ko.

"I'm nervous kasi ate. Ang epal mo talaga kahit kailan." ungot ko sa kanya.

Pero ang babaitang ito, ang lakas ng tawa ngayon sa'kin. Grabe. Ang saya niya. Sana lahat.

"You look amazing Ineng." marahan niya pang hinawakan ang balikat ko. "Napaka ganda mo. Panigurado, madadagdagan na naman ang manliligaw mo."

Natawa naman ako. "I know." then I flipped my hair. Gosh, ang yabang ko. "Tara na nga sa baba. Ready na ba si Kuya?"

She rolled her eyes at me. "Kanina pa ready ang lahat. Bukod tanging ikaw na lang ang hinihintay." Napangiwi pa ako nang pisilin niya ang pisngi ko. "Ang bagal mo kasi ee. Ang dami mo pang kaek-ekan na alam."

Napanguso naman ako at palihim na inirapan siya. Ang basag trip talaga ni Ate kahit kailan. Grabe lang.

"Tama na kakaharap sa salamin. Tara na sa baba."

Tumawa na lang ako saka siya sinundan pababa sa sala. Malayo pa lang tanaw na tanaw ko na agad ang napaka cute kong anak na pilit sinusuksok 'yong laruan niyang hagdan sa bag pack niya.

Nagsalubong naman ang perpektong kilay ko.

Anong ginagawa niya.

"Braelynn? Honey." malambing na pagtawag ko sa kanya. "What are you doing?"

She looked at me. "Mommy hindi po kasya."

Umawang ang labi ko. Pasalit-salit din ang tingin ko sa bag niya at doon sa laruan niyang hagdan.

Gusto kong matawa. Pero mukhang masamang ideya ang tumawa ngayon.

Napatikhim na lang tuloy ako. "Hindi talaga magkakasya 'yan baby." I giggled and jokingly pinched her nose. "Ang laki po kaya ng ladder mo kumpara po sa bag mo." dagdag ko pa.

Her brows furrowed. "Ee bakit po si Dora?" she tilted her head a little to the side. "Pati nga po boat kasya sa bag niya."

Tuluyan na kong napatawa. Miski itong si ate na nasa likod ko lang tawang-tawa rin. Jusko lang. Ang cute niya. Sarap pugpugin ng halik sa buong mukha. Nakakagigil.

"Honey hindi ka naman kasi si Dora." natatawang sambit pa ni Ate.

Napailing na lang ako. "Halika nga kay mommy."

Hindi naman niya ko binigo at mabilis siyang lumapit sa'kin para mabuhat ko. Hahalikan ko na sana siya sa pisngi niya ng may maamoy naman akong kakaiba.

Napangiwi pa 'ko. "Ba't parang ang lansa?"

Pinagmasdan ko itong batang makulit na hawak ko. "May naaamoy kaba baby? Parang amoy fi-..."

"Braelynn!"

Kumunot ang noo ko. "Omg! Si Titong Ninong!" tarantang bulong naman nitong bata. "Mommy baba na po ako."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon