VIII

1.9K 129 11
                                    


MARSELA MARI GUIA

Mariin akong napapikit para alalahanin yung mga inaral ko kagabi. Mabuti na lang at hindi ko pa limot.

"Exam mo parin ba?" kuya Ugi asked.

Agad naman akong nagmulat para tumango sa kanya. "Yeah."

Dalawang subject lang ang exam ko ngayon. Kaya kung tutuusin, itong araw na 'to ay paborito kong araw. Bukas kasi, maghapon akong puro exam. Ngayon half day lang.

"Good luck Ineng."

Matamis ko siyang ningitian. "Thank you kuya."

Ewan ko ba kung anong naisip ni kuya at gusto niya kong ihatid ngayon. Pumayag na lang ako dahil mas makakatipid ako ngayong araw.

Minsan lang kasi maghatid si kuya, kaya sulitin na.

Hindi din naman nagtagal, naramdaman ko na din ang paghinto ng sasakyan. Pagdungaw ko sa bintana, sakto nandito na kami.

Inayos ko lang ang gamit ko at saka humarap sa gwapo kong driver. "Thank you. Ingat ka sa pagmamaneho."

"Yeah, ingat ka din. Galingan mo." nakangiting tugon ko.

Ngumiti lang naman ako sa kanya saka ako mabilis na lumabas ng sasakyan niya. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad sa room. Gusto ko pa kasing magbasa-basa habang hindi pa nagsisimula. Para naman ma-refresh ang utak ko kahit papano.

Pagkarating ko sa room, agad na bumungad sa'kin si Sheki at Belle na seryosong nagrereview. Agad naman akong umupo sa pwesto ko at ginaya sila.

Hindi pa ko nakakakalahati dito sa binabasa ko ng maramdaman ko naman ang pagkalbit ng kung sinong nasa likod ko, kunot noong napalingon naman ako sa likod ko.

"Bakit ba?", medyo na-stress ako, awit.

"Ay grabe mars. Kalma lang, relax." Sheki replied. "Gusto lang kitang kamustahin."

Napahinga ako ng malalim at inayos ang pagkakaupo ko para harapin itong dalawa. "Magkakasama naman tayo kahapon ah."

But they're just laughed at me. "Oo nga." Belle answered. "Pero gusto lang namin kamustahin ang puso mo."

Bahagya namang tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Exam day ngayon, pero puso ko pinag-uusapan namin. "Okay lang naman ako." iiling-iling na sagot ko. "Kasama ba sa exam natin ang tungkol sa nararamdaman ko?" dagdag ko pa.

Pero ang dalawang ito, tinawanan lang ako. Napailing nalang ako ulit. Mukhang nahawa na silang dalawa kay Abby na puro tawa.

Ang babaeng 'yun, ano na kayang ganap dun?

"Sabi kasi ni Sheki, nakita daw niya kahapon si Justin sa labas ng bahay niyo." walang kapreno-prenong sagot ni Belle. "Kaya alam mo na, gusto namin malaman kung kamusta ka."

Bahagya lang along natigilan, pero di kalauna'y napangiti rin. "Okay lang ako girls. Kung tutuusin, mas naging maayos ang pakiramdam ko dahil nakapag-usap kami."

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon