XXXVI

1.8K 137 58
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Tara na."

Napalunok ako. Yung lunok na may tunog talaga. Ee kinakabahan na naman ako ee. Hindi naman na ako naka-angal pa ng hilahin na ko ng babaeng 'to, papasok sa loob ng bahay.

At mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loo

"Abby" napahawak naman ako sa braso niya. "Hindi naman sila nangangagat diba?"

Pero ang babaeng ito, tinawanan lang ako. "Hindi naman. Pero ako? Oo." then she winked at me.

Inis na hinampas ko siya sa braso niya. Puro na naman siya kalokohan. Nako talaga. Marahan lang niyang hinawakan ang kamay ko bago kami tuluyang magpakita sa mga magulang niya.

Tahimik na nanonood lang naman sa sala ang mom at dad niya ng mabungaran namin.

"Hey people." pagtawag pansin niya.

Napakagat labi naman ako ng tuluyan nang humarap sa'min ang mga magulang niya. Napansin ko pa si Abea at Frances na tahimik na kumakaway sa'kin habang malalaki ang ngiti. Napangiti din tuloy ako. Gandang-ganda talaga ko sa mga batang 'to.

"Ahm, mom, dad, Abea, Frances." she started. "Si Sela po pala." napahigpit naman ang kapit ko sa kamay niya. "Si Sela po, manghihingi daw po ng bahaw."

Literal na nanlaki ang mata ko. Mabilis ko pang binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya at inis na pinaghahampas siya sa braso niya. "Anong manghihingi ng bahaw? Para kang basag."

Pero ang babaeng 'to, ang lakas lang ng tawa sa'kin ngayon. Inirapan ko lang siya saka kinurot sa tagiliran niya bago ako humarap sa mga magulang niyang malaki ang pagkakangiti ngayon.

"Hello po, magandang gabi." nahihiya ko pang saad. "Wag po kayo maniwala kay Abby, hindi po ako manghihingi ng bahaw." para kasing ewan 'to si Abelaine, parang tanga ee. "Permiso lang po hihingiin ko." I gulped hard. "Permiso na hayaan niyong mahalin ko ang anak niyo." pagpapatuloy ko pa.

Rinig na rinig ko naman ang impit na tili nung dalawa sa likod, habang itong katabi ko, hindi na makatingin sa'kin ng ayos.

Napapitlag naman ako sa gulat ng mabilis na hinawakan ng mommy niya ang buong mukha ko. Pustahan, sobrang laki na ng mata ko ngayon dahil sa gulat.

"Napaka ganda mo iha." she said, smiling widely at me. "Sigurado kaba kay Abelaine? May oras ka para tumanggi." then she giggled.

"Mom naman. Wag mong biruin ng ganyan si Sela. Baka nga biglang umatras ee." pagsingit naman nitong katabi ko.

Napangiti ako. Kahit papaano, kumalma na din ang sistema ko. Hindi na din naman pala masama. "Wala na pong atrasan 'to Ma'am. Sigurado na po ako." I sincerely said.

And I was caught off guard when she immediately hugged me. "Then, welcome to family Sela." hindi ko pa nagagawang yumakap sa kanya ng pabalik nang humiwalay na agad siya. "Hon, she's beautiful, right?"

Natuon naman ang pansin namin sa nag-iisang lalaki sa pamilya nila. Hindi naman siya sumagot bagkus matamang nakatingin lang sa'kin. Hindi ako nagpatalo at nilabanan ko ang tinging binibigay niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon